Share

CHAPTER 10

ALIYA'S POV

Bumalik na nga ako sa malaking bahay at dali-daling pumasok sa aking silid. Ang mga tauhan ni Gavin ay wala na sa sala kaya nang dumaan ako ay napakatahimik na.

Wala na akong ibang ginawa sa silid kundi ang humiga. Paminsan-minsan ay pinupuntahan ko ang balkonahe para doon makalanghap ng sariwang hangin.

Nang hapong iyon ay nakatulog pala ako kaya nang magising ay takipsilim na. Nag-inat ako ng aking mga braso atsaka bumaba na sa kama. Nagdadalawang-isip pa ako kung lalabas ako o hindi pero sa huli ay lumabas na lang ako. Sigurado akong wala pa si Gavin ngayon dahil ang uwi ng lalaking iyon ay mamayang alas otso. Eh alas sais pa lang.

Dahan-dahan lang ang bawat hakbang ko at sobrang tahimik. Pinuntahan ko ang kusina kung saan naghahanda na ng mga pagkain sina Nanay Elsie. Sumilip lang ako at pagkatapos ay umalis na. Baka makaistorbo lang ako.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Nagpalibot-libot na ako sa buong bahay. Bawat bulaklak na makikita ko sa loob ay lalapitan ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status