Geraldine's Point of View*Nakatingin ako ngayon sa harapan ng full body mirror habang sout ko ngayon ang uniform ng mga katulong nila. Napangiti ako at napaikot sa salamin. "Okay!"Nagulat ang apat na kasamahan ko sa sigaw ko na kinatingin ko sa kanila at nagpeace sign na lang ako sa kanila."Excited ka na, Girlie."Napatingin naman ako sa naging friend ko sa Apat na ito at siya si Jane. Katulad ko siya na taga bukid din at nag-apply bilang katulong dito.Hindi kagaya nung tatlo na may experience kaya ganyan kataas ang tingin sa sarili na parang dinaig pa ang madame eh."Of course naman lalo na't gusto kong malibot ang boung bahay. Ang gaganda ng mga designs at syempre gwapo din si Master."Napatingin naman silang apat sa akin."Girlie, alam mo naman diba na bawal yun. Mapapaalis ka kung mapapansin ni Master na may gusto ka sa kanya.""Bakit ba ayaw niyang magustuhan siya? Lalaki naman siya diba? May Asawa nga siya.""Malamang loyal siya sa Asawa niya kaya kung ano ang iniisip mo ay
Geraldine Point of View*Nakatingin ako ngayon sa papel na naka-assign sa akin. Sa kitchen ako ngayon at naka-assign ako bilang tagapagluto kung magaling ba talaga ako sa mga lutuan. "Ang gagawin mo ngayon ay gawan mo ng almusal si Master," ani ng nakaassign sa akin na katulong ngayon dito sa kitchen which is cooker.Inalala ko kung may specific ba na pinagbabawal si Mike na mga pagkain. According kasi sa presensation ni Chief ay hindi nasasarapan si Mike sa mga pagkain na hinanda sa kanya. So mahihirapan talaga ako dito! According kasi sa papel ay may mga gagawin kami sa isang araw.Ang unang gagawin ko ay dito sa Kitchen tapos sa second day ay sa library tapos sa training room sa mga guards niya tapos sa swimming pool pagkatapos ay sa garden tapos sa office at ang last ang pinaka paborito kong lugar at yun ay ang kwarto niya.Di ko alam kung bakit kasali ang kwarto niya na bawal namang pasukan.... o baka linisin ang lahat ng kwarto except sa kanya? Haysss akala ko makakapasok na ak
3rd Person's Point of View* Nung umalis na si Gerry sa hapagkainan at napatingin naman si Mike sa pagkaing nasa harapan niya. Hindi ito kagaya ng ibang putahe na inilalagay sa harapan niya na galing pa sa ibang bansa. Pero kahit anong lagay nila sa lamesa niya ay hindi pa din siya nasasarapan sa pagkain nilang lahat. Kumakain lang siya ng iilang kutsara pa lang para may mapasok lang sa loob ng tiyan kahit hindi naman niya gusto ang lasa. Pero ngayon sa kinauupuan niya na isang kakaibang maid ang nag prepare sa kanta ng special kuno niya na gawa na isang special Omellete. Napailing iling na lang siya nung inexplain nito ang mga ingredients na gawa nito at di niya maiiwasang matuwa sa trip nito. Dahan-dahan niyang kinuha ang kutsara sa lamesa at kasama na din ang tinidor at tiningnan niya talaga ang itlog na nakapatong sa fried rice na nasa baba. "Master, kakainin niyo po ba?" "Yes." Hindi niya inalis ang tingin sa pagkain at iniisip niya na sana lumasa na ito sa kanya at nakita d
