로그인"Ayan, nakaganti ka rin," nakangiting sabi ni Paloma sa kanya. "Nakuha rin niya ang nararapat sa kanya.""Maliit na bagay pa lang 'yan," malamig na tugon ni Elowen. "Ganti ko pa lang 'yan para sa ginawa niyang pananakit sa akin noon.""Ganyan dapat!" sang-ayon ni Paloma. "Kung ako 'yan, hindi lang sampal ang aabutin ng babaeng 'yan sa akin!"Sa gitna ng crowd, nagpapanic na ng sobra si Beatrice. Nagtatakip siya ng tainga habang umiiyak at nagsisisigaw sa gitna ng mga taong nagtatawanan sa kanya.Saktong sa sandaling iyon, dumaan ulit si River. Nang marinig nito ang kaguluhan, nakipagsiksikan ang binata sa karamihan."Anong nangyayari dito?!" sigaw ni River.Ang boses na iyon ay parang isang liwanag sa gitna ng impyerno para kay Beatrice! Sumikip ang dibdib nito, mabilis na dumaan sa dalawang taong humaharang sa kanya at walang alinlangan na isinumpak ang sarili sa dibdib ni River!"Kuya Riveeer!" hagulgol na sigaw ni Beatrice habang yakap-yakap ng mahigpit ang bewang ng binata.Napati
Mula sa madilim na sulok ng lounge, tahimik na nanonood sina Elowen at Paloma. Kumuha si Paloma ng isang pistachio nut mula sa platito at kinagat ito."My god, Elowen," natatawang iling ni Paloma. "Ang cheap ah. Ang cheap-cheap ng galawan. Paano ka natalo ng ganyang klaseng babae noon? Eh mukha siyang manika na nabibili sa bangketa na uhaw sa atensyon ng mayayaman!"Kumuha rin si Elowen ng nut at marahang inihagis sa bibig."Kapag ang isang tao gusto magbulag-bulagan, Paloma. Kahit bigyan mo pa ng magnifying glass, wala siyang makikita," malamig at seryosong sagot ni Elowen. "Noong mga panahong 'yon, ang nakikita ko lang ay si River. Paano ko makikita ang katotohanan kung nakatali ang buong mundo ko sa kanya?"Bumagsak ang balikat ni Paloma at tiningnan ang kaibigan nang may awa. "Sabagay~ Tama ka."Akmang magsasalita pa sana si Paloma nang biglang makarinig sila ng malakas na kalabog mula sa exit door ng VIP bar sa ibaba. Bumukas ng marahas ang pinto at isang lalaki ang halos madapa
Pagkapasok ni River sa banyo, humarap siya sa salamin. Naghilamos siya ng malamig na tubig para mahimasmasan. Pero pag-angat niya ng tingin, bigla siyang napatulala. Agad siyang nanigas nang may ma-realize. Yung babae kanina! Ang porma ng balikat nito. Ang amoy ng buhok nito. At higit sa lahat, ang malamig na tingin ng mga mata nito sa likod ng itim na maskara. Hindi ito ang unang beses na nagkamali siya. Ilang beses na siyang humabol sa mga babaeng kamukha ni Elowen, sa airport, sa kalsada at sa mall pero iba 'yung pakiramdam niya ngayon."Hindi..." nanginginig na bulong ni River. "Siya 'yon. Imposibleng hindi."Lahat ng kalasingan sa sistema niya ay biglang nawala. Mabilis siyang tumakbo palabas ng banyo, pabalik sa eksaktong lugar kung saan niya nahawakan ang braso nito pero wala na ang babae roon. Saktong kalalabas lang ni Elowen mula sa kabilang pinto, tinatanaw ang nagwawalang bulto ni River bago siya malamig na tumalikod at naglakad pabalik sa taas ng barko. Tuluyan nang nil
