MasukHindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas mula nang dalhin ako rito. Pakiramdam ko ay naputol na ang oras, na para bang hindi na umiikot ang mundo sa labas ng silid na ito. Tahimik ang paligid, pero ang isip ko ay maingay. Paulit-ulit kong iniisip kung paano ako napunta dito, at kung may paraan pa ba akong makaalis. Ang bawat segundo ay mabigat, parang mas lalo akong ikinukulong ng takot. Pagmulat ko ng mga mata ko, puting kisame agad ang bumungad sa akin. Malambot ang higaan. Malinis ang kwarto. Masyadong malinis para maging komportable ako. Dahan-dahan akong bumangon, ramdam ang bigat ng katawan ko at ang sakit na parang bumabalot sa bawat galaw ko. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko ay magulo pa rin ang lahat. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili, kahit alam kong hindi pa tapos ang gabing ito para sa akin. Nanakit ang likod ko. At saka ko lang naalala. Bigla akong natigilan habang unti-unting bumabalik sa isip ko ang nangyari kanina. Parang may kulang,
Pagmulat ko ng mga mata ko, puting kisame ang una kong bumungad sa akin. Mabigat ang ulo ko at tila ba may gumuguhong alaala sa isip ko. Dahan-dahan akong bumangon, ramdam ang pananakit ng buong katawan ko, habang pilit hinahanap kung paano ako napunta sa lugar na ito. Mabigat ang pakiramdam ng katawan ko, lalo na ang ulo ko. Parang may humahampas na sakit sa sentido ko habang pilit kong inaalala kung paano ako napunta rito. Huli kong naalala— Ang bar ay puno ng kaguluhan, sigawan, at nakabibinging ingay ng takot. May dugo sa sahig na sumasalamin sa liwanag ng ilaw. Nanginginig ang mga tao sa paligid habang nagkakagulo. Sa gitna ng lahat, naroon si Crisanto—kalmado, malamig, at tila siya ang tunay na may kontrol sa buong lugar. Bigla akong napabangon, hingal na hingal at pawis na pawis. Parang may masamang panaginip na pilit kumakapit sa isip ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang sinusubukang alalahanin kung nasaan ako. Tahimik ang paligid, pero ang dibdib ko ay parang sasabog s
Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari kanina. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang bawat tingin, bawat salita, at bawat galaw ni Crisanto. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay parang nararamdaman ko pa rin ang bigat ng presensya niya. Nakakainis. Nakakagulo. Pero higit sa lahat, nakakatakot. Dapat matagal ko nang kinalimutan ang gabing iyon, pero parang mas lalo lang itong bumabaon sa isip ko. Habang nakatitig ako sa madilim na kisame, iisa lang ang tanong na paulit-ulit kong binabalikan—bakit pakiramdam ko, simula pa lang ito ng mas malaking gulo sa buhay ko? Ngayon palang hindi ko na sigurado kong mabubuhay pa ako. Ang dugo. Ang mga sigaw. Ang malamig na tingin ni Crisanto habang isa-isang binabagsak ang mga lalaking gustong kumuha sa akin. Hanggang ngayon, nanginginig pa rin ang katawan ko. Parang nananatili pa rin sa balat ko ang init ng mga titig niya at ang bigat ng presensya niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon kalakas ang epekto
Hindi ko alam kung bakit parang mas mabigat ang gabi ngayon. Tahimik ang buong mansyon ni Crisanto, ngunit ang katahimikan na iyon ay hindi nagbibigay sa akin ng kapayapaan. Sa halip, lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na akong narito sa poder niya, at kahit paulit-ulit kong sabihin sa sarili ko na pansamantala lang ito, hindi ko pa rin maiwasang maramdaman na parang unti-unti akong nilalamon ng mundong ito. Nakatayo ako sa veranda ng malaking silid na ibinigay niya sa akin. Mula rito, tanaw ko ang ilaw ng lungsod. Ang Quezon City sa gabi ay buhay na buhay—mga sasakyan, ilaw, at mga taong hindi ko kilala. Pero ako? Pakiramdam ko nakakulong ako. Hindi ko pa rin matanggap kung paano nagbago ang lahat. Mula sa simpleng paghahanap ng trabaho… Hanggang sa mapunta ako rito. Sa mundo ni Crisanto Olivio Justo. At sa bawat araw na lumilipas, mas lalo kong nararamdaman na wala na akong kontrol sa sarili kong buhay. Napahawak ako sa railing at napapikit. Lola… Kumust
