GINISING si Jazz ng mga kasamahan noong kakain na sila.
“Higupin mo na ang sabaw habang mainit-init pa,” biro sa kanya ni Leon.
Pinuno ni Jazz ng ulam ang baso niyang dala. Medyo gumaan din naman ang pakiramdam niya pagkatapos nilang kumain.
Alas dos ng madaling araw pa ang duty niya para makipagsalitan ng bantay sa mga kasama pero hindi na siya pinayagan ni LT Calumpang na magbantay. Sumang-ayon naman ang iba nilang kasama.
Sumapit ang alas kuwatro ng umaga ay gising na silang lahat. Nakapagpakulo na ng tubig at nakapaghanda na ng almusal.
Pagkatapos niyon ay iniwan nila ang puwesto na iyon para maglakad ulit. Maingat, mabagal lang.
Naunang naglakad si Sgt. Lambing na tracker nila sa team at nakasunod naman sa likuran nito si LT Calumpang.
Isang linggo na sila sa kagubatan at pabalik-balik lang ang lagnat ni Jazz. Hindi pa nakisama ang panahon nang gabing iyon. Ang lakas ng ulan at hangin. Halos liparin na ang mga tent nila.
Humupa lang ang hangin noong mag alas singko na ng umaga. Ni hindi sila nakapagpakulo ng tubig.
“Kinulang ang laman ng butane, Sir. Hindi man lang uminit ang puwit ng takure. Basa ang mga kahoy,” sabi ni Leon kay LT Calumpang.
“Bakit? Nagugutom na ba kayo?” tanong ni LT Calumpang.
“Hindi naman, Sir. Nanginginig lang sa lamig. Kailangan ng pampainit ba,” tugon ni Leon.
“Anong init na naman ‘yan?” supladong ang boses na tanong ng opisyal. Binuksan nito ang Miló na hawak. Pinapak nito iyon.
Napamaang na lang si Jazz. Nilalamig rin kasi siya at may hawak na Miló. Pero kaysa papakin iyon, kinuha niya pa rin ang takure at binuhos iyon sa kanyang mug. Kailangan niya ng kahit maligamgam lang na tubig. Nasanay na kasi ang katawan niya sa ganoon. Kapag nagkakasakit siya noong bata pa siya, mabilis siyang gumaling kapag mainit palagi ang kinakain niya.
Naupo siya at hinalo ang laman ng kanyang mug. Hindi na niya maintindihan ang sarili. Nilalamig siya na inaapoy ng lagnat.
Abala ang mga kasamahan ni Jazz sa pagpapatuyo ng mga kahoy samantalang siya ay halos hindi na makakilos. Sobrang init ng pakiramdam niya. Nanghihina siya. He can't barely hold his riflé.
“Ano? Masama talaga ang pakiramdam mo? Kaya pa?” tanong sa kanya ni LT Calumpang.
“Kaya pa, Sir,” pagsisinungaling niya. “Titigil muna tayo sa paglalakad, ‘di ba, Sir?”
“Hindi. Pagkatapos mag-almusal lalarga ulit tayo. Kung hindi mo na kaya, pababain na kita. Buddy-han ka ng iba.”
“Kaya ko pa naman, Sir.”
“Ah, hindi. Bumaba ka na. Bumabagal na nga tayo dahil sa panahon, mas lalong babagal kapag hinintay ka pa namin.”
Yumuko si Jazz. Tama naman kasi ito.
“Doc, tingnan mo nga tong si Baylon,” tawag ni LT Calumpang sa medic na kasama nila.
Sinuri siya ng medic, tiningnan ang temperature, tiningnan pati ang mga kamay at braso niya.
“May rashes ka,” sabi nito.
“Nangati lang ako sa mga damo,” rason niya habang nakabaluktot sa suot na poncho.
Tinawag ni LT Calumpang si Thirdy na radioman nila. Nasa mataas na bahagi ito ng bangin at kakahuyan na iyon hindi kalayuan sa kanila.
“Magdahan-dahan ka naman baka masungkit ng antenna ng radyo mo iyong bahay ng pukyutan,” sermon ng tinyente kay Thirdy na nadulas pababa sa kanila.
