Share

Chapter Fourteen

BIGLA siyang natigilan sa paglalakad nang makita ang lalaking kumakaway mula sa malayo. "Bullet . . . "

Mabilis siyang humakbang hanggang sa makalapit dito. Hindi na siya pumasok pa sa huling subject niya dahil malapit nang mag-alas-siete ng gabi. Balak niyang umuwi nang maaga dahil kay Rafael. Baka kasi magalit na naman ito kapag sinuway niya ang utos nito.

Heto na naman siya, nagiging masunurin sa lalaking iyon. Hangal ba talaga siya?

"Ano'ng ginagawa mo rito?" nakangiting tanong niya nang makalapit dito.

Kumurba sa malapad na ngiti ang mga labi nito bago binuksan ang pintuan sa passenger's seat ng sariling sasakyan. "Hindi ba sabi mo, kailangan mong umuwi nang seven? Ihahatid na kita."

Bigla niyang naalala, kanina kasi, t-in-ext niya ito gamit ng cell phone na bigay ni Rafael. Nasabi niya rin dito na uuwi siya nang maaga. Hindi niya naman alam na pupunta pala ito rito.

"Hindi mo naman kailangan gawin ito, Bullet."

Sa totoo lang ay nahihiya pa rin siya sa lalaki. Matagal na simula noong huling pagkikita nila. Bata pa siya noon, samantalang ngayon, pareho na silang nasa tamang edad.

Ngiti lang ang isinagot nito sa kaniya, matapos ay nilakihan pa ang awang ng pintuan kaya pumasok na lamang siya sa loob.

"I want to do this, Han. Hayaan mo na ako. Pitong taon tayong hindi nagkita, gusto kong bumawi sa iyo," paliwanag pa nito matapos makapasok sa loob ng sasakyan.

Hindi na siya nagsalita at tumahimik na lang. Hindi pa rin kasi mawala sa isipan niya si Rafael. Ano ang tunay na pakay nito at kung ano ang sasabihin nito sa kaniya mamaya. Sa totoo lang, hindi na siya makapaghintay na malaman ang pinaplano na naman nito.

"By the way, Han, iyang cell phone mo, kanino galing iyan? Sa boss mo ba?" pagkuwa'y narinig niyang tanong ni Bullet sa kalagitnaan ng kanilang biyahe.

Nilingon niya ito at nakitang sa daan pa rin nakatutok ang tingin nito.

"Yeah, sinabi ko kasi sa kaniya na wala akong cell phone. Nakikihiram lang kasi ako kay Athena, e. Kailangan daw sa trabaho kaya binilhan na niya ako."

"Ah. Trabaho, huh?"

Muli niya itong nilingon dahil sa pilyong tono ng boses nito. Natatawang inirapan niya ang binata bago muling bumaling sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Bawas ito sa suweldo ko, ano."

"Magdadahilan ka pa. Umamin ka nga, do you like your boss?" Sinulyapan siya ng lalaki habang may ngiti sa mga labi.

Makikita ang pagsilay ng ilang linya sa noo niya nang muli itong lingunin. "Ano ka ba, Bullet? Hindi nga. Tigilan mo na nga iyang kaiisip na may something sa amin. Hindi iyon magkakagusto sa tulad ko."

Sandali siyang tumigil sa pagsasalita nang maisip ang babaeng si Samantha—ang babaeng tipo ni Rafael.

"I'm not his type. Look at me, ang taba ko kaya. Hindi ako maganda at sexy katulad ng tipo niya."

Sa totoo lang, nasaktan talaga siya sa mga sinasabi niya. Pero itatanggi pa ba niya sa sarili niya? Ganoon ang mundo, e. Kapag hindi ka maganda at sexy, mahirap kang magustuhan.

"Hey, don't say that. Maganda ka."

Napangiti siya sa narinig. Si Bullet, parang mga magulang niya. Laging maganda ang lumalabas sa bibig nito mapagaan lang ang bigat na nararamdaman niya.

"You've always been beautiful in my eyes, Han. Mula nang unang beses tayong magkakilala, and until now, you're still beautiful. Inside and out. I don't want to hear you saying that again, do you understand me?"

