PREGNANT AFTER THE MIDNIGHT

PREGNANT AFTER THE MIDNIGHT

last updateLast Updated : 2025-03-25
By:  YUTABATAOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
113views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isang gabing hindi inaasahan. Isang pagkakamali na hindi na mababawi. Akala ni Brielle, matapos ang gabing ‘yon ay wala nang balikan, walang magiging komplikasyon. Pero nagkamali siya. Ngayon, may isang buhay sa sinapupunan niya. At ang ama? Si Matthias Castillejo—isang lalaking mayaman, makapangyarihan, at walang balak akuin ang responsibilidad. Para sa kanya, isang gabi lang ‘yon. Pero para kay Brielle, isang panghabambuhay na pagbabago.

View More

Chapter 1

Prologue

"Miss, excuse me?" inis tawag ni Brielle sa receptionist na abala sa pag-aayos ng mga papeles. Kanina pa niya ito tinatawag, pero nagkukunwari lamang ito na hindi siya naririnig. "Miss, hoy! Ako, naiinis na sayo ha! Kanina pa kita tinatawag!"

Napatingin ito sa kanya, kunwari ay nagulat, bago napangiwi sa pagngiti. "Sorry po, ma’am. Ano po pala ang kailangan ninyo?"

"Narito ba si Matthias Castillejo?"

"May appointment po ba kayo kay Sir?" balik na tanong ng receptionist sa kanya.

Napataas ang kilay ni Brielle. Masyadong nagmamagaling ang tono nito.

"May kailangan akong sabihin sa kanya, importante. Kailangan ko siya makausap ngayon din mismo."

Agad siyang sinipat ng receptionist na parang nag-aalangan kung totoo ba ang sinasabi niya.

"Ma'am, hindi kami nagpapaharap kay sir ng kung sino-ano lang. Kung wala naman pala kayong appointment, makakaalis na kayo. Wala rito si sir ngayon."

Napakurap si Brielle sa kapal ng mukha nito. Kahit pa paano, naisip niyang magiging professional naman ito—pero mukha ngang hindi.

"Nagtanong-tanong na ako sa mga nagtatrabaho rito na lumabas. Narito raw ang boss niyo ngayon at hindi umalis. Huwag mo ako pinaglololoko," madiing sabi niya.

Sinabi sa kanya ng babae kanina na lumabas ng building na ito na may pinapagalitan na naman raw si Matthias Castillejo ngayon sa opisina nito. Malinaw na nagsisinungaling lang ang receptionist.

"Kanina lang iyon," matabang na sagot ng receptionist. "Umalis na siya."

Mas lalong nag-init ang ulo ni Brielle. Kukunin pa talaga siya ng pasensya ng babaeng ito.

"Huwag mo akong lolokohin." Matalim ang tingin niyang binitiwan dito. "Hindi ako magdadalawang-isip na hambalusin ka nitong bag ko para pantay ang blush-on mo!"

Napapitlag ang receptionist a tono niya. Nang mapansin niyang napalunok ito at agad itinuro ang opisina ni Matthias, napangisi siya.

"Sa... 18th floor, Ma'am..."

"Magsasalita ka rin naman pala, ang dami mo pang satsat!" Inismiran niya ito, bago naglakad papunta sa elevator at pinindot ang 18th floor.

Deri-deritso siyang naglakad sa hallway nang makalabas siya ng elevator. Lahat ng naroon sa floor na yun ay napapatingin sa kanya.

Nang marating niya ang pintuan ng opisina ni Matthias ay malakas niya iyong itinulak ng walang pasabi. Pero pagkapasok niya, agad siyang natigilan sa nasaksihan niya sa loob ng opisina.

Anong kababuyang ginagawa ng lalaking ito?

Sa sahig ng opisina, nakaluhod si Matthias habang umiindayog ang balakang nito. Ang babae sa ilalim niya, halatang nasa alapaap.

Napangiwi si Brielle.

Sa sahig talaga? Wala nang ibang lugar?

"Mr. Castillejo," malamig niyang tawag. Pero hindi siya pinansin ng lalaki. 

Napailing siya. Kinuha niya ang isang libro mula sa shelf at walang kaabog-abog na ibinato ito sa lalaki. Eksakto itong tumama sa likod nito, dahilan para mapaatras si Matthias at mapatingin sa kanya.

Bahagyang nanlaki ang mata nito nang magtama ang tingin nila.

"What are you doing here?" malamig na tanong ni Matthias. Halatang ayaw siyang makita.

"Babe…" sabat ng babaeng katatapos lang magbihis.

"Get out," malamig na utos ni Matthias, hindi man lang ito nilingon.

"W-What?" Gulat na gulat ang babae. "Pagkatapos ng lahat, paaalisin mo lang ako?"

"Yes. I don’t repeat myself."

Galit na padabog na lumabas ang babae, sinaraduhan pa ang pinto.

Ngayon, silang dalawa na lang ni Matthias sa loob.

"Again, ano’ng ginagawa mo dito?" malamig na tanong ng lalaki.

"Wala ako rito ngayon kung gumamit ka lang sana ng condom ng may nangyari sa atin."

Saglit siyang tinignan ni Matthias, bago bumakas ang pagkapikon sa mukha nito.

"What the fuck are you saying?"

"Huwag mo akong ma-what-the-fuck diyan," sagot niya nang diretso. "Wala kang ginamit na proteksyon kaya nabuntis mo ako. Aba, hindi lang isang bata itong nasa loob ng tiyan ko, kundi dalawa. Naitindihan mo ba yun? Dalawang bata, kambal."

Halos manlaki ang mata nito sa narinig. Pero agad din siyang sinuklian ng isang mapanuksong ngisi.

"How sure are you na akin ‘yan?" Sabay turo nito sa tiyan niyang may umbok na. "Malay ko ba kung gusto mo lang pala ipaako sa akin ang bata?"

Napangisi siya, pero puno ng hinanakit. "Alam mong ikaw lang ang nakauna sa akin, Matthias. Anong karapatan mong husgahan ako? Kung hindi mo sana ako pinainom ng aphrodisiac, hindi sana nangyari ito!"

Napahawak siya sa tiyan niya, hinaplos iyon ng marahan. "Sorry, baby. Mahal na mahal ka ni Mama."

Kitang-kita niya kung paano dumilim ang ekspresyon ni Matthias. "Kahit naman may nangyari sa atin, hindi naman ibig sabihin non ay mabubuntis ka na—

Hindi niya na hinintay matapos ito. "Hindi ibig sabihin na buntis ako? Well, surprise! Buntis lang naman ako!"

Napangiwi si Matthias, halatang naiinis na. Pero ang sumunod nitong sinabi ang tuluyang nagpatigil sa kanya.

"I don't fucking care. Wala akong pakialam kung sa akin man ‘yan o hindi. I won't accept that child of yours."

Nalaglag ang puso niya sa sahig. Hindi siya makapaniwala sa narinig.

"And of course," nagpatuloy ito, ang tinig malamig na parang yelo, "we have one solution for that. Get rid of that bastard child."

Parang isang suntok sa sikmura ang sinabi nito. Hindi niya na napigilan ang luha na namuo sa mata niya.

"Bastard... child? Abortion?" napatawa siya, pero halata ang sakit sa tinig niya. "Ano ‘to, lokohan? Hindi ibang tao ang anak ko para lang tawaging bastardo! Dugo’t-laman mo ‘to, Matthias! Wala ka bang awa?!"

Matalim siyang tinitigan nito, at bago pa siya makaiwas, marahas siyang hinawakan nito sa balikat. Napadaing siya sa sakit.

"Alam mo," madiin na sabi nito, "wala akong pakialam kung ano’ng sabihin mo tungkol sa bata na ‘yan." Tiningnan nito ang tiyan niya na parang wala lang. "Wala akong interes sa magiging anak mo. Lumabas ka na rito. Huwag kang magpapakita sa akin ulit. Huwag ka na babalik."

Itinulak siya nito palabas ng opisina, at halos matumba siya sa sakit.

Ang kapal talaga ng mukha!**

Napakuyom siya ng kamao.

Nang tumalikod si Matthias, hindi siya nagdalawang-isip at sinipa niya ito sa pagitan ng hita!

Nanlaki ang mata nito, at napaluhod sa sakit.

Napangisi siya. "Enjoy your day, Mr. Castillejo. Huwag ka mag-alala, hindi na talaga ako babalik dito."

Mabilis siyang naglakad papunta sa elevator, pero bago pa siya makapasok, bigla siyang hinablot sa buhok.

"Agh!" Napasigaw siya sa sakit, nawalan ng balanse. "Aray! Ang tiyan ko!"

Bago pa siya makalaban, isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi niya. Napasubsob siya sa sahig, at doon niya naramdaman ang malagkit na likido sa pagitan ng kanyang hita.

"Tulong! Tulungan niyo ako! Ang baby ko!" sigaw niya, nagmakaawa na may makarinig sa kanya.

Nanlaki ang mata niya nang makita ang pulang mantsa sa sahig.

Hinanap niya agad ang kanyang tiyan, nanginginig ang kamay niyang hinaplos ito. 

"Hindi… Ang baby ko…"

Dahan-dahan siyang napapikit. Lumabo ang paningin niya hanggang sa tuluyang dumilim ang lahat.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status