Tumawa lang si Thirdy at kinontact na ang detachment na may kailangang bumaba sa kanila.
LT Calumpang looked at his map, then toward the blurry ridge. He crouches next to Thirdy—who is holding the handset of a tactical radio.
May mga pinindot si Thirdy at umingay na ang static ng radyo. “Talon, Talon, this is Blaster Romeo. Signal check, over.”
May sumagot agad mula sa detachment . "Blaster Romeo, this is Talon reading you loud and clear.”
“Talon, we have priority traffic, over,” sabi ni Thirdy.
“Blaster Romeo, go ahead with your priority, over.”
“Ako na ang kakausap,” sabi ni LT Calumpang.
"Talon Main, hold for Blaster Actual, over,” sabi ni Thirdy bago ibinigay kay LT Calumpang ang radyo.
LT Calumpang spoke in a low, disciplined murmur. Kalmado, walang panic.
“Talon, this is Blaster Actual. We have a medical situation. We... have one routine medical casualty. High fever, unable to march. We suspect dengue or malaria. Request extraction at the next log pack area.”
Napapikit na lang si Jazz bakit parang na-diagnose na siya ng malaria?
Pero tila hindi pa handa ang nasa base. Hindi kasi nakasagot agad ang mga ito.
“Talon, requesting status on our ground extraction, over,” mahina pero madiin na sabi ni LT Calumpang.
"Blaster Actual, be advised. Land assets are currently grounded... due to heavy rain... zero visibility. Can you stabilize him until nightfall, over?”
Umigting ang panga ni LT Calumpang. “Negative, Talon. This kid is boiling. If we keep him on this mountain for another 24 hours, he’ll suffer coma...organ failure. Requesting alternative medevac protocol, over."
"Copy that, Blaster Actual. Hold one...” The radio static hums for a tense five seconds. Pagkatapos ay narinig na ni Jazz na nagsasabi ng coordinates ang nasa detachment.
“Blaster Actual, we are dispatching a KM450 ambulance with a medical team from 31st Marine Company. They will establish a rendezvous point at Barangay Lam.ba...checkpoint. Can your team bring him down to the tree line? Over.”
LT Calumpang looked at his men, then checked his watch.
“Copy. We are dropping down the southern slope toward Barangay Lamba. I am splitting my element. Sending a 6-man escort team down with the casualty. Estimate arrival at the rendezvous point by ten hundred hours. Make sure that ambulance has IV fluids ready, over."
"Understood, Blaster Actual. Ambulance will be waiting at grid coordinates, over."
“Roger, out.” Ibinalik ni LT Calumpang ang radio kay Thirdy.
Bawat isa ay nagmamading kumilos. The sun is coming up and they are losing their cover. And that will make the extraction highly dangerous.
Makapal ang hamog, zero visibility pero alam niyang ang mga local civilian scouts ay gising na sa mga oras na iyon at nagmamatyag.
Inayos ni Jazz ang sarili kahit na masakit ang kanyang paa. They need to move fast before they are compromised.
Anim na tao ang ipinasama sa kanya ni LT Calumpang para bumaba.
Sending a security detail down the mountain meant losing seven good riflés. Mababawasan si LT Calumpang ng mga tao dahil labinlima lang silang isinama nito sa misyon. He will walk his remaining men straight into a hornet's nest, but Jazz was so sure the lieutenant wasn't turning back.
Tiningnan niya si LT Calumpang na mahigpit ang hawak sa HK416 rífle nito. He knew the Lieutenant is a MÀRSOG operator who has been rotated back into standard leadership role. Na-wounded kasi ang dating commander ng company nila at ito ang ipinalit.
Jazz felt an intense guilt and shame. He felt like a burden. The absolute worst feeling for him knowing he became the problem.
“Wag ka nang mag-isip. We’ll finish this job,” kausap sa kanya ni Thirdy bago siya tinapik sa balikat.
Hindi nagsalita si Jazz at binitbit na ang bag niyang halos wala nang laman. Ibinigay niya kasi dito ang mga rasyon niyang dala.
