Gift.Sabay-sabay kaming tumili habang nakatingin sa malaking billboard ni Rei sa kahabaan ng EDSA. Nagtatatalon pa kami sa tuwa bago sabay-sabay na nagyakapan."We're so proud of you, Rei!" Sabay naming sigaw ni Cha habang yakap-yakap si Rei."This is just the beginning, okay? Sa susunod nasa New York na ako," tuma-tawang sabi ni Rei.Para kaming proud parents ni Rei habang pinapanood ang pagfa-flash sa billboard ng iba't iba niyang pose suot ang isang pares ng two-piece.Kakauwi ko lang galing sa restaurant at sinundo ako ng dalawang ito para sabay naming tingnan ang billboard ni Rei. Nagpicture pa kami sa tapat ng billboard bago kami tuluyang umuwi. At gaya ng nakagawian kapag may achievement kami, nag-inom kami."Dapat kahit busy ka sa shoots mo, hindi mo pababayaan ang study mo," paalala ko kay Rei.Nilapag ko ang ginawa kong nachos sa gitna ng lamesa sa sala habang nananatiling nakaupo sa sahig ang dalawa, nanonood."Nandiyan naman kayo ni Cha para ipaalala sa akin araw-araw at
Tears.Nagpababa ako kay Cartier sa labas ng venue. Papasok pa kasi ng gate bago tuluyang makapasok sa mismong venue. Marami-rami rin akong nakitang mga media sa labas na nasisiguro kong nag-aabang sa mga papasok na bisita.Kilalang pamilya sa bansa sina Cha. Malaki ang kompanya at iba-iba ang business. Narinig ko nga rin noon na shareholders din sila sa maraming kompanya sa ibang bansa. Kaya tuwing may ganito silang event, asahan mong maraming media na gustong magcover ng party nila.Kabado pa ako nang maglakad ako palapit sa kanila. Mabuti na lang at nakita nila ang sasakyan ni Cartier na siyang dinumog nila. Halos takbuhin ko ang pagitan ng gate at ng malaking hall habang pinagkakaguluhan si Cartier.Kumaway ako kay Cha nang makita ko siyang nakabusangot sa lamesa. Nakaupo sa tabi niya si Kuya Carlo na masama ang tingin kay Rei.Ano na naman kaya ang nangyari sa dalawang ito? Tuwing nakikita ko sila, lagi silang nag-aaway kahit sa tingin lang."S-sorry! Medyo marami ang inutos ni S
Boyfriend.Nagising akong wala si Cartier sa tabi ko. Nagmamadali akong tumayo at naligo. Mabuti na lang at ilang pares ang pinabili niya kagabi kaya may pamalit ako.Nang matapos akong ayusin ang sarili ay lumabas ako ng kaniyang kwarto. Ngayon ko lang nakita ang kaniyang penthouse kaya hindi ko maiwasang mamangha sa laki nito.Black, white, and beige ang kulay nito. Maaliwas. Pinagmasdan ko ang malaking painting ng kanilang pamilya. Sa tabi no'n ang portrait ni Cartier na black and white.Napanguso ako. Ang pogi naman niya.Bababa na sana ako kung hindi ko lang nakita ang bagong ligo na si Cartier na lumabas galing sa tabing kwarto ng tinulugan ko. Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba tatabi ka sa akin!" Singhal ko.Gulat siyang tumingin sa akin, nang makabawi ay ngumiti. Naglakad ito palapit sa akin habang pinupunasan ng towel ang kaniyang buhok. "Sinabi ko ba 'yan?" Tanong nito.Inis ko siyang sinamaan ng tingin. Padabog akong bumaba ng hagdan at naupo sa sofa na katapat ng glass wi
Sleepover.Masyadong mabilis ang mga sumunod na araw. Umuwi kami sa Pontevedra nang magsembreak kami. Apat na araw lang naman kami roon tapos nag-Boracay for two days. Bitin nga kasi kinailangan namin umuwi agad para asikasuhin ang enrollment for next sem. Kaya sinabi namin na babalik kami roon kapag may time kami ulit.Ang pumagod lang talaga sa amin ay ang Foundation week. Puro activities. Puro sulat ng article. Pero pakiramdam ko mas pagod si Rei dahil sa cheer dance na sinalihan niya. Sinabihan niya ang prof niya na hindi na siya sasali dahil hindi raw kaya ng schedule niya at gaya ng nakasanayan, napaaway na naman siya sa classmates niya dahil masyado raw siyang feeling sikat.Well, she is. She's on billboard kaya. Pila rin ang mga kumukuha sa kaniya for endorsement. May offer nga sa kaniya abroad na tinanggihan niya e. Baka next year na raw...Parang kakapasok lang namin ng school kahapon tapos ngayon hindi ko napansin na magpa-pasko na at kailangan ko nang bumili ng regalo. Si
New York.We are watching horror movie. Nakahiga ako sa braso ni Cartier habang nakatutok siya sa kaniyang laptop, may binabasa."Kiss tayo," bigla kong sabi habang nakatitig sa kaniya.Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Tinapunan niya ako ng malamig na tingin bago muling pinagpatuloy ang ginagawa."I want a kiss," muling sabi ko.Nagulat ako nang hawakan niya gamit ang isang kamay ang laptop niya saka ako mabilis na hinalikan. Napanguso ako. Iyon na 'yon?"French kiss," pagdedemand ko.Malakas siyang bumuntong-hininga bago umayos ng upo. Napaayos din tuloy ako."I need fresh ai—"Mabilis ko siyang hinila nang akma siyang tatayo. Bakit bigla ba akong naging aggressive? Kasalanan 'to nina Cha e."Gabriella!" Saway niya.Kinuha ko ang laptop niya saka ito nilapag sa bandang likod ko. Marahan akong naupo sa hita niya saka siya hinalikan.Nakatingin lang siya sa akin hanggang sa pinikit ko ang mga mata ko. Iritado akong huminto sa paghalik sa kaniya nang hindi siya gumaganti sa halik ko.
