Home / Romance / Seductress Unforgotten / Seductress Unforgotten Chapter 30

Share

Seductress Unforgotten Chapter 30

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2024-12-30 23:18:36

Huminga nang malalim si Lance, pilit na iniwasan ang masakit na pag-uusap. "Paula, hindi ko kayang magbigay ng higit pa rito. Hindi dahil ayaw kita, pero... wala nang natitira sa puso ko."

Napapikit si Paula, ramdam ang hapdi sa mga salitang iyon. "So tama nga. Wala talagang pag-asa?"

Hindi sumagot si Lance. Sa halip, tumayo siya at nagsimulang magbihis. "Paula, mas mabuti siguro kung tapusin na natin ito. Ayokong masaktan ka pa."

Habang pinapanood si Lance na paalisin ang kanyang sarili mula sa buhay niya, alam ni Paula na ginawa niya ang tamang desisyon. Sa unang pagkakataon, pinili niya ang sarili niyang kaligayahan kaysa maghabol ng isang taong hindi kayang mahalin siya ng buo.

At sa kabila ng sakit, ngiti ang pinakawalan niya habang pinupunasan ang luha. "Ito na ang simula," bulong niya sa sarili. "Ang simula ng mas mahalin ko ang sarili ko."

Sa kabila ng bigat sa kanyang dibdib, pinilit ni Paula na bumangon mula sa kama. Tinignan niya ang sarili sa salamin, ang bakas ng kanyang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 244

    Sa labas ng café, bandang haponMainit ang ihip ng hangin, hindi gaanong malakas pero sapat para pagalawin ang mga dahon ng puno sa tabi ng kalsada. Nakaupo si Apple sa bangkito sa labas ng café, pinupunasan ang lamesa at nililigpit ang mga natirang paninda. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga gamit sa kahon nang huminto sa harap ang isang sasakyang pamilyar sa kanya.Napalingon siya. Bumaba mula roon si Lance, suot ang simpleng puting polo at maong, may bitbit na isang maliit na paper bag. Hindi niya alam kung bakit kumabog ang dibdib niya, pero pinilit niyang manatiling kalmado. Mula sa ekspresyon sa mukha ni Lance, halatang hindi ito dumaan lang nang walang dahilan.“Hi,” bati ni Lance habang lumalapit, may bahagyang ngiti sa mga labi. “Dumaan lang ako. Naiwan mo 'yung thermos sa bahay. At saka, may dalang extra diapers. Baka makatulong.”Tinanggap ni Apple ang bag, sabay tango ng pasasalamat. “Salamat,” mahina niyang sagot. “Maayos naman si Lucien?”Tumango si Lance, bahagyang suma

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 243

    Tahimik ang loob ng kotse habang binabaybay nila ang daan pauwi mula sa ospital. Sa likuran, mahimbing na natutulog si Amara habang nakasandal sa balikat ng kanyang ina. Sa unahan, si Nathan ay hawak ang manibela ngunit paminsan-minsan ay sumusulyap kay Apple sa rearview mirror.Tahimik si Apple. Waring may malalim na iniisip habang marahang hinihimas ang buhok ni Amara.Hindi na nakatiis si Nathan. Sa banayad na tinig, nagsimula siyang magsalita."Tahimik ka. Okay ka lang ba?"Napatingin si Apple sa kanya at pinilit ngumiti. “Oo naman. Pagod lang. Medyo emosyonal ang araw.”Tumango si Nathan ngunit hindi niya inalis ang tingin sa daan. Ilang saglit ng katahimikan ang lumipas bago siya muling nagsalita."Apple…" may pag-aalinlangan sa tono niya. “Napansin ko lang… parang may nararamdaman pa si Lance para sa’yo.”Hindi agad sumagot si Apple. Parang tinusok ang kanyang dibdib ng mga salitang binitawan ni Nathan. Lumingon siya sa bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw sa kalsada na tila guma

