Compartilhar

Chapter 101

last update Data de publicação: 2026-05-20 15:02:29

TYLER

"Pinaalis mo siya?!" pasigaw kong tanong, nagsalubong ang aking mga kilay at tuluyang nagdilim ang aking paningin sa tindi ng galit.

Pero hindi nagpatalo ang aking ina. Tiningnan niya ako nang diretso at mapagmataas na isinabat. "At bakit hindi ko siya pwedeng paalisin sa mansyong ito?"

Buong pwersa kong hinampas ang ibabaw ng lamesa gamit ang aking palad, dahilan para gumalaw at gumanasgas ang baso ng alak sa tabi namin. "Mom, she's my fiancée! You have no right to meddle in my relations
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado
Comentários (3)
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
thanks for the update waiting for more updates
goodnovel comment avatar
Beng Toledo
update pls.
goodnovel comment avatar
FMB
update Po pls
VER TODOS OS COMENTÁRIOS

Último capítulo

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 163

    Maaga akong nagising para maghanda. Pagkatapos kong makapaghugas ng katawan at makapagpalit ng maluwag na damit, naupo muna ako sa gilid ng kama habang pinapanood ang ina ni Tyler na abala sa pag-aayos ng mga natitirang gamit namin sa loob ng silid. Si Athena naman ay mahimbing pa ring natutulog sa loob ng kaniyang munting higaan dito sa tabi ko, nakabalot sa malambot na pink na kumot. Ngayong araw na ang discharge namin mula sa ospital.Bumukas ang pinto at iniluwal nito si Tyler. May dala na siyang ilang piraso ng papel at malawak ang ngiti sa kaniyang mga labi habang naglalakad palapit sa amin."Everything is cleared. Pwede na tayong umuwi," anunsyo niya bago binalingan ang kaniyang ina. "Mom, ready na ba ang mga gamit?""Yes, kanina ko pa natapos i-pack ang mga dinalang damit ni Sophia," sagot ng kaniyang ina habang lumalapit sa higaan ng sanggol. Maingat niyang binuhat at kinarga si Athena. "Akin na muna si Athena, Tyler, para mabitbit mo na ang mga bagaheng ito pababa."Mabilis

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 162

    MARIELMabilis ang naging pagpapatakbo ko sa sasakyan pabalik ng bahay. Halos hindi ko na namamalayan ang trapiko dahil sa sobrang pananabik na nararamdaman ko. Hawak ko ang manibela habang paulit-ulit na nagrerehistro sa isip ko ang impormasyong bagong tuklas ko lang.Sophia is in Switzerland.Agad kong ipinarada ang kotse ko pagkapasok sa garahe. Subalit bago ko pa man mapatay ang makina, kumunot na ang noo ko nang makita ang isang pulang sasakyan na nakaparada sa kabila. Malapit na malapit ito sa entrance ng pintuan at talagang nakaharang sa daanan.Sino namang magpaparada ng sasakyan nang ganito? Tatanga-tanga!Padabog akong bumaba ng kotse. Kinailangan ko pang igilid nang husto ang aking katawan at humakbang nang patagilid para lang makalusot sa maliit na espasyong iniwan ng pulang kotse. Sa kamalasan, bigla pang bumangga ang siko ko sa side mirror nito."Bwisit," bulong ko habang hinahaplos ang siko ko. Lalong nairita ang sistema ko. Sino ba ang bisita ni Rowan ngayon? Paano niy

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 161

    Kinabukasan, maagang pumasok si Doctor Suarez sa aking kwarto upang tingnan ang aking vital signs at ang kondisyon ng aking mga tahi. Kasama ko pa rin sa loob si Tyler na hindi man lang umalis sa tabi ko simula kahapon pa. Nang matapos ang paunang pagsusuri ng doktor, bago pa man ito makahakbang patungo sa pinto, ay hinawakan ko na ang pagkakataon para magtanong."Doctor Suarez, gusto ko lang sanang itanong kung kailan ko pwedeng ibiyahe sa eroplano si Athena? Pati na rin ako, kailan kami ligtas na makakasakay para sa isang mahabang flight?" diretsong tanong ko habang nakasandal sa aking mga unan.Napatigil si Doctor Suarez. Tumingin siya sa akin, pagkatapos ay kay Tyler, bago bahagyang sumeryoso ang kaniyang mukha. "Babalik na ba kayo agad sa Pilipinas? Bakit ninyo kailangang magmadali?"Naunahan ako ni Tyler sa pagsagot. Humakbang siya palapit sa gilid ng kama upang harapin ang doktor. "We just want to fix everything as soon as possible. May mga legal matters pa kaming kailangang ta

