Partager

CHAPTER 4

Auteur: Bellianne
last update Date de publication: 2026-08-19 13:48:45

“Wade,” tanging nasabi ko.

“Pangalan ko na lang ngayon ang tawag mo sa akin, you use to call me hubby or love.”

Napayuko ako sa sinabi niya, hindi ko alam na iyon ang tawag ni Elara sa kanya.

“I’m sorry hubby,” masuyong sabi ko. “Pangako, hindi ko na ulit kayo iiwan at lolokohin, please bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.” Pakiusap ko sa kanya.

“Itanong mo ‘yan sa mga anak mo.” Mariing sabi niya bago inilapit ang mukha sa akin, halos hindi naman ako makahinga, hahalikan niya ba ako? “Subukan mo silang saktan ulit, baka makalimutan kong ina ka nila at asawa kita.”

Nang lumayo siya ay doon lang ako nakahinga, mabilis kong tinapos ang pagkuha ng mga damit at lumabas sa kwarto saka nagpunta mg guestroom.

“Unang araw ko pa lang pero kinakapos na ako ng hininga, paano pa sa mga susunod?” Tanong ko sa aking sarili at nanghihinang napaupo sa kama. “Elara bumalik ka na.” Mahinang pakiusap ko kahit hindi naman ako nito maririnig.

Bago pa man maghapon ay naisipan kong magbake ng cookies para sa nga kambal.

“Naku ma’am, ano pong ginagawa niyo?” Tanong sa akin ng isang kasambahay.

“Balak kong mag bake ng cookies para sa mga anak ko,” nakangiting sagot ko at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Gusto ba nila ng ganito?”

“Ay paborito nila ‘yan ma’am,” sagot ng kasambahay na ikinatango at ngiti ko, sana nga ay talagang magustuhan nila nasasabik akong makita sila.

Saktong katatapos kong iluto ang mga cookies na ginawa ay inanunsyo ng kasambahay na dumating na raw ang mga bata hinatid ng driver ng kapatid ni Wade. Sabik akong lumabas ng kusina para salubungin sila.

“Sunny, Summer! Mga anak!” Bagamat nakangiti ay maluha-luha kong tawag sa kanila ng makita silang sabay at magkahawak kamay na naglalakad papasok ng mansyon. Tumakbo ako sa kanila palapit ngunit natigilan ang dalawa at takot na tumingin sa akin.

“Wag ka po lalapit!” Sigaw ni Summer sa akin, ang nakalugay ang mahaba nitong buhok at ang mapulang labi ay nakanguso sa akin.

“Ano gagawin natin?” Dinig kong bulong ng isang kambal na si Sunny sa kanyang kakambal, itinago naman ito ni Summer sa likod.

“Mga anak, namiss kayo ni mommy. Galit ba kayo sa akin?” Mababang boses kong tanong sa kanila. “Patawarin niyo si mommy sa mga nagawa ko, hindi na uulitin nagbago na ako.”

“Hindi po, sasaktan mo ulit si Sunny at papaluin kasi malakas umiyak!” Sigaw ni Summer sa akin bago ako itinulak at hinila ang kakambal saka sila tumakbo, nilingon pa ako ni Sunny na ngayo’y naiiyak.

Parang nadurog ang puso ko sa pinakita ng kambal, anong ginawa ni Elara sa mga ito at ganoon ang takot ng dalawang bata. Hindi ko napigilan ang mga luha ko at wala itong paawat sa pagtulo.

“Gano’n ang epekto ng ginawa mo sa mga bata, ngayon ay takot na sila sayo.” Boses iyon ni Wade mula sa aking likuran, huminga ako ng malalim at mabilis na pinahid ang mga luha at hinarap siya.

“Babawi ako, hindi ako susuko.” Malakas ang loob kong sabi kahit pa mahirap.

“Bakit ka umiiyak? Ikaw ang may kasalanan kung bakit sila ganyan sayo, that’s your consequences for hurting them.” Seryosong sabi nito, tumango naman ako.

“Paano ka, mapapatawad mo pa ba ako?” Mababang boses kong tanong.