Muli siyang nilingon nito. Sa loob ng ilang segundo, nakaramdam siya ng pagbilis ng tibok ng puso. Hindi niya nagawang magsalita dahil tila nawalan siya ng lakas para tumugon sa mga sinabi ng lalaki. Kung mayroon siya dapat na magustuhan, ang mga katulad iyon ni Bullet. Hindi kagaya ni Rafael.

Ilang minuto pa silang nagkatitigan bago ito ngumiti at ibinalik ang atensiyon sa daan.

"I'm serious, Hannah. Ayoko nang maririnig pa iyon mula sa iyo, nagkakaintindihan ba tayo?" pagkuwa'y sabi uli nito.

Natatawang inirapan niya ito. "Oo na."

Well, what does she expect? He is Bullet Verzosa. Ang hero niya noong bata pa siya, at mananatiling hero niya kahit ngayong dalaga't binata na sila.

Ilang minuto pa ang lumipas, huminto na rin ang kotse nito sa tapat ng bahay ni Rafael. Ayaw na niya sanang bumaba pa ito dahil baka maulit lang ang nangyari noong isang gabi, pero mabilis itong umibis ng sasakyan saka siya pinagbuksan ng pintuan.

"Sweet ka pa rin, kuya. Paniguradong maraming babae ang lumuha dahil sa iyo," natatawa niyang biro.

"Sa iyo lang ako ganito, sa prinsesa namin nina Tito at Tita Anne." Lumapad ang ngiti sa mga labi niya nang marinig ang turan nito.

Bigla niyang naalala, malapit talaga noon si Bullet sa mga magulang niya. Masaya siguro ngayon ang mga ito kung nag-abot lang sila.

"Salamat, Bullet. Napalayo ka pa tuloy."

"It's nothing, Han. Basta ikaw. Sandali, nandito na ba ang boss mo?"

Sinipat niya ang oras sa cell phone na bigay ni Rafael. 7:10. Napalunok siya nang makita ang oras. "S-siguro. Seven sharp ang uwi niyon, e."

Ngumiti si Bullet dahilan para lumabas ang dimples nito. "Ah. Good," anito at sabay halik sa pisngi niya.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Mabilis niya itong hinampas sa braso, puno ng pagkabigla ang mukha.

"Ano'ng ginawa mo!"

Natawa lamang ito bago tuluyang kumaway upang magpaalam. Naiwan siyang nakatulala habang hinahatid ito ng tanaw.

"Ano bang nangyayari sa lalaking iyon?" Nakagat niya ang ibabang labi nang dahil sa inis. Iyon ang unang beses na may dumamping labi ng ibang lalaki sa kaniyang mukha maliban sa papa niya.

"Alam mo ba kung anong oras na?"

Halos atakihin siya sa puso nang biglang magsalita si Rafael mula sa kusina nang makapasok siya ng bahay. Matalim ang mga matang ipinupukol nito sa kaniya habang nakaupo sa isang silya sa harap ng mesa.

"Thirteen minutes late lang naman ako. S-sorry. May tinapos kaming exam sa school, e," pagpapaliwanag niya rito kahit ang totoo, wala naman talaga silang exam. Natakot lang siyang umuwi agad at masiyado siyang nagpalunod sa pag-iisip.

Tumayo ito at humakbang papalapit sa kinatatayuan niya habang hindi inaalis ang mga mata sa pagkakatitig sa kaniya. Kahit hindi komportable, sinalubong niya ang mga titig nito nang taas noo.

Matagal siya nitong tinitigan. As usual, magkasalubong na naman ang mga kilay.

"Kailangan ba talagang ihatid ka niya?" natigilan siya bigla nang itanong iyon ni Rafael sa pabulong na paraan.

Pakiramdam niya, kinakapos siya ng hininga habang nakatitig sa kulay kastanyas nitong mga mata. Parang nahihipnotismo na naman siya ng mga mata nito. Mahirap umiwas ng paningin!

"Masama ba?" balik tanong niya rito. Halos kapusin siya ng hangin dahil sa pinaghalong takot at kaba. Bakit ba kasi tumapang siya nang ganito?

Pigil-hiningang tinalikuran niya ito at mabilis na tinungo ang hagdan. Sumunod naman si Rafael sa likuran niya hanggang sa makapasok silang pareho sa loob ng kaniyang kuwarto.