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 160

    “Sophia!”Bumukas ang pinto ng aking kwarto at agad na pumasok si Manang Loring. Hindi pa man ako tuluyang nakakahuma sa kaniyang biglaang pagdating ay mabilis na siyang lumapit sa gilid ng aking kama. Agad niya akong niyakap nang mahigpit habang humihikbi sa labis na pagkasabik.Natatawa naman kong tinapik-tapik ang likod ng matanda. “Manang, dahan-dahan lang po sa yakap. Baka mapunit ang mga tahi ko,” pabiro kong saway sa kaniya.Mabilis siyang kumalas sa pagkakaakap at pinunasan ang kaniyang mga luha gamit ang kaniyang panyo. “Ay, pasensya ka na, iha. Labis lang talaga ang kagalakan ko nang ibalita ni Tyler na nakapanganak ka na. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.”Pumasok na rin sa loob ng kwarto ang ina ni Tyler, kasunod si Axel na bitbit ang ilang bagahe na agad nitong inilapag sa sulok. Napailing ang ina ni Tyler habang nakangiting nakatingin sa aming dalawa ni Manang Loring.“Alam mo ba, Sophia, itong si Manang Loring ay nakailang suka habang nasa eroplano kami,” pagbubunyag

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 159

    MARIELMahigpit ang hawak ko sa manibela habang nakatitig sa gate ng eksklusibong subdivision ng mga Santibañez. Gamit ko ngayon ang lumang kotse na hiniram ko pa sa boyfriend ng best friend ko. Kailangan kong mag-ingat dahil saulado na ng driver ni Tyler na si Axel ang sarili kong sasakyan, at kapag nakita nila ako rito, paniguradong palalayasin lang ako ng mga guard. Nakaparada ako sa isang bahagi ng kalsada na medyo malayo sa gate, sapat para makita ko ang bawat sasakyang lumalabas at pumapasok, ngunit hindi sapat para paghinalaan ng mga security personnel.Ilang linggo na akong pabalik-balik sa lugar na ito. Araw-araw akong nag-aabang, nagbabakasakali na may makuha akong kahit anong impormasyon tungkol sa kinaroroonan nina Tyler at Sophia, pero palagi akong walang napapala.Biglang umikot ang sikmura ko. May kung anong likido na mabilis na umakyat sa aking lalamunan.Nataranta ako. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse, dali-daling lumabas, at humawak sa pader bago tuluyang sum

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 158

    Nakasubsob ang ulo ni Tyler sa gilid ng aking kutson habang ang kaniyang isang kamay ay mahigpit pa ring nakakapit sa akin. Nakaupo siya sa silya, ngunit ang posisyon ng kaniyang katawan ay halatang hindi komportable. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at bakas sa kaniyang mukha ang labis na puyat mula sa pagbabantay sa akin buong magdamag.Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Marahan kong ipinalad ang aking mga daliri sa kaniyang buhok, sinusubukang hindi siya magising. Pero dahan-dahan na nag-angat ng tingin si Tyler. Nang makita niyang gising na ako, mabilis na napawi ang antok sa kaniyang mga mata at napaayos siya ng upo."Sophia," tawag niya. Hinawakan niya ang aking mukha. "Gising ka na. May masakit ba sa'yo? Anong nararamdaman mo? Nauuhaw ka ba? Nagugutom?"Umiling ako nang bahagya, pilit na binabalewala ang kaunting hapdi sa aking ibabang bahagi. "Ayos lang ako, Tyler. Mas mabuti na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kagabi."Huminga siya nang malalim at hinalikan ang aking noo. "

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 29

    ROWANSunod-sunod kong tinungga ang alak mula sa bote. Halos mapuno na ng mga bakanteng bote ang sahig sa paanan namin, pati na rin ang ibabaw ng lamesa."Rowan... tama na 'yan. Pare, tingnan mo nga ang sarili mo, lasing na lasing ka na. Paano ka magda-drive pauwi niyan?" sita sa akin ni Clinton. "U

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 26

    "Naku, magluluto pa nga pala ako ng tanghalian. Ma'am, maupo ka muna riyan sa sofa at dadalhan kita ng meryenda," wika ni babae habang itinuturo ang malawak na sala.Akmang aalis na siya nang pigilan ko siya. "Pwede ba akong tumulong sa pagluluto?"Napatigil siya at tila nag-aalangan. "Naku, Ma'am,

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 23

    Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Suot ko ang isang pulang body suit office attire na perpektong nakalapat sa aking katawan. Ipinadala ito ni Tyler kaninang umaga para isuot ko sa meeting ko kay Rowan. Alam kong napakaimportante ng kumpanyang iyon kay Rowan. Kalabisan man pakingg

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 5

    "Ma'am Sophia, mas mabuti pa sigurong umuwi ka na muna," singit ni Kevin sabay hawak sa kamay ko para igiya ako palabas."Bitawan mo ako!" Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Napaatras siya at napayuko, hindi makatingin sa akin nang diretso. Muli kong hinarap ang asawa ko at ang kabit

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status