"Hannah . . . hey, wake up. We're here."
Naalimpungatan siya dahil sa mahihinang tapik sa kaniyang pisngi. Unti-unti niyang minulat ang mga mata, at ang nakangiting mukha ni Rafael ang siyang unang bumungad sa kaniya."Kanina pa kita ginigising. Tulog mantika ka pala," sabi pa nito bago tumawa nang mahina. Binuksan na nito ang pinto sa driver's seat at lumabas.Mabilis siyang bumangon nang mapagtantong nakatulog siya sa loob ng kotse ni Rafael. Bigla niyang naalala, alas-otso na ng gabi sila nakaalis kagabi. Nangako pa man din siya sa sarili na hindi matutulog dahil nahihiya pa rin siyang kasama si Rafael.Hindi niya mapigilang hindi magkagat ng ibabang labi. Ang awkward lang kasi at ang weird. Honeymoon? Ano bang nangyayari sa lalaking ito?Naramdaman niya ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa kaniyang pisngi. Saka pa lang niya napansin na nasa tabing-dagat pala sila. Namangha siya nang makita ang malawak na karagatan sa harap nila."Ang ganda!" puno ng paghanga niyang saad. Excited siyang bumaling kay Rafael nang pagbuksan siya nito ng pintuan. "Nasaan tayo?"Banayad na ngumiti ang lalaki. "Nasa isang beach resort sa Bantayan Island. Kami nina Tristan ang may-ari nito kaya dito kita dinala."Pagkaapak pa lamang sa pinong buhanginan, hindi makapaniwalang nilingon niya si Rafael. Oo nga, alam niyang mayaman ang mga ito, pero hindi niya inaakala na ganito sila kayaman! May-ari sila ng ganoong kagandang beach resort?Muli niyang inilibot ang paningin sa buong paligid. Nakaparada ang kotse ni Rafael sa tabi ng isang hindi kalakihang cottage house. At halos maghugis-puso ang mga mata niya nang makita ito. Simple ang disenyo pero dahil sa kulay at istilo nito, agaw-atensiyon ang bahay.Mula naman dito ay natuon sa malaking puno sa gilid ng sasakyang pinaradahan nito ang mga mata niya. May swing sa ilalim ng puno kaya napangiti siya.Ang ganda pa ng paligid dahil puting-puti ang buhangin at napakalinaw ng kulay mint na tubig. Muli niyang iginala ang mga mata at hindi kalayuan mula sa kanila, nakita niya ang mga puno ng niyog na nakahilera sa tabi ng daan, mga bulaklak na nakapalibot sa paligid, at ang beachfront suites na may mga outdoor terraces pa. Tamang-tama para mapagmasdan ng mga tao ang kagandahan ng tanawin sa harap."Maganda ba?" pagkuwa'y narinig niyang tanong ni Rafael.Nilingon niya ito at nakita ang magandang ngiti sa mga labi nito. Nahihiya siyang tumango rito bago muling nag-iwas ng tingin.Nagsimula na itong humakbang patungo sa bahay. Humabol agad siya sa likuran nito dahil bitbit nito ang bag niya. Baka kasi bigla itong magalit na hinayaan niyang ito ang magbitbit ng lahat ng dala nila. Ibang klase pa naman ang mood swings nito. Parang babaeng may dalaw.Napangiti siya nang tuluyan silang makapasok sa loob ng bahay. Hindi ito kalakihan pero kumpleto naman at relaxing pagmasdan ang loob. Maaliwalas ang pintura, masarap sa mata ang ayos at kulay ng buong bahay. Nakabukas din ang lahat ng bintana kaya langhap nila ang sariwa at malamig na hangin mula sa labas.Nagpatuloy sa paglalakad si Rafael patungo sa loob ng isang kuwarto. Siya naman ay wala sa sariling nakasunod lang sa likuran nito. Abala ang mga mata niya sa pag-obserba sa paligid.Nang makapasok nang tuluyan sa silid, pareho silang natigilan sa harap ng kama. Isang kama lang ang nasa loob ng kuwartong iyon, malaki naman ito kaya lang ay nag-iisa.May ilang segundo siyang natahimik bago bumuntong-hininga. "Sa labas na lang ako matutulog," basag niya sa katahimikan sa pagitan nila ni Rafael.Sa labas kasi ng silid, may maliit na sala. Malaki at mahaba ang sofa na naroon kaya naisip niyang doon na lang matulog. Abala si Rafael sa paglalagay ng mga gamit nito sa loob ng kabinet, pero nang kukunin na niya ang bag niya, pinigilan siya nito sa kamay."What are you doing?" natatawa nitong tanong na ikinapagtaka niya naman.Tiningnan niya ito sa mukha habang may pagtatakang masisilip sa mga mata niya."Dito na tayo sa kuwarto. Malaki naman ang kama," anito sabay gulo ng buhok niya.Halos kapusin siya ng hangin nang maramdaman ang biglang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. Hindi niya alam kung kay Rafael ba siya maiinis o sa kaniyang sarili. Lagi na lang nitong pinatitibok nang mabilis