Partager

CHAPTER 3

Auteur: Bellianne
last update Date de publication: 2026-08-19 13:47:55

Kinaumagahan, nagpahatid ako sa mansion ni Wade, ang asawa ng aking kapatid.

“Good morning po, nasaan ang mga kambal at si Wade?” Magalang kong tanong sa kasambahay na nadaanan ko, gulat na ekspresyon ang ibinigay nito sa akin.

“Ma’am Elara?” Gulat nitong tanong, oo nga pala at ako muna ang kakambal ko.

“Yes? Nasaan sila?” Nakangiting tanong ko.

“Ah, kinuha po ng kapatid ni sir Wade ang kambal pansamantala, si sir naman po ay nasa kwarto niya.” Malikot ang mga matang sagot ng kasambahay tila hindi makapaniwalang nasa harapan niya ako, hindi ko na pinansin tumango at nagpasalamat na lang ako at inakyat ang hagdan para puntahan ang kwarto ng lalaki.

Kumatok ako ngunit walang sumasagot kaya pinihit ko na pabukas ang p***o dahil hindi naman ito naka-lock. Inilibot ko ang tingin pagpasok ngunit walang tao pero dinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo.

Umupo ako sa kama para hintayin siya, saglit lang ay lumabas ito laking gulat ko ng nakatapis ng twalya lang ito.

“Anong ginagawa mo rito sa pamamahay ko at sa mismong kwarto ko pa?” galit nitong tanong sa akin, napalunok ako ng magtama ang aming mga mata, katulad pa rin ng dati iyon.

“Bumalik na ako, patawarin mo na ako Wade hindi ko na kayo ulit iiwan. Nasaan ang mga bata?” Mababang boses kong tanong sa kanya.

Itinuro niya ang p***o. “Lumabas ka ng kwarto ko at umalis sa pamamahay ko, wala kang karapatang magtanong tungkol sa mga bata matapos mo silang abandunahin! Bumalik ka ngayon dahil ubos na ang perang hiningi mo sa akin?”

“No, bumalik na ako para sayo, sa inyo ng mga bata. Miss na miss ko na kayo, patawarin mo ako, Wade.” Pakiusap ko sa kanya, umiling ito at pagak na natawa.

“How could you say those words after you abandon us, Elara?” Malamig na boses nitong tanong sa akin bago dahan-dahang lumapit sa akin. “You cheated on me, hinayaan kita pero ang ginawa mong pananakit sa mga anak natin? Hindi ko matatanggap ‘yon! So please, leave bago pa dumating ang mga bata.”

Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya, pigil ang pag-iyak ko. “Babawi ako, Wade, babawi ako bigyan niyo ako ng pagkakataon.”

Ngumisi lang siya bago ako tinalikuran at nagtungo sa closet, malalim akong bumuntong hininga bago lumabas ng kanyang silid at bumaba naabutan ko sa kusina ang mga kasambahay.

“Hello po, pwede ba akong tumulong sa pagluluto?” nakangiting tanong ko sa nagkukumpulang mga kasambahay na siyang nagluluto ng agahan, nang marinig nila ako ay napakislot sila sa gulat.

“Ma’am Elara!” Hiyaw nila, natawa na lang ako sa reaksyon nila.

“Para naman kayong nakakita ng multo, gusto kong tumulong sa pagluluto. Kailan ang balik ng mga kambal?” Tanong ko saka nagsimulang tumulong sa kanila, hindi naman sila makaimik at nagtataka sa kilos ko.

Ano bang ugali ang trato sa kanila ni Elara? Huwag naman sana akong mahirapan sa pagpapanggap bilang siya.

“Baka mamayang hapon po ma’am,” sagot ng isang kasambahay at bahagya silang dumistansya sa akin.

“Bakit parang ang layo niyo sa akin? Wala naman akong sakit,” biro ko pa at natawa.

“Naninibago kami ma’am, ayaw niyong lumalapit kami sa inyo dati.” Sagot ng isa na ikinatigil ko, ngayon alam ko na kung bakit sila ilag kay Elara.

“People change, nagbago na ako.” Nakangiting sabi ko. “Ayan tapos na ang agahan,” anunsyo ko ng maisalin ang mga iniluto sa lalagyan.

“Manang–” natigil sa pagsasalita ang bagong dating na si Wade. “Ano pang ginagawa mo rito? Didn’t I told you to leave? Bakit ka tumutulong sa pagluluto? Naglagay ka ba ng lason para lasunin ako at tuluyang mawala sa buhay mo?” Kunot noong paratang nito sa akin.

“No, gusto ko lang tumulong dahil gusto kong bumawi. I won’t leave, dito lang ako sa ayaw at sa gusto mo babawi ako.” Final kong sabi bago ngumiti, hindi ako nagtiis ng matagal na panahon sa ibang bansa at basta na lang susuko sa simpleng pagtataboy niya sa akin.

“Really?” Nakangising tanong niya, agad naman akong tumango. “Tignan natin kung hanggang saan ang pagpapanggap mo.”