Halos matawa si Paloma dahil sa sinabi ng kaibigan. Umirap na lamang siya kay Elowen, bago pinigilan ang isang dumaang waiter na may dalang tray ng champagne.“Excuse me, saan papunta 'tong hagdan na 'to?" tanong ni Paloma habang nakataas ang kilay sa ilalim ng golden fox mask niya."Sa VIP underground bar po, Ma'am," magalang na sagot ng waiter bago nagpatuloy sa paglalakad.Binalingan ni Paloma si Elowen at ngumisi. "Oh, narinig mo 'yon? Bar daw. Tara? Masyadong boring dito sa deck. At saka tingnan mo nga 'yang suot mo—" tinuro ni Paloma ang hapit na black silk gown ni Elowen na humuhubog sa perpektong kurba nito. "Sayang ang ganda mo kung tatayo ka lang diyan at magpapahangin. Let's get a drink."Wala nang nagawa si Elowen kundi tumango. Sa totoo lang, naiinip na rin siya sa itaas kung saan masyadong maraming nagpapanggap na socialites. Sumunod siya kay Paloma pababa sa isang mahaba at madilim na hagdan.Pagdating nila sa ilalim, sinalubong sila ng isang napakalawak, ngunit napakad
Kinahapunan, dumating ang matalik na kaibigan ni Elowen na si Paloma. Habang tahimik na naglalaro ng blocks si Elara sa carpet, ikinwento ni Elowen ang narinig niya.Halos maibuga ni Paloma ang iniinom niyang kape. "Wait, hold up. Are you kidding me?!"pasigaw na reaksyon ni Paloma habang diring-diri ang mukha. "Si Beatrice? Nakikipag-landian doon sa bobong anak ng Ardales family?! Pinalayas na nga siya ni River sa mansyon, tapos ngayon, naghahanap ng bagong sugar daddy? Kapal ng mukha ah!""She's playing both sides, Paloma," malamig na komento ni Elowen. Hinawakan niya ang porcelain cup ng mariin pero kalmado. "She's always been smart. Mas matalino kaysa sa akin noon. Nagpapaawa kay River, habang ginagawang back-up plan ang pera ng mga Ardales."Tinitigan ni Paloma ang kaibigan. Alam niya kung gaano nagbago si Elowen. Ang dating babaeng handang lunukin ang lahat ng sakit para lang sa pag-ibig ay namatay na limang taon na ang nakakalipas. Ang nasa harap niya ngayon ay palaban, ,malami
"WHAT?!"Napasigaw si Mitena. Sa sobrang gulat, nabitawan niya ang hawak niyang pusa na mabilis na tumakbo palayo. Nang palayasin siya ni River sa Pamilya Samaniego noon, hindi naman siya naghirap. Binilhan siya agad ni Art ng sariling villa sa Alabang at minsan ay umuuwi pa rin dito si Raynold, kaya parang reyna pa rin siya. Pero ang galit at pagkapahiya niya kay River ay nakabaon pa rin sa buto niya. Sumumpa siyang sisirain niya ang buhay ng binata. Ngunit ngayon, ang balitang dala ni Beatrice ay tila bombang sumabog sa buong mundo niya."Sigurado ka ba sa nakita mo, Beatrice?!" nanggagalaiting tanong ni Mitena habang naglalakad nang pabalik-balik sa sala. "Baka naman kamukha lang! Imposibleng mabuhay pa ang babaeng 'yon pagkatapos niyang tumalon sa dagat!""Siya 'yon, Tita!" desperadang sagot ni Beatrice. "Kasama niya si Manang Rosa! At ang malala pa kasama niya si Inigo Quinn! Si Inigo, ang chairman ng Quinn Group. Ang tito niya 'yon!"*Natigilan si Mitena. Kumunot ang noo niya at
Nasa iisang ospital lang sila ni Beatrice. Matapos mag-alinlangan, natagpuan na lang ni Elowen ang kaniyang mga paa na naglalakad papunta sa VIP Ward.Bago mangyari ang aksidente, sobrang malapit sila ni Beatrice. Hindi man kasing-lalim ng pagkakaibigan nila ni Paloma pero madalas silang kumain sa
Pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Paloma, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elowen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakatulog siya nang mahimbing, malayo sa malamig na presensya ng kaniyang asawa at sa impyernong tinatawag niyang bahay.Ngunit kinabukasan, maaga siyang bumango
Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At
Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan







