แชร์

Sold to the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 1)
Sold to the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 1)
ผู้แต่ง: AISOLEREN WP

Chapter 1: Trabaho

ผู้เขียน: AISOLEREN WP
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-15 03:48:30

"Sigurado ka na?"

Iyon ang unang tanong ni Nimuel nang huminto kami sa harap ng isang bar.

Napatingin ako sa malaking neon sign na kumikislap sa madilim na gabi. Halos hindi ko mabasa ang pangalan dahil sa kaba na unti-unting sumisikip sa dibdib ko. Para bang may sariling buhay ang lugar. Ang mga ilaw ay naglalaro sa dilim ng gabi, nagbibigay ng kakaibang kulay sa paligid. Mula sa labas pa lamang ay rinig na ang malakas na tugtog ng musika, ang halakhakan ng mga tao, at ang tunog ng mga basong nagkakabanggaan.

Hindi ko alam kung bakit tila biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Gabi na nang umalis ako sa bahay.

Nagpaalam ako kay Lola na may night shift ako sa bagong trabaho.

Napahigpit ang hawak ko sa strap ng lumang bag na nakasabit sa aking balikat. Hindi ako sanay sa mga ganitong lugar. Hindi ako lumaki sa mundong puno ng alak, sigarilyo, at magulong kasiyahan. Ang alam ko lamang ay ang maliit naming bahay, ang paulit-ulit na problema sa pera, at ang araw-araw na pakikipaglaban para mabuhay.

Kasinungalingan.

Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang totoo.

Tumingin ako kay Nimuel na nakatayo sa tabi ko. Nakasuksok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon habang kalmado akong pinagmamasdan.

Ang totoo, ilang linggo na akong walang matinong trabaho.

"Sigurado ka bang dito tayo?" mahina kong tanong.

Tumango siya.

"Dito ka makakahanap ng trabaho ngayong gabi."

Napayuko ako.

Trabaho.

Noong una, natanggap ako sa isang maliit na opisina. Akala ko iyon na ang simula ng magandang buhay namin ni Lola. Masaya pa ako noon dahil sa wakas magkakaroon na rin kami ng pang-araw-araw na panggastos.

Iyon ang salitang paulit-ulit na umiikot sa isip ko nitong mga nakaraang linggo. Simula nang lumala ang kalagayan ni Lola, wala na akong ibang iniisip kundi kung paano makakakuha ng pera para sa gamot at gastusin namin sa bahay.

Pero hindi nagtagal.

Iyong lalaking nakatrabaho ko, bastos.

Kung makatingin parang hinuhubaran ako gamit ang mga mata niya.

Nang tanggihan ