Compartir

Chapter 45

last update Fecha de publicación: 2026-04-24 19:46:23

TYLER

Lihim akong napangisi habang pinapanood ang unti-unting pagkaputla ni Rowan. Kitang-kita ang tensyon sa kanyang mukha habang walang pakundangan siyang ginigisa ni Sophia sa harap ng sarili niyang mga Board of Directors. This is the woman he thought was just a plain housewife. Now, she’s the sharpest person in the room.

"You are wasting our time and money, Mr. Trajano," malamig na konklusyon ni Sophia habang isinasara ang kanyang folder nang may awtoridad. "If this is the level of incompet
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 98

    From: Anya LevisteI'm done filing your annulment. Your husband will receive the official court papers informing him of this within this week.Napatitig ako sa mensahe ni Anya. Eksaktong alas-tres na ng hapon, at kasalukuyan akong bumabyahe pabalik sa mansyon matapos ang ilang oras na pananatili sa opisina ni Tyler.Noong una, ang tanging plano ko lang talaga ay ang maghiganti kay Rowan sa lahat ng kawalang-hiyaang ginawa niya sa akin. I wanted to destroy him. Gustung-gusto ko siyang makitang bumagsak at magmakaawa sa harapan ko. Pero ngayon, habang hinahaplos ko ang aking patag pa ring tiyan, nagbago ang lahat. Ang tanging gusto ko na lang ay ang tuluyang makawala sa kasal namin nang sa gayon ay maging malaya na ako, at higit sa lahat, para masabi ko na sa wakas kay Tyler ang tungkol sa pagbubuntis ko nang walang anumang nakasabit na nakaraan.Gusto ko na lang ng tahimik na buhay, at ang alagaan ang anak ko. Siguro nga, may katotohanan ang sinasabi ng matatanda. Kapag magiging ina ka

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 97

    "You’re such a hardheaded woman. Hindi ka dapat pumunta rito," kunwaring galit na sambit ni Tyler habang nakaupo ako sa kanyang kandungan sa loob ng kanyang opisina.Naka-lock ang kanyang mga braso sa aking bewang habang ang mga kamay ko naman ay nakapulupot sa kanyang leeg. Tinaasan ko siya ng kilay at nagkunwaring nagtatampo. "Ganoon ba? Sige, uuwi na lang ako."Akmang tatayo na ako at aalis sa kandungan niya, pero bago pa man ako makagalaw nang tuluyan ay agad niya akong hinila nang pabalik nang mas mahigpit. Napasinghap ako nang sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya.Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Tyler, ang kanyang dibdib ay nagvibrate sa lapit naming dalawa. "Just admit that you missed me and couldn't handle your days without me by your side," panunukso niya.Pabirong umirap ako sa kanya at mahina ko siyang pinalo sa braso. "Ang yabang mo rin talaga, ano?"Pero nawala ang ngiti sa aking mga labi nang muling maalala ang eksena sa mansyon noong dumating kami galing sa ospit

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 96

    Dahan-dahang umawang ang bibig ni Glory, bago siya tumitig sa akin gamit ang mga matang biglang nangilid ang luha, mabilis na nag-reboot sa kanyang nakasanayang papel bilang biktima."M-Ms. Sophia... wala akong masamang intensyon," pautal-utal niyang sabi, ang boses ay sadyang nanginginig para magmukhang kaawa-awa sa harap ng mga guwardiya. "Gusto ko lang... gusto ko lang naman pong ipatikim kay Mr. Santibañez itong bago kong putahe—""Bilang pasasalamat pa rin ba 'yan sa pagligtas niya sa'yo sa bangin?" putol ko sa kanyang pag-arte, hindi hinayaang humaba pa ang mga palusot niya.Yumuko nang bahagya si Glory. Ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa paper bag ay nakikita kong nanginginig, pero hinding-hindi na ako muling magpapadala sa mga luhang 'yan."Utang ko ang buhay ko kay Mr. Santibañez," bulong niya habang nakatitig sa semento. "Kung hindi niya ako iniligtas noong gabing 'yun... baka wala na ako ngayon. Baka naluluksa na ang lola ko."Isang sarkastikong ngisi ang pinakawalan k

