Share

Chapter 2: His Ex

Author: GuemByoel
last update publish date: 2026-05-26 13:56:26

Seren Evangeline Del Valle

Isang linggo na rin mula nang bumalik ako sa Pilipinas kasama ang anak ko, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong mahanap na matinong trabaho kaya naman napaisip ako kung tama bang desisyon ang ginawa ko.

Mula sa kusina ay muli naman akong pumunta sa sala matapos kong marinig ang pagtunog ng cellphone ko na nakapatong sa maliit na lamesa roon.

Nang makitang si Daddy ang tumatawag ay agad ko naman itong sinagot dahil alam kong gabi na rin naman sa America at konting oras lang ang mayroon kami ngayon dahil kailangan na rin naman niyang magpahinga.

“Hello, Dad,” nakangiting wika ko kay Daddy pagkakita pa lang sa kanya sa screen ng cellphone ko.

“Anak, how are you? Ang apo ko, kamusta?” masayang wika rin nito habang nakaupo sa kanyang kama. Nakapantulog na rin ito at tila ba talagang tumawag lang sa akin para lang kamustahin kaming mag-ina.

“Maayos naman po, Dad. Si Cyrus po, tulog pa eh, medyo nag-a-adjust pa rin kasi sa oras dito sa Pinas,” sagot ko naman dito habang naglalakad papunta sa silid kung nasaan naroon ang aking anak na mahimbing na natutulog. I also change the camera into back cam para makita rin ni Daddy ang kanyang apo na alam kong nami-miss na rin niya.

Agad namang gumuhit ang pangungulila sa mga mata ni Daddy habang minamasdan ang kanyang apo.

“Let him rest and adjust in Philippine time and weather,” paalala pa ni Daddy sa akin para sa kanyang apo. Muli naman akong lumabas ng silid dahil ayaw ko rin naman maabala ang pagtulog ng aking anak kaya naman sa maliit na sala ko na lang pinilit ipagpatuloy ang tawag namin ni Daddy.

“That’s what I’m doing, Dad. Actually, sa oras na lang talaga siya naninibago, but when it comes to weather, he said he likes it here more. Mas nakakapaglaro kasi siya sa labas lalo na pag hindi masyadong mainit,” masayang kuwento ko naman sa kanya.

“Mabuti naman kung ganoon. Siya nga pala, napansin ko na medyo maliit ang tinutuluyan mo ah. Bakit hindi ka kumuha ng mas malaking apartment para mas komportable kayong mag-ina?” puna pa ni Daddy. Marahil, napansin niya ito habang naglalakad ako kanina.

Suminghap naman ako bago mas iniharap ang aking sarili sa harap ng kamera. “Dad, hindi naman po maliit itong nakuha ko na condo. Mas malaki pa nga ito kumpara sa tinitirhan natin diyan sa US. Saka ito lang kasi ang pinaka-accessible sa lahat ng tiningnan ko eh. Malapit po ito sa hospital, sa grocery store at maging sa school pag pumasok na si Cyrus,” paliwanag ko naman.

Totoo naman lahat ng aking sinabi kay Daddy, dahil sa lahat ng tiningnan kong lugar noong dumating ako ay ito ang pinaka-accessible sa lahat, bukod doon ay ito rin ang pinakamura na hindi ko na lang sinabi sa kanya.

Ilang sandali pa kaming nag-usap ni Daddy hanggang sa magpaalam na ito na magpapahinga na. Muli rin naman akong bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang aking ginagawang paglilinis at nang mapansin kong puno na ang aming basurahan ay agad ko itong dinampot para itapon sa labas.

Bago ako tuluyang lumabas ng aming tinutuluyan ay muli ko rin naman sinilip ang aking anak at nang makita na mahimbing pa rin ang kanyang pagkakatulog ay saka naman ako tuluyang lumabas.

Hindi ko naman na kailangan pang bumaba para lang itapon ang aming mga basura. Sa mismong floor kasi kung nasaan ang aming unit ay mayroon na rin doon na waste disposal room kung saan puwede naming itapon ang lahat ng aming basura.

Saktong paglabas ko naman sa nasabing lugar ay siya rin namang paglabas ng isang pamilyar na lalaki mula sa isang silid na naroon.

Tila naman naipako ako sa aking kinalalagyan at hindi man lang nagawang kumilos dahil sa labis kong pagkagulat.

Dahil ang waste room ay malapit sa elevator kaya naman nang pumihit ang lalaki para magtungo sa elevator ay doon niya ako tuluyang nakita.

Ilang segundo pa niya akong pinakatitigan hanggang sa sa kanyang mukha ay gumuhit na rin ang pagkagulat nang mapagtanto kung sino ako.

“Ate Seren?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Austine, ang bunsong kapatid ng ex ko.

“Yeah…” nag-aalangan ko namang tugon sa kanya. “How are you?” dugtong ko pa habang pilit na itinatago ang kaba sa aking sistema.

“I’m good… yeah… I’m actually great, lalo na at nakita kita uli…” bakas naman ang tuwa sa kanyang mga mata kasunod ng kanyang pagyakap sa akin.

"Kelan ka pa bumalik, Ate?" muling usisa niya matapos ang aming pagyayakapan.

"Noong isang linggo lang…" tanging sabi ko naman sa kanya. "Dito ka ba nakatira?" nagtatakang tanong ko pa rito.

Hindi naman kasi high-end condominium unit itong inuupahan ko kaya naman labis ang aking pagtataka na makita ang isang Serravelle sa lugar na ito, alam mo naman kung gaano sila kayaman.

Natawa naman ito kasabay ng kanyang pag-iling. "Hindi, Ate, alam mo na, napasobra ang inom ko kagabi kaya dito ako natulog…" ani pa niya habang may pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

Napailing na lang ako sa isiping isang babae na naman ang pinaiyak nito kagabi at ngayon ay kanya na namang tataguan. Ano pa nga ba ang aasahan ko eh mula pa naman noon ay siya na ang pinaka-happy-go-lucky sa magkakapatid na Serravelle. Palibhasa ay bunso kaya naman tila walang kahit anong problemang iniisip.

"Ikaw, Ate, dito ka na po ba ngayon nakatira?" kunot-noong sabi naman niya.

Mabuti na lang rin at bigla itong may natanggap na tawag kaya naman hindi ako naobligang sagutin ang kanyang tanong.

Ilang minuto rin siyang nakipag-usap sa kanyang cellphone at nang maputol ang tawag ay saka naman siya muling humarap sa akin.

"I’m sorry, Ate. I really want to catch up with you pero kailangan ko na kasing umalis…" malungkot na sabi pa nito na siya namang tinanguan ko na lang.

"It’s okay… may next time pa naman," tanging sabi ko na lang bago ito pinanood na pumasok sa loob ng elevator bago ako muling bumalik sa loob ng aking unit.

Nang makapasok ako ay doon naman ako tila nabunutan ng tinik sa aking dibdib at nakahinga na rin nang maluwag habang minamasdan ang pinto ng aking silid kung nasaan ang aking anak.

Napakaliit talaga ng mundo… baka sa susunod, ibang Serravelle na ang makasalubong ko… huwag naman sanang dumating ang pagkakataon na siya mismo ang makita ko… lalo na ngayon na kasama ko ang pinakamalaking sikreto sa buhay ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Serravalle's Secret Baby (Serravalle Brothers Series 1)   Chapter 68: Ring

    Seren Evangeline Del Valle Tahimik ang buong sasakyan habang pauwi kami ni Cloud. Bagama't hindi na ako umiiyak, hindi pa rin maikakaila ang lungkot na aking nararamdaman. Si Cloud naman ay halatang galit pa rin sa nangyari sa mansion ng kaniyang pamilya, mahigpit ang kapit niya sa manibela kaya naman alam kong may galit pa rin sa kanyang sistema.Sa likurang upuan, mahimbing nang natutulog si Cyrus habang yakap-yakap ang robot na laruan na ibinigay sa kaniya ng kaniyang Papalo Benjamin. Marahil ay pagod na pagod na rin ang anak namin sa mga nangyari kanina.Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang natutulog naming anak gamit ang salamin na nasa aming harap. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Kung hindi sana ako bumalik sa buhay ni Cloud, marahil ay hindi niya kailangang makipagtalo nang ganoon sa kaniyang ama."Are you okay?" tanong ni Cloud habang nakatingin sa daan."Oo naman," maikli kong sagot."Seren, kilala kita. Alam kong hindi ka okay."Na