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 242

    Kinaumagahan.Maagang dumating si Nathan sa bahay ni Lance. May dala siyang simpleng bouquet ng bulaklak para kay Apple—hindi para sa isang espesyal na okasyon, kundi para sa simpleng pagdalaw at pagpapakita ng malasakit. Nakangiti siyang bumaba ng kotse, ngunit agad napawi ang ngiti nang makita ang tanawin sa tapat ng pintuan.Nasa labas na si Apple, bitbit ang maliit na bag ni Amara. Si Amara naman ay karga-karga ni Lance, habang nakasunod sa kanyang ina. Mula sa malayo, para silang isang buong pamilya.Isang larawan na pumunit sa puso ni Nathan.Napahinto siya sa paglalakad. Napakurap. Pilit pinigil ang kirot sa dibdib. Hindi niya alam kung bakit, pero may biglaang bugso ng emosyon sa kanyang puso. Para siyang bata na naiwang nakatingin sa laruan na hindi niya nakuha.Si Apple ang mundo niya. At ngayon, parang hindi siya bahagi ng mundong iyon.Nang mapansin ni Apple si Nathan, agad itong ngumiti. “Oh, Nathan. Maaga ka.”Lumapit si Nathan, halatang may tensyon sa kilos. Tumingin siy

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 241

    Tahimik ang buong bahay.Walang hagikhik ni Monica. Walang yabag niya sa kusina habang inaasikaso ang kakainin ni Lance. Wala ang ngiti niya sa sala, o ang halakhak niyang paulit-ulit na pinapaalala kay Lance kung gaano siya kaswerte. Ang tanging naroroon ay ang malambot na pag-iyak ng isang sanggol—mahina, pilit na isinisigaw ang presensya sa mundong bago sa kanya.Bakas sa bawat sulok ng bahay ang iniwang alaala ni Monica.May nakasabit pa ring apron niya sa may kusina. May baso sa lababo na tila siya pa ang huling gumamit. Sa isang sulok ng sofa ay naroon ang maliit na unan na madalas niyang yakapin habang nanonood ng mga paborito nilang drama.Tahimik si Lance habang binubuksan ang ilaw sa silid nilang mag-asawa. Nanginginig ang mga kamay niya habang buhat-buhat si Lucien, na ngayon ay tulog na sa kanyang dibdib.Walang kasama. Walang Monica.At ngayong gabi—unang gabi—siya na lang ang natitirang magulang.Maingat niyang inihiga si Lucien sa maliit na crib na inilagay niya sa tabi

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 240

    Sa isang iglap, tila bumigat ang paligid. Napatitig si Lance sa kanya, tila nais magsalita pero pinipigil ang sarili. Ilang segundo ang lumipas bago niya nabigkas ang susunod na mga salita.“Alam mo Apple… hindi ako nagkulang.” May bahid ng hinanakit ang tinig niya. “Pinaglaban kita. Hindi ko agad sumuko. Ikaw lang ang sumuko sa atin. Hindi mo ako binigyan ng pangalawang pagkakataon.”Napayuko si Apple. Hindi dahil nahihiya, kundi dahil pagod na siyang balikan ang nakaraan na ilang ulit na niyang pinatawad—kasama ang sarili niya.“Lance… tapos na sa atin,” mahinahon ngunit matatag niyang sagot. “Nag-asawa ka na. Nag-move on na tayo, pareho. Bilang co-parents ni Amara, naging magkaibigan tayo… kahit hindi naging madali sa simula. Kinalulungkot ko ang nangyari. Ang pagkawala ni Monica.”Napapitlag silang lahat nang biglang bumukas ang pinto ng silid. Pumasok si Rene at Rowena Lennon, ang mga magulang ni Monica, kapwa nakaitim. Ang mata ni Rowena ay namamaga pa sa kaiiyak, habang si Rene

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 239

    Nang tuluyan nang mahawakan ni Amara si Lucien, napabuntong-hininga siya. "Ang liit-liliit niya, Mama."“Oo,” sagot ni Apple, nilalambing ang buhok ng anak. “Ganyan ka rin dati. Maliliit ang kamay, mahina, pero napakatapang.”Tahimik si Amara sa ilang saglit. Pinagmasdan niya si Lucien na natutulog sa kanyang mga bisig, parang isang anghel na walang bahid ng gulo ng mundo. Walang alam sa pinagdaanan ng kanyang ina, at sa bigat ng mundo ng mga matatanda.“Hindi na siya iiyak, ‘di ba?” tanong ni Amara. “Kasi andito na tayo?”Napaluha si Lance sa tanong ng bata. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng isang patak ng luha. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa isang huling pagpapatibay na may liwanag pa ring natitira kahit sa gitna ng pagkawala.“Hindi na,” mahinang sagot niya. “Kasi nandiyan ka na, Ate Amara.”Napangiti si Amara sa tawag na iyon. “Ako na ang ate niya?”“Oo,” sagot ni Lance. “Ikaw ang magtatanggol sa kanya. Magtuturo ng tamang kulay sa crayon. Magbabasa ng kwento bago matulog.