ang kaniyang puso sa mga simpleng bagay na ginagawa nito.Hindi kaya . . . nahuhulog na naman siya kay Rafael Alejandro Fernando?"K-kasi . . . baka hindi ka sanay na may katabi . . . m-maliban kay Samantha. Sa labas na lang ako matutulog, okay lang naman."Gusto niyang batukan ang sarili. Napakamasokista niya naman! Bakit ba kailangan niya pang banggitin ang pangalan ng kabit nito?Napansin niyang natigilan ito sa ginagawang pag-aayos ng mga gamit at matagal siyang tinitigan sa mukha. Hindi naman ito mukhang galit, blanko lang ang ekspresiyon ng mukha nito.Makaraan ang ilang sandali ay nagbuga ito ng hangin bago nagsalita sa malumanay na paraan. "Hannah, you're my wife and this is our first time together. Alam kong anim na buwan lang tayo magiging mag-asawa, pero puwede bang kalimutan na muna natin ang mga nangyari?"Mariin itong nakatitig sa mga mata niya na para bang ingat na ingat ito sa pagsasalita. Hindi niya alam pero hindi niya magawang magtiwala rito. Hindi niya masisisi ang sarili. Ilang ulit nitong pinamukha na pinakikisamahan lang siya nito para sa kompanya.Ayaw na niyang makipagtalo pa kaya makaraan ang ilan sandali, tinanguan na lamang niya si Rafael bilang pagsang-ayon."Great." Malapad itong ngumiti sa kaniya. "For now, I'll just take a shower," nakangiti naman nitong paalam saka siya mataman na tinitigan.Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapansin ang pilyong ngiti sa mga labi nito. Lalo lang lumalim ang gitla sa kaniyang noo nang makita ang pag-angat ng kabilang braso nito sa gilid ng kabinet habang mataman siyang tinititigan."Panonoorin mo ba ako?""Ha?" Bumaba ang paningin niya sa suot nitong dress shirt nang simulan nitong tanggalin ang pagkakabutones ng mga iyon."Maghuhubad ako. Manonood ka ba?"Malakas siyang napasinghap bago mabilis na tumalikod. "H-hindi mo naman kasi sinabi agad."Nagmamadali siyang dumistansiya mula rito at tumayo sa tabi ng kama. Nang marinig ang mga yabag nitong papasok na sa banyo, pasalampak siyang naupo sa gilid ng kama malapit sa pinto ng kuwarto.Pakiramdam niya, nanlalambot ang mga tuhod niya dahil kay Rafael. Ano bang pinaggagawa ng lalaking iyon? At siya? Bakit nasa loob pa rin siya ng kuwarto? Dapat nasa labas na siya ngayon!Patayo na sana siya para umalis, nang bigla niyang marinig ang boses ni Rafael. "Hannah . . ."Napapitlag pa siya nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa si Rafael. Halos malaglag naman ang panga niya nang makita ang lalaki.Mabilis siyang nagtakip ng mga mata. He's wearing nothing but a white towel. Tinatabunan lang ng puting tuwalya ang saging nito.LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h
"Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba
"Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n
HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha
"Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak
NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K
HUMUGOT siya ng hangin nang maramdaman na tila kinakapos siya ng hininga. She look intently at Rafael. His eyes and face showed her his sadness and pain.Kitang-kita ang pait na nararamdaman sa mukha nito. He was brave enough to not even show her any weaknesses. Pinipigilan nito ang lumuha at idinadaan ang lahat sa pagngiti, pero kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito.Kung ang lalaki, kayang pigilan ang pagluha, puwes siya, hindi. Hindi niya mapigilan ang hindi masaktan para dito. Ganito pala ang pinagdaraanan ni Rafael, pero itinatago lang nito ang lahat at hinuhusgahan pa niya."I'm sorry." Mariin siyang pumikit kasabay ng paglakas ng pag-iyak niya. "Napakasama ko."Sa sobrang bigat ng kaniyang dibdib, hindi na niya napigilan ang sariling emosiyon. Hindi siya makapaniwala na may mga taong dumadaan sa ganoon kabigat at kasakit na sitwasiyon."Why are you crying?" Natawa ito at biglang inabot ang pisngi niya.Naramdaman niya ang mainit nitong mga palad sa magkabila niyang pisngi.
UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages."Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya."Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya. "Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siy
HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang