Share

Pangarap na Kasama Ka
Pangarap na Kasama Ka
Author: Elly Kim

Prolouge

Prologue

 “Anong pangarap mo ‘pag laki mo?” tanong ko sa kanya habang nasa bughaw at maaliwalas na langit ang tingin ko. Nakaupo kaming dalawa ngayon sa damuhan at nakasilong sa lilim ng punong duhat sa tabi ng palayan.

 “Hindi ko alam,” ‘yon lang ang sagot niya at nakatingin pa rin sa malapad na palayan.

 “Wala ka ba talagang naiisip na gusto mong maging sa ‘pag laki mo? Ako kasi marami akong gustong matupad kaya nagsisikap talaga ako dahil gusto ko na lahat ng naiisip at pangarap ko ay matupad.” Sabi ko sa kanya at tiningnan siya. Oo, iyon talaga ang gusto ko at gagawin ko ang buo kong makakaya para lang sa mga pangarap ko.

 “Pangarap na matupad…” bulong niya na para bang iniisip niyang maigi ang sinabi ko.

 “Masaya kaya sa pakiramdam kapag natupad mo ang pangarap mo.”

 “May natupad ka na ba?”

 “Ah… Wala pa naman.”sagot ko sa tanong niya. Kasi nga di ba, kapag lumaki na kami doon pa lang iyon matutupad. “Pero, isipin mo ha, mayroon kang bagay na pinakagusto sa buong buhay mo at dahil sa gusto mo talaga iyon e gagawa ka ng paraan para makuha ang bagay na iyon. Nagsikap ka! Ginawa mo lahat! Sa huli, nakuha mo iyon at iyong-iyo na talaga. ‘Di ba masarap sa pakiramdam na kung dati e hanggang pangarap ka na lang pero naabot mo ‘yon sa huli.”

 “Tama ka nga!” nakangiti siya habang tumatangon at sumasang-ayon sa sinabi ko.

“’Di ba? Nakuha mo ring ang gusto kung sabihin. Oh ano? Ano nang gusto mo paglaki mo?”

Ngumiti siya! Oo, ngumiti siya na para bang ang iniisip niya ang pinakamagandang nangyayari sa buhay niya.

“Gusto ko ‘pag laki ko… na…. makita ka.” Unti-unti niyang sabi habang lumingon sa gawi ko at tumingin sa mga mata ko na para bang nakikita niya ako. Oo, bulag siya. Sinabi ng lolo at lola niya na nabulag siya dahil sa isang aksidente. “Gusto kong makita ka, Reme. Gusto ko rin na makitang inaabot mo ang mga pangarap mo.” Sinabi nya yun nang nakatingin sa mga mata ko at may ngiti ang mga labi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status