Punished By His Love

Punished By His Love

last updateLast Updated : 2026-08-10
By:  OnyxOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
66Chapters
6.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ang kasal ni Abigail kay Liam ay hindi nabuo dahil sa pag-ibig, kundi dahil sa isang business deal. Kahit anong gawin ni Abigail para ayusin ang pagsasama nila, hindi niya nagawang alisin ang galit ni Liam. Hanggang sa isang tawag sa telepono, sinabi nitong gusto na niyang makipag-divorce dahil pagod na pagod na siya sa kanilang relasyon. Noong una, hindi pumayag si Abigail. Pero sa huli, pumayag na rin siya. -- Habang pinipirmahan ang divorce papers, tiniyak ni Abigail na hindi makikialam si Liam sa negosyo ng pamilya niya. Ngayong malaya na siya, handa na siyang kalimutan si Liam at magsimula ng bagong buhay. Pero bago siya tuluyang umalis, tinitigan ni Abigail ang lagda niya at malawak na ngumiti. “Liam Jones, from now on, we’re strangers.”

View More

Chapter 1

CHAPTER 1 A Divorce?

A Divorce?

Noong isang araw, nahuli si Liam, ang presidente ng Powerline Group, na kasama si Eve, isang batang modelong kakadebut pa lang. Nakunan pa sila ng litrato habang naghahalikan sa isang mamahaling yate, kung saan umano sila nagpalipas ng gabi.

Mabilis na kumalat ang balita sa mga lokal na media. Ilang oras lang, pinag-uusapan na ito sa buong lungsod at maging sa internet.

Tahimik na nakaupo sa sofa si Abigail.

Suot niya ang kulay abo-asul na uniporme, habang maayos na nakatali ang kanyang buhok sa isang eleganteng French-inspired na style.

Maganda ang mga mata niya. Pero dahil sa makapal at itim niyang salamin, mas mukha siyang simple at seryoso kaysa sa totoong itsura niya.

Kahit ganoon ang style niya, hindi pa rin maitago ang natural niyang ganda.

Nanatiling kalmado si Abigail habang pinapanood ang balita.

Samantala, hindi mapakali si Grace, ang matagal na niyang yaya. Nakatayo ito sa tabi niya habang palipat-lipat ang tingin kay Abigail, halatang nag-aalala sa magiging reaksyon nito.

Isang taon nang kasal sina Abigail at Liam.

Pero sa loob ng isang taon, halos hindi umuuwi si Liam.

Ang madalas lang niyang marinig tungkol sa asawa niya ay mga bagong balita tungkol sa mga babae at kung anu-anong iskandalo.

“Abi, it could just be fake news made up by those paparazzi. There’s no truth to it. Don’t believe it…”

Piliting pinakalma ni Grace si Abigail.

Pero alam ni Abigail kung alin ang totoo at alin ang hindi.

Wala siyang sinabi.

Sa halip, mapait siyang ngumiti, kinuha ang phone niya, at tinawagan ang pamilyar na numero.

Agad namang sinagot ang tawag.

“Hello…”

Malamig ang boses na narinig niya mula sa kabilang linya.

“It’s me.”

“What do you want now?”

Pagkarinig pa lang sa boses ni Abigail, halatang nawalan na agad ng pasensya si Liam.

“Are you coming home tonight? I need to talk to you.”

“You really think I want to come home and see your ugly face? You annoy me!”

Napahigpit ang hawak ni Abigail sa phone.

Pinigilan niya ang sarili na sumagot agad sa masasakit nitong salita.

“But we’re married!”

“Abigail, I warned you. Don’t ever mention our marriage. We got married because of business, not love. Don’t you understand that? The fact that we’re married is a huge embarrassment to me. I wish I could divorce you!”

“Divorce?”

Saglit na natahimik si Abigail.

“Liam, I’ve been faithful and I haven’t done anything wrong since we got married. What reason do you have to divorce me?”

“Because you annoy me!”

“You…”

Napapikit si Abigail bago muling nagsalita.

“Fine. Then let’s get a divorce.”

Natahimik si Liam sa kabilang linya.

Parang hindi niya inasahang sasang-ayon agad si Abigail.

“Finally.”

“You’re the one asking for a divorce, so you should pay for it. Don’t use our divorce as an excuse to interfere with Swift Group!”

Wala nang ibang gustong isipin si Liam kundi ang tuluyang makawala kay Abigail.

Kaya hindi na niya pinag-isipan nang mabuti ang sinabi nito.

“Okay, as long as you sign the divorce agreement!”

“I will, but you’d better keep your promise!”

“No problem!”

Wala nang sinabi pa si Liam bago niya ibaba ang tawag.

Narinig ni Grace ang buong usapan.

Mabigat ang pakiramdam niya habang nakatingin kay Abigail.

Lumapit siya at maingat na nagtanong, “Abi, are you sure? Divorce?”

Lumingon si Abigail at tumango.

“This is what’s best for us.”

Kumislap ang mga mata niya. This time, wala na roon ang dating pag-aalinlangan.

“What about Mr. Jones’s parents?”

“Liam can explain it to them!”

Hindi na hinintay ni Abigail ang sagot ni Grace at agad na umakyat sa hagdan.

Pagdating niya sa itaas, napansin niya ang hapag-kainan na puno pa rin ng pagkain.

Huminto siya at tumingin kay Grace.

“Grace, please throw away all the food.”

“But you haven’t eaten yet.”

“I don’t have an appetite right now.”

Tahimik na umakyat si Abigail papunta sa kanyang kwarto.

Pagpasok niya, agad niyang kinuha ang divorce papers na matagal nang inihanda ni Liam.

Umupo siya sa gilid ng kama at isa-isang pinirmahan ang mga dokumento.

Walang pag-aalinlangan.

Pagkatapos, tinitigan niya ang sarili niyang lagda.

At sa unang pagkakataon matapos ang isang taon, maluwag siyang ngumiti.

“Liam Jones, from now on, we’re strangers.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

maribeth
maribeth
thanks for the nice story waiting for more updates
2024-08-14 18:24:25
1
1
Mairisian
Mairisian
Recommended! 🫶
2024-08-11 00:04:27
1
1
Deigratiamimi
Deigratiamimi
Highly recommended!🫰
2024-08-10 23:51:34
1
1
66 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status