INICIAR SESIÓNNGUMITI ng makahulugan si Mina at hinawakan ang kamay ni Clara. "Kailangan pa bang malaman kung sino 'yun? Sobrang tagal na no'n saka, sure naman akong nakalimutan na niya 'yung babae."
"Pero gusto ko pa rin malaman—"
"Mommy!"
Sabay silang napalingon ng marinig ang boses ni Nathan, ang apat na taong gulang na anak ni Mina.
Patakbo itong lumapit sabay yakap sa ina. "Sabi ni Daddy, uwi na raw tayo!" sabi ng bata sa matinis nitong boses.
Hinaplos ni Mina ang buhok ng anak sabay ngiti. Pagkatapos ay tiningnan si Clara. "Kailangan na naming umuwi, kita na lang tayo sa susunod."
Pagtayo ay ganoon din ang ginawa ni Clara. Nais niyang tanungin muli kung sino ang babae pero naglalakad na paalis ang dalawa, hindi na niya nagawang magsalita.
Pinili na lamang niyang maupo ulit, nag-iisip kung kanino niya malalaman kung sino ang babaeng unang minahal ng asawa.
Hanggang sa lapitan siya ni Ethan. "Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala."
Lumingon si Clara, pinakatitigan ng matagal ang asawa. Ang dami niyang gustong itanong pero pinili na lamang niyang manahimik at sumunod hanggang sa makabalik sila sa bahay, magpapaalam lang saglit bago umuwi.
"Uuwi na kayo agad?" tanong ni Ysabelle, nakakatanda at nag-iisang kapatid na babae ni Ethan. "Maaga pa para umuwi! Kaya ayokong mag-asawa, e. 'Di ko nai-enjoy—" bigla siyang natahimik ng mapansin ang tingin ni Noah, ang pinakamatanda sa kanilang magkakapatid.
Hindi naman siya takot pero sa oras na magsalita ito, paniguradong barado na naman siya. Pero dahil siya ang tipo ng babae na hindi nagpapatalo kaya mauuwi lang sila sa away.
Ang pinakakinakatakot na mangyari ni Ysabelle ay ang magalit ang terror niyang ina. Kaya hangga't maaari ay umiiwas na kaagad siya.
"Mag-ingat kayo pauwi," ani Helena.
Wala ni isang nagsalita pero sabay-sabay silang tumango. Ganoon naman lagi ang scenario sa tahanan ng mga Villareal. Tumatahimik ang lahat at nakikinig lang kay Helena, ang ina ng magkakapatid.
Pagkatapos ay magkasabay na lumabas sina Ethan at Noah habang karga si Nathan. Habang nakasunod lang ang kanilang mga asawa.
Magkasabay sa paglalakad sina Mina at Clara, ngunit tahimik ang huli. Bago sumakay sa kani-kanilang sasakyan ay bumulong ang una, "'Wag mo na 'uung masiyadong isipin pa, okay?"
Madaling sabihin pero mahirap gawin dahil wala naman ito sa sitwasyon niya ngayon. Gayon pa man ay hindi na siya nagsalita at tahimik na sumakay sa kotse.
Matapos niyang ikabit ang seatbelt ay nagtanong si Ethan, "Anong pinag-usapan ninyong dalawa ni Mina kanina?"
Natigilan si Clara, pero ilang sandali pa ay umakto ng natural. "Wala, tara na't gusto ko ng matulog."
Mayamaya pa ay naramdaman ni Clara ang kamay nitong humaplos sa kanyang braso. Paglingon ay bigla siya nitong hinalikan sa pisngi.
"I know, you're mad. Kung ano man ang kasalanan ko, humihingi na kaagad ako ng sorry."
Awtomatikong uminit ang pisngi ni Clara at mabilis na umiwas ng tingin. Sa isang iglap, naglaho ang agam-agam niya para sa asawa.
Sa isip-isip niya, baka totoo nga ang sinabi ni Mina. Hindi siya dapat magpaapekto sa nakaraan ni Ethan dahil siya na ang kasalukuyan, ang asawa.
Hindi siya pakakasalan nito kung hindi pa rin nito nalilimutan ang unang pag-ibig.
Kaya mabilis niyang kinalimutan ang lahat, saktong paparating na ang first wedding anniversary nila kaya medyo abala siya sa paghahanda.
"Hon," tawag niya rito, habang nasa kwarto sila. Nasa sofa ulit ito at tutok sa laptop.
"Hmm, bakit?" walang tinging tanong ni Ethan.
Si Clara na nakasandal sa headboard ng kama ay humiga ng pataob at nangalumbaba. "Busy ka ba next weekend?"
