Share

Kabanata 24

Happy family.

Halos hindi kami mapakali ni Rei sa kakaasikaso sa dalawang bata. Ang sabi niya, natuto raw siyang magluto dahil sila lang daw dalawa ng anak niya. May galit daw siya sa pamilya niya dahil pinipilit daw siyang ipalaglag si Rouge noon. Simula raw no'n, bumukod siya kahit buntis siya.

"Hindi mo ba ipapaalam sa tatay niya ang tungkol kay Ayla?" Tanong ni Rei habang inaasikaso ang pagkain nina Ayla at Rouge.

Umiling ako. "Wala na siyang aasahan sa akin, Rei. Kahit si Ayla, hindi siya kailangan."

Tumango ako sa sinabi niya. Hindi ko na siya tinanong pa. Sensitive siya tungkol sa kay Kuya Carlo. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya pero magku-kwento raw siya kapag kaya niya na.

"So, kahit kay Cha ililihim mo?"

Saglit akong natahimik sa sinabi niya. Halos nakalimutan ko na si Charlynn na nasa Italy pala. Hindi pa kami nakakapag-usap kahit na matagal-tagal na mula nang magkita kaming muli ni Rei.

"H-Hindi ko pa naiisip 'yan, Rei. Kapag siguro kaya ko na," sagot ko.

Ginala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status