Share

Chapter 3-SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)

Samantha

        Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko buhat sa two leg flight namin ng bigla kong maisip ang taong nakita ko kahapon na si Simoun Montalvo, ang may-ari ng airline na pinagtratrabahuhan ko. Hindi ko ugali ang tandaan ang mga lalakeng nakikita oh nakikipagkilala sa akin. I just simply nodded when they ask me, and that's it. Pero ang amo namin, bakit parang isang magandang panaginip ito na hindi ko makalimutan...ang itsura nito at kung paano ito kumilos ay talagang tumatak sa isip ko. He has a broad shoulder, masculine muscles that can break a thousand enemies, including his huge body added in his handsome image. Bigla akong napahinto ng maisip ko ang mga bagay na'yun...did I feel attracted to him? Napailing ako ng mabilis at hindi ko matanggap na nangyayari sa akin ang mga ganong bagay. It's not me! Nagpatuloy na rumihistro ang itsura niya sa isip ko at muli kong naisip ang itsura nya. His aura is perfectly suited in his work as the CEO of his own company. He has a face which is full of braveness that anyone can be afraid of. Serious, untouchable and very strict, those are the characteristics that I have noticed while I simply made a glimpse on his face. Medyo singkit ang mga mata nito, maliit ang labi at maputi ang balat nito na halatang mayaman ang kinagisnang pamilya. Hindi man lang ito nangiti kahit isang beses simula ng dumating ito sa inspection na ginawa nito kahapon. Surprisinly, hindi ko alam kung bakit hindi siya mawala sa isip ko.

     Napabuntong hininga ako ng malakas, wala naman akong kasama sa loob ng cr kaya nagawa ko ang bagay na iyon. Idinikit ko pa ang isang palad ko patalikod sa noo ko to check if there's anything wrong in my body why would I feel this way. Pero wala, maayos naman ang pakiramdam ko, I'm perfectly fine except sa palagi talagang tumatakbo sa isipan ko ang imahe ni Simoun Montalvo na kung tutuusin ay kakakilala ko lang kahapon.

     "Sam..." Napatingin ako sa boses na tumawag sa akin. Si Jenny.

     "Oh Jenny, bakit?" Agad kong tanong habang patuloy kong inaayos ang laman ng trolly bag ko.

    "May gagawin ka ba ngayon ? Mag bar hopping naman tayo." Nagulat ako sa sinabi nito, alam ko naman na party girl si Jenny pero first time niya akong yayain na mag bar.

    "Ha? Bakit bigla ka namang nagyaya na mag bar?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

     "Wala lang, masama bang yayain ka na mag bar? Minsan-minsan naman ay itreat mo ang sarili mo Sam, h'wag puro work." Pangaral nito sa akin, nangiti na lang ako bilang sagot dito. Ngayon lang naman niya ako niyaya kaya pinagbigyan ko na siya at baka kung ano pa ang sabihin niya sa akin.

    "By the way Sam, kasama pala natin si Sir Edward na mag bar hopping ah..." Pasakay na kami sa isang taxi ng sabihin niya iyon sa akin, napailing na lang ako. Kaya pala bigla-bigla ay naisipan nitong magyaya na mag bar, siguro ay kakuntsaba si Edward sa mga plano nito.

     Wala naman masama sa pakikipag kaibigan sa akin ni Edward, is just that...hindi ako nagkaroon ng time to entertain men from the very start. Ayokong gumulo ang buhay ko kaya mas pinipili ko na lang na mabuhay, peacefully na malayo sa mga anino na mga lalakeng hindi ko kayang pagkatiwalaan when it comes to love. Mabait si Edward, responsible rin ito sa maraming bagay lalo na sa trabaho. Hindi rin naman nahuhuli ang itsura nito sa mga modelong nakikita ko minsan sa isang magazine, matangkad at fit din ang katawan nito na isa sa mga requirements bilang isang piloto. Madalas itong magbiro kapag kami lang dalawa ng magkasama, and he never failed to say that he really interested with me...pero sa huli I will just say NO to him at alam niya ang dahilan ko. Minsan ko na rin kasing naikuwento sa kanya ang dahilan kung bakit wala akong naging boyfriend since college na nakilala niya ako. Nintindihan naman niya ang mga dahilan ko at handa raw itong maghintay hanggat kaya ko nang magtiwala sa ibang tao lalo na sa mga lalake at magmahal.

     Sakto naman ng dumating kami sa bar kung saan kami magkikita-kita kasama ang boyfriend ni Jenny na si Patrick ay nandoon na rin sa labas si Edward. Nakaupo ito sa hood ng kotse nito habang gumagamit ng cellphone. Hindi nito agad nakita ang pagdating namin, sabi ni Jenny ay susunduin dapat kami nito sa airport para sabay-sabay na kaming pumunta sa bar pero hindi pumayag si Jenny at nakakahiya naman daw at malayo masyado ang bahay nito sa airport para sunduin pa kami kaya nag taxi na lang kami papunta sa bar. Hindi kasi ito ang piloto na nakasama namin sa flight kahapon at may kapalitan ito. Agad na nag-angat ng tingin si Edward sa amin ng malapit na kami sa kinaroroonan nito.

        “Sir Edward…” tawag ni Jenny dito. Ako naman ay nanatiling nakatingin lang sa paligid at pagkatapos ay sinalubong ko ang mga mata niya na sa nakatitig na ngayon sa akin.

        “Hello…” bati niya sa akin matapos na kausapin ni Jenny.

        “Hi sir…” simple kong sagot sa kanya.

        “Kapag tayo-tayo lang siguro puwede ng Edward na lang ang itawag nyo sa’kin.” Sa akin siya nakatingin ng sabihin ang mga bagay na iyon. Pinagpalo pa ni Jenny ang mga balakang namin pagkatapos na parang masayang –masaya sa narinig nito mula kay Edward.

        “Jenny ano ba…” bulong ko dito ng hindi pa rin ito tumigil sa kakaasar sa akin kahit na pinanglakihan ko na ito ng mata.

        “By the way, where is Patrick?” tanong nito sa boyfriend ni Jenny.

        “Ah sir…on the way na raw po siya, kahit po sa loob na lang natin siya hintayin.” Suhestiyon nito sa amin ni Edward.

        “Okay, let’s go?” yaya nito sa amin ni Jenny. Sadya itong nagpahuli at pinauna na kami para pumasok ni Jenny, ito pa mismo ang nagbukas ng pinto para makapasok kami sa loob.

        Umorder ng pagkain at mga inumin si Edward ng makapili na kami ng table malapit sa pinakadulong part ng bar, mas tahimik daw kasi doon sabi ni Edward.

        “May gusto pa ba kayong orderin?”

        “Nakuh sir, okay na po ang mga inorder nyo…ang dami na po noon.” si Jenny ang sumagot at samantalang ako ay tahimik lang na nakamasid sa paligid.

        “How about you Samantha?” sunod niya akong tinanong, napailing na lang din ako pagkatapos.

        “Okay lang po ako sir.” simple ko ring sagot sa kanya. Kahit na kasama namin siya sa trabaho ay hindi ko pa rin mapigilan na kabahan at maasiwa kung minsan dahil superior pa rin namin siya at dapat ay may border ang pagitan namin kapag magkakasama kami kahit wala sa trabaho.

        “Oh ayan na pala si Patrick sir…” biglang putol ni Jenny sa usapan namin ni Edward.

        “Love, pasensya at nalate na naman ako…marami kasing work sa office hindi ko basta maiwan.” Hinging paumanhin nito kay Jenny,” Hi Sam, bro…” Nakipagkamay ito kay Edward pagkatapos, magkakilala ni si Edward at Patrick dahil schoolmate ang mga ito sa college.

        “It’s okay love, maaga pa naman.” Narinig kong sagot ni Jenny sa long time boyfriend nito.

        Nagsimula na nga kaming kumain while drinking different wines and hard drinks na part ng mga puwede mong orderin sa bar na iyon. Pasimpleng lumalapit ang bibig ni Edward sa tainga ko para marinig ko ang sinasabi nito dahil medyo malakas ang music sa bar sa pinuntahan namin. Puro tungkol naman sa work ang una nitong tinanong sa akin kaya okay lang, pero ng dumako na sa ibang usapan tulad ng pangliligaw sa akin ay napapangiti na lang ako sa kanya. Nagpatuloy lang ang gabi namin sa ganong sinaryo, hindi naman ako mahilig sumayaw kaya sila Jenny lang at Patrick ang nagpunta sa dance floor. Naiwan kami ni Edward na nagkukuwentuhan pa rin.

        “Sam…”

        “Hmmmmp?” sagot ko kay Edward na halatang namumula na ang mukha dahil sa alak na nainom na nito. Gusto kong sabunutan si Jenny ng iwanan niya ako kasama si Edward at may mahalaga pa raw na pupuntahan ito at si Patrick.