“Hindi ko alam,” sagot nito bago ako nilagpasan. “By the way, I like your cookies hindi ko alam na marunong ka palang magbake.” Papuri nito bagoa ko tuluyang nilagpasan na siyang ikinatigil ko at kurap-kurap.

Nagpunta ako sa kusina at naabutan ang kasambahay. “Nagpunta ba rito si Wade?” Tanong ko.

“Opo ma’am tinikman itong bake niyong cookies, aba’y nasarapan si sir.” Ngingiti-ngiting sabi nito, sa hindi naman malamang dahilan ay napangiti rin ako, agad ring inalis ang tuwa sa naisip, asawa siya ng kakambal ko.

“Ah kumuha ka na ng sayo, pwede bang pakihatid ito sa mga kambal? Huwag mo na lang sabihing gawa ko para hindi sila magalit.” Magaan ang ngiting sabi ko.

“Sigurado po kayo ma’am?” Tanong niya tumango naman ako at sinenyasan siyang umalis na.

Nang mainip ay nagpunta ako sa kwarto ng kambal at lihim silang sinilip, napangiti ako ng tahimik at masaya nilang kinakain ang ginawa kong cookies.

“Summer, I like this. Masarap,” ngumunguyang sabi ni Sunny habang nakatingin sa hawak na cookies.

“Hmnn, but don’t tell it to her, baka saktan ka niya ulit.” Tumatangong sagot ni Summer sa kakambal, napayuko na lang ako sa sagot nito, sa kabilang banda ay masaya ako at matapang ito para sa kakambal.

Sa ngayon sapat muna siguro ‘yung ganito, paunti-unti ay makukuha ko rin ang loob nila.

Nang gabi na ay bumalik na ako sa kwarto ko at naligo saka nagpalit pantulog, napangiwi ako sa mga damit ni Elara.

“Anong klaseng damit ba ang ipinagbibili ng babaeng ‘yon?” Inis kong tanong sa sarili matapos iangat. “Parang mang-aakit naman ako kapag sinuot ko ito, labas ang kaluluwa.” Napapailing kong sabi saka kinuha ang nighties na medyo desente.

Matapos magbihis ay naisipan kong magpalamig sa balkonahe, hindi ko inaasahang maaabutan ko roon si Wade, aatras sana ako ng maramdaman niya ang presensiya ko at lingunin.

“Trying to avoid me?” Tanong niya bago sumimsim sa basong may lamang alak, umiling naman ako at nagpatuloy sa paglapit sa kanya.

“Anong ginagawa mo rito? Gabi na, pero nandito ka at nag-iinom.” Hindi ko maiwasang pagsabihan siya.

“So? Anong pakialam mo? Pamamahay ko ito, my house is my rule.” Masungit nitong sabi.

“Asawa mo ako, at ibig sabihin lang nun na may karapatan din ako.” Sagot ko at hinarap siya.

“Really? Ngayon ginagamit mo na ‘yang pagiging asawa ko? Samantalang dati bago ka umalis ay ayaw na ayaw mo sa akin.” Nakangisi man ay ramdam ko ang pait sa boses niyang sabi.

“Dati ‘yon, sinabi ko sa sayong nagbago na ako.” Mababang boses kong sabi. “Hindi na ako ‘yong dating ako, pinagsisihan ko na.”

“Hindi pa rin ako naniniwala,” sabay inom niya sa natitirang laman ng baso. “Paano mo ako mapapaniwala?”

“Sa paraang gusto mo,” sagot ko habang hindi maalis ang tingin sa mga mata niya.

“Sigurado ka? Sa paraang gusto ko?” mapang-hamong tanong niya, napailing ako bago tumango. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at iniyuko ang ulo sa aking leeg na tila inaamoy ako. “Hmn, bago ang pabango mo, I like it.” Paos na boses niyang sabi habang nakapikit, naiangat ko ang aking ulo para bigyang laya siya sa ginagawa.