  • Serravalle's Secret Baby (Serravalle Brothers Series 1)   Chapter 67: My Only Wife

    Cloud Serravalle“Hundred percent sure, Mom. That child is impossible to be mine. Because I’m sick. And it’s only Seren who can cure that sickness of mine,” mahinang paliwanag ko sa kanila.Sandaling natahimik ang lahat matapos kong sabihin iyon. Maging ang mga kapatid ko ay tila hindi alam kung ano ang kanilang sasabihin. Samantala, hindi naman maalis ang pagkakatitig sa akin ni Daddy, na para bang hindi siya makapaniwala sa aking inamin.“What do you mean by sick, Cloud?” naguguluhang tanong ni Mommy. “Anong klaseng sakit ang tinutukoy mo?”Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita. Hindi ko kailanman inakalang darating ang araw na kailangan kong ipaliwanag sa harap ng aking pamilya ang isang bagay na matagal ko nang itinatago.“I have erectile dysfunction, Mom. Matagal ko na itong problema, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tuluyang gumagaling.”“W-what? Bakit hindi mo sinabi sa amin?” gulat na tanong ni Mommy.“Dahil ayokong malaman ng ibang tao ang tungkol dito. Ilang be

  • Serravalle's Secret Baby (Serravalle Brothers Series 1)   Chapter 66: Grand Children

    Cloud SerravalleNaalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa mahihinang ingay na nagmumula sa may banyo. Nakasarado ito ngunit may maliit na siwang kaya naman tanaw ko ang liwanag na nagmumula roon.Marahan kong kinuha ang t-shirt mula sa sahig at saka ito sinuot bago ako tuluyang lumapit sa may pinto.Sa bawat hakbang ko palapit roon ay mas palinaw nang palinaw ang pinanggagalingan ng ingay; walang iba kundi si Seren na tila ba hirap na hirap sa kanyang pagsusuka.“Hey, what’s wrong?” may pag-aalala kong tanong sa kanya nang tuluyan ko nang mabuksan ang pinto.Maingat ko ring hinawakan ang mahaba niyang buhok na sumasagabal sa kanyang pagsusuka. Marahan ko ring hinahaplos ang kanyang likod habang siya ay nakayuko sa sink at pilit na inilalabas ang bagay na nasa kanyang sikmura.Makalipas ang ilang sandali at nang tila wala na siyang maisusuka pa ay saka naman niya ako tuluyang hinarap.“Morning sickness…” simpleng sagot ni Seren sa aking tanong sa kanya kanina.Tila

  • Serravalle's Secret Baby (Serravalle Brothers Series 1)   Chapter 65: Alone

    Seren Evangeline Del Valle“What are we going to do now?” may pilyong ngiting tanong sa akin ni Cloud matapos niyang maisara ang pinto, kung saan hindi na namin matanaw sila Tito Benjamin na kasama ang anak namin.Akala ko nga noong una ay mahihirapan kaming ipaliwanag kay Tito ang buong katotohanan at akala ko rin ay hindi niya matatanggap ang anak namin, ngunit sa nasaksihan ko ngayon ay alam kong nagkamali ako. Dahil wala pa man kaming sinasabi ay kita ko at ramdam ko ang pagtanggap ng mga magulang ni Cloud para sa aming anak.“Ano pa? Eh magpapahinga,” simpleng sagot ko naman bago ako nauna sa kanya sa pagpasok muli sa unit para iligpit ang mga pagkain na nasa veranda.Madilim na rin ang paligid dahil pagsapit ng gabi, ngunit kapansin-pansin pa rin ang liwanag na nagmumula sa mga sasakyan sa ibaba ng condo kung saan kami narito. Isama pa ang mga ilaw ng mga iba’t ibang establisyimento sa paligid na tila ba nagsisilbing bituin na matatagpuan namin sa ibabaw ng lupang aming tinatapa

