Share

M.U. – Malabong Usapan

 

 

Ramdam ni Limuel na may dinaramdam si Tala base sa pagtahimik nito.

“Dito na ako sa baba matutulog para hindi ka masikipan sa kama,” sabi ni Limuel habang kinukuha ang isang unan sa tabi ni Tala. Nakahiga na ang babae.

“Dito ka na sa tabi ko,” tinuro ni Tala ang bakanteng space. “Ayaw…ayaw kong mag-isa,” dugtong pa nito.

 

Sumunod naman si Limuel. Humarap siya kay Tala gaya nang pagharap nito sa kanya. Kapwa sila nakatagilid ng pagkakahiga sa kama.

“Anong sabi ng Papa mo?” tanong ni Limuel.

“Kung pwede ko raw pirmahan ang deed of sale ng bahagi ng lupa namin dito. Bilang anak at tagapagmana ng parte ng mama ko, kailangan daw ang signature ko.”

“Anong sabi mo?”

“Sabi ko ikaw ang kausapin niya.”

Tama, sa isip-isip ni Limuel. Pero legally hindi pa rehistrado ang kasal nila ni Tala kaya kung tutuusin may habol pa ang ama nito.

“Anong gusto mong gawin natin?” kinumutan nito ang dalaga.

“Hindi ko alam. Ikaw na lang ang magdesisyon,” sagot ni Tala.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status