Geraldine's Point Of View*Nakapamewang ako habang nakatingin doon. "Hmm! Done as perfect!" masayang ani ko.Napatingin ako kay Ate Cooker na parang naglalaway habang nakatingin doon."Ate, you can taste it."Napatingin naman siya sa akin at parang nagsasabi na 'pwede?' na kinangiti ko at dahan dahan na napatango."Kumuha ka po ng plato ninyo."Agad naman siyang kumuha ng plato at binigay sa akin at binigay ko naman sa kanya at agad naman niyang tinikman at nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin."Wow, it's delicious!""Talaga po? Mabuti naman kung ganun."Actually kasali na din yan sa mga talent na pinag-aralan talaga namin noon pa man nung nag-aaral pa kami bilang agents. Lahat ay dapat perpekto at walang pagkakamali. "Turuan mo ko ng mga ingredients nito ha.""Alam niyo na po yun. Sabay naman tayong gumawa nito.""Basta, turuan mo ko."Nang may na-isip ako."Sa isang kondisyon po."Nagulat naman siya sa sinabi ko at napa-ubo ng mahina at napatingin sa paligid."Wha
Geraldine's Point of View* Pinagpapawisan ako habang nilinisan ang mga alikabok sa ilalim ng kabinet at marami pang mga insekto na nasa sahig. Napataas ang isang kilay ko at napangiti ako at kumuha ako ng gloves at mask at sinuot ko iyon at kinuha ko ang pesticide sa gilid at napatingin ako doon can na hawak ko at naging murder smile na ang mga ngiti ko lalo na nung tiningnan ko ang mga insekto. "Hindi niyo deserves ang manirahan dito na hindi nagrerent ng tirahan at bagay sa inyo ang mawala sa mundong ito. Dahil mga insekto kayo!" At agad kong inispray sa kanila ang hawak kong pesticide at napangiti ako na parang kalaban sa isang movie habang nakikita na nanghihina na ang mga ito. Hanggang sa hindi na ito gumagalaw. "Hmmp, ganyan ang gagawin sa mga taong walang kwenta sa mundong ito. Wala na lang ginawang tama at salot pa sa lipunan." Dapat lang sa inyo yan. Lalo na yung lalaking iyon.... Nanggigigil akong inispray ang mga ipis kahit patay na. "Ayan, patay na kayo... Double d
Geraldine's Point of View*Nakapikit pa din ako at narinig ko ang ingay ng paligid dahil nagpapanik sila dahil sa nangyayari sa akin. Duh, nagpapanik pa eh planado naman ang nangyari sa akin."Where's the medic?"Nag-aalala pa pala ang isang ito? Binully niya ako kanina diba?Ah actually di agad ako nahihimatay sa mga ganitong klase dahil sanay na ako sa mga ganitong bagay at wala lang ito sa katiting na ensayo ko noon.Nung natapos na akong maglinis ay lalabas sana ako pero nakalock na ang pintuan at alam ko na hindi si Mike ang may gawa nito dahil ang nakakagawa ng mga ganitong bagay ay ang mga isip bata lang naman. Ang ginawa ko lang naman ay humiga ako sa sahig dahil kahit puno na ng pesticide ang hangin dito sa loob ay may natitirang pure air sa may sahig banda kaya doon ako humiga. At bago ako humiga ay kinuha ko ang panyo ko at binasa ko iyon at inilagay sa ilong ko for other purposes na makalanghap ako ng pesticide. Pakiramdam ko ang dali ng karma sa pagpatay ko sa mga inse
Geraldine's Point of View*Nakatingin ako sa soup na nasa lamesa at kay Mike. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin doon."Paano mo nalaman na may nakalagay diyan?" mahinahong ani ko at napatingin naman silang lahat sa akin at sa paningin nila ngayon ay parang may binabalak na ako sa paningin nila. "G-Girlie, may pinaplano ka?!" di makapaniwalang ani ni Ate Cooker sa akin. Inosente naman akong napatingin kay Ate Cooker."Sa tingin niyo ba na may pinaplano ako, Ate?"Natahimik naman siya at nakatingin sa mga mata ko."Hindi natin alam."Napayuko naman ako at napatingin kay Mike na nakatingin sa akin."Master..."Bigla niyang kinuha ang soup sa lamesa at isang iglap nagulat silang lahat nang bigla niyang ininom iyon na parang uminom ng kape."Master!" gulat na sabi nila at maski ako ay nagulat habang nakatingin sa kanya. Kinuha ko ang bowl na nasa kamay niya at tinapon iyon na kinabasag sa sahig."Bakit mo ininom! Alam mo naman na may something sa soup na yun! T*nga ka ba