Warning: R18+If you are a minor or not open to this kind of scene you can skip this and proceed to the next chapter. ———Love."Gabriella!" Nagising ako sa mahinang katok ni Cha sa kwarto ko.Hindi ko na kailangang bumangon para pagbuksan siya dahil siya na ang nagkusang gumawa no'n. "Nakuha ko ang susi ng suite ni Rei. I-surprise natin siya mamaya," bulong sa akin ni Cha.Ni walang pumasok sa utak ko kaya umoo na lang ako. Nagtulukbong pa ako. Gusto ko pa sanang matulog kaso ang walang hiyang si Cha ay hinatak ang paa ko kaya nalaglag ako sa kama."Cha!" Natatawang saway ko nang bumagsak ako sa sahig.Mabuti na lang at natukod ko ang kamay ko kaya hindi lumagapak ang mukha ko. Humalakhak siya habang hatak-hatak pa rin ako. Binitawan niya lang ako nang makalabas kami ng kwarto ko."Get up! We need to buy things na," sabi nito sa akin.Masama ang tingin ko sa kaniya nang tumayo ako."Sorry na. Kailangan pa kasi nating magprepare," nagpeace sign pa ito sa akin."Pahiram damit," sabi
Boyfriend.Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising lang ako dahil sa marahan at malambing na panggigising sa akin ni Cartier."Baby, you need to get up. We still need to buy things for Reisha," bulong niya habang nilalaro ang buhok ko."A-aw!" Reklamo ko nang uminat ako. "Ang sakit," mahinang bulong ko.Humalakhak siya sa sinabi ko. Siniksik na naman niya ang kaniyang ulo sa aking leeg saka ako inamoy-amoy roon. Ngumiwi ako nang igalaw ko ang paa ko. Pakiramdam ko nahati ang katawan ko dahil sa sobrang sakit. Pakiramdam ko nga rin nasa loob ko pa rin si Cartier."I'm sorry, masyado yatang hard," bulong niya. "Dito ka na lang kaya? Ako na lang ang lalaba—""No! Sasama ako," sagot ko.Hindi ko pa nga alam ang ibibili kong regalo kay Rei. Masyado kasing mamahalin ang isang iyon kaya nakakatakot regaluhan. High maintenance. Nakakapressure magregalo ng mumurahin.Inalalayan ako ni Cartier nang subukan kong bumangon. Napangiwi pa ako nang mapagtantong sobrang sakit nga talaga ng
Trust."Ang ganda mo, Miss. Pwede ka bang i-date?"Inis kong sinamaan ng tingin si Cartier na nag-aabang sa akin sa labas ng aming suite. Humalakhak ito sabay hapit sa bewang ko. Hinalikan niya ang ulo ko pagtapos no'n ay kinuha ang kamay ko saka ito hinawakan."Galing mo mangbola," singhal ko sa kaniya."Honest lang po, Ma'am!"Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti ko. Kakaiba na talaga ang epekto sa akin ng lalaking ito. Ang sarap sa puso. Masyadong healthy.Pasko ngayon. At gaya ng inaasahan, sa New York kami nagplanong magpasko. Tinawagan ko rin si Mama at pinangako sa kaniya na sa kaniya ako magdidiwang ng new year's eve. Gusto kong siya ang kasama ko pagsalubong ng bagong taon e.Hindi ko pa nga lang nakakausap si Cha tungkol sa plano ko pero may pakiramdam akong hindi siya sasama sa akin. Si Rei naman, hindi ko sigurado. Mukhang hindi rin dahil marami na ang tumawag sa kaniya para sa milyon-milyong offer.Nagpasya kaming manood ng sine ni Cartier. Marami-rami ring tao sa mall d