تسجيل الدخولAng tagal kong pinag-isipan kung paano ko pagkakasyahin ang 30 chapters🤣 Nakailang revision ako sa utak ko, pero final na po talaga 'to.
Solana Estrella Villanueva Russo’s Point of ViewHindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. Sinubukan kong libangin ang sarili ko, pero natatagpuan ko ang sarili ko na iniisip si Demetrius.Wala akong balita sa kaniya, at hindi rin ako nagtatangkang magtanong sa butler. Ang tanging gusto ko lang naman ay malaman kung pauwi na siya, o nasa maayos na kalagayan.“Ma’am, nandito na po ‘yong pagkain niyo,” pahayag ng butler.Bumuga ako ng hangin, at pinanood ang tatlong makukulit na aso na naghahabulan sa hardin.Tanghali na, pero wala pa rin si Demetrius.“Wala pa rin bang balita?” tanong ko sa kaniya.Umiling naman siya bilang sagot.“Nasaan si Kieran?” usisa ko.Hindi ko pa siya nakikita simula nang magising ako. Kaya parang masisiraan ako ng bait ngayon.“Nandiyan lang po sa tabi, ma’am. Nagbabantay lang po,” saad niya, ngunit hindi ko sigurado kung nagsasabi ba siya nang totoo.Kinagat ko ang aking ibabang labi, at tiningnan ang inihandang pagkain.Lumpiang gulay lang ang gusto kong
Solana Estrella Villanueva Russo’s Point of ViewPinaglaruan ko ang aking mga daliri, habang naghihintay kami ngayon sa living room. Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas, pero hindi pa rin ako natutulog.“May balita na ba?” tanong ko kay Kieran.Pinaglalaruan lang niya ang dagger na hawak niya magmula kanina, at nakatingin sa malayo. Parang malalim ang iniisip.Mabigat din ang kaniyang presensiya, at hindi ko alam kung bakit.“Wala pa,” mahinang bulong niya, pero umiigting ang kaniyang panga.Napakurap ako, at napahigpit ang pagkahahawak sa baso. Nakailang inom na ako ng gatas, pero hindi pa rin ako makatulog. Parang kailangan ko muna talagang malaman na nasa maayos na kalagayan sina Demetrius.Kumahol ang tatlo, at biglang lumapit sa akin. Kumakawag ang kanilang buntot, habang nakatitig sa akin. Nagpapa-cute pa.“Matulog na kayo,” bulong ko sa kanila, pero kumahol lang si Sophia.Naramdaman ko naman ang paglingon ni Kieran sa aking gawi, ngunit nanatili ang aking atensyon sa m
Solana Estrella Villanueva Russo’s Point of ViewAlam ko kung ano ang dahilan kung bakit si Kieran ang kasama kong uuwi. Kung bakit siya ang inutusan ni Demetrius. ‘Yon ay dahil siya ang mas may kontrol sa mga security nila, at gusto niyang masiguro na ligtas ako, habang pinipilit niyang ubusin ang mga kalaban niya.Napahawak ako sa aking noo nang pumintig ‘yon. Hindi kinakaya ng isip ko ang nangyayari, at mukhang napansin ‘yon ni Kieran.“Kaya mo bang maglakad?” marahan, ngunit may halong lamig na tanong sa akin ni Kieran.Nang napansin niyang hindi ako nagsalita, mabilis niya akong binuhat na parang bagong kasal. Patakbo na ang naging lakad niya ngayon, at gusto kong magpasalamat sa pagbubuhat niya sa akin, dahil nananakit na ang aking mga paa, dahil sa suot kong heels.“Kieran,” bulong ko sa kaniya nang maalala ko si Demetrius na naiwan. “Magiging maayos lang ba sila?”Narinig ko ang pagbukas ng kung ano, at nang imulat ko ang aking mga mata, inilapag na ako ni Kieran sa passenger s
Solana Estrella Villanueva Russo’s Point of View“Saan tayo pupunta?” tanong ko kay Demetrius nang umalis kami sa table namin.Mabigat ang kaniyang presensya, habang nililisan namin ang event hall. Nanginginig ang aking mga hita, habang patuloy lang kami sa paglalakad ni Demetrius. Wala akong ideya kung saan ba kami pupunta, ngunit habang tinatahak namin ang corridor, kumalabog nang malakas ang aking puso. Halos mabingi ako sa lakas nito, ngunit hindi pa rin kami tumitigil.May mga naririnig din naman akong yabag, ngunit hindi ‘yon pinansin ni Demetrius. Kaya baka tauhan niya ang mga ‘yon.“Comfort room,” sagot naman niya.Kumunot ang aking noo sa naging sagot niya. Kasi bakit naman kami pupunta sa comfort room?Hindi na ako nagtanong pa. Hinayaan ko lamang siya sa kaniyang gusto, kahit na medyo nalilito pa rin ako.Naiwan sina Nikolai, Kieran, at Isabella sa table namin. Ngunit bakit pakiramdam ko ay may mangyayari lamang kaya gusto ni Demetrius na umalis lang muna kami saglit.“Deme