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 95

    Nag-inat ako ng aking katawan at marahang iginalaw-galaw ang aking ulo. Mukhang napasarap ang tulog ko.Akmang bababa na ako sa kama nang mahagip ng paningin ko ang isang pumpon ng nagtataasang pulang rosas na maayos na nakalagay sa isang plorera sa ibabaw ng aking bedside table. May isang maliit na card din na nakapatong sa tabi niyon. Mabilis ko itong kinuha bago inilapit ang aking mukha sa mga bulaklak para amuyin ang natatanging halimuyak nito. Malambot pa ang mga talutot at may kaunting hamog pa, halatang bagong pitas ang mga iyon ngayong umaga.Kinuha ko ang card at dahan-dahang binasa ang nakasulat doon gamit ang pamilyar at matalagang sulat-kamay ni Tyler.I went jogging earlier this morning and I saw an old lady harvesting her roses. I asked her for a few stems. Magpahinga ka lang. Uuwi ako nang maaga para samahan ka mag-dinner.—TylerHindi ko mapigilang kiligin matapos kong mabasa ang bawat salita. Ramdam ko ang mabilis na pag-init ng aking mga pisngi at ang tila pagwawala

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 94

    MARIEL"Nora, mamayang hapon ay igawa mo ako ng watermelon winter sprite na madalas mong gawin sa akin. Napakainit ng panahon, maganda ang refreshment na iyon para mamaya," utos ng ina ni Rowan sa matabang kasambahay habang abala ito sa pagpupunas ng counter sa kusina.Napahikab ako nang malawak at tamad na isinandal ang aking likod sa upuan. Antok na antok pa talaga ako, pero maaga akong ginising ng ina ni Rowan dahil hindi raw maganda sa buntis ang laging tulog. Sabi niya, kailangan ko raw magpaaraw at gumalaw-galaw sa umaga.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sitwasyon ko ngayon. Hinayaan na nila akong manirahan dito sa mansyon at hindi na ako pinagtatabuyan tulad ng dati, pero alam ko naman ang reyalidad, ginagawa lang nila ito para sa batang dinadala ko. Para lang sila sa apo nila. Kung hindi ako buntis ngayon, baka ipinakaladkad na ako ng pamilyang ito palabas ng gate."Naku, Ma'am Carmen... hindi po ako ang gumagawa ng juice na iyon," sagot ni Nora, pinuputol ang p

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 93

    "Tyler, iho!" tawag ni Manang Loring, ang boses niya ay bakas ng pagkabahala.Mabilis na lumingon si Tyler sa ibaba ng hagdan. Maging si Amesyl ay napatingin din sa akin, ang kanyang mga mata ay nananatiling matalim at puno ng hinanakit. Nang makita ni Tyler na naroon ako at narinig ang lahat, dali-dali niyang iniwan si Amesyl at mabilis na bumaba ng hagdan patungo sa kinaroroonan ko.Isang masamang tingin pa ang ibinato sa akin ni Amesyl bago siya paismid na pumasok sa kanyang kwarto at marahas na isinarado ang pinto.Agad akong nilapitan ni Tyler. Maingat niya akong hinawakan sa magkabilang balikat. "Hindi ba't sinabi ko sa'yo na hintayin mo ako roon? Halika na, kakain na tayo," malambing ngunit may halong sermon niyang sabi.Hindi ko pinansin ang pag-aalaga niya. Nanatiling nakapako ang isip ko sa narinig ko kanina. "Anong sinasabi mo na kaya ako nag-flatline ay dahil sinampal ako ni Amesyl?"Iniwas ni Tyler ang kanyang tingin, tila nagdadalawang-isip kung sasabihin ang katotohanan

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 6

    EIGHT YEARS AGO.Akala ko ang pagiging bankrupt ng kumpanya namin ang pinakamasaklap na balitang matatanggap ko. Pero kagabi lang nang sabihin ni Daddy na bata pa lang ako ay naipagkasundo na akong ipakasal sa isang lalaking nagngangalang Tyler Santibañez. Apo siya ng isa sa mga pinakakilalang busin

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 15

    "Mariel!"Isang pamilyar na boses ang dumagundong mula sa men's wear section. Agad akong napalingon at doon ay nakita ko si Rowan na galit na galit habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa amin. Dali-dali niyang dinaluhan si Mariel at ingat na ingat na itinayo ito na tila ba isang mamahaling

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 7

    "Aren't you going inside?" tanong ni Tyler sa akin. "Kailangan pa ba kita buhatin papasok dito sa loob?"Napalunok ako at dahan-dahang sumakay sa sasakyan. Naupo ako sa tabi niya pero tila may malaking pader sa pagitan namin dahil ilang dangkal ang layo ko sa kanya. Hindi ko magawang tumingin nang

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 14

    "Get everything you want," seryosong sabi ni Tyler habang nakatingin sa akin.Napaangat ako ng tingin sa kanya, tila hindi makapaniwala sa narinig. "Kahit ano?""Anything," sagot niya na para bang wala sa kanya ang pera kung magkano man ang gastusin ko.Inabot ni Tyler ang isang black card sa akin.

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status