Share

Chapter 13

NASA kwarto ako ngayon, ayaw kong lumabas dahil baka makita ko na naman si Brandon. Napalingon ako sa may pinto nang may kumatok.

"Kara," tawag nito sa akin.

Hindi ako nagsalita. Ayaw ko siyang kausapin. Gusto kong mag-isa.

"Please, Kara. Buksan mo ito."

Nanatili akong nakaupo sa kama. Hindi ko alam kong bakit ginawa niya iyon. Nakita ko mismo sa dalawang mga mata ko kung paano niya… hindi ko mapigilan ang umiyak. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako s takot.

Akala ko, hindi siya noon kasama. Pero, sobrang sama pala niya. Naalala ko pa ang nangyari kanina.

WALANG pasok ngayon, dahil panay ang buhos ng ulan. Sobrang lakas pa naman. Lumabas ako sa kwarto ko at tinignan ko ang kwarto na pinagdalhan ni Brandon sa babae.

Wala nang ingay doon. Bumaba ako, dahil walang tao ay balak kong maglibot sa buong mansion. Dahil kahit kailan ay hindi ako nakapaglibot noong una kong tapak dito. Sinimulan ko sa itaas. Wala naman masyadong laman ang second floor. Kaya bumaba ako at lumabas. Pumunta
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status