Share

CHAPTER 2

Author: JET HERRERA
last update publish date: 2026-08-25 18:59:04

PINUNASAN ni Jazz ang mukha na basang-basa na ng pawis. Apat na araw na silang naglalakad sa kagutaban ng Jolo.

Nanghihina siyang naupo sa gilid ng isang puno at inilagay sa gilid niya ang bag na dala. Kumuha siya kaagad ng gamot at ininom iyon.

Hindi kasi maganda ang pakiramdam niya dahil nabasa siya ng ulan kahapon. Pakiramdam niya, hindi na niya kayang maglakad. Nananakit ang mga buto at muscle niya, pati ang kanyang lalamunan.

Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya sa mga kasama na masama ang pakiramdam niya o hindi. He was their designated marksman for fvcks sake! Kung bakit Kasi ngayon pa sumama ang pakiramdam niya.

Pero nakainom na naman siya ng gamot, baka mamaya ay magiging maayos na ang pakiramdam niya.

Bagong salta lang kasi siya sa grupo. Pito silang bagong dating na sundalo dahil may pinalitan sila pero sa kanilang pito, siya lang ang isinama sa misyon na iyon.

He can feel the “new guy in the team” pressure. Base sa mga usapan at bonding ng mga kasama niya, he’s now the absolute outsider in a tight group of marines who trust each other implicitly.

He was expecting if he messes up a spacing interval on the patrol trail, or if his gear rattles in the jungle silence, the marines will snap at him instantly.

Gayunpaman, iniisip niya pa rin na magandang senyales iyong isinama siya sa mission kahit bago lang siya roon. Maybe it showed that their commanding officer saw something in him.

Nakita siguro nito ang record niya na top siya sa shooting training niya noon.

“Single ka pa ba o may asawa na?” Biglang umupo sa tabi niya si Private Degara o mas kilala sa tawag na Tikboy.

Sabi ng scout sniper na mata nila sa misyon na iyon ay safe ang pwesto nila kaya ayos lang na mag-usap sila.

“Single pa `yan,” si PFC Napoleon Rivero o Leon ang sumagot. “Kita mong walang suot na singsing.”

“Ang tamang tanong ay, nag-cheat ka na ba? Pila ang girlfriend mo ngayon, oy? Pila ka ang ka-chat mo ba?” tanong naman ni PFC Danillo Almanzor III o Thirdy na inilayo sa bibig nito at ini-off ang radyo na hawak. They go on radio silence at iyon ang utos ng commander nila.

Napangiti nang kaunti si Jazz. Masaya siya kahit hindi pa niya masyadong kilala ang mga kasama ay mukhang makagaanan niya ang mga ito ng loob kahit wala siyang masyadong alam tungkol sa mga ito. Ang alam lang niya ay taga-Capiz si Tikboy, taga-Tarlac si Leon. At bisaya si Thirdy dahil sa tono ng salita nito.

“Wala akong ka-chat," sabi niya rito.

“Mahina ka," sabi ni Leon.

“Impossible na single ka,” sabi naman ni Tikboy.

“Baka single kapag na-deploy sa malayo ba pero kumpleto ang pamilya kapag nasa bakasyon,” nakangising sabi ni Thirdy.

“May girlfriend ako," matapat na sabi ni Jazz. Alam naman niyang binibiro lang siya ng mga kasama.

Ang pagbibiro madalas ang isang paraan para maging komportable sila sa isat isa lalo na kapag may mga bagong idinagdag sa unit.

“Ilang buwan na kayong magkarelasyon?” usisa ni Thirdy.

"Dalawang taon pa lang,” tugon ni Jazz.

“Ilang taon ka na?” singit ni 1LT Lark Adriel Calumpang sa kanilang usapan. Ito ang acting commanding officer nila sa company at lider nila sa lakad na iyon.

Ang totoo ay hindi alam ni Jazz kung bakit personal na sumama si LT Calumpang sa lakad nila na iyon at ipaubaya na sa XO nito ang company gayong pwede naman sila nitong imonitor na lang.

“Twenty seven pa lang ako, sir," sagot niya rito.

“Red flag ka," bigla ay sabi nito.

“Sir?" Hindi makapaniwala si Jazz sa narinig.

Humina lang ang lakas niya pero hindi ang kanyang pandinig. Sigurado siyang tinawag siya nitong "red flag".

“Matanda ka na, dalawang taon na kayong magkarelasyon pero hindi mo pa rin pinakasalan?” tanong ni LT Calumpang.

Napahagod si Jazz sa foulard na suot. “Eh, wala pang budget, sir."

Tiningnan siya ng masama ng tinyente. "You're just using your trauma as an excuse.”

" Siyempre bago mag-settle down kailangan ng pera, sir. Wala pa ako masyado nun," rason niya rito.