He bit his inner cheek until it bleeds. Parang na-dengue nga talaga siya dahil may nalasahan siya kaagad na dugo.
Kinuha niya ang kanyang extra magazine at ibinigay iyon kay Thirdy dahil pareho naman silang R4 ang dala.
“Ibigay mo kay Sir Calumpang ang iba kapag nagkataon,” mahinang bilin niya rito.
His magazine will feed Thirdy’s R4, and won't jam LT Calumpang's 416 if he runs dry.
Doon siya bumilib talaga kay LT Calumpang. Iyong bàril kasi nito ay karapehas ang bàla sa halos karamihan sa kasama nila sa operation na iyon. Bago sila lumarga patungo sa misyon na iyon, the Lieutenant established the teamwork despite them having different weàpons. They can share ammó without any issues.
"Don’t worry. We’ll make them count,” sabi ni Thirdy at tinanggap ang mga bàla. Then he pulled a small handheld radio from his vest pocket, switches out the battery for a fresh one, at ibinigay iyon kay Tikboy.
"Pre-set na ang frequency nito. Full na rin ang battery. Baka. nasa tatlong kilometro lang ang kanyang abutin nito dahil sa kapal ng kagubatan. If you hit trouble, you won't reach the base. Call me on Channel 3,” pagbibigay ni Thirdy ng instruction kay Tikboy.
Ibig sabihin lang niyon sa loob ng mga dalawang oras na lakad lang nila sila ma-supervise ni Thirdy. Pero ang estimate ni LT Calumpang ay apat na oras silang maglalakad bago makarating sa baba.
The remaining two hours will leave them vulnerable. Pero hindi naman pinanghinalaan ng loob si Jazz. Iniisip niya na lang na walang mangyayari sa kanila para makapag-focus siya kahit papaano.
“You're Blaster Bravo now,” kausap ni LT Calumpang kay Tikboy. Mahigpit nitong ibinilin na huwag silang titigil hanggat hindi nila nakikita ang ambulansiya.
Bumaba na siya kasama ang anim na sundalo.
They moved as quietly as possible, stopping every few hundred meters to listen, scan the thick greens and ensure they aren't walking straight into an ambush.And he was trying his best he doesn't cough or groan out loud and give away their position to possible scouts hiding in the bush.
Mga dalawang oras ang lumipas ay binuksan ni Tikboy ang radyo na hawak nito. Ilang sandali pa ay umingay na iyon.
“Blaster Bravo, this is Blaster Romeo.Report... your current status and distance... to the rendezvous point, over,” halos putol-putol nilang narinig ang boses ni Thirdy.
Sumagot si Tikboy pero nagloloko ang transmission nila.
“Blaster Bravo, I'm just checking the pulse up there, over.”
Ayaw pa rin umayos ng radyo.
"Blaster Bravo, if you copy, break squelch once for pulse, and twice for negative, over,” sabi ni Thirdy.
Pumindot si Tikboy ng isang beses.
“Copy, Blaster Bravo. Have you been compromised? Break squelch twice for negative, over."
Pumindot ulit si Tikboy ng dalawang beses.
“Good copy, Blaster Bravo you are clear. Be advised, we are switching this frequency to silent monitoring, out.”
Naging mas nakakakaba ang mga sumunod na oras hanggang sa makarating sila sa baba kung saan may naghihintay na sasakyan at tropa.
“Salamat naman at kasama akong ipinababa ni Sir. Makakaligo rin ako sa wakas,” kausap sa kanya ni Tikboy habang nasa biyahe sila.
“Kaya rin siguro ako nagkasakit dahil sa ulan lang tayo naligo,” mahina ang boses niyang sabi.
“Tone-tonelada na yata ang libag mo,” biro sa kanya ni Tikboy.
Ngumiti si Jazz, nakapikit. “Matatanggal din ‘to kapag gumaling na ako.”
“Hindi lang libag ang matatanggal. Pati yata poot, pangungulila at gutom tanggal kapag si Sir Calumpang ang nagdesisyon,” sabi ni Tikboy.