"Bakit, anong meron?"
Ngumisi si Clara pero nakanguso ng magsalita, "Nakalimutan mo na?"
Nag-angat ng tingin si Ethan, seryoso ang ekspresyon sa mukha ng ngumiti. "Of course not."
"Really? So, anong meron next weekend?" ani Clara, nais makatiyak.
Ngumisi si Ethan, sabay ligpit sa laptop at pagkatapos ay sumampa na siya sa kama. "Wedding anniversary natin, you think, makakalimutan ko? Kahit na busy ako, 'di ko makakaligtaan ang araw kung kailan tayo kinasal."
Natuwa si Clara saka ito niyakap at pagakatapos ay natulog na sila.
MABILIS na lumipas ang mga araw, namalayan na lamang ni Clara, bukas na ang wedding anniversary nila. Sobrang excited niya kahapon pa lang kaya hindi siya nakatulog ng maayos kagabi.
Gayon pa man ay puno siya ng energy sa araw na iyon dahil magsi-celebrate sila sa resort. Naka-ready na siya habang nasa loob pa ng banyo si Ethan, tsinitsek kung wala bang nakalimutan. Mayamaya pa ay lumabas na rin ito.
"Alis na tayo?"
Tumango si Clara at nauna ng lumabas ng kwarto. Nakababa na siya ng hagdan pero nakakapagtakang matagal itong nakasunod.
"Ma'am, ready na po ang kotse sa labas," saad ng katulong na kagagaling lang sa labas.
Tumango siya at inutusan ito, "Pwede bang akyatin mo si Ethan? Ang tagal niya—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin ng mapansin ang asawa na mabilis na bumababa ng hagdan. Ngumiti siya ngunit bigla na lang itong kumaripas ng takbo palabas at tuloy-tuloy hanggang sa kotse.
"E-Ethan?!" tawag niya rito saka ito mabilis na sinundan. Bago pa man siya tuluyang makalapit ay nakasakay na si Ethan sa sasakyan matapos agawan ng puwesto ang driver.
Sa isang iglap ay humarurot palayo ang kotse at naiwan siya na naguguluhan. "S-Sandali lang, Ethan!" tawag niya pang muli, nakailang hakbang na habol dito ngunit kusa rin tumigil.
"Ma'am? Ayos lang kayo?" concern na tanong ng katulong.
Hindi naman agad nakasagot si Clara dahil naguguluhan pa rin sa nangyayari. Hanggang sa biglang tumunog ang cellphone niya, pagtingin ay tumatawag kaibigan ng asawa, si Adrian.
"Hello, Clara, si Ethan?"
Magulo sa kabilang linya, maingay ay tila nagmamadali ang kilos nito. "Ahm… kaaalis lang, nagmamadali nga, e. Bakit, may nangyari ba?"
"Tsk, mukhang alam na niya ang nangyari kay Noah."
Natigilan si Clara sa narinig. "B-Bakit, anong nangyari?"
"Ang mas mabuti pa ay pumunta ka na sa ospital. Hindi ko alam kung ano ng nangyayari pero nabalitaan kong naaksidente sina Noah at Mina."
Sa sinabi ni Adrian ay agad na kinabahan si Clara, dali-dali siyang nagpahatid sa driver matapos malaman ang ospital na pinagdalhan sa dalawa.
Nang makarating ay lakad-takbo siyang nagtungo sa operating room matapos ipagtanong sa nurse station kung nasaan ang dalawa.
Pagliko ay tanaw na niya ang pamilya, naroon ang dalawang biyenan at si Ysabelle ngunit wala ang asawa.
Gayon pa man ay naglakad siya palapit. Nang mula sa kaliwang pasilyo ay sumulpot si Ethan na inaalalayan si Mina. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang wala naman gaanong pinsala sa katawan ang hipag, mga benda lang sa braso at binti.
"Anong ginagawa mo rito?!" galit na sabi ni Ysabelle matapos makita si Mina.
"Ate," saway ni Ethan. "'Wag kang magalit sa kanya."
"At bakit hindi?! Dahil sa kanya kaya nasa loob si Noah, nag-aagaw-buhay!"
"Aksidente ang nangyari, okay? Hindi mo kailangan na magalit," pagtatanggol pang muli ni Ethan.
"Tama na, tumigil na kayo," saway ni Victor sa dalawang anak. "Ang mas mabuti pa ay magdasal kayo na maging successful ang operasyon."