"Sinong may sabi sayo na kailangan mong mag-settle down kapag nag-asawa ka?" salubong ang kilay na tanong ng tinyente. "Mali yang paniniwala ninyo. Kailangan nyong kumayod nang matindi kapag nag asawa na kayo. Settle up dapat hindi settle down," sermon pa nito sa kanila.

"Yes, sir," sabi ni Leon saka dahan-dahang lumayo.

Tumawa si Thirdy. “Tinamaan kaya umeskapo.”

Hindi naman maka-eskapo si Jazz kaya nag-rason siya. “Hindi pa talaga ako handa financially mag-asawa, sir. Hindi naman ako ipinanganak na mayaman. Hindi rin malaki ang sahod ko.”

“Ano ang sabi ng girlfriend mo?" tanong ng tinyente.

“Nag-usap na kami. Willing naman siyang maghintay, sir.”

Nangunot ang noo ni Lt Calumpang. "You don't have enough money to marry yet you expect a woman to accept that? You can't commit coz you don't have money but you accept her commitment without matching it?"

“Hindi...hindi naman sa ganon, sir. Committed ako," rason niya.

“This is exactly why people look down on our profession, not that our profession was not sorbid already....your actions only add to the negative stigma that surrounds around it," sabi ng tinyente.

Mas lalo yatang sumakit ang ulo ni Jazz. May sermon na, may english pa!

Bakit parang mortal sin ang ginawa niya?

“Kasalanan na pala ngayong tumawad sa babae kapag wala kang pera, sir?" iling-iling na tanong ni Tikboy habang nagpipindot sa cell phone nito.

"Eh ano ang gusto mo, tumuwad lang ang mga babae sa inyo?" Tila aburido na sabi ni Lt Calumpang.

“Ay, wala akong pinapatuwad na babae, sir!" depensa ni Tikboy sa sarili. "Sina Leon at Thirdy meron."

"Hoy!" Binato ni Thirdy ng maliit na lupa si Tikboy. "Wag mo akong idamay diyan." Pagkatapos ay naglakad ito nang mabilis.

Napangiti na lamang si Jazz.

-------

“MABUTI naman at may signal dito,” sabi ni Sgt. Lambing na may hawak na machine gún habang nakatingin sa nakalambitin na cell phone sa sanga ng isang puno.

Halos lahat yata ng mga kasamahan ni Jazz ay hawak na ang cell phone ng mga ito at kausap na ang mahal sa buhay.

Nagtayo sila ng tent nila sa bahaging iyon ng kagubatan kung saan sila maaabutan ng dilim. Ang iba nilang kasamahan ay naghanda nang magsaing at magluto ng ulam. May nadaanan sila kanina na kawayanan at may mga labong doon kaya kinuha na nila. May niyog din silang bitbit.

Paubos na kasi ang rasyon nila at mga dry meals na lang ang natira kaya para makatipid ay umaasa sila minsan sa forest foraging.

Alas kuwatro pa lang ng hapon ay naghanda na sila ng hapunan nila. Cardinal rule ni Lt Calumpang na walang maninigarilyo, magluluto at magsi-cell phone kapag kumagat na ang dilim. Baka kasi matunton sila ng kalaban gayong sila dapat ang maghanap sa mga ito.

“Huwag mo nang banlawan ang bigas kasi kaunti na lang ang tubig natin,” sabi ni Thirdy kay Leon.

“Hanap-tubig na lang tayo,” nakangising sabi ni Leon bago nagbuga ng usok ng sigarilyo.

“O, sige. Maglakad ka at maghanap doon ng tubig mag-isa,” tila aburido na sabi rito ni LT Calumpang.

“Buddy-han ako ni Tikboy, Sir. Kaming dalawa ang maghanap ng tubig,” rason ni Leon.

“Sabi ko kasi sa ‘yo na huwag mong itatapon iyong tubig ng niyog. Puwede pang mainom iyon,” sabi naman ni Tikboy

“Mapanghi na ‘tong tulugan natin mamaya kapag ihi ka nang ihi,” ganti ni Leon.

Ganoon kasi kapag nakainom ka ng tubig ng niyog. Panay ang ihi mo.

“Bakit? Mabango ba ang ihi mo?” Kinuha ni Tikboy ang labong, naupo ito at sinimulang hiwain iyon.

“Ikaw na lang, Jazz,” baling sa kanya ni Leon.

Ngumiti lang siya rito at hindi na nagsalita. Masama kasi talaga ang pakiramdam niya.

“O, ano’ng nangyari sa ‘yo?” usisa ni LT Calumpang. Napansin yata nito ang pagiging matamlay niya.

“Masama ang pakiramdam ko, Sir. Pero nakainom na naman ako ng gamot.”