Napalunok ako sa klase ng tingin niya, hindi pa rin ako masanay-sanay sa paraan niya ng pagtingin.

“Hindi ako nagpapanggap.” Matapang kong sabi. “Tara na at kumain baka lumamig pa ang pagkain, sumabay na rin po kayo sa amin.” Nakangiting alok ko sa mga kasambahay sabay-sabay naman silang nahihiyang napailing, nang tignan ko si Wade ay nakakunot na ang noo nito tila malalim ang iniisip.

Marahil magkamukhang-magkamukha nga kami ni Elara, magkaiba naman kami ng personalidad at ugali. Huwag lang sana akong mahuli ni Wade.

“Narinig ko mamayang hapon ang balik ng mga kambal, pwede ko ba silang ipasyal gusto ko ring bumawi sa kanila.” Panimula ko habang kumakain kami, natigilan naman siya sa pagsubo.

“No, baka kung ano pang gawin mo sa kanila.” Seryosong sagot niya bago ipinagpatuloy ang pagkain. “Hindi ko alam na marunong ka na palang magluto.”

Napalunok ako sa sinabi niya, hindi ba marunong magluto si Elara?

“Ah? Oo, pinag-aralan ko,” palusot ko bago nagbaba ng tingin at kumain. “Saan nga pala ako pwedeng matulog?”

“Guestroom, ayaw kitang katabi sa kwarto natin.” Malamig nitong sabi na ikinatango ko, okay na rin baka hindi ko kayanin.

“Kukunin ko sana yong mga damit ko sa kwarto, ayos lang ba?” Tanong ko saka tinapos ang kinakain, tumango lang naman ito.

Kagaya ng paalam ko ay pumuslit ako sa kanilang silid ni Elara, nahagip ng paningin ko ang wedding picture mapait akong napangiti ng maalala ito, halos mabitawan ko ng bumukas ang p***o.

“What are you doing? Akala ko ba ay kukunin mo ang mga damit mo?” Seryosong tanong nito walang kangitingiti, malayo sa Wade na nasaksihan ko noon.

“Napansin ko lang itong picture frame,” palusot ko at tipid na ngumiti saka siya tinalikuran at nagpunta sa closet para kunin ang mga damit ni Elara, gaano naman kaya ako katagal na mananatili rito bilang siya?

Napangiwi ako habang nakatingin sa mga damit niya na inilalagay sa aking kinuhang bag, lahat ay revealing kahit pangtulog, napaiktad ako ng lumapit sa akin si Wade, nasa likuran ko siya at dama ko ang init ng hininga niya sa aking leeg.

“Wade, anong ginagawa mo?” kinakabahang tanong ko

“Bakit ka pa bumalik?” Mahina at paos na boses niyang tanong. “Bakit ka pa bumalik kung kailan kinakaya ko ng wala ka.”

“Hindi na ako aalis, babawi na ako.” Tanging nasabi ko, nagulat ako ng ipulupot niya ang braso sa aking bewang, kasama pa ba ito sa pagpapanggap ko?

“I don’t know if I can still believe you. Sinaktan mo na ako, kami ng mga anak mo. You cheated on me, pero bakit mahal pa rin kita? Alam kong kasal lang tayo sa papel dahil ss nanyari noon but still, you’re my wife!” Mapait nitong tanong sa akin, napalunok ako at napapikit ng mariin lalo ng iharap niya ako sa kanya at isandal sa closet.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • SUBSTITUTE WIFE OF MY TWIN’S HUSBAND    CHAPTER 5

    Kinaumagahan ay sinadya kong maagang magising at unahan ang mga kasambahay para sa pagluluto ng agahan. “Ano kayang masarap lutuin?” mahinang tanong ko sa sarili bago nagtingin ng stocks sa ref. Kasalukuyan akong nagluluto ng may tumikhim sa aking likuran napaigtad ako sa gulat dahilan para mapaso ako sa kawali. “Aray!” Sigaw ko at agad na nailayo ang sarili, agad namang lumapit si Wade sa akin. “Tsk, hindi ka nag-iingat,” masungit na sabi nito matapos hugasan sa lababo ang daliri kong napaso, nagpunta siya sa lagayan nv first aid at nilagyan ng oitment ang napaso, tulala ko naman siyang pinapanood. “Ayos lang ako, Wade paso lang ito.” Mahinang sabi ko para bitiwan na niya ang kamay ko.“Ayaw na ayaw mong magluto dahil ayaw mong naiinitan o napapaso kapero bakit ngayon at nangunguna ka pa sa mga kasambahay?” kunot ang noong tanong niya. “Parte pa ba ito ng pagpapanggap mo para mapaniwala mo kaming bumalik ka na at hindi mon a kami iiwan?” Mabilis akong umiling at binawi ang kamay

