LOGINTumango siya nang walang pag-aalinlangan, at dahan-dahang hinawakan ang aking magkabilang pisngi."I understand, Mommy. As long as you're safe inside, I won't meddle with your adult problems... I'll just wait for your signal," ngumiti siya sa akin.Napangiti ako. Mabilis ko siyang hinalikan sa kaniyang pisngi."Don't worry, Mommy! I'll take good care of Angelo!" biglang sulpot naman ni Tala sa tabi namin, mabilis na inakbayan ang kaniyang kapatid na nagpangiwi naman sa inis.Umayos ako ng tayo bago tumango at hinarap sina Luna at Chloe na seryoso na rin ang mga mukha ngayon."Please take care of him," pakiusap ko sa kanila."You take care of yourself, Maya. Mag-resbak agad kami! Walang urungan ito!" biro ni Luna para pagaanin ang tensyon, at natawa naman si Chloe sa tabi niya.Natawa ako nang bahagya bago binalingan si Nikolai. He let out a deep, heavy sigh and nodded firmly at me before looking down at Angelo. He reached out his hand to shuffle his hair gently."I'll take care of you
It's the day. Pumayag si Nikolai sa gusto kong pagpunta sa party pero sa isang kondisyon—hindi kami magtatagal doon. Ayaw ko rin sanang isama pa ang dalawang bata sa ganitong sitwasyon ngunit hindi naman pwede dahil walang maiiwang magbabantay kay Angelo sa bahay. Alam na rin ng mga bata ang mangyayari.Pero hindi ko talaga sinabi ang iba pang detalye kay Angelo. Ang alam niya lang, may pupuntahan kaming party ng kakilala namin.Alam kong nakita na niya ang mga mukha ng pamilya ng kaniyang daddy noon, pero mga lumang larawan lang iyon sa internet. Ewan ko na lang kung mamukhaan pa niya sila sa personal."You're so gorgeous, Mommy," puna ni Tala habang manghang-manghang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa habang inaayos ko ang huling piraso ng aking hikaw.Ngumiti ako sa kaniya, pakiramdam ko ay bumalik ang kompyansa ko.I was wearing a stunning blue midnight gown that perfectly hugged every curve of my body. It was made of premium silk that cascaded down to the floor like a dark o
"She's currently at one of our secured rest houses in Cebu together with my father, Maya. Don't worry, she's safe... I made sure of that," sagot niya bago itinaas ang kaniyang kamay para hawakan ang aking pisngi, marahan itong hinahaplos gamit ang kaniyang hinlalaki.Kinagat ko nang mariin ang aking labi, nakararamdam ng halo-halong emosyon. Even after everything that happened, after all the years of thinking she abandoned me, I still cared for her—simply because she is my mother.Wala namang anak na hindi marunong magpatawad sa kaniyang sariling magulang. Wala namang perpekto sa mundong ito, kahit ako ay nagkakamali at nagiging bulag din. May kasalanan siya, oo, pero alam kong pinagsisihan niya na iyon dahil wala naman siyang ibang ninais kundi ang protektahan ako.At kapag may mangyari ngang hindi maganda sa kaniya, habambuhay ko iyong isusumbat sa sarili ko. Hindi ko man lang siya hinayaang magpaliwanag noon bago ko siya itaboy."At saka nga pala, Nikolai..." bahagya akong lumayo s
Today is Friday at bukas na gaganapin ang engrandeng party para sa kaarawan ni Donya Mercilita. It's been three days after that intense hospital encounter, at hanggang ngayon, hindi ko pa rin nasasabi kay Nikolai ang tungkol doon.Humahanap pa kasi ako ng tamang tiyempo. He's been really preoccupied and busy taking care of us kaya din siguro nawawala sa isip ko."Ano na ang balak mo? Bukas na 'yon, Maya," tanong ni Luna sa aking tabi, pinupukaw ang malalim kong iniisip. Nasa terrace kami ngayon, komportableng nakaupo habang tinatanaw ang dalawang bata na naglalaro sa malawak na harden.Malaki na rin ang naging progress ni Angelo sa loob ng tatlong araw. He's now happily playing with his Ate Tala, respecting his father more, at medyo hindi na siya ganoon kasuplado tulad ng dati. Nakikita ko ang unti-unting paglambot ng kaniyang puso sa tyaga ni Nikolai."I'll tell him today," seryoso kong sagot sa kaniya, humihinga nang malalim."Eh, iyong tungkol sa imbestigasyon nina Leo? May sinabi