“Gaano kasama?”

“Ayos lang ako, Sir. Baka kailangan ko lang ng pahinga,” tugon niya rito.

“Sigurado ka?”

“Yes, Sir.”

“Dapat kumain ka muna bago ka uminom ng gamot. O, sige, magpahinga ka na do’n,” utos nito sa kanya.

Kung maganda lang ang pakiramdam niya, hindi niya susundin ang utos nito. Nahihiya siya sa mga kasamahan niya kapag wala siyang ginagawa.

Pero pakiramdam niya ay hindi niya talaga kaya na gumalaw pa. Nagpasalamat siya sa opisyal at umunan na sa kanyang bag. Bago siya pumikit ay nagpadala muna siya kay Meg ng message na hindi niya alam kung maisend dahil hindi wala siyang lakas na itali sa sanga ng Puno ang kanyang cell phone para magka-signal.

Sinabi niyang nasa maayos siyang kalagayan gayong hindi naman totoo iyon. Ayaw niya kasing mag-alala ito sa kanya.

Pero ilang sandali pa ay nag-reply ito sa kanya ng, “Ilang araw kang hindi nag-message. Siguro busy ka diyan sa mga magandang babae. Sige, asikasuhin mo muna sila. Pakasalan mo na rin."

Noong sinubukan niya itong reply-an ay nawalan na Siya ng signal.

Napapikit na lang si Jazz nang mariin. Ang hirap kapag long distance relationship. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ni Meg at siya naman ay kailangan niya itong intindihin.

Nakakainis!

Sa inis niya ay malakas niyang hinampas ang lamok na dumapo sa kanyang kamay.

Minsan hindi naman ang masamang pakiramdam ang sisira ng araw ng isang tao. Sometimes one person's words can ruin your whole day.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fushiguro
kwawang nlalang haha inways ng jowa nya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • RETURN TO ME   Chapter 9

    “BAKIT may mga pintura dito, Sir?” tanong ni Jazz kay LT Calumpang.Nasa detachment sila at wala silang lakad. May iilan silang kasamahan na pinayagang magbakasyon. Kasama nga si Leon sa iilan sa mga iyon. Hindi na rin naman humirit si Jazz ng bakasyon dahil kababalik lang naman niya. Wala pa ngang isang buwan siya sa base. Na-ospital din siya.“Gagamitin ‘yan sa paggawa ng signage natin,” tugon ni LT Calumpang. “Magaling kang mag-drawing, `di ba?”“Yes, Sir!” pagmamalaki ni Jazz. Sabi nga ng mga guro niya dati, dapat may engineering ang kinuha niyang kurso o kaya architecture. Magaling kasi siyang gumuhit at magpinta. Pero hindi sapat ang kinikita ng mga magulang niya para pag-aralin siya sa ganoong kurso.Nang mag-training siya sa Cavite bilang marines, sa kanya rin ipinapagawa ang mga gawaing may kinalaman sa mga letra at pintura. Sa batch nila, siya lang ang may talent na ganoon.“Sige na. Umpisahan mo na para mabilis na matapos,” sabi ni LT Calumpang.Naroon na nga ang mga mate

  • RETURN TO ME   Chapter 8

    NAGMAMADALING itinali ni Jazz ang sintas ng kanyang combat boots. Pinadyak-padyak niya ang mga paa at inayos ang suot na uniporme. Nagwisik siya ng pabango na binigay sa kanya ni Meg. Iyong klase ng pabango na hindi masyadong matapang ang amoy pero tumatagal ang kapit sa damit. Sinipat niya ang mukha sa basag na salamin na nakasiksik sa dingding ng barracks nila. Nagsuot siya ng sunglasses, kinuha niya ang kanyang rifle at binitbit na ang Kevlar helmet. May lakad sila nang umagang iyon. Hindi sa bundok kundi sa kalsada. Magsasagawa sila ng checkpoint.“May malapit na detachment ng army dito, Sir, ano?” kausap ni Jazz kay LT Calumpang na nakatingin sa signage habang humihigop ng kape.“Meron naman. Mas malawak nga ang AOR ng commander ng unit na iyon. But orders are orders from our battalion. May nadali daw ng sparrow sa tropa. Kailangan nating maglagay ng checkpoint sa ibaba,” sabi ng opisyal. “Zero six hundred dapat nakapuwesto na tayo sa kalsada.”“Dadalhin ko na ‘to, Sir,” ani Ja