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 238

    Maaga pa lang ay mabigat na ang langit. Abot-tanaw ang kulay abong ulap, at tila alam ng kalikasan ang lungkot na bumabalot sa araw na ito. Sa sementeryong payapa, sa ilalim ng isang tolda, naroon ang mga taong nagtipon upang magpaalam sa isang babaeng minahal at minura ng kapalaran—si Monica.Nakasuot ng itim si Apple, nakatayo sa hindi kalayuan. Hawak niya si Amara na ngayon ay mas tahimik kaysa dati. Hindi man lubos na nauunawaan ng bata ang kabuuan ng sitwasyon, dama nitong may malaking nawala. Sa tabi ni Apple ay si Nathan, tahimik lang ngunit laging nakabantay sa kanya—isang haligi sa panahong tila guguho na naman ang mundo.Nasa unahan si Lance. Nakasuot din ng itim, at habang hawak ang maliit na puting rosas, hindi maitago ang pamumutla ng kanyang mukha. Sa kanyang tabi, isang nurse ang may hawak kay Lucien—isang maliit, mahina ngunit malakas ang kabog ng pusong nilalang na piniling mabuhay sa kabila ng lahat.“Paalam, Monica…” bulong ni Lance habang ibinaba ang rosas sa ibaba

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 237

    Kinabukasan, sa Wedding Imperial.Nasa loob ng main office sina Apple at Mia, nakaupo sa harap ng kanilang table na puno ng planners, swatches, sample invitations, at mga resibo. Maraming bookings. May tatlong kasalang kailangang asikasuhin sa loob ng dalawang linggo. Pero kahit abala ang mga kamay, malayo ang isip ni Apple.“Apple, okay ka lang ba?” tanong ni Mia habang tinitingnan ang listahan ng suppliers.“Hmm? Oo naman.”“Lintek,” sabay irap ni Mia. “Kung ganyan ang itsura mo sa bride natin sa Sabado, baka i-book ka ng guest bilang extra sa drama.”Napatawa si Apple, kahit papaano. “Pasensya na. Wala lang talaga ako sa sarili.”“Ayaw mo munang magpahinga muna? Ako na muna sa meeting mamaya kina Mr. and Mrs. Cruz.”“Hindi, ako na. Kailangang bumalik ako sa momentum. Baka kasi habang iniiwasan ko ang personal kong problema, mas lalo lang akong malunod.”Tahimik na tumango si Mia. “Pero Apple, isa lang ang masasabi ko bilang bestfriend mo, hindi lang business partner. Hindi mo kaila

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 236

    Tahimik ang gabi. Mahinang humahampas ang malamig na hangin sa mga dahon ng punong mangga sa labas ng bahay. Bawat hakbang ni Apple papasok ng gate ay mabigat, parang bawat paa’y may kasamang pasaning alaala ng nakaraan. Para siyang binabalikan ng lahat ng sakit—ang pagkamatay ni Monica, ang pagkapanganak ni Lucien, ang muling paghaharap nila ni Lance… at ang hindi niya inaakalang tanong na bubulabog sa puso niya: Hanggang saan ba ang pakialam?Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya si Mia, ang matalik niyang kaibigan, business partner, at parang kapatid na niya. Nakaupo ito sa sofa habang buhat ang natutulog na si Amara. Halata sa kanyang mukha ang pag-aalala. Nang makita si Apple, agad siyang tumayo, tila ba handang saluhin ang anumang emosyon na dala nito.“Apple,” mahina niyang tawag, “kakauwi mo lang ba galing ospital?”Tumango si Apple. “Nakita ko si Lucien. Ang liit niya, Mia… pero ang lakas ng tibok ng puso.”“Kamukha ba ni Monica?”Napangiti si Apple, kahit na nangingilid pa a

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status