        “Sorry kung makulit ako…” Pag-amin nito sa akin na totoo naman. Makailan beses na niya akong tinanong tungkol sa gusto nitong gawin na pangliligaw sa akin pero puro iling lang ang isinasagot ko sa kanya.

        “Okay lang po sir…”

        “No its not okay.” Mabilis nitong sagot sa akin, sinadya pa nitong hawakan ang isa kong kamay na nakapatong sa table.

        “I really like you Sam..,ikaw lang ang babaeng gusto ko.” Hindi na ako nagulat sa sinabi niya pero kinabahan ako bigla at sa pagkakataong ito ay parang seryosong-seryoso na ito sa sinasabi sa akin, parang hirap na hirap na ito sa itsura nito habang nakatitig sa akin. Nakunsensya naman ako dahil alam kong dahil sa akin kaya nito nararanasan ang ganong bagay pero wala akong magawa para maibsan iyon. Ayokong magsinungaling sa sarili ko, lalo na sa kanya at sa tunay kong nararamdaman dito. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya, at hindi iyon nagbago kahit kailan, hindi ko siya pinaasa dahil sa simula pa lang ay naging honest naman ako sa kanya na hindi pa ako handa sa pakikipagrelasyon, oh mas tamang wala akong balak na makipagrelasyon kahit na kaninong lalake pa yan.

        “Sir…lasing na po kayo.” Umiling ito at muling tinungga ang alak na nasa baso.

        “Alam ko ang sinasabi ko Sam…at sana ay matutunan mo rin akong mahalin kagaya ng nararamdaman ko sayo.” May halong pagmamakaawa ang boses nito, bigla akong nalungkot at kinabahan.

Simoun

        Mag-isa akong pinuntahan ang bar kung saan magkikita-kita kami ng mga kaibigan ko. Minsan lang mag-invite si Marco kaya hindi ko siya nahindian. Anyways, I need a break for the long and tiring day that I spent in working for my company. Matagal ko na ring hindi nakikita ang mga college friends kong sila Marco that’s why I feel excited perhaps, at bigla ko na lang naisip si Bea, nakabalik na kaya ito ng Pilipinas? Maaaring magkita kami one of these days, but it doesn’t matter to me anymore. I just wanted to show her how I feel better after what she had done to me three years ago.

        Nag park ako sa labas ng isang exclusive bar sa Makati. Pumasok ako sa agad ako sa loob knowing that they waiting for me lalo na si Marco. Hindi naman ako nagkamali at nakita ko agad ang mahabang table kung saan nakaupo ang mga dati kong classmate sa collage at ilan sa mga kaibigan ko until now.

        “Speaking of the bachelor, ayan na siya…” Narining kong sabi ng isang boses mula sa table na tutunguhin ko. Napangiti na lang ako pagdaka.

        “Simoun bro…” Agad akong kinamayan ni Marco at tumayo pa para salabungin ang pagdating ko.       “Ang akala namin ay hindi ka pupunta, buti na lang at naisingit mo kami sa busy schedule mo.” Sabay tawa nito at ganun na rin ang ginawa ng mga kasama nito sa table.

        “You know me, when I said I will come, expect me.” Diretso kong sagot sa kanya na muling ikinatawa ng mga kasaman namin.

        “That’ s good, by the way…sana natatandaan mo pa sila bro at medyo nagtabaan na ang iba sa kanila.” Pang-iinis ito sa mga kasamahan namin na mga babae na sabay irap ng mga ito kay Marco.

        “Who says that? At tatamaan sa akin,” banta ni Mariz sa asawa nitong si Marco. Bigla naman nawala ang ngiti ni Marco sa labi ng marinig ang sinabi ng asawa.

        “Ikaw naman misis, hindi ka na mabiro. It’s just a joke, a mere joke okay.” Mahinahong sago nito kay Mariz na ikinatawa ng mga kasama nitong mga babae sa table namin.

        “Simoun…how are you now?” Si Jhonny ang nagtanong sa akin na isa sa mga classmate namin sa collage at alam din nito ang nangyari sa amin ni Bea dahil ang girlfriend nito ang bestfriend ni Bea.

        “Still alive and kicking?” Natawa ito sa sagot ko, ako naman ay napalagok ng alak sa basong hawak ko.