  • Serravalle's Secret Baby (Serravalle Brothers Series 1)   Chapter 64: Grandpa

    Cloud Serravalle“Sino po siya, Papa?” tanong ni Cyrus habang mahigpit ang kapit sa aking binti at nakatutok ang kanyang paningin kay Daddy na ngayon ay tulala pa rin dahil sa gulat.Binuhat ko naman ang bata at saka siya pormal na ipinakilala kay Daddy na tila ba kahit wala akong sabihin ay alam na niya ang buong katotohanan.“Cyrus, anak, he is your Grandpa Benjamin. Dad, si Cyrus po, anak ko,” pagkukumpirma ko pa, kung kaya ang mga mata ni Daddy na nakatutok kay Cyrus ay ngayon ay nakatutok na sa akin.“A-anak mo? Kailan pa? At sino ang ina?” seryoso at madiing tanong pa ni Daddy.Sakto naman na dumating na rin si Mommy kasama si Mang Raul, kung kaya mabilis na ipinakuha ni Mommy ang aking anak kay Mang Raul para dalhin muna ang bata sa veranda at ipagpatuloy ang kanyang pagkain.“Let’s talk about everything inside. Huwag dito sa labas,” ani ni Mommy, kung kaya sabay-sabay na rin kaming pumasok sa loob ng unit.Pumasok din si Seren mula sa veranda kung kaya kahit alam kong may tako

  • Serravalle's Secret Baby (Serravalle Brothers Series 1)   Chapter 63: Serravalle Heir

    Cloud SerravalleWalang patid ang pag-iyak ni Cyrus kaya naman imbis na tumuloy sa Tagaytay ay mas minabuti na lang namin ni Seren na sa condo ko rito sa Makati tumigil. Hindi man kasi magsalita si Seren ay bakas pa rin sa kanyang mukha ang gulat dahil sa nangyari at ayaw ko namang mas lalo pang ma-stress ang mag-ina ko kaya naman para makapagpahinga ay sinabi ko na lang kay Mang Raul na doon tumigil.“Sigurado ka ba Sir Cloud na ayos lang kayo rito? Pwede naman akong magbantay dito sa baba, para kung sakaling dito naman manggulo si Ma’am Sienna ay maabisuhan ko kayo at mapipigilan siya,” may pag-aalalang sabi ni Mang Raul nang maibaba niya kami sa tapat ng condo.Sinabi ko rin kasi sa kanya na umuwi muna siya kay Mommy dahil wala na rin naman kaming plano pa na pumunta sa Tagaytay. Dito na lang marahil namin uubusin ang long weekend dahil kahit papaano ay may swimming pool at iba pang activity room dito sa lugar.“Ayos lang Mang Raul. Saka dito na lang rin naman kami ngayong weekend,

  • Serravalle's Secret Baby (Serravalle Brothers Series 1)   Chapter 5: Island

    Seren Evangeline Del ValleAlas-siyete pa lamang ng gabi ay nag-iimpake na ako. Mabigat man sa aking loob pero nang maisip ko ang sinabi ni Mika na mas mabuti pa ngang pumunta ako sa party ni Austin kaysa naman ang lalaki pa ang pumunta rito ay agad ko ring tinanggap ang imbitasyon niya. Mas nangib

  • Serravalle's Secret Baby (Serravalle Brothers Series 1)   Chapter 4: Invitation

    Seren Evangeline Del Valle"O, friend, problema mo? Para kang inahing manok na hindi mapaitlog diyan," puna ni Mika nang makailang ulit akong nag paroo’t parito sa kanyang harapan.Mika is my college friend. Pero hindi gaya ko na nagmula sa maykayang pamilya noon, Mika is the opposite of it. She ca

  • Serravalle's Secret Baby (Serravalle Brothers Series 1)   Chapter 3: His Fiancé

    Cloud SerravalleHalos magkadugtong na ang aking mga kilay dahil sa dami ng trabahong nakatambak ngayon sa aking mesa. Hindi ko na rin alam kung alin ba ang aking uunahin dahil sa magkakahalong mga dokumento na ngayon ay nasa aking harapan na mas lalo pang nagpainit sa aking ulo.Dalawang linggo na

  • Serravalle's Secret Baby (Serravalle Brothers Series 1)   Chapter 1: Cold-hearted Boss

    Cloud Serravalle"Sir… ito na po ang mga dokumento na hinihingi niyo kanina," My secretary says in a flirty way while she is handling all the documents that I need for today.Bahagya ding nakataas ang kanyang palda na tila ba sinadya niya itong iangat bago pa man siya pumasok sa loob ng aking opisi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status