  • RETURN TO ME   Chapter 7

    BIGLANG napabalikwas si Meg. Hingal na hingal siya, ang lakas ng kabog ng kanyang díbdib, basa ng malamig na pawis ang kanyang noo. Napahawak siya sa kanyang díbdib nang mapagtanto niyang nanaginip siya. Mabilis niyang dinampot ang kanyang cell phone. Mag alas singko na ng umaga. Tumayo siya at naglakad papunta sa maliit na lababo sa loob ng kanilang silid. Naghilamos siya, nagmumog at nag-toothbrush. Bilang isang Psychology graduate, alam niyang projection lang ng defense mechanism niya ang panaginip dahil sa halos dalawang linggo na silang hindi nagkikita ni Jazz. She likely knows the clinical terms for what she is experiencing, but as a woman deeply in love, she simply cannot help it. To her, Jazz isn't just a part of her life; he has become her entire universe, the absolute axis upon which her world revolves. Sabi nila, kapag Psychology graduate ka, mas madali mong maiintindihan ang sarili mong emosyon. Dapat alam niya ang kanyang limitasyon. Dapat alam niya kung kailan na

  • RETURN TO ME   Chapter 6

    NAKAUPO si Meg sa sahig ng kanyang silid at napapalibutan siya ng mga kalat. May backpack. May ziplock ng mga chocolate at kendi. May tatlong bagong T shirt na binili niya sa mall.. May maliit na first aid kit at hygiene kit. May mga pagkain. At may notebook at ballpen. Nagsusulat siya ng ”Things to bring for Jazz” 1. Deodorant, sabon, perfume, off lotion 2. Kendi at snacks 3. Laminated picture 4. Ako Napangiti siya sa huli. Nilagyan pa niya ng tatlong beses na heart ang salitang Ako. “Meg! Anong ginagawa mo d’yan?” sigaw ni Nanay Perlita mula sa kusina. "Tulungan mo muna ako dito." "Nagpaplano, Ma!” sagot niya at masayang naglakad papunta sa kusina. Nasa lababo ang Nanay Perlita niya. “Plano para saan?” usisa nito. Ibinigay nito sa kanya ang kalabasa. "Pakihiwa nito." “Dadalawin ko si Jazz sa Jolo, Ma!”proud na sabi niya. Tinanggap niya ang kalabasa saka siya naglakad para kumuha ng kutsílyo. Napatigil si Nanay Perlita sa pagkuha ng iba pang gulay. “Jol

  • RETURN TO ME   Chapter 5

    “EWAN ko ano’ng pangalan no’n. Kilala n’yo ba?” tanong ni LT Calumpang. “Dinalaw no’n si Jazz sa ospital, Sir,” tugon ni Tikboy. “Dinalaw? Girlfriend mo ‘yon? Akala ko may girlfriend ka sa Maynila?” tila gulat na tanong ng tinyente. “Aba, hindi maganda `yang ginagawa mo,” dagdag pa nito bago kumagat ng manok. “Hindi naman, Sir. Bumisita lang sa ospital. Lahat ng pasyente dinalaw niya,” depensa ni Jazz. "Bumisita pero timagal sa kama niya,” balewalang sabi ni Tikboy. Natawa nang malakas si Leon na may nakabukol pang pagkain sa pisngi. “Aba, iba rin ang diskarte ng kasamahan natin habang naka-confine. Habang kami nakikipagpalitan ng putok sa bundok, siya nakikipagpalitan ng matatamis na ngiti.” “Huwag n’yo nga akong intrigahin,” inis pero natatawang banta ni Jazz, sabay baling kay Tikboy. “Ikaw ang may gustong dumiskarte do'n kaya wag mo akong idamay.” ”Tiningnan siya ni LT Calumpang nang may mapanuring ngiti bago uminom ng softdrinks. “O siya, totoo man o hindi, basta sigura

  • RETURN TO ME   Chapter 4

    “WALA KA namang trabaho, ‘di ba? Punta ka dito,” hiling ni Jazz kay Meg habang kausap niya ito sa cell phone. Dalawang araw na siya sa ospital at hindi pa siya pinapayagan ng doktor na lumabas kahit na pakiramdam niya ay maayos na siya. Napilitan na rin siyang sabihin kay Meg ang totoo dahil humingi nga ito ng selfie niya. Hindi naman siya marunong mag-edit ng picture niyang naka-hospital gown. “Sorry, babe. Hindi kita madadalaw. May interview kasi ako. Alam mo, tinawagan na ako sa ina-apply-an kong law firm.” Napabuntong-hininga si Jazz. Hindi na talaga nagbago si Meg. Iba na naman ang trabaho nito. Palagi rin itong busy. Mas busy pa yata ito sa kanya. Kahapon pa niya kasi ito tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. “Pero baka after nito ay mapuntahan kita,” pagbawi ni Meg nang hindi siya nagsalita. “Pasensiya ka na. Alam ko naman na gusto mong may permanente akong trabaho pero nahihirapan kasi ako.” “Okay lang,” malungkot niyang tugon. May nurse na pu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status