        “You should be bro, ganun lang talaga ang buhay…anyways kamusta ang mga negosyo mo?” pag-iiba nito ng usapan at doon na halos umikot ang usapan namin, isa rin kasi itong businessman kaya medyo nagkaintindihan kami sa topic na iyon. Muli akong lumagok ng alak mula sa baso na hawak ko ng makita ko ang pagdating ng tatlong taong pamilyar sa akin ang isa. Si Edward! Ito ang pilotong kausap ko sa airport ng mag inspection ako kahapon sa sarili kong Airline. Kilala ko siya dahil medyo matagal na itong nagtratrabaho sa akin at ang isa sa mga business partner kong si Mr. Nuevo ay gustong-gusto ito para sa anak nitong babae.

        Kasama ni Edward ang dalawang babaeng natatandaan ko rin ang itsura ng isa. Isa ito sa mga flight attendant na nakita ko sa loob ng cabin maliban kay Edward. Ito lamang at si Edward ang binigyan ko ng pansin ng mga oras na iyon. I clearly remember her name, Samantha Gomez…by looking in her pin, hindi ko na nakalimutan ang pangalang iyon. May relasyon kaya silang dalawa? Oh puwede rin naman na ang isang kasamang babae ng mga ito ang pinopormahan or girlfriend ni Edward?

        Hind nila ako napansin at sa pinakadulong parte ng bar umupo ang mga ito malayo sa table namin. Manaka-naka ay tinitingnan ko ang mga kilos ng mga ito hanggang sa may pumasok na dalawang tao muli sa bar na ikinaiba ng mood ko. Si Bea at ang lalake nito! Maski ito ay halatang nagulat ng makita ako kasama sila Marco, napatingin pa ito saglit sa katabing lalake at may sinabi pagdaka. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila pero hindi na  sumama na pumasok ang lalakeng kasama nito na kung hindi ako nagkakamali ay ang lalakeng pinagpalit nito sa akin. Dumeretso naman si Bea sa table kung saan kami nakaupo na parang normal lang ang lahat. Napaismid ako, what the fuck!

        “Bea!” tawag ni Mariz dito. Ako naman ay nagpatuloy sa pangtungga ng alak mula sa basong hawak ko, hindi ko alintana ang presensiya ng babaeng minsan ay nangloko sa akin at nang-iwan. Sunod kong tiningnan si Marco with an apologetic eyes, hindi rin siguro nito alam na pupunta si Bea sa get to together namin. Muli kong tiningnan ang gawi kung saan umiinom sila Edward, katabi nito si Samantha. Samantalang ang isa pang babaeng kasama ng mga ito ay nakatabi sa isang lalakeng kadarating lang kanina. Dahil doon ay naisip kong baka si Samantha nga ang girlfriend oh pinopormahan ni Edward.

        “Sit here Bea,” turo ng ni Mariz dito sa isang bakanteng upuan na malayo sa akin, halatang hindi rin ito kumportable na pareho kaming nakaharap sa isang table ng mga oras na yun, the same way how I feel with her when I suddenly saw her. But somehow, mas mabuti na rin ang ganito, na makita namin ang isa’t isa, to prove that everything has change now, as in wala nang natira…kung hindi puro masamang ala-ala na lang ng aming naging reslasyon. That’s it.

        Napalingon ako sa gawi nila Edward ng makita kong parang lasing na ito at sila na lamang dalawa ni Samantha ang magkasama, ang dalawang kasama ng mga ito ay bigla na lang umalis at iniwan ang mga ito. Bigla akong napatayo at iniwan ang mga kasama ko.

        “May pupuntahan lang ako.” Paalam ko sa kanila na hindi ko na hinintay pa ang sagot ng mga ito. Naglakad ako papunta sa table nila pero ng maalala kong wala akong karapatan para makielam sa mga nangyayari sa dalawang iyon ay bigla akong natigilan, kaya nagpasya akong pumunta sa restroom. Pasimple kong sinulyapan  si Edward na lasing na ngayona at si Samantha ay pilit na pinapakalma si Edward habang may sinasabi ito na hindi nakaligtas sa pandinig ko.  “I really like you Sam..,ikaw lang ang babaeng gusto ko.” Hawak pa nito ang isang kamay ni Samantha. Malinaw kong narinig ang mga katagang iyon mula kay Edward, at muli ay napatunayan kong tama ang una kong hinala, na may gusto ito kay Samantha!  Nagpatuloy ako sa pagpasok sa restroom na laman pa rin ng isip ko ang mga sinabi ni Edward kay Samantha.