“Mukhang mabait naman si Sir, ano?” ani Jazz.
Napapansin niyang istrikto ang tinyente pero minsan naman ay nakikipagbiruan sa kanila. Medyo maingay ang pangalan nito sa unit dahil mayaman ito. Bukod doon, PMA graduate ang tinyente. Madalas tahimik ito pero palaging may utos. At dahil nga opisyal nila ito, wala silang magawa kundi sundin iyon.
Hindi lang niya maintindihan kung bakit gustong-gusto ito ng mga kasamahan niya. Mawala lang ng ilang minuto ang tinyente, hinahanap na ito ng mga tauhan nito.
Sa pinanggalingan na batallion ni Jazz, PMAer din ang commanding officer nila. Maingay din ang pangalan nito hindi dahil gusto ito ng mga marino. Kundi dahil pinag-uusapan ito sa mga mali nitong gawain. Halos isumpa nila ang ugali nito.
“Hindi lang halata pero mabait iyon. At saka galante. Nagpapainom `yon kapag natapos nang maayos ang misyon,” sabi ni Tikboy.
Medyo gumaan ang pakiramdam ni Jazz. Mabuti naman kung ganoon. Kung katulad rin ng ugali nito ang dati niyang CO, baka magpa-reassign siya sa ibang lugar.
Sa halip na sa forward operating base ay diniretso si Jazz sa ospital. At doon niya nalaman na malala pala talaga ang lagay niya. Dehydrated at may dengue siya!
Ang daming laboratory tests na kailangang gawin. Mabuti na lang at nakababa sila kaagad. Kung hindi, baka namatay siya sa gitna ng kagubatan sabi ng doktor.
Iyon ang unang beses na na-ospital siya sa tanang buhay niya kaya hindi niya alam kung ganoon talaga ang mga doktor—walang sugarcoating kung magsalita.
"Inumin mo na yan. Bilis! Bago pa makita ng nurse at doktor!" Halos isubo na ni Tikboy pati ang baso na may lamang katas ng dahon ng papaya sa bunganga ni Jazz.
"Teka lang!" Inagaw ni Jazz ang baso at pinilit ang sarili na inumin ang laman niyon.
Muntikan na niyang iluwa iyon dahil sa sobrang pait.
"Alam mo bang nagbayad pa ako ng sitenta pesos para diyan? Pasalamat ka ako ang kasama mo dito kung hindi naàtigok ka," sabi pa ni Tikboy.
Kung si Jazz lang ay ayaw niya sanang inumin iyon dahil nasa ospital na din naman siya. Baka maka-interfere sa gamot na tinutusok sa kanya. Ang kaso nakita niya kanina na mababa pa rin ang platelets niya.
Sabi ni Tikboy ay mabisa daw iyong katas ng dahon ng papaya kaya ininom niya na lang dahil gustong-gusto na niyang lumabas sa ospital. Nabubuwisit siya sa suwero na nakakabit sa kanya. Hindi siya makakilos nang maayos, kahit pag-ihi niya ay pahirapan.
"Oo na. Salamat, mamang Albularyo. Ito!" Kinuha niya ang kanyang wallet at inilapag sa kama ang limandaang piso na buo. "Bayad ko sa paggamot mo.”
Ngumisi si Tikboy ay kinuha ang pera.
"Doon ka na,” pagtataboy niya rito.
Pangisi-ngisi itong lumayo at nakipagkuwentuhan sa ibang pasyente na kasama niya sa ward.
Mayamaya pa ay hindi na niya nakita si Tikboy. Baka naburyong sa ospital at lumabas na lang ang albularyo.
Pero nang bumalik ito ay may dala itong tinapay, soft drinks, itlóg ng pugó at prutas.
Nang silipin niyang maigi ang supot na dala nito, may piniga na namang dahon ng papaya.
Napangiwi si Jazz. Pakiramdam niya pumait ang panlasa niya kahit hindi pa niya nainom ang katas.
“Sir, bawal sa pasyente ang soft drinks," paalala sa kanila ng nurse.
“Ako ang iinom nito, ma'am,” tugon ni Tikboy.