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Kanina pa kami nasa loob ng sasakyan ni Crisanto. Tahimik lang ang buong biyahe. Tanging tunog ng makina at mahinang ulan sa labas ang naririnig ko. Nakaupo ako sa tabi niya, habang nasa harap naman sina Severino at Leandro. Walang nagsasalita. At mas lalo iyong nagpapabigat sa pakiramdam ko. Kanina lang nasa mansyon kami. Akala ko ordinaryong araw lang ulit—iyong gigising, kakain, at makikipagtalo kay Crisanto dahil sa kayabangan niya. Pero bigla siyang tumayo.At sinabi niya—"Sumama ka sa akin."Wala man lang paliwanag. Wala man lang tanong.At heto ako ngayon. Kasama siya. Sa dilim.Sa gitna ng kung saan, sa loob ng bar na punong-puno ng ingay, alak, at mga matang tila handang manlamon, pakiramdam ko ay lalo akong naliligaw. Bawat sulok ng lugar ay puno ng mababangis—hindi lang sa mga titig ng mga tao kundi sa mundong unti-unti kong nakikita. At sa gitna ng lahat, naroon si Crisanto… tahimik ngunit mas nakakatakot kaysa sa kahit
Hindi ko pa rin matanggap. Hanggang ngayon, parang paulit-ulit pa ring umiikot sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Crisanto. Sold to you. Para bang isang bagay lang ako na puwedeng bilhin, isang tao na kayang angkinin basta may sapat na pera. Nakakagalit. Nakakababa ng pagkatao. At higit sa lahat, nakakatakot. Nasa loob pa rin kami ng bar. Malakas ang tugtog, sumasabay ang ilaw sa bawat bagsak ng musika, at ang mga taong nasa paligid ay abala sa sarili nilang mundo. May nagtatawanan, may sumasayaw, may nag-uusap na parang normal lang ang lahat. Pero ako? Para akong naiwan sa gitna ng kaguluhan, pilit inuunawa kung paano ako napunta sa sitwasyong ito. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko habang nakaupo sa sulok ng VIP area. Pakiramdam ko ay nakatali ako sa lugar na ito kahit wala namang lubid. Hindi ko alam kung anong klaseng kasunduan ang pinasok ko, pero malinaw sa akin na hindi na ito simpleng trabaho. Paminsan-minsan ay napapatingin ako kay Crisanto. Nandoon siya, kalmado lan
Wala talaga akong gusto sa ganito. Iyong tipong kasama mo siya sa iisang lugar, tapos parang inaasahan nilang okay ka lang—parang normal lang lahat. Napatingin ako kay Crisanto nang mabilis lang. Sandali lang. Parang gusto ko lang siguraduhin na hindi ako nag-iimagine. Pero sa isip ko, ang da
Bigla siyang sumeryoso. Doon ako natigilan. Parang biglang bumigat ang hangin sa paligid. Kanina lang ay malamig siya, nakakainis, at mayabang—pero ngayon, iba na. Ibang-iba. Hindi na siya mukhang naglalaro. Hindi na siya mukhang nang-aasar. Ngayon, para siyang taong sanay magdesisyon kun
Ilang oras na kaming nag-uusap ngunit pakiramdam ko ay wala namang nangyayari. Paulit-ulit lang ang mga tanong at sagot. Nakangiti ako paminsan-minsan para maging magalang, pero sa totoo lang ay pagod na pagod na ako. Napabuntong-hininga ako habang palihim na tumitingin sa paligid. Mas mukhang
"Oh! Siya, maiiwan ko na kayo. Akin lang, huwag kang kabahan. Malaki ang bayad sa'yo niyan." pabulong nitong sabi bago sumenyas sa akin at sa iba. Pagkatapos noon ay tuluyan na siyang lumabas ng silid. Isa-isang lumapit ang mga kasamahan ko sa iba't ibang lalaking naroon. Ako naman ay nanatilin







