LOGIN(Bayagra po iyong nakita ni Anton sa ilalim ng unan, hindi menstrual pad)Hindi kailanman inakala ni Anton na mauuwi sa ganoon ang sitwasyon. Sandali siyang natigilan at hindi alam kung ano ang sasabihin.Yumuko si Amanda, kasinghiya ng isang dalagang nasa bente anyos, saka dali-daling pinulot ang bagay at itinago sa drawer.“Hindi ako ang bumili niyan... Si Arnold... Hindi ko alam kung saan niya nakuha. Hindi ko pa naman iyon nagagamit.”Sa ilalim ng unan pa talaga itinago. Sino ang nakakaalam kung gaano na niya katagal ginagamit, tapos sasabihin niyang hindi pa niya nagagamit?Talagang hindi mo basta-basta mapagkakatiwalaan ang sinasabi ng isang babae.“Si Arnold kasi... hindi siya ganoon kagaling sa bagay na iyon. Nakonsensya siguro siya, kaya niya binili ang bagay na iyan...” alanganing paliwanag ni Amanda.Sandali... impotente ba si Arnold?“Aalis na muna ako.”Habang unti-unti nang nawawala ang pagpipigil niya sa sarili, mabilis na tumakbo palabas si Anton.Ayos lang ang asaran,
Maya-maya, nagmamadaling bumalik si Amanda kasama ang tatlong babae, na bawat isa ay may dalang malaking supot ng mga pinamili.May baka, tupa, manok, baboy—halos lahat ng klase ng karne, maliban na lang sa laman ng tao. May mga isda, hipon, alimango, at iba't ibang uri ng shellfish. Mayroon pa ngang apat o limang klase ng gulay.Ano ba ito? Ginawang palengke ang bahay?Napangiwi si Anton nang makita ang dami ng kanilang dala. “Ang dami naman nito. Mauubos ba natin lahat?”Ngumiti si Amanda. “Iba-iba ang panlasa ng bawat isa. Pumili lang tayo ng dalawa o tatlong putahe bawat isa. Hindi naman puwedeng may mapabayaan sa atin, di ba?”“Bayaw, ikaw na ang bahala rito. Andrea, tara, bumalik tayo sa kuwarto at manood ng TV. May ilang episodes pa tayong hindi natapos kagabi.”Hinila ni Abigaile si Andrea at umakyat sa kuwarto.“Alam mo namang hindi ako ganoon kagaling sa kusina. Baka lalo ko lang guluhin ang pagluluto,” walang magawa na sabi ni Marionne. “Ang init pa naman. Pinagpapawisan n
“Paano mo nalaman na narito ako?” curious na tanong ni Anton. "Lumipad ka pa galing Pinas."“Hindi naman mahirap alamin kung nasaan ka,” natatawang sagot ni Uno.“Nagtataka ako kung bakit mo ako pinapunta rito, Chief.”“Gusto kong tanungin kung pag-iisipan mong bumalik sa Dragon Group para sa espesyal na operasyon.”Napakunot-noo si Anton sa narinig.“Bagama’t hindi na ako bahagi ng Dragon Group, naririnig ko pa rin ang mga nangyayari roon. Napakaseryoso na ng sitwasyon ng buong Dragon Group. Kailangan nila ng isang taong kayang humarap at mamuno sa operasyon. Kinontak ka rin ni Dos, hindi ba?”Tumango si Anton.“Gusto ka rin niyang maging commander-in-chief, tama?”“Nakipagpustahan siya sa akin, pero natalo siya. At hindi rin ako pumayag,” sagot ni Anton.Hindi nagulat si Uno, na para bang alam na niya ang lahat. “May iba pa bang sinabi sa iyo si Dos?”Tinitigan siya ni Anton.Paulit-ulit na umalingawngaw sa kanyang isip ang sinabi ni Dos:Huwag basta magtiwala kaninuman.Dating pinu
Hindi alam ni Anton kung paano ilalarawan si Falcon.Sa kabuuan, mahusay itong tao—matalino, malakas, at may kakayahan. Ngunit isa rin itong tuso at mailap na tao. Bihira itong magsalita, at walang sinuman ang nakaaalam kung ano talaga ang nasa isip nito."Iwan muna natin ang ugali ni Falcon. Kung usapang pamumuno ng squad, hindi siya kwalipikado," sabi ni Dos. "Masyado siyang mayabang. Hindi niya kayang makisalamuha sa mga tauhan niya, kaya wala ring tunay na gumagalang sa kanya. Ikaw naman, sa lahat ng aspeto, ikaw ang pinakaangkop na maging commander-in-chief.""Isa akong tauhan ni Uno noon. Hindi ka ba nag-aalala?" tanong ni Anton."Nagtitiwala ako sa sarili kong paghuhusga. Ikaw ay si Anton. Hindi ka pag-aari ninuman." Mariing tumingin si Dos sa kanya.Matapos ang ilang sandaling katahimikan, nagsalita si Anton. "Sayang. Malaya na ako ngayon. Sabihin mo na ang pangalawa mong pakay, pagkatapos ay uuwi na ako sa asawa ko.""Ang ikalawang dahilan, gusto kong imbestigahan mo ang isan
