LOGINSeren Evangeline Del Valle Tahimik ang buong sasakyan habang pauwi kami ni Cloud. Bagama't hindi na ako umiiyak, hindi pa rin maikakaila ang lungkot na aking nararamdaman. Si Cloud naman ay halatang galit pa rin sa nangyari sa mansion ng kaniyang pamilya, mahigpit ang kapit niya sa manibela kaya naman alam kong may galit pa rin sa kanyang sistema.Sa likurang upuan, mahimbing nang natutulog si Cyrus habang yakap-yakap ang robot na laruan na ibinigay sa kaniya ng kaniyang Papalo Benjamin. Marahil ay pagod na pagod na rin ang anak namin sa mga nangyari kanina.Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang natutulog naming anak gamit ang salamin na nasa aming harap. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Kung hindi sana ako bumalik sa buhay ni Cloud, marahil ay hindi niya kailangang makipagtalo nang ganoon sa kaniyang ama."Are you okay?" tanong ni Cloud habang nakatingin sa daan."Oo naman," maikli kong sagot."Seren, kilala kita. Alam kong hindi ka okay."Na
Cloud Serravalle“Hundred percent sure, Mom. That child is impossible to be mine. Because I’m sick. And it’s only Seren who can cure that sickness of mine,” mahinang paliwanag ko sa kanila.Sandaling natahimik ang lahat matapos kong sabihin iyon. Maging ang mga kapatid ko ay tila hindi alam kung ano ang kanilang sasabihin. Samantala, hindi naman maalis ang pagkakatitig sa akin ni Daddy, na para bang hindi siya makapaniwala sa aking inamin.“What do you mean by sick, Cloud?” naguguluhang tanong ni Mommy. “Anong klaseng sakit ang tinutukoy mo?”Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita. Hindi ko kailanman inakalang darating ang araw na kailangan kong ipaliwanag sa harap ng aking pamilya ang isang bagay na matagal ko nang itinatago.“I have erectile dysfunction, Mom. Matagal ko na itong problema, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tuluyang gumagaling.”“W-what? Bakit hindi mo sinabi sa amin?” gulat na tanong ni Mommy.“Dahil ayokong malaman ng ibang tao ang tungkol dito. Ilang be
Cloud SerravalleNaalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa mahihinang ingay na nagmumula sa may banyo. Nakasarado ito ngunit may maliit na siwang kaya naman tanaw ko ang liwanag na nagmumula roon.Marahan kong kinuha ang t-shirt mula sa sahig at saka ito sinuot bago ako tuluyang lumapit sa may pinto.Sa bawat hakbang ko palapit roon ay mas palinaw nang palinaw ang pinanggagalingan ng ingay; walang iba kundi si Seren na tila ba hirap na hirap sa kanyang pagsusuka.“Hey, what’s wrong?” may pag-aalala kong tanong sa kanya nang tuluyan ko nang mabuksan ang pinto.Maingat ko ring hinawakan ang mahaba niyang buhok na sumasagabal sa kanyang pagsusuka. Marahan ko ring hinahaplos ang kanyang likod habang siya ay nakayuko sa sink at pilit na inilalabas ang bagay na nasa kanyang sikmura.Makalipas ang ilang sandali at nang tila wala na siyang maisusuka pa ay saka naman niya ako tuluyang hinarap.“Morning sickness…” simpleng sagot ni Seren sa aking tanong sa kanya kanina.Tila
Seren Evangeline Del Valle“What are we going to do now?” may pilyong ngiting tanong sa akin ni Cloud matapos niyang maisara ang pinto, kung saan hindi na namin matanaw sila Tito Benjamin na kasama ang anak namin.Akala ko nga noong una ay mahihirapan kaming ipaliwanag kay Tito ang buong katotohanan at akala ko rin ay hindi niya matatanggap ang anak namin, ngunit sa nasaksihan ko ngayon ay alam kong nagkamali ako. Dahil wala pa man kaming sinasabi ay kita ko at ramdam ko ang pagtanggap ng mga magulang ni Cloud para sa aming anak.“Ano pa? Eh magpapahinga,” simpleng sagot ko naman bago ako nauna sa kanya sa pagpasok muli sa unit para iligpit ang mga pagkain na nasa veranda.Madilim na rin ang paligid dahil pagsapit ng gabi, ngunit kapansin-pansin pa rin ang liwanag na nagmumula sa mga sasakyan sa ibaba ng condo kung saan kami narito. Isama pa ang mga ilaw ng mga iba’t ibang establisyimento sa paligid na tila ba nagsisilbing bituin na matatagpuan namin sa ibabaw ng lupang aming tinatapa
Cloud Serravalle“Sino po siya, Papa?” tanong ni Cyrus habang mahigpit ang kapit sa aking binti at nakatutok ang kanyang paningin kay Daddy na ngayon ay tulala pa rin dahil sa gulat.Binuhat ko naman ang bata at saka siya pormal na ipinakilala kay Daddy na tila ba kahit wala akong sabihin ay alam na niya ang buong katotohanan.“Cyrus, anak, he is your Grandpa Benjamin. Dad, si Cyrus po, anak ko,” pagkukumpirma ko pa, kung kaya ang mga mata ni Daddy na nakatutok kay Cyrus ay ngayon ay nakatutok na sa akin.“A-anak mo? Kailan pa? At sino ang ina?” seryoso at madiing tanong pa ni Daddy.Sakto naman na dumating na rin si Mommy kasama si Mang Raul, kung kaya mabilis na ipinakuha ni Mommy ang aking anak kay Mang Raul para dalhin muna ang bata sa veranda at ipagpatuloy ang kanyang pagkain.“Let’s talk about everything inside. Huwag dito sa labas,” ani ni Mommy, kung kaya sabay-sabay na rin kaming pumasok sa loob ng unit.Pumasok din si Seren mula sa veranda kung kaya kahit alam kong may tako
Cloud SerravalleWalang patid ang pag-iyak ni Cyrus kaya naman imbis na tumuloy sa Tagaytay ay mas minabuti na lang namin ni Seren na sa condo ko rito sa Makati tumigil. Hindi man kasi magsalita si Seren ay bakas pa rin sa kanyang mukha ang gulat dahil sa nangyari at ayaw ko namang mas lalo pang ma-stress ang mag-ina ko kaya naman para makapagpahinga ay sinabi ko na lang kay Mang Raul na doon tumigil.“Sigurado ka ba Sir Cloud na ayos lang kayo rito? Pwede naman akong magbantay dito sa baba, para kung sakaling dito naman manggulo si Ma’am Sienna ay maabisuhan ko kayo at mapipigilan siya,” may pag-aalalang sabi ni Mang Raul nang maibaba niya kami sa tapat ng condo.Sinabi ko rin kasi sa kanya na umuwi muna siya kay Mommy dahil wala na rin naman kaming plano pa na pumunta sa Tagaytay. Dito na lang marahil namin uubusin ang long weekend dahil kahit papaano ay may swimming pool at iba pang activity room dito sa lugar.“Ayos lang Mang Raul. Saka dito na lang rin naman kami ngayong weekend,
Seren Evangeline Del ValleAlas-siyete pa lamang ng gabi ay nag-iimpake na ako. Mabigat man sa aking loob pero nang maisip ko ang sinabi ni Mika na mas mabuti pa ngang pumunta ako sa party ni Austin kaysa naman ang lalaki pa ang pumunta rito ay agad ko ring tinanggap ang imbitasyon niya. Mas nangib
Seren Evangeline Del Valle"O, friend, problema mo? Para kang inahing manok na hindi mapaitlog diyan," puna ni Mika nang makailang ulit akong nag paroo’t parito sa kanyang harapan.Mika is my college friend. Pero hindi gaya ko na nagmula sa maykayang pamilya noon, Mika is the opposite of it. She ca
Cloud SerravalleHalos magkadugtong na ang aking mga kilay dahil sa dami ng trabahong nakatambak ngayon sa aking mesa. Hindi ko na rin alam kung alin ba ang aking uunahin dahil sa magkakahalong mga dokumento na ngayon ay nasa aking harapan na mas lalo pang nagpainit sa aking ulo.Dalawang linggo na
Seren Evangeline Del ValleIsang linggo na rin mula nang bumalik ako sa Pilipinas kasama ang anak ko, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong mahanap na matinong trabaho kaya naman napaisip ako kung tama bang desisyon ang ginawa ko.Mula sa kusina ay muli naman akong pumunta sa sala matapos kong