Tuluyang nakalapit si Clara at tahimik na umupo sa tabi ni Ysabelle, panaka-naka ang tingin sa asawa. Hindi man lang siya binigyang pansin na nasa tabi lang ni Mina.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng operating room at lumabas ang doctor. Agad na lumapit ang pamilya, maliban kay Clara, Ethan at Mina.
"Kumusta na ang anak ko, Dok?" tanong ni Helena. "Ligtas naman siya, 'di ba?"
PUMASOK si Ysabelle at Clara sa silid, naabutan ang dalawa na nagsusukatan ng tingin. Lumingon si Mina, may kakaibang ngiti sa labi saka walang sabing naglakad palabas.Nilampasan ang dalawa, hindi na hinintay pang paalisin.Nang sila na lang ang naroon ay nagtanong si Ysabelle sa kapatid kung anong pinag-usapan ng mga ito."Wala lang 'yun, masaya lang siyang makitang gising na 'ko," ani Ethan, sabay baling ng tingin sa asawa. "Clara," malambing niyang tawag.Napakunot-noo si Clara, kung maaari lang ay gusto na niyang umalis pero kailangan niya itong harapin. Naglakad siya palapit nang mapansin sa gilid ng mata ang kamay ni Ethan.Bago pa man siya mahawakan ay umatras na siya, inusog ang monoblock chair.Pahiya man ay ngumiti pa rin si Ethan. "Kumusta ka na?"Nag-angat ng tingin si Clara, tiningnan ito nang masama. "Ano sa tingin mo?" sarkastiko niyang sabi. "Napagbintangan ako sa kasalanang 'di ko naman ginawa.""I'm sorry, nakausap ko na si Daddy at kinumbinsi. Pumayag naman siyang
HINDI pa sumisikat ang araw ay nasa ospital na si Mina dahil gusto niyang makita si Ethan. Dumiretso siya sa nurse station para ipaalam na gusto niyang bisitahin ang pasiyente."Ano pong pangalan niyo, Ma'am?" tanong ng nurse."Mina Villareal."Marahang tumango ang nurse, tiningnan ang computer. May nakalagay na note doon na bawal tumanggap ng bisita maliban sa nagngangalang Clara Villareal."Ahm… sorry po, Ma'am. Pero 'di po pwedeng tumanggap ng bisita ngayon—""Bakit?" putol agad ni Mina. "'Di ko pwedeng bisitahin ang asawa ko?"Natigilan ang nurse, hindi nito alam pero iyon ang bilin sa kanya kundi ay mapapagalitan siya. "Sorry po talaga."Hindi na nakipagtalo si Mina, tiningnan niya nang masama ang babae saka naglakad paalis. Pero sa halip na lumabas ng ospital ay lumiko lang siya at sa ibang hallway dumaan, isa-isang tinitingnan ang mga room nagbabaka-sakaling makita si Ethan dahil hindi niya alam ang kwarto nito.Inabot siya ng kalahating minuto pero hindi niya pa rin mahanap. K
PALABAS na si Clara sa customs hall tulak ang cart nang saglit na tumigil at bumuntong-hininga. Ang ibang kasabayan na pasahero ay masaya, marahil ay magbabakasyon o gustong makasama ang pamilya matapos malayo.Pero siya, ito bumalik para sa ibang dahilan. Ilang beses niyang iniisip sa eroplano pa lang na baka wala na siyang balikan. Hindi tiyak kung magiging maganda ba ang kalalabasan ng trial na haharapin.Sinabihan na siya ng abogado na hindi sapat na sabihing inosente siya sa krimen, kailangan na mapatunayan na hindi talaga siya ang salarin.Muli siyang bumuntong-hininga at nagpatuloy na sa labas. Sa arrival area ay maraming naghihintay, nag-aabang sa mga pasahero.Hinahanap niya sa paligid si Janice pero hindi niya ito makita sa dami ng tao. Nang wala talaga matapos ang ilang sandali ay nagpatuloy na siya palabas ng paliparan hanggang sa marinig niya ang boses ng kaibigan."Clara!"Lumingon siya, mula sa malayo ay nakita niya itong tumatakbo palapit hanggang sa salubungin siya ng
HABANG nagpapahinga sa nurse lounge at nag-i-scroll sa social media ay natanggap ni Clara ang screenshot ng subpoena na pinadala ni Janice.Habang binabasa ang nilalaman ay bigla siyang tinawag ng kapwa nurse dahil biglang nilagnat ang isang pasiyente na siya ang naka-assign. Binitawan niya ang cellphone at dali-daling umalis patungo sa ward.Nagtagal siya roon ng kalahating oras at pagbalik ay nagtaka nang maraming nagkukumpulan, tila may kung anong pinagkakaguluhan."W-What's happening?" tanong niya sa isang kasamahan.Lumingon ito at biglang umiwas, ganoon din ang iba pa kaya takang-taka siya hanggang sa mapansin niya ang isang kasamahan na mabilis nilapag ang cellphone niya sa upuan.Nang mga sandaling iyon ay bigla siyang nilamig, kinilabutan. Alam na niya kung anong nangyayari, hindi maikakaila dahil sa pag-iwas ng kapwa nurse.Napalunok siya ng laway saka mabilis na kinuha ang phone, hindi niya magawang mag-angat ng tingin. Hiyang-hiya habang nakatingin sa screen ng cellphone k
HATINGGABI ngunit naghihintay pa rin si Clara ng balita mula kay Janice. Matapos niyang matanggap ang message ni Ysabelle ay agad niyang tinawagan ang kaibigan.Nangako naman si Janice na hahanapin agad at kakausapin ang abogado para maasikaso agad ang kaso. Halos dalawang oras lang ang tulog ni Clara dahil abang na abang siya sa update ng kaibigan hanggang sa namalayan na lang niya, papasikat na ang araw.Bumuntong-hininga siya at lumabas para magtimpla ng kape pampagising. Naabutan pa nga siya ng isang ka-dormmate, binati niya ito ng magandang umaga at pagkatapos ay bumalik siya sa sariling silid.Habang umiinom ay naghanda na siya para pumasok, wala siyang ganang kumain. Paano siya makakakain sa mga sandaling iyon at sa sitwasyon na kinakaharap?Hanggang sa magising si Aira, nagmamadali pa nga ito at akala ay mali-late na sa trabaho."I'll go first," saad nito may hawak na tuwalya.Tumango lang si Clara at muling lumabas nang maubos ang kape. Naabutan niyang gumagawa si Mint ng san
TULALA at hindi makakain nang maayos si Clara matapos ang pag-uusap nila ni Ysabelle. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili ngunit paano niya iyon magagawa sa tawag lang?Hindi niya rin alam kung anong ebidensya ang nakuha para masabing siya nga ang nagpabugbog kay Ethan. Sa kabila nito ay umakto siyang parang walang nangyari sa harap ng mga ka-dormmate at ayaw niyang makahalata ang mga ito.Bukod roon ay naniniwala siyang magiging maayos ang lahat dahil inosente naman siya at na-frame up lang.Kahit maraming iniisip ay nagawa niya pa rin naman makatulog nang maayos sa gabing iyon at nakapagtrabaho kinabukasan.Lumipas ang dalawang araw na wala siyang naririnig na balita mula kay Ysabelle kaya akala niya ay hindi naman ganoon kabigat ang lahat. Pero isang hapon, tumawag si Janice.Nasa duty pa siya ng mga oras na iyon, kasama ang mga batang pasiyente sa ward kaya nagpaalam siya saglit."Hello?" masigla ang boses nang sagutin niya ang tawag ng kaibigan."Clara, okay ka lang ba?"Nagtaka
HINAWAKAN ni Ethan ang mukha ni Clara sabay punas sa basang pisngi. "'Wag ka nang umiyak, gagawa ako ng paraan para maibalik ito sa dati."Hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Clara kahit ilang minuto na silang naroon. Maya't maya niyang sinusubukang pagdikitin sa dati ang nagkapira-pirasong litrato
MABIGAT ang hakbang ni Mina patungo sa dining area, busangot pa ang mukha upang mapansin ni Ethan at hindi naman siya nabigo."Anong nangyari?" anito.Umiling siya, kunwari ay walang balak magsalita hanggang sa maupo sa tabi ng anak. "A-Aalis na lang kami ni Nathan.""Ha?" react ni Ethan. "Ba't kay
DAHAN-DAHAN ang ginawang paglingon ni Clara, matapos niya iyong marinig. Sa isang iglap, tila ibang tao ang nakikita niya at hindi ang asawa. "D-Dito na sila titira? Nang hindi mo sinasabi sa'kin?" may pait ang pagkakasabi niya.Kaya biglang nahiya si Mina, agad nadamang magkakaproblema pa ang mag-
NANGHIHINANG bumalik sa sasakyan si Clara, wala sa sarili siyang naupo sa backseat habang ang driver ay nagtataka naman, makailang ulit siyang tinawag at tinatanong.Sa huli ay sumuko ito, napakamot sa ulo at naghintay sa kinauupuan.Nakayuko lang si Clara, tahimik na lumuluha. Mayamaya pa, nang ka