Sa unang tingin pa lamang, alam na ni Anton na mas mataas ang antas ng internal energy ng kanyang kalaban kaysa sa kanya.Marahil ay umabot pa ito sa maalamat na antas ng Qi Transformation.May tatlong pangunahing antas ang internal energy:Entry LevelMasteryQi TransformationSamantalang ang sinasabing Dust-Entering Realm ay isa na lamang alamat, dahil wala pang nakarinig na may tunay na nakaabot sa antas na iyon.Hindi nangahas si Anton na magpakampante. Agad niyang hinugot ang Cold Ink Dagger sa kanyang baywang at sinalubong ang pag-atake.Bagama't alam na niyang napakalakas ni Dos, nang tunay na silang magharap ay saka lamang niya napagtanto...Mas malakas pa pala ito kaysa sa inaakala niya. Sunod-sunod ang mabibigat nitong pag-atake, na halos hindi na siya makahinga.Karapat-dapat nga itong tawaging God of War at pinakamalakas na mandirigma ng hukbo.Kung hindi dahil sa sarili niyang mataas na antas ng internal energy at napakaraming karanasan sa totoong labanan, malamang ay nat
Samantala, ang matipunong lalaking sinuntok ni Anton palabas ng entablado ay matagal bago nakabangon. Pagkatayo niya, galit na galit siyang sumigaw. "Sino ka ba? Bakit ka nakialam sa laban at nilabag ang mga patakaran?"Nanlilisik ang mga mata ni Anton habang malamig niyang tinitigan ang lalaki. Kasabay noon ay bumuhos ang nakapangingilabot niyang killing intent. "Lumalaban ka ba sa sarili mong kasamahan o sa kaaway? Sumuko na ang tao, pero gusto mo pa ring patayin? Miyembro ka ba ng Dragon Group... o isa ka lang walang pusong mamamatay-tao?"Naramdaman ng matipunong lalaki ang matinding presyon mula sa titig ni Anton. Agad siyang nawalan ng yabang. "Ang... ang Commander ang nagsabi...""Ang sabi niya, ang tunay na layunin ng martial arts ay talunin ang kalaban sa anumang paraan. Pwede raw gumamit ng sandata at dapat tratuhin ang bawat laban na parang tunay na digmaan. Kapag nasa bingit lang daw ng kamatayan, saka lumalabas ang pinakamalakas na potensyal ng isang mandirigma.""Kalokoh
Samantala, ay nagsisimula na ang pinakaemosyonal na parte ng kasal.“Mr. Daniel Corpuz, tinatanggap mo ba si Marionne Villamor, bilang iyong kabiyak, sa hirap o ginhawa, sa karamdaman man o sa kalusugan, habang kayo ay nabubuhay?" tanong ng pari habang hawak ang bibliya.“Opo,” walang pag-aalinlang
Samantala, sa loob ng isang pribadong kwarto.Iba't ibang klase ng putahe ang nakahain sa hapag. May fresh tuna, malalaking lobsters, at kung ano-ano pa.“Sigurado akong hindi mo pa natitikman ang mga ito. Bukod sa mahal na ay de kalidad pa ang mga sangkap na ginamit!” Mabilis na sumandok ng pagkai
Bumalik si Anton sa barracks pagkatapos ng trabaho at kaagad na nagtungo sa banyo. Pagkalipas ng limang minuto ay lumabas siya na aakalain mong ibang tao.Kung kanina ay gusot-gusot ang suot niya at parang walang ligo, ngayon ay nakasuot na siya ng mamahaling polo at pantalon. Pinaresan niya pa ito
Nagulat ako sa bigla niyang pagbabago ng ekspresyon. Hinablot niya ang kuwelyo ko kaya hindi ako komportable. Dahil natatakot akong agawin niya ang bato ko, dali-dali ko itong tinakpan gamit ang dalawang kamay.Ganoon din ang ginawa ng matandang babae noong nakaraan, at ganoon din ang reaksiyon niy