Naging maingay at magulo ang hapag-kainan dahil na rin sa walang tigil na kakulitan at kadaldalan ni Tala, na sinasabayan pa ng malalakas na boses at asaran nina Luna at Chloe tungkol sa kung sino ang mas magaling magluto."Hoy, Sandoval! In fairness, masarap itong niluto mong kare-kare, ah! Pwede ka nang maging kusinero sa karinderya ko kapag naghirap ka!" tawa ni Luna habang punong-puno ang bibig."Excuse me, Tita Luna. My daddy is a high-class business tycoon, hindi siya bagay sa karinderya!" mataray na depensa ni Tala habang nagpupunas ng bibig gamit ang tissue."Aba, itong batang ito, protective sa daddy niya! James, tignan mo nga itong inaanak mo, parang si Nikolai kung magtaray!" asik naman ni Luna kay James na tawa lang nang tawa sa tabi habang kumakain.Si Angelo naman ay tahimik lang sa tabi ko, ngunit tuwing may ilalagay na karne si Nikolai sa kaniyang plato magpapasalamat siya nang mahina, na sapat para mapangiti ang kaniyang ama.Matapos naming maghapunan ay agad na kamin
Hinalikan ko muna si Tala sa kaniyang noo bago ko siya inaya na lumapit sa dalawang lalaki."Does my color harmony look fine to you, Sir?" narinig kong tanong ni Angelo sa kaniyang ama.Lumapit ako sa likuran nila saka tahimik na sinilip ang kanilang ginagawa sa canvas. Angelo was painting a beautiful, vibrant sunset over a calm ocean."Hmm... you have a brilliant taste in colors, young man. Mas magaling ka pa sa akin," puna naman ni Nikolai habang nakangiti, halatang proud na proud sa kaniyang anak.The aura between them was so incredibly light and warm, and I could clearly feel the love radiating from them."Ano iyang ginagawa ninyo?" singit ko sa kanilang dalawa para gulatin sila.Sabay silang napalingon sa akin. Agad na bitawan ni Angelo ang kaniyang hawak na paintbrush at mabilis na tumayo upang lumapit sa akin at yakapin ang aking baywang."Welcome home, Mommy. We prepared a special dinner for you," malambing niyang sabi, tumitingala sa akin.Nagsalubong naman ang tingin namin n
“Ano?! Kasal? Nababaliw ka na ba?!”Halos mapasigaw ako sa loob ng kotse. Mabuti na lang at malalim na ang tulog ni Tala kaya hindi siya nagising. Agad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at dinala ang sarili ko palapit sa pinto ng kotse, palayo kay Nikolai.“You think marriage is ju
Halos lumabas ang mga mata ko sa gulat. Tumingin ako kay Nikolai na kasalukuyang nakatitig sa amin na parang nakakita ng multo. Ang mukha niya kanina na punong-puno ng galit ay biglang napalitan ng matinding kalituhan.“No! I won’t go home unless Auntie Maya comes with us! I want her to be my new m
“Huhuhu… Daddy… Where are you?”Mas lalong lumakas ang iyak ng bata habang sumasabay ang buhos ng ulan. Bilang isang mabuting tao, lumapit ako, binalewala ang sarili kong basang damit at ang sakit sa puso. Agad akong lumuhod sa harap niya para mapantayan siya.“Hey, sweetie… Bakit ka nandito sa ula
“Maya! Maya, babe, are you in there?!”Palapit nang palapit ang boses ni Kenji. Naririnig ko na rin ang ingay ng ilang reporter na sumusunod sa kaniya, nagtatanong tungkol sa kontrobersiyal na halik nila ni Chloe sa live broadcast. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sasabog na yata ako sa halo-h







