Se connecter
Eloise’s Point Of View
Kasalukuyan akong naglilinis nang tawagin ako ng aking amo. "Beautiful, could you scratch my neck down to my back?" Utos ng matanda at manyakis kong amo, napatingin ako sa gawi niya kung saan siya nakaupo sa sofa habang nanonood sa tv. Nakangisi ito ngayon sa akin matapos pasadahan ang aking kabuuan. Nag-alangan akong pumunta dahil sa kakaibang tingin nito sa aking katawan, kung hindi ko lang kailangan ng pera ay hindi ako magtitiis dito sa ibang bansa bilang kasambahay ng malupit kong amo. “Come on, baby give me a scratch, I can’t reach my back.” Muling tawag pansin nito ng hindi ako lumapit at bahagyang tinapik ang sofa. Napalunok na lamang ako bago ibinaba ang hawak na gamit panglinis saka dahan-dahang lumapit sa kanya matapos ayusin ang aking unipormeng pangkatulong. Nagpunta ako sa kanyang likuran at bahagyang yumuko bago marahang hinagod ang kanyang likuran. Nagpakawala naman itong ng nakakainsultong ungol. “Oh, more Eloise!” kinilabutan ako ng marinig ‘yon sa matanda. Inalis ko ang aking kamay sa kanyang likuran ngunit nahuli niya rin ito at ibinalik sa kanyang likod. “Continue, don’t stop!” “It will be inappropriate if we continue doing this,” kalmado at pigil ang inis kong sabi. “It’s not, because it’s your job to take care of me!” Sigaw nito sa akin na ikina-atras ko. “I know it’s my job to take care of you but I’m refusing to be harassed, sir.” Pormal na matapang at kalmado kong sabi, para panatilihin ang respeto sa kanya bilang amo, ngunit mukhang nagalit lang ito dahil unti-unti nagkukulay kamatis ang mukha nito dahil sa galit sa akin. “How dare you, I paid for you!” Sigaw nito at tila nagdilim ang paningin at itinulak ako, bumagsak ako sa semento at agad na nanakit ang aking balakang sa pagkabagsak. “Eloise, what is happening here?” Tanong ng babae kong amo na siyang kadarating lang kasama ang anak nitong babae na siyang alaga ko, nang magtama ang mga mata namin ay dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili. “Ma’am-” hindi ko pa natapos ang sinasabi ng sumabat ang lalaki kong amo. “Lanie, she was disobeying me! I was just asking her help to scratch my back!” Sumbong nito sa asawa. Magsasalita pa sana ako para ipagtanggol ang sarili ng itapat nito ang kamay sa akin senyales na tumigil ako sa anumang sasabihin. “Don’t talk, now leave and clean the bathroom. You have no right to talk back to us, you’re just a maid here!” Sigaw ng amo kong babae bago ako iniwan, sumunod naman rito ang asawa niyang lalaki. Sumikip ang dibdib ko dahil sa paraan ng trato nila sa akin, masyado silang mahigpit at marahas sa akin. Nang magtamang muli ang tingin namin ng bata ay ngumiti ako kahit durog na. Bukod sa kailangan ko ng pera kaya nananatili rito ay isa siya sa dahilan, dahil napamahal na ako sa bata isa pa ay hindi rin lang ako maka-aalis dahil wala sa akin ang passport ko, kinuha ng aking amo. Nang sumapit ang gabi ay doon lang ako nagkaroon ng oras para tawagan ang aking pamilya sa Pilipinas. “Eloise, anak.” Nag-aalalang boses ni nanay ang bumungad sa aking pandinig pagkasagot ng tawag. “Nay, napatawag po kayo?” tanong ko. “Kumusta po kayo? Ang mga gamot na iniinom niyo, nabibili niyo ba, ayos lang po ba? Pasensiya na po kung nahuli ako ng pagpapadala ng pera sa inyo panggastos.” “Anak, Eloise ayos lang ano ka ba.” Sabi nito at dinig ko ang malalim na buntong hininga. “Tumawag lang ako kasi gusto kong itanong kung kailan ka makakauwi?” “Tinatanong ko po sa boss ko nay kung kailan niya maibabalik ang passport ko pero wala pa akong sagot na nakukuha mula sa kanya,” mahinang sabi ko saka napabuntong hininga. “Pero tatanungin ko po ulit, bakit po nay? May problema ba diyan?” “Nag-aalala kasi ako sa kapatid mo maging sa mga pamangkin mo.” sabi niya na siyang ikinagulat ko at napakunot noo. “Po? Bakit po? Anong nangyari kay Elara at sa kambal?” Nag-aalala at nagtatakang tanong ko. “Ayos naman ang kalagayan ng mga bata, pero ang kakambal mong si Elara? Iniwan niya at ayaw ng alagaan ang mga anak nila, nakausap ko ang asawa ng kapatid mo, si Wade hinahanap niya ito at hinahanap ng kambal ang ina nila. Naaawa ako sa kalagayan nila, napakabata pa nila.” Kwento ni nanay na siyang ikinatigil ko at hindi makapaniwala. “Bakit niya raw po ginawa ‘yon? Tinawagan ko siya nung nakaraan, nanghingi pa sa akin ng pera para sa kambal, maayos naman daw ang mga ito at kasama niya. Kailan pa po siya umalis?” napahawak ako sa aking noo, nababahala sa ginawang kalokohan ng aking kapatid. “Matagal na anak, ayaw ko lang na sabihin sayo agad dahil alam kong mag-aalala ka pero kasi ang mga apo ko, ang mga pamangkin mo naaawa na ako sa kanila. Kailangan nila ng ina, pero wala rito ang kapatid mo para sa kanila.” Bakas ang labis na lungkot sa boses ni nanay ng sabihin niya ito. Nangilid ang mga luha ko habang inaalala ang mga bata, huling kita ko sa kanila ay bagong panganak pa lang sila, habang lumalaki naman ay mga pictures lang na sinesend sa akin ni Elara ang nakikita ko dahil umalis ako agad para magtrabaho para sa pagpapagamot ni nanay, para sa kapatid ko at para sa kambal. “Ayaw ko mang istorbohin ka anak, pero gusto kong umuwi ka na nalulungkot ako at kailangan mong magtrabaho diyan sa ibang bansa para matulungan kami pero sapat na ang perang inipon natin para sa gamutan ko.” “Pero nay,” mahinang tawag ko. “Alam kong mahal mo ang trabaho mo dyan bilang caregiver, pero sana makauwi ka na anak.” Bumuntong hininga siya pagkatapos. “Nag-aalala ako sa mga pamangkin mo, sa tuwing bumibisita ako sa bahay nila ay umiiyak sila.” Pinahid ko ang luhang tumakas sa aking mga mata, ang alam nila ay isa akong caregiver hindi nila alam na ang trabaho ko ay kasambahay, ayaw ko ring sabihin dahil mas mag-aalala ang aking nanay. “Opo nay, kakausapin ko po ulit ang amo ko tungkol sa passport. Uuwi po ako,” pagpapanatag ko sa kanyang loob bago pinatay ang tawag at doon ibinuhos ang aking emosyon.Kinaumagahan ay sinadya kong maagang magising at unahan ang mga kasambahay para sa pagluluto ng agahan. “Ano kayang masarap lutuin?” mahinang tanong ko sa sarili bago nagtingin ng stocks sa ref. Kasalukuyan akong nagluluto ng may tumikhim sa aking likuran napaigtad ako sa gulat dahilan para mapaso ako sa kawali. “Aray!” Sigaw ko at agad na nailayo ang sarili, agad namang lumapit si Wade sa akin. “Tsk, hindi ka nag-iingat,” masungit na sabi nito matapos hugasan sa lababo ang daliri kong napaso, nagpunta siya sa lagayan nv first aid at nilagyan ng oitment ang napaso, tulala ko naman siyang pinapanood. “Ayos lang ako, Wade paso lang ito.” Mahinang sabi ko para bitiwan na niya ang kamay ko.“Ayaw na ayaw mong magluto dahil ayaw mong naiinitan o napapaso kapero bakit ngayon at nangunguna ka pa sa mga kasambahay?” kunot ang noong tanong niya. “Parte pa ba ito ng pagpapanggap mo para mapaniwala mo kaming bumalik ka na at hindi mon a kami iiwan?” Mabilis akong umiling at binawi ang kamay
“Wade,” tanging nasabi ko. “Pangalan ko na lang ngayon ang tawag mo sa akin, you use to call me hubby or love.” Napayuko ako sa sinabi niya, hindi ko alam na iyon ang tawag ni Elara sa kanya. “I’m sorry hubby,” masuyong sabi ko. “Pangako, hindi ko na ulit kayo iiwan at lolokohin, please bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.” Pakiusap ko sa kanya. “Itanong mo ‘yan sa mga anak mo.” Mariing sabi niya bago inilapit ang mukha sa akin, halos hindi naman ako makahinga, hahalikan niya ba ako? “Subukan mo silang saktan ulit, baka makalimutan kong ina ka nila at asawa kita.” Nang lumayo siya ay doon lang ako nakahinga, mabilis kong tinapos ang pagkuha ng mga damit at lumabas sa kwarto saka nagpunta mg guestroom. “Unang araw ko pa lang pero kinakapos na ako ng hininga, paano pa sa mga susunod?” Tanong ko sa aking sarili at nanghihinang napaupo sa kama. “Elara bumalik ka na.” Mahinang pakiusap ko kahit hindi naman ako nito maririnig. Bago pa man maghapon ay naisipan kong magbake ng coo
Kinaumagahan, nagpahatid ako sa mansion ni Wade, ang asawa ng aking kapatid. “Good morning po, nasaan ang mga kambal at si Wade?” Magalang kong tanong sa kasambahay na nadaanan ko, gulat na ekspresyon ang ibinigay nito sa akin. “Ma’am Elara?” Gulat nitong tanong, oo nga pala at ako muna ang kakambal ko. “Yes? Nasaan sila?” Nakangiting tanong ko. “Ah, kinuha po ng kapatid ni sir Wade ang kambal pansamantala, si sir naman po ay nasa kwarto niya.” Malikot ang mga matang sagot ng kasambahay tila hindi makapaniwalang nasa harapan niya ako, hindi ko na pinansin tumango at nagpasalamat na lang ako at inakyat ang hagdan para puntahan ang kwarto ng lalaki.Kumatok ako ngunit walang sumasagot kaya pinihit ko na pabukas ang pinto dahil hindi naman ito naka-lock. Inilibot ko ang tingin pagpasok ngunit walang tao pero dinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Umupo ako sa kama para hintayin siya, saglit lang ay lumabas ito laking gulat ko ng nakatapis ng twalya lang ito. “Anong ginagawa
Kinaumagahan, maaga akong nagluto ng almusal para sa aking mga amo, lihim na rin akong kumain dahil alam kong hindi na naman nila ako titirhan. Nang magising ang alaga ko ay inuna ko na siyang pinakain pagkatapos ay saka ako nagpunta sa balkonahe kung nasaan ang amo kuong babae na siyang nagkakape. “Good morning ma’am,” magalang kong bati. Nilingon niya ako gamit ang masungit nitong tingin. “What now, Eloise? What do you need?” malamig nitong tanong sa akin matapos akong taasan ng kilay. “I’d like to follow up about my passport, ma’am.” Mahinang sabi ko dahil sa kaba. “My family had an emergency and I have to come home immediately.” “Here we go again, you can’t go home you have contract with us and you have to wait for the right time.” Mataas na boses niyang sabi sa akin, napayuko na lang ako, nagsasalita pa sana ako ng itapon niya sa akin ang natitirang kape, mainit iyon kaya hindi ko maiwasang mapahiyaw sa sakit natapunan ang kamay ko. “Clean that mess,” walang awang sabi nito
Eloise’s Point Of ViewKasalukuyan akong naglilinis nang tawagin ako ng aking amo. "Beautiful, could you scratch my neck down to my back?" Utos ng matanda at manyakis kong amo, napatingin ako sa gawi niya kung saan siya nakaupo sa sofa habang nanonood sa tv. Nakangisi ito ngayon sa akin matapos pasadahan ang aking kabuuan.Nag-alangan akong pumunta dahil sa kakaibang tingin nito sa aking katawan, kung hindi ko lang kailangan ng pera ay hindi ako magtitiis dito sa ibang bansa bilang kasambahay ng malupit kong amo. “Come on, baby give me a scratch, I can’t reach my back.” Muling tawag pansin nito ng hindi ako lumapit at bahagyang tinapik ang sofa. Napalunok na lamang ako bago ibinaba ang hawak na gamit panglinis saka dahan-dahang lumapit sa kanya matapos ayusin ang aking unipormeng pangkatulong. Nagpunta ako sa kanyang likuran at bahagyang yumuko bago marahang hinagod ang kanyang likuran. Nagpakawala naman itong ng nakakainsultong ungol. “Oh, more Eloise!” kinilabutan ako ng marin