Geraldine's Point of View* Nakahiga na ako ngayon sa kahoy habang pinapali nila ang likod ng binti ko at napapikit ako at walang boses na inilalabas habang patuloy pa din nila iyon ginagawa. "Ano di ka pa din aamin? Isang oras na natin ginagawa ito." Di ako nagsalita. Ang sarap naman kasi ng masahe sa paa ko. "Di ka pa sasagot?" Bigla niya akong binatukan na kinalaki ng mga mata ko. "What the!" "Ano? Aangal ka?" Binatukan niya ulit ako at masama ko siyang tiningnan. Di ko siya masuntok sa mukha dahil nakatali ang kamay at paa ko. "Oo, wala naman akong kasalanan." Napasmirk naman siya at lumapit sa akin. "Alam ko dahil ako naman kasi ang gumawa ng lahat ng ito." "Bakit mo naman ginagawa ang lahat ng ito? Close ba tayo? Hindi naman diba?" Bigla niya akong sinakal pero wala namang kalakasan. Yun na ba ang sakal niya? "Ayoko sayo!" "Same," ani ko sabay pandilat pa sa mga ko. "Wala ka talagang takot ano!" "Wala, baka di mo alam na may nickname din akong Justitia? Becau
3rd Person's Point of View*America...Nasa yatch ngayon sila Ethan sa isang yatch dahil susupresahin nila ngayon si Gerry sa island."Sire, sigurado po ba talaga kayo na pwede tayong makakapasok sa island nila, Gerry?" kinakabahang ani ni Xavier sa General. "Yes, I'm sure. Hindi naman ako pupunta rito na walang kasiguruhan."Hindi alam ng mga grupo ni Ethan maski na si Ethan na tinawagan ni Maximus ang General para imbitahan ang mga ito sa island. Dahil ngayon din ang kaarawan ni Gerry na hindi nalalaman mismo ni Gerry.Nakikita na nila sa 'di kalayuan ang napakalaking island. Nakatingin si Ezekiel sa mapa na binigay sa kanila at nalaman nito na ito na ang lugar na pupuntahan nila."Mukhang ito na ang island ng mga assassin. Hindi ko aakalain na makakarating talaga tayo dito."Biglang may mga yatch na nagsidatingan na kina-alert nila sa kinatatayuan nila."Sire..." mahinang sambit ni Ethan sa General.Lumapit naman ang General sa mga lalaking nasa yatch at ito ang sinasabi ng Dad n
Geraldine's Point of View*Dumating na ang hinihintay ng lahat at 'yun ay ang anniversary ng phantom syndicate. Nagtitipon tipon ang mga kasapi noon pa man. Lalo na ang mga nanalo. Nakatingin kami ngayon sa mga taong dumadating dito sa bintana ng isang kwarto kung saan kami inaayusan."Wow, nandidito ang mga idol ko! Hindi ako makapaniwala!""Oo nga. Pero kanina ko pa hinihintay ang pagdating ng prinsesa at hindi ko pa nakikita kung dumating na ba talaga siya.""Kaya siguro ang dami ng mga taong nandidito ngayon na bumisita dahil iwe-welcome nila ang Prinsesa."Dahan-dahan naman silang napatango. Hindi ko alam kung bakit atat na atat nila akong makita eh isa lang naman akong normal na babae at wala ng iba."Bakit n'yo naman siya gustong makita? Matagal na siyang wala 'di ba? Mukhang may plano kayo sa bagay na 'yan ha."Napatingin naman sila kay Nine na biglang nagsalita. Nine is right. May plano ang mga taong nandidito dahil mukhang gusto nilang agawin ang trono ko bilang top 1 noon