        Paglabas ko ng restroom ay magkasama pa rin na nakaupong magkatabi si Edward at Samantha. Hindi katulad kanina ay tahimik na si Edward samantalang si Samantha ay gamit naman ang cellphone at may tinext ito. Hindi ko na napigilan at lumapit na ako sa table nila.

        “Need anything?” Napaangat ng tingin si Samantha sa akin, at kita sa mga mata nito ang sobrang pagkagulat ng makita nito kung sino ang taong nasa harapan nito ngayon.

        “S-sirrr.” Nauutal na tawag nito sa akin, napaganda ng mukha ni Samantha sa malapitan at hindi ko napigilan na mapatitig doon. Nakabawi lang ako ng muli itong magsalita. Masaya ako at natandaan niya ako bilang amo nito sa trabaho.  “Pasensya na po sir at nakita nyo pa po kami dito ni Sir Edward.” Hingin paumanhin nito sa akin, Sir Edward pala ang tawag nito kay Edward, marahil ay dahil isa itong piloto.

        “Its okay, you also need to unwine after work.” Sabay kong tiningnan ni Edward. He looks waisted

        “Naparami ata ng inom si Edward? ” tanong ko sa kay Samanta na hindi tinatanggal ang tingin ko kay Edward.

        “Oo nga po sir…medyo naparami po siya ng inom.” Alangan na sagot sa akin ni Samantha. Nilingon ko ang counter ng bar at automathic na lumapit sa amin ang isang crew

        “Can you call someone, maybe service driver so he can go home safely?” tanong ko sa crew na ikinatango naman nito agad.

        “Okay po sir, saglit lang po at tatawag lang ako ng driver na puwedeng maghatid kay sir. Ilang minuto lang ay dumating na nga ang service driver na maghahatid kay Edward pauwe. Akma ng magpapaalam si Samantha para umuwe na rin ng pigilan ko ang isa nitong braso. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon, pero masaya ako na katabi at kasama ko siya in this moment, iyon ang ikinagugulo ng isip ko.

        “Sir…” Nagulat si Sam ng hawakan ko ang braso nito at bahagyang inilapit ang katawan nito sa akin.

        “Stay here and join me for a while.” Isa iyong utos at hindi pakiusap. Hindi agad nakapagsalita si Samantha at napatango na lang ito sa akin. I should have not done that, pero kung iyon lang ang paraan para manatili itong nasa tabi ko, uutusan ko siya palagi kung ganun.

        Uupo sana ito muli sa upuan na inupuan nito kanina ng pigilan ko siya. “May mga kasama akong kaibigan sa table na’yun.” Turo ko sa kanya sa gawi nila Marco na busy sa mga pinag-uusapan at inuman. “Let’s go.” Yaya ko sa kanya at nagpatiuna na ako at sumunod naman siya sa akin. Nagulat sila Marco ng bumalik ako sa table na may kasama akong babae. Agad na napalingon si Bea at ang iba pa naming mga kasama, sa amin ni Samantha.

        “Bro, ang bilis mo ah…kanina mag-isa ka lang na dumating dito. Tapos ngayon…” Hindi napigilan na biro ni Marco sa akin na ikinatawa muli ng mga kasama namin, si Bea naman ay hindi nagbabago ang facial expression pero mas clear sa itsura nito ang pagkagulat din.

        “Samantha, they are my friends…and she is Samantha my girlfriend.” Pakilala ko kay Sam sa mga ito, hindi ko maipaliwanag kung ano ang nakita kong emosyon kay Samantha pagkatapos kong sabihin sa mga kaibigan ko na girlfriend ko siya. Totoo hindi ko rin alam kung bakit naisip kong sabihin sa mga ito ang kasinungalingang iyon pero gusto ko lang ipamukha kay Bea na hindi ako nag-iisa sa loob ng mga taon na lumipas pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa.

        Hinapit ko sa baywang si Sam na ikinasinghap nito pero agad ko rin siyang inalalayan na makaupo sa bakantaeng upuan katabi ng silya ko.

        Naging normal ang lahat sa amin ng  gabing iyon at nagpasalamat ako na hindi ako iniwan sa ere ni Samantha, kahit labag sa loob nito ay nakiayon na lang ito sa mga sinabi ko tungkol sa relasyon namin na ikinatuwa ko naman.   

      

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status