LOGINANABELLE's POVKuyom ang aking mga kamao sa aking narinig. Hindi ko mapapalampas ang sinabi nito. Inilibing niya ng buhay ang aking ina?? Ang aking ina? Ang sarili naming ina?"Tama ka ng iyong narinig, Anabelle. Ina mo lang. Dahil hindi tayo tunay na magkapatid" nakangising anas nito. Nag uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib. Kahit nahihirapan at nanghihina ay pinilit kong tumayo. Nararamdaman ko pa ang pagkahilo at pamamaga ng aking mga pisngi dahil sa mga sampal na natamo ko mula dito. Kahit nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga luha ay naglakas loob akong lapitan ito. Isang malakas na sampal ang aking ipinakaloob dito. Waring hindi niya inasahan ang aking ginawa. "Walang hiya ka! Pagkatapos ka naming kupkupin ganito lamang ang gagawin mo sa amin! Wala kang silbi!Itong tandaan mo, AB. Kung hindi dahil sa amin wala ka sa posisyon mo ngayon! Hindi mo matatamasa ang karangyaan gamit ang pera ng mga De Guzman!" nanlilisik ang mga matang turan nito. Ang paraan ng pagtawa
ANABELLE's POV "Hindi mo ba alam na isa sa mga investors mo ay si Katrna De Guzman?" may galit sa tono nito. Gulat na gulat ako sa aking narinig nang sabihin nitong isa si Katrina De Guzman sa mga investors ko. Alam ko namang kinuha ko lamang ang mga negosyo nila dahil sa galit sa aking puso. "Wala ka talagang silbi! Nasa harap mo na hindi mo pa binihag!" halos mawalan ako ng hininga sa takot ko sa aking kapatid. Kilala ko kung paano ito magalit. Dahil minsan na rin naman akong nakatikim ng galit nito. Hindi ko malilimutan ang paglatay ng latigo sa aking likuran mula sa kanyang mga kamay. "P-patawad. Hin...hindi ko alam" nauutal na anas ko dito. "Hindi mo talaga malalaman dahil puro ka kalandian." mapang-uyam na anas nito. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang kanyang kakaibang ngisi. "Tama na iyan!" galit na turan ng babae sa likod ng gold na maskara. Nakasuot ito ng itim na dress. Mahahalata na rin ang mga wrinkles sa kanyang balat. Tanda ng katandaan. Ngayon pa
Kuyom ang mga kamao ko sa aking narinig. Peste! Wala palang silbi ang aking pagpapanggap dahil kilala na pala ako ng hayop na Rico na yun. Masasabi kong mahusay siya sa kanyang pag acting. Ngunit hindi ako papayag na maisakatuparan niya ang kanyang mga plano. Sino kaya ang babaenh kausap ng lalaking iyon? Kailangan kong malaman iyon sa lalong madaling panahon. Nang maramdaman kong wala ng tao sa paligid ay agad na akong umalis sa aking pinagtataguan upang magtungo sa mga bata. Kailangan na nilang mai-alis sa lugar na ito bago pa sumabog ang bomba. Mabuti na lamang at nakapaglagay na ako ng time bomb habang papasok sa loob ng bahay. "Sino ka?!" galit na turan ng isang babae. Nararamdaman ko mula sa aking likuran ang hawak nitong baril. Kaya walang pagdadalawang isip na bumaling ako dito at mabilis na itinutok ang aking baril sa mismong ulo nito. "Si kamatayan!" sabay kalabit ng gatilyo ng aking baril. Sapul na sapul ito sa kanyang ulo. Ngunit hindi rin nakaligtas ang a
Inihinto ko ang aking ducati sa likuran ng malaking puno at agad na isinuot ang aking ninja suit ganun rin ang aking mask. Hindi nila ako maaring makilala dahil malaking gulo iyon kapag nagkataon. Tama nga ako ng hinala. Magkakasama at magkakakilala sina Rico at ang nakaengkwentro ko kanina. Malakas ang kutob kong may itinatagong kademonyohan ang lalaking iyon parehas sila ng kanyang kapatid. Medyo may kataasan ang pader na aakyatin ko. Mabuti na lamang at naensayo akong mabuti kung paano akyatin ang mga nagtataasang pader. Gamit ang aking grappling hook ay mabilis akong nakaakyat sa pader. Walang katunog tunog ang aking paang dumapo sa damuhan. Tama lamang ang aking binabaan dahil walang tao at madilim ang lugar. Sa tingin ko ito ang likuran ng kanilang bahay dahil puro mga halaman ang nandito. Marami rin akong nakikitang mga talbos ng kamote na naririto. Salamat na rin sa liwanag ng buwan kung kaya't nakikita ko pa rin ang aking dinadaanan. Dahan dahan akong naglakad patungo sa
RICO's POV "Boss mukhang may sumusunod ho sa atin" anas ng aking tauhan. Mabilis akong tumingin sa side mirror ng sasakyan at sa rear view mirror. Kumpirmado nga may isang nakamotor na sumusunod sa amin. "Sige. Makipaglaro tayo sa kanya" utos ko sa aking tauhan na agad naman nilang sinang ayunan. Mabilis na kinabig ng aking driver ang sasakyan patungo sa kaliwa. Hanggang sa magpagewang gewang aking sasakyan. Bigla namang bumagal ang takbo ng motorsiklo sa aming likuran. Tinapik ko ang aking drayber upang bagalan din ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nakita ng dalawang mga mata ko na tumigil ito sa gitnang daan. Nakasuot ito ng itim na helmet ngunit ang ayos nito ay napaka elegante dahil sa suot nitong dress. "Iatras mo ang sasakyan at lumapit sa nakahimpil na motorsiklo. Ihanda ninyo ang inyong mga armas at timbrihan ang ilang mga tauhan" maawtoridad kong utos sa mga ito na agad naman nilang sinunod. Nang makalapit kami sa motorsiklong may sakay na babaeng rider ay agad kon
"Maraming salamat po sa inyong pagdalo sa napakahalagang gabing ito" malawak ang pagkakangiti ni madam AB habang binibigkas ang mga katagang iyon. Ano kayang mahalagang announcement ang kanyang sasabihin at halos lahat ng bisita niya ay mga naglalakihang tao sa business world. "As you can see, matagal na panahon rin ang iginugol ko upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking ama. Hindi ko man siya nakasama ng lubusan ngunit ama ko pa rin naman siya. Siguro kung nabubuhay lamang si Daddy Enrico, malamang matutuwa iyon" naikuyom ko na lamang ang aking kamao sa aking mga narinig. Nag ngingitngit ang kalooban ko sa galit dahil napakasinungaling ng taong ito. Napakahusay ring umarte dahil mas pinalamlam nito ang kanyang mga mata upang mas lalong mamangha at kaawaan siya ng mga taong nandito. Para bang naghahanap ng simpatya. "Ngunit hindi pa rin ako nasisiyahan at pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko. Hindi ko pa rin kasi nahahanap ang aking mga half siblings, ang aking
"Katrina, ipapadala kita sa ibang bansa. I just can't look after you while I am managing the business. Alam mo naman siguro kung paano magpatakbo ng negosyo?" I looked at my brother in confusion. Bakit kailangan pa akong ipadala sa ibang bansa. Wala naman akong kakilala doon. Besides nandito naman
Naramdaman ko pa ang mga mumunting mga halik nila sa akin. I felt relieved. Siguro nga masyado pa akong bata kaya hindi pa ako ganoong napapansin ni Diego. Pasa saan ba't makikita niya din kung gaano ako kaseryoso sa kanya. Bata man ako pero matured na ang puso ko. Mahigpit naman akong niyakap ng
"Diego Monetenegro!" pagtawag ko sa pangalan nito at nagtagumpay naman ako dahil bigla itong lumingon sa gawi ko. Napaka gwapo talaga nito kahit kailan. Lumuwang ang pagakakangiti ko nang makita kong nakatingin siya sa gawi ko. His build speaks power. His masculinity is drooling. Para akong nakaki
Lulan kami ngayon ng aming sasakyan patungo sa mansyon ng mga Montenegro. I am wearing a black truffle cocktail dress. Nakapusod lamang ang aking buhok with a few strands on my face. Hindi naman sobrang kapal ng make up ko, light lamang ang ipinalagay ko dahil hindi ako sanay na nag-me-make up. Bes