"What are you doing, Rafael! Lumabas ka!" Hindi niya mapigilan ang magtaas ng tinig nang isarado nito ang pinto ng kaniyang silid.

"Am I not allowed in my own wife's room?" Ngumiti pa ito bago siya nilapitan.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Totoo ba ito? Nginingitian siya ni Rafael? At isa pa, tinawag siya nitong asawa!

Pinagmasdan niya ang lalaki habang inililibot nito ang paningin sa kabuuan ng silid. Maya-maya'y bigla na lang itong lumapit sa kama niya at naupo sa gilid.

Nagbuga ito ng malalim na hangin. "Look, Hannah, alam kong nag-umpisa tayo sa mali, pero hindi ba natin puwedeng itama iyon?"

Dahil sa kakaibang ikinikilos nito, hindi tuloy niya nagawang iproseso sa kaniyang utak ang sinabi ng lalaki. Pinagmasdan niya lang ang mukha nitong may banayad na ngiti sa mga labi.

Sa unang tingin, hindi mo iisipin na isa itong cheater, arrogant at walang kuwentang asawa. Tila ito perpektong tao. Gusto niyang umiling. Hindi siya dapat nagpauto sa kaguwapuhan nito noon.

Ilang sandali pa, bigla na lang itong tumayo at matulin na naglakad papalapit sa kaniya. Ano bang nangyayari sa lalaking ito? Sa bawat hakbang nito ay katumbas nang dobleng tibok ng puso niya.

"W-what do you mean?" kinakabahan niyang tanong habang pigil ang hininga.

"Mag-umpisa uli tayo, puwede ba?" malumanay nitong sabi habang nakatitig sa mga mata niya.

"R-Rafael . . . "

Inilahad nito sa harap niya ang kanang kamay habang nakaguhit ang matamis na ngiti sa mga labi. "Hannah Perez, puwede bang kalimutan na natin ang mga nangyari sa nakaraan at mag-umpisa muli?"

Nakatitig lang ito sa mga mata niya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya nanatili siyang walang imik.

"Will you trust me?" inilapit nito lalo ang mukha sa mukha niya at pabulong na sinabi iyon.

Hindi niya maiwasan ang hindi magduda. Palabas na naman ba ito? Para na naman ba ito sa kompanya o para kay Samantha?

Hindi niya alam kung ano ang totoo, pero ayaw niya. Ayaw niyang pumayag sa gusto nito dahil natatakot siyang baka mahulog sa bitag nito at masaktan lang sa huli.

Sa halip na sabihin ang nilalaman ng isip, kusang sumilay ang malungkot na ngiti sa mga labi niya, at saka tinanggap ang kamay na inaalok nito bago tumango.

"S-sige . . . "

Lumapad ang ngiti sa mga labi nito. Five months, limang buwan siyang magpapakatanga. Limang buwan lang para makasama nang panandalian ang nag-iisang lalaking hinahangaan niya nang labis noon. Pagkatapos ng limang buwan, magmo-move on na talaga siya!

Nang bitiwan ni Rafael ang kamay niya, may awkward na katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Hindi siya makatingin dito habang ito naman, mataman siyang tinititigan.

"Ready your things. Ako na ang bahala magsabi sa school mo at sa trabaho mo."

Mabilis na nangunot ang noo niya sa narinig. "Magsabi ng ano?"

"Na aabsent ka."

"A-aabsent ako? Bakit?"

"We're going to have our honeymoon."

Honeymoon?

Honeymoon?

Honeymoon!

"Honey—pinagsasabi mo?" Bahagya itong natawa sa naging reaksiyon niya.

"Hindi na ako masiyadong abala sa trabaho. Tatlong araw lang naman, aalis tayo ngayon din. I'll wait for you outside."

Pagkatapos sabihin iyon ay hinawakan siya nito sa ulo at ginulo ang kaniyang buhok na parang bata.

"By the way, Samantha left. Simula ngayon, tayong dalawa na lang ang magsasama."

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
anung balak mo Rafael baka lalong masaktan si Hannah sa binabalak mo
goodnovel comment avatar
Erica Mae Buemia D
hmmm ayusin mo raf!
goodnovel comment avatar
Yohanna Leigh
yan ung pinag-usapan nila ni Samantha sa previous chapter, lol... Hi, ma'am Josephine!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status