Geraldine's Point of View* Bumalik naman ang lahat sa dati at kinuha na nila ang mga estudyante na positive sa drogang 'yun. At malapit na ring matapos ni Nine ang antidote. Nandidito ako ngayon sa opisina ni Dad na kakarating lang niya galing sa Europe. "Daddy, mukhang marami rami rin itong regalo niyo sa akin ngayon." Tinuro ko ang maraming paper bags na nasa lamesa. "It's for you, my daughter." "Daddy, did I te---" "Just once, my daughter. Please, pagbigyan mo na si daddy mo na magbigay ng mga ganitong bagay sa 'yo." Napabuntong hininga na lang ako at uminom na lang ako ng tea. "Okay, daddy." Napangiti naman siya at hinawakan ang kamay ko. Alam ko naman kasi na bumabawi siya sa mga araw na hindi kami magkasama. "Daddy, pwede bang pumunta si papa dito?" Natigilan siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin na parang hindi siya sang-ayon sa sinabi ko ngayon. Hindi ba sila magkabati ni papa? "What? Wait, did he know already?" "Bakit hindi ba niya kailangan malaman? Sa k
Geraldine's Point of View* Nanlalaki ang mga mata ko nang marinig ko si Papa. "My daughter, please magsalita ka naman. Alam ko na buhay ka." Naririnig ko na parang pinipigilan niyang umiyak. Naalala ko ang mga pagmamahal na binigay niya sa akin at hindi niya pinaramdam na naiiba ako sa kanya. Flashback... "You're just adopted. You're not a real daughter of the general." Naririnig ko ang mga sabi ng mga kaklase ko noon sa elementary pa ako sa America. Nung unang rinig ko 'yun sa kanila ay hindi ako umiyak o inatake sa kanila. Ano naman ang ikaiiyak ko sa bagay na 'yun? I'm so thankful na maraming nagmamahal sa akin at maraming tumanggap sa kung sino ako at hindi nila pinakita sa akin na naiiba ako. "Your adopted!" Nagtatawanan pa sila habang paulit-ulit na sinasabi ang bagay na 'yun. Tiningnan ko sila sa mga mata nila at napangiti naman ako. "Yes, I am, but I'm so proud to be with their family. My daddy is the best dad and please don't say that. That's bad." Ngumiti ako s
Geraldine's Point of View* "Princess, ano ba ang trabaho mo noon?" Napatingin naman kami sa buong lugar at kami lang naman ang nandidito ngayon. Ako, David, Mike at ako. Wala naman akong nararadaman sa paligid na ibang tao. "I'm Astraea, ninong." Nanlalaki naman ang mga mata ni Ninong nang marinig niya ang bagay na 'yun. "A-Astraea? You mean the popular undercover agent?" Dahan-dahan naman akong napatango. Di pa rin siya makapaniwala sa sinabi ko at napatingin naman siya kay Brother David. "Yes, it's true, dad. Kaya pala pamilyar na pamilyar ka sa akin nung unang kita ko sa'yo noon, princess." Nagtataka naman akong napatingin kay David. "Kailan tayo nagkita?" "Sa Japan ka nun at mukhang may mission ka nun ay accident na nagtagpo tayong dalawa sa isang hotel nun." "Di kita napansin." Napangiti naman siya. "I know that. Dahil busy ka sa pagmamasid sa subject mo nun. Hindi ko na lang pinahalata na ikaw 'yun dahil may mission din ako nung araw na 'yun." Napangiti na lang ako
Geraldine's Point of View* Namumugto ang mga mata ko kakaiyak habang yakap-yakap ako ni Mike dito ngayon sa higaan ng kung saan ako kinunan ng dugo kanina. Pinaiyak pa niya talaga ako at hindi muna niya ako pinasalita at pinakakalma lang niya ako na parang sanggol. "Are you done crying?" malambing na ani niya sa akin. Di ako nagsalita at nakayakap lang ako sa kanya habang nakaupo ako sa binti niya at siya naman ay nakaupo sa higaan. "Wife?" "Hmm..." Tiningnan ko siya at mahina na lang siyang natawa habang nakatingin sa mukha ko. "Ang pangit mo ka-bonding." Nag-roll eyes ako habang sinasabi 'yun at mas lalo siyang natawa ng malakas dahil sa sinabi ko. Tingnan niyo ang pangit ka-bonding! "Shut up. Bakit mo ko niyayakap? Wala ka namang tiwala sa akin. Maghahanap na lang ako ng ibang tao na may tiwala sa akin doon ako makikipaglaro." "Wife." "Oh." Di ko siya tiningnan dahil alam ko kakaiba ang tingin niya sa akin ngayon. "Look at my eyes." "Ayoko baka kiligin ako." Naka-po