Solana Estrella Villanueva Russo’s Point of ViewMarahan niya akong ni-rub doon. Umaakto siya na parang wala siyang ginagawa. Kaya mariin kong kinagat lamang ang aking dila.Mabuti na lamang, dahil hindi na rin ako kinakausap ni Isabella. Nakatuon na lang sila ngayon sa harapan, at nakikinig na lamang.Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay, pero parang ang hirap naman ‘yong gawin lalo na nang bumilis ang kaniyang pag-rub ngayon sa aking sarili.Humugot na lamang ako nang malalim na hininga, at kumuha nang isang piraso ng shanghai. Hindi ko rin naman kasi siya magawang pigilan, eh. Kaya hirap na hirap ako ngayon.“Boss,” mahinang wika ni Nikolai.Medyo maingay, pero nagawa pa rin naman namin siyang narinig. Sa gilid ng aking mata, sumulyap si Demetrius sa kaniya. Ako naman ay piniling kumagat na lamang sa shanghai.Pigil na pigil din ang paghinga ko ngayon, kahit pa sobrang lakas naman na ng pintig ng aking puso. “Yes?”“Labas lang muna ako,” paalam niya.Tanging tango
Solana Estrella Villanueva Russo’s Point of ViewMinsan ay napasusulyap talaga ako kay Isabella. Hindi ko alam na favorite niya ‘to. Puro sila Italians. Malamang ay hindi talaga sila sanay sa mga ganitong klaseng pagkain lalo na kung hindi naman sila lumaki sa mga pagkaing Pinoy.“Mas masarap talaga kapag iba ang gumawa nito. Alam ko naman siyang gawin, pero bakit kapag timpla ng iba, gustong-gusto ko?” natatawang wika ni Isabella.Sumulyap siya sa akin, habang patuloy pa rin siya sa pagsubo. ‘Yong shanghai na dapat ay apat na subo, nagiging apat sa kaniya.“Alam mo kung paano gumawa ng lumpiang shanghai?”Napakurap ako nang bigla niya akong tanungin. Hindi siya nakikinig sa mga nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin, at ine-enjoy ang kaniyang shanghai ngayon.“Yes,” nag-aalangang tanong ko sa kaniya. “Actually, hindi naman siya mahirap gawin.”“Really?!” wika niya na may halong saya, at gulat ang kaniyang boses.Napalakas nga nang kaunti ang kaniyang boses, dahil napagawi ang mga m
Solana Estrella Villanueva’s Point of View “Ella,” tawag sa akin ng pinsan ko. Napalingon naman ako sa kaniya, at napansin ang pagtataka sa kaniyang mga mata. Kaya naman ngumiti lamang ako nang tipid para itago ang malalim kong iniisip. Naglakad siya palapit sa akin, at bahagyang hinawi ang iilan
Solana Estrella Villanueva’s Point of ViewI close my eyes as tightly as I can. Hearing my heartbeat, I couldn’t explain what I’m feeling right now. Imagine a man being possessive of me even if we just met last night?Nagawa pa akong iuwi sa bahay niya nang hindi man lang naiisip kung anong klaseng
Solana Estrella Villanueva’s Point of ViewNapahawak ako sa aking ulo nang bahagyang pumintig ‘yon. Parang nagsisi tuloy akong uminom nang marami, dahil wala akong masiyadong maalala.Ang naaalala ko lang ay nagawa kong makipag-foreplay sa parking lot, pero hindi ko maalala ang mukha niya, which is
Solana Estrella Villanueva’s Point of View Itinulak ko siya mula sa kaniyang dibdib, pero masiyado yata siyang malakas para hindi matinag sa pagkatutulak ko. Kaya tumalim ang aking mga mata, habang nakatitig sa kaniya. “Let me go, you dumbass!” I hissed when he pinned me against the wall. “Tingin







