เข้าสู่ระบบUmiiyak si Chantal sa sasakyan habang na-biyahe sila papuntang villa. Hindi na napigilan ni Alexis na sabihin ang kay Chantal dahil kinukulit na siya nito. Ang balak ni Alexis ay pagdating na lang nila ng villa niya sasabihin ang iba pang detalye pero hindi na niya nasunod ito.
Pati nga ang sasakyan na sinakyan nila ay tinatanong siya kung bakit may ganito siya at kung bakit may driver pa siya. Sinabi na lang niya na nirentahan niya para umikli na ang usapan. Pero alam niya na hindi pa rin ito kumbinsido. Noong nagbalak pang magtanong si Chantal tungkol sa sasakyan ay nakiusap na wag na lang magtanong tungkol dito. Pagdating nila ng villa ay nagtago sila sa halamanan dahil kasalukuyang nasa patio ang mga asawa nila. Unti-unting nadudurog si Chantal habang pinapanood si Ezekiel na nilalambing si Marga. Ang asawa ng lalaking katabi niya. Tiningnan niya si Alexis na hindi rin inaalis sa kanila pero bakit parang ang kalmado niya? Wala akong nakikitang galit sa mga mata kundi lungkot lang. “Hindi ka ba man lang nasasaktan sa nakikita mo? Bakit parabg mas nagagalit pa ako kesa sayo?!” Alexis let out a deep sigh before he locked his eyes on Chantal. “Hindi kita dinala dito para pag-usapan ang nararamdaman ko. Sa ibang araw natin pag-usapan iyan. Ang mas inaalala ko ay ang mararamdaman mo Chantal. Ano ang nararamdaman mo ngayong nakikita mong tinatarantado ka ng asawa mo … at nang asawa ko?” “Kailan mo pa nalaman ito?!” “Two weeks ago.” “Hindi mo agad sinabi sa akin? Pinagmukha mo rin muna akong tanga?” “Chantal may sarili akong rason kung bakit di ko agad sinabi. At akala mo ba na madali din sa aking tanggapin ang nalaman ko? Ipapaliwanag ko ang sarili ko kapag handa ka ng makinig at tumanggap ng paliwanag. Allam ko na hindi pa ito ang oras para doon. Alam ko na mas marami ang tanong mo sa asawa kaysa sa akin.” Muling ibinaling ni Chantal ang tingin niya kay Ezekiel at Marga. Hindi na niya kayang balewalain na lang ang nakikita niya. Tatayo na siya sana para puntahan ang dalawa ng pigilan siya ni Alexis. “Hindi mo sila pupuntahan Chantal”, sambit ni Alexis habang hawak-hawak ang pulso niya. Sinubukan ni Chantal na magpumiglas pero wala siyang nagawa sa lakas ni Alexis. “Hindi kita bibitawan hangga’t hindi mo pinapangako na hindi mo sila pupuntahan.” “Bakit nga kasi?!” “I have a better plan to teach them a lesson.” “Ano?” “You’ll know it in a few days. But for now, I just wanted you to trust me.” “Trust you? Eh paano? Nagtago ka na rin sa akin hindi ba?” Napahilamos na lang si Alexis ng mukha. “Alam ko. Kaya nga kita dinala dito dahil hindi na kaya ng konsensya ko na hindi pa rin sinasabi sa’yo ng asawa mo ang totoo. Kaya para isalba ka, dinala na kita ngayon dito para ikaw mismo ang makakita. Alam ko kung gaano mo kamahal ang gago kong best friend kaya naisip ko na hindi ka kaagad maniniwala. At ito lang ang nakikita kong paraan para hindi mo pagdudahan ang sasabihin ko.” Muling ibinaling ni Chantal ang mata niya kay Ezekiel at Marga. Nadudurog siya sa nakikita. Sa kung paano alagaan, lambingin at pakitunguhan ni Ezekiel si Marga. Na para bang siya pa ang legal na asawa at may karapatan sa mga iyon. At hindi niya maintindihan kung paano nakakayanan ni Alexis na umakto na parang wala lang sa kanya ang napapanood niya. Hindi na niya mapigilan ang buhos ng luha niya. At baka pa siya makapanugod ay mas pinili na lang niyang tumakbo papalabas ng villa. At hindi naman nag-atubili si Alexis na sundan si Chantal. Pagkalabas nila ng villa ay doon ibinuhos ni Chantal ang kanyang galit sa loob ng sasakyan habang nakaparada ito sa tapat ng villa at nasa labas ng driver. Sumigaw siya. Nagmura. At hindi sinasadyang mahabas ang dibdib ni Alexis. At hindi naman nagreklamo ang lalaki at sa halip ay hinayaan niya lang ito. “Sige langChantal. Ilabas mo sa akin ang lahat ng galit mo. Kung ito ang makakapagpagaan sa loob mo ay sige lang ako na muna ang saktan mo. Kung isa ito sa dapat kong gawin upang mabayaran ang sakit na naidudulot ng kamalian ng asawa ko ngayon. Sige lang, Chantal. Ramihan mo pa. Laksan mo pa. Murahin mo na ako hagga’t kelan mo gusto. Mas gusto ko na naandito ako sa tabi mo at nakikita kaysa sa mag-isa mong pasanin ito.” “Alexis, am I not enough?” Pinunasan ni Alexis ang luha sa mga Chantal at direktang tiningnan ang babae sa mukha. “You are enou - that’s ain’t right. You are more than enough, Chantal. Sadyang malakas lang ang loob ng kaibigan ko na gaguhin ka ng ganito”, sagot niya bago higitin si Chantal papalapit para yakapin siya ng mahigpit. “You don’t deserve this. You deserve more than this.” Hindi na nila namalayan kung gaano katagal ang naging yakap na iyon pero unti-unting tumahan ang babae at gumaan ang loob niya. Aalis na sana si Chantal sa yakap pero hindi siya pinakawalan ni Alexis at mas hinigpitan pa nito ang yakap. Hindi na rin nagpumilit pa si Chantal na kumawala sa yakap dahil hindi niya maipagkala na gumagaan ang pakiramdam niya sa yakap nito. Maya-maya pa ay pumasok na ang driver at nanatili silang magkayakap. “Bring me back to my cafè”, iyan ang huling kataga na sinambit ni Chantal kay Alexis habang nasa kalagitnaan na sila ng biyahe. “Kaya mo pa bang magtrabaho?” “Kakayanin ko.” Naging tahimik ang byahe nila pabalik sa cafè. At tuluyan nang tumigil si Chantal sa pag-iyak. Naghiwalay na sila ng yakap nang malapit na sila sa cafè. “Magkita tayo bukas at mag-usap tayo ng ayos sa Chantal.” “Hindi ko alam kung may lakas na akong makipag-usap sayo bukas”, tugon niya bago bumaba ng sasakyan. Hindi na nakipagtalo si Alexis dahil alam niyang hindi iyon ang kailangan ni Chantal ngayon. Umalis na siya sakay pa rin ng sasakyan at inutusan niya ang driver na sa penthouse siya iuwi.“Alexis?!”, gulat na sambit ni Chantal nang makita niya kung sino ba talaga ang boss ng mga lalaking kumuha sa kanya.“Iwan niyo na muna kami … “Sambit ni Alexis sa mga tauhan niya pero si Chantal ay nanatiling nakatitig kay Alexis. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Malayong-malayo ito sa Alexis na kilala niya. Iyong Alexis na nagtitinda at nag-aalis ng kaliskis ng isda sa palengke.“Mauna muna tayo”, sambit ni Alexis pero nagulat si Chantal nang sambitin niya ito sa harapan niya.“Teka, kelan … “, sambit niya pero hindi na niya maituloy ang kanyang sasabihin dahil naguguluhan siya sa nangyayari.“Alam ko na marami kang tanong Chantal pero pwede bang maupo muna tayo dahil sigurado ako na magiging mahabang usapan ito.Sinunod na lang ni Chantal si Alexis. Umupo siya sa mahabang sofa at tinabihan naman siya ni Alexis."What the heck is happening? Care to explain it to me? Tell me when did you figure it out?""A week ago.""Why didn't you told me right away?""Dahil sa tatlong r
Noong umuwi si Chantal kinagabihan ay inaasahan na niyang hindi uuwi ang asawa niya. Nag-alala si Nanay Ising sa kanya dahil halatang-halata ang pagka-mugto ng kanyang mata. Sinabi na lang niya na tungkol lang ito sa trabaho.Kinabukasan ng umaga siya umuwi. Naabutan siya ni Ezekiel sa kwarto nila na nagbibihis. Naghahanda na siya papuntang trabaho.Lumapit siya kay Chantal. At hinalikan ito sa leeg pero bahagya siyang tinulak nito palayo. Bahagya pang natigilan si Ezekiel saglit at pagkatapos ay pinagkibit balikat na lang ito.“Had fun with her for two days?”“What are you talking about?”“Did you have fun with my best friend, Marga, for two days?”Ezekiel tried to open his mouth but closed it again as he was unable to find the right words to say. Because he thinks that everything he says now, wouldn’t change the mistake that he made. “I’m sorry, Chantal. We made a mist - “, napahawak si Ezekiel sa pisngi niya dahil naramdaman nito ang sakit ng sampal nito.“If you really wanted to
Pagkatapos niyang ihatid si Chantal ay dumeretso siya sa kanyang penthouse. Ang penthouse na tinutuluyan ay ang lugar na konti lang ang may alam. Tanging ang asawa niya at ang kasambahay niya sa bahay na inuutusan niya para maglinis. Di niya inaasahan na makakatanggap siya ng tawag mula sa asawa niya.“Nasaan ka Exis? Bakit hindi ka umuwi ng bahay?”, bungad ni Marga ng sagutin ni Alexis ang tawag ng kanyang asawa.Hindi mapigilang matawa ng bahagya ni Alexis bago inumin ang natitirang wine sa baso niya.“Napirmaham mo na ba ang annulment papers?”“Hindi pa. Do we really have to do this?”“Kailangan pa ba nating pag-usapan ito? Nakipag-siping ka na sa matalik kong kaibigan. Ngayong nagbunga na ang pagtataksil niyo ay ngayon mo lang naisip iyon?”“Exis, we were drunk that night.”“Then, you should have known better. You should’ve kept your distance.”“I’m just comforting him and it … it just … just happened.”“He is married, Marga for god’s sake! I know what it’s like to comfort a frien
Umiiyak si Chantal sa sasakyan habang na-biyahe sila papuntang villa. Hindi na napigilan ni Alexis na sabihin ang kay Chantal dahil kinukulit na siya nito. Ang balak ni Alexis ay pagdating na lang nila ng villa niya sasabihin ang iba pang detalye pero hindi na niya nasunod ito.Pati nga ang sasakyan na sinakyan nila ay tinatanong siya kung bakit may ganito siya at kung bakit may driver pa siya. Sinabi na lang niya na nirentahan niya para umikli na ang usapan. Pero alam niya na hindi pa rin ito kumbinsido. Noong nagbalak pang magtanong si Chantal tungkol sa sasakyan ay nakiusap na wag na lang magtanong tungkol dito.Pagdating nila ng villa ay nagtago sila sa halamanan dahil kasalukuyang nasa patio ang mga asawa nila. Unti-unting nadudurog si Chantal habang pinapanood si Ezekiel na nilalambing si Marga. Ang asawa ng lalaking katabi niya.Tiningnan niya si Alexis na hindi rin inaalis sa kanila pero bakit parang ang kalmado niya? Wala akong nakikitang galit sa mga mata kundi lungkot lang
Umalingawngaw ang ingay ng alarm clock sa kwarto ni Chantal. Bahagya siyang naalimpungatan at kinapa ang alarm clock na nasa side table niya dahil hindi pa niya maimulat ang kanyang mga mata.Pagkapatay niya ng alarm clock ay sunod naman niyang kinapa ang kanang bahagi ng kama kung saan palaging humihiga ang kanyang asawa. Nang hindi niya maramdaman ito ay napamulat siya ng bahagya.“He’s gone”, sambit niya na para bang may kausap siya.Dahan-dahan siyang bumangon ng kama at hindi pa maimulat ng ayos ang kanyang mata dahil ang pakiramdam niya ay kulang pa siya sa … pahinga. Napabangon lang siya dahil naramdaman na niya ang dampi ng sinag ng araw sa kanyang mga balat.Napangiti siya ng tingnan ang kanang bahagi ng kwarto kung saan sumisilay ang araw. May kurtina talaga na humaharang sa sliding door nila dito. Pero tuwing umaga ay binubuksan ito ni Ezekiel. Isang paraan ng kanyang asawa para gisingin siya dahil may pagka-tulog mantika ito.Nang mapatingin siya sa sarili niya ay tsaka ni