Geraldine's Point of View* Natapos akong salinan ng dugo ay pinahiga muna ako dito sa higaan at maririnig pa rin ang ingay sa labas. Wala namang problema sa labanan sa labas dahil nandodoon naman ang mga guro at sila ninong at David. Kaya naman nila ang bagay na 'yun. Remember mga assassins din naman silang lahat kaya walang problema sa bagay na 'yun. Napatingin ako sa gilid ko nang naramdaman ko na may nakatingin sa akin. At nakita ko si Mike na naniningkit pa rin ang noong nakatingin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa kanya. Inilahad ko ang kamay ko at napatingin naman siya sa kamay ko na parang ayaw pa niyang hawakan? "Ayaw mo?" "Tell me, why did you do that?" Tiningnan ko siya. Seryoso talaga siya ngayon. Napatingin ako sa mga kasamahan namin dito na nag-aalalang nakatingin sa amin. Tumango naman sila agad sa mean ko. Kailangan naming mag-usap ni Mike na kaming dalawa lang. Pumasok sila sa isang kwarto dito pa rin sa laboratory at kami na lan
Geraldine's Point of View* "Sa susunod na natin pag-uusapan ang bagay na 'yan. Ang importante ngayon ay ang kumakalat na droga ngayon." Napatingin naman sila sa akin at dahan-dahan na tumango. "I-Ikaw ba talaga si Nyx? Ang Prinsesa ng mga assassins? Yung top 1?" Napatingin ako kay Nine na nanlalaki pa rin ang mga mata nito habang nakatingin sa akin at natawa na lang akong mahina habang nakatingin sa kanya. Hindi ko naabutan ang pagsilang sa kanya dahil nung panahong 'yun ay nagliligawan pa ang mga magulang nito at hindi pa siya ginawa. Hindi ko aakalain na makakabuo agad sila at malaki na ito ngayon. Ngumiti ako sa kanya at hindi ko na sinabi ang tungkol sa akin at agad naman niyang na-gets ang bagay na 'yun. "Oh my God! Welcome back po! Hindi ko alam na nakita na pala kayo at isa pa idol na idol ko po kayo kaya ako pumasok dito sa phantom syndicate dahil sa inyo." Napakunot ang noo ko at napatingin sa mga magulang niya. "Kinukwento kasi namin ang mga kakayahan mo noon kay
Geraldine's Point of View* Sa paglalakad pabalik ay napapansin ko na parang nag-iingayan na ang paligid at nung tingnan namin ang paligid ay parang may kaguluhan sa gitna ng parang stage na may salamin. Doon pala pinasok ang mga infected sa virus at makikita mo sa katawan nila na malapit ng mag-decomposed ang katawan nila. Lumapit sila Mike doon at ako naman ay nagpahalo sa mga estudyante at sumama sa grupo ko para di mahalata na nawala ako sandali. Umupo ako sa gilid at iniisip ko kung ano ang gagawin. Napatingin ako kay Nine na nag-aalalang nakatingin sa mga infected. "Nine." Napatingin naman siya sa akin at nag-sign ako na umupo sa tabi ko at sumunod naman siya. "Ang dugo ba talaga ni Nyx ang makakasagot sa lahat ito?" Nagulat naman siya sa tanong ko. Napayuko naman siya at dahan-dahan na tumango. "Ayon sa examination ng mga magulang sa dugo ng master noon ay 'yun din ang nakatalo sa virus noon. Hindi na siya pwede ngayon na kunan ng dugo dahil alam ko na matanda na