“Bagong bili ko sa may labas,” mahinang sagot ko. Nakuyom ang palad ko ng dumampi ang kanyang malambot na labi sa aking leeg. “Wade,” hindi ko mapigilang tawag sa kanya.

“Why? Ayaw mo pa rin sa akin?” Tanong niya, mabilis akong umiling. Gagawin ko ang lahat mabawi ang tiwala niya, nila ng mga kambal. “Good girl my wife.” Sagot niya at tumaas ang halik sa aking panga papunta sa aking labi, napapikit ako at napahawak sa kanyang damit nang maramdaman ko siya.

Nang hindj ako tumugon ay kinagat niya ang pang-ibaba kong labi, kalaunan ay nadala ako sa mainit niyang halik at kusa siyang tinugon at nakipagsabayan sa kanyang ginagawa.

“Para mo akong binalik sa apat na taon ng nakalipas,” paos ang boses na sabi nito nang humiwalay siya sa akin, napalunok ako at nag-iwas ng tingin. “Iba ang halik mo, para bang nung una tayong nagkakilala.”

“Naninibago ka lang,” iwas tinging sagot ko. “Sige mauna na akong matulog, matulog ka na rin pagkatapos mo diyan.” Mabilis kong paalam at tumakbo papalayo sa kanya, mabilis ang pintig ng puso ko ng makabalik sa aking kwarto, ano bang nangyayari sa akin at hinahayaan ko ang sariling maapektuhan niya.

“Nasaan ka na ba kasi Elara? At bakit hindi ka na bumalik,” halos maiyak sa kaba kong tanong sa sarili. Hanggang kailan ba ako magpapanggap.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • SUBSTITUTE WIFE OF MY TWIN’S HUSBAND    CHAPTER 5

    Kinaumagahan ay sinadya kong maagang magising at unahan ang mga kasambahay para sa pagluluto ng agahan. “Ano kayang masarap lutuin?” mahinang tanong ko sa sarili bago nagtingin ng stocks sa ref. Kasalukuyan akong nagluluto ng may tumikhim sa aking likuran napaigtad ako sa gulat dahilan para mapaso ako sa kawali. “Aray!” Sigaw ko at agad na nailayo ang sarili, agad namang lumapit si Wade sa akin. “Tsk, hindi ka nag-iingat,” masungit na sabi nito matapos hugasan sa lababo ang daliri kong napaso, nagpunta siya sa lagayan nv first aid at nilagyan ng oitment ang napaso, tulala ko naman siyang pinapanood. “Ayos lang ako, Wade paso lang ito.” Mahinang sabi ko para bitiwan na niya ang kamay ko.“Ayaw na ayaw mong magluto dahil ayaw mong naiinitan o napapaso kapero bakit ngayon at nangunguna ka pa sa mga kasambahay?” kunot ang noong tanong niya. “Parte pa ba ito ng pagpapanggap mo para mapaniwala mo kaming bumalik ka na at hindi mon a kami iiwan?” Mabilis akong umiling at binawi ang kamay

  • SUBSTITUTE WIFE OF MY TWIN’S HUSBAND    CHAPTER 4

    “Wade,” tanging nasabi ko. “Pangalan ko na lang ngayon ang tawag mo sa akin, you use to call me hubby or love.” Napayuko ako sa sinabi niya, hindi ko alam na iyon ang tawag ni Elara sa kanya. “I’m sorry hubby,” masuyong sabi ko. “Pangako, hindi ko na ulit kayo iiwan at lolokohin, please bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.” Pakiusap ko sa kanya. “Itanong mo ‘yan sa mga anak mo.” Mariing sabi niya bago inilapit ang mukha sa akin, halos hindi naman ako makahinga, hahalikan niya ba ako? “Subukan mo silang saktan ulit, baka makalimutan kong ina ka nila at asawa kita.” Nang lumayo siya ay doon lang ako nakahinga, mabilis kong tinapos ang pagkuha ng mga damit at lumabas sa kwarto saka nagpunta mg guestroom. “Unang araw ko pa lang pero kinakapos na ako ng hininga, paano pa sa mga susunod?” Tanong ko sa aking sarili at nanghihinang napaupo sa kama. “Elara bumalik ka na.” Mahinang pakiusap ko kahit hindi naman ako nito maririnig. Bago pa man maghapon ay naisipan kong magbake ng coo

  • SUBSTITUTE WIFE OF MY TWIN’S HUSBAND    CHAPTER 3

    Kinaumagahan, nagpahatid ako sa mansion ni Wade, ang asawa ng aking kapatid. “Good morning po, nasaan ang mga kambal at si Wade?” Magalang kong tanong sa kasambahay na nadaanan ko, gulat na ekspresyon ang ibinigay nito sa akin. “Ma’am Elara?” Gulat nitong tanong, oo nga pala at ako muna ang kakambal ko. “Yes? Nasaan sila?” Nakangiting tanong ko. “Ah, kinuha po ng kapatid ni sir Wade ang kambal pansamantala, si sir naman po ay nasa kwarto niya.” Malikot ang mga matang sagot ng kasambahay tila hindi makapaniwalang nasa harapan niya ako, hindi ko na pinansin tumango at nagpasalamat na lang ako at inakyat ang hagdan para puntahan ang kwarto ng lalaki.Kumatok ako ngunit walang sumasagot kaya pinihit ko na pabukas ang pinto dahil hindi naman ito naka-lock. Inilibot ko ang tingin pagpasok ngunit walang tao pero dinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Umupo ako sa kama para hintayin siya, saglit lang ay lumabas ito laking gulat ko ng nakatapis ng twalya lang ito. “Anong ginagawa

  • SUBSTITUTE WIFE OF MY TWIN’S HUSBAND    CHAPTER 2

    Kinaumagahan, maaga akong nagluto ng almusal para sa aking mga amo, lihim na rin akong kumain dahil alam kong hindi na naman nila ako titirhan. Nang magising ang alaga ko ay inuna ko na siyang pinakain pagkatapos ay saka ako nagpunta sa balkonahe kung nasaan ang amo kuong babae na siyang nagkakape. “Good morning ma’am,” magalang kong bati. Nilingon niya ako gamit ang masungit nitong tingin. “What now, Eloise? What do you need?” malamig nitong tanong sa akin matapos akong taasan ng kilay. “I’d like to follow up about my passport, ma’am.” Mahinang sabi ko dahil sa kaba. “My family had an emergency and I have to come home immediately.” “Here we go again, you can’t go home you have contract with us and you have to wait for the right time.” Mataas na boses niyang sabi sa akin, napayuko na lang ako, nagsasalita pa sana ako ng itapon niya sa akin ang natitirang kape, mainit iyon kaya hindi ko maiwasang mapahiyaw sa sakit natapunan ang kamay ko. “Clean that mess,” walang awang sabi nito

  • SUBSTITUTE WIFE OF MY TWIN’S HUSBAND    CHAPTER 1

    Eloise’s Point Of ViewKasalukuyan akong naglilinis nang tawagin ako ng aking amo. "Beautiful, could you scratch my neck down to my back?" Utos ng matanda at manyakis kong amo, napatingin ako sa gawi niya kung saan siya nakaupo sa sofa habang nanonood sa tv. Nakangisi ito ngayon sa akin matapos pasadahan ang aking kabuuan.Nag-alangan akong pumunta dahil sa kakaibang tingin nito sa aking katawan, kung hindi ko lang kailangan ng pera ay hindi ako magtitiis dito sa ibang bansa bilang kasambahay ng malupit kong amo. “Come on, baby give me a scratch, I can’t reach my back.” Muling tawag pansin nito ng hindi ako lumapit at bahagyang tinapik ang sofa. Napalunok na lamang ako bago ibinaba ang hawak na gamit panglinis saka dahan-dahang lumapit sa kanya matapos ayusin ang aking unipormeng pangkatulong. Nagpunta ako sa kanyang likuran at bahagyang yumuko bago marahang hinagod ang kanyang likuran. Nagpakawala naman itong ng nakakainsultong ungol. “Oh, more Eloise!” kinilabutan ako ng marin

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status