  • SUBSTITUTE WIFE OF MY TWIN’S HUSBAND    CHAPTER 4

    “Wade,” tanging nasabi ko. “Pangalan ko na lang ngayon ang tawag mo sa akin, you use to call me hubby or love.” Napayuko ako sa sinabi niya, hindi ko alam na iyon ang tawag ni Elara sa kanya. “I’m sorry hubby,” masuyong sabi ko. “Pangako, hindi ko na ulit kayo iiwan at lolokohin, please bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.” Pakiusap ko sa kanya. “Itanong mo ‘yan sa mga anak mo.” Mariing sabi niya bago inilapit ang mukha sa akin, halos hindi naman ako makahinga, hahalikan niya ba ako? “Subukan mo silang saktan ulit, baka makalimutan kong ina ka nila at asawa kita.” Nang lumayo siya ay doon lang ako nakahinga, mabilis kong tinapos ang pagkuha ng mga damit at lumabas sa kwarto saka nagpunta mg guestroom. “Unang araw ko pa lang pero kinakapos na ako ng hininga, paano pa sa mga susunod?” Tanong ko sa aking sarili at nanghihinang napaupo sa kama. “Elara bumalik ka na.” Mahinang pakiusap ko kahit hindi naman ako nito maririnig. Bago pa man maghapon ay naisipan kong magbake ng coo

  • SUBSTITUTE WIFE OF MY TWIN’S HUSBAND    CHAPTER 3

    Kinaumagahan, nagpahatid ako sa mansion ni Wade, ang asawa ng aking kapatid. “Good morning po, nasaan ang mga kambal at si Wade?” Magalang kong tanong sa kasambahay na nadaanan ko, gulat na ekspresyon ang ibinigay nito sa akin. “Ma’am Elara?” Gulat nitong tanong, oo nga pala at ako muna ang kakambal ko. “Yes? Nasaan sila?” Nakangiting tanong ko. “Ah, kinuha po ng kapatid ni sir Wade ang kambal pansamantala, si sir naman po ay nasa kwarto niya.” Malikot ang mga matang sagot ng kasambahay tila hindi makapaniwalang nasa harapan niya ako, hindi ko na pinansin tumango at nagpasalamat na lang ako at inakyat ang hagdan para puntahan ang kwarto ng lalaki.Kumatok ako ngunit walang sumasagot kaya pinihit ko na pabukas ang pinto dahil hindi naman ito naka-lock. Inilibot ko ang tingin pagpasok ngunit walang tao pero dinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Umupo ako sa kama para hintayin siya, saglit lang ay lumabas ito laking gulat ko ng nakatapis ng twalya lang ito. “Anong ginagawa

  • SUBSTITUTE WIFE OF MY TWIN’S HUSBAND    CHAPTER 2

    Kinaumagahan, maaga akong nagluto ng almusal para sa aking mga amo, lihim na rin akong kumain dahil alam kong hindi na naman nila ako titirhan. Nang magising ang alaga ko ay inuna ko na siyang pinakain pagkatapos ay saka ako nagpunta sa balkonahe kung nasaan ang amo kuong babae na siyang nagkakape. “Good morning ma’am,” magalang kong bati. Nilingon niya ako gamit ang masungit nitong tingin. “What now, Eloise? What do you need?” malamig nitong tanong sa akin matapos akong taasan ng kilay. “I’d like to follow up about my passport, ma’am.” Mahinang sabi ko dahil sa kaba. “My family had an emergency and I have to come home immediately.” “Here we go again, you can’t go home you have contract with us and you have to wait for the right time.” Mataas na boses niyang sabi sa akin, napayuko na lang ako, nagsasalita pa sana ako ng itapon niya sa akin ang natitirang kape, mainit iyon kaya hindi ko maiwasang mapahiyaw sa sakit natapunan ang kamay ko. “Clean that mess,” walang awang sabi nito

  • SUBSTITUTE WIFE OF MY TWIN’S HUSBAND    CHAPTER 1

    Eloise’s Point Of ViewKasalukuyan akong naglilinis nang tawagin ako ng aking amo. "Beautiful, could you scratch my neck down to my back?" Utos ng matanda at manyakis kong amo, napatingin ako sa gawi niya kung saan siya nakaupo sa sofa habang nanonood sa tv. Nakangisi ito ngayon sa akin matapos pasadahan ang aking kabuuan.Nag-alangan akong pumunta dahil sa kakaibang tingin nito sa aking katawan, kung hindi ko lang kailangan ng pera ay hindi ako magtitiis dito sa ibang bansa bilang kasambahay ng malupit kong amo. “Come on, baby give me a scratch, I can’t reach my back.” Muling tawag pansin nito ng hindi ako lumapit at bahagyang tinapik ang sofa. Napalunok na lamang ako bago ibinaba ang hawak na gamit panglinis saka dahan-dahang lumapit sa kanya matapos ayusin ang aking unipormeng pangkatulong. Nagpunta ako sa kanyang likuran at bahagyang yumuko bago marahang hinagod ang kanyang likuran. Nagpakawala naman itong ng nakakainsultong ungol. “Oh, more Eloise!” kinilabutan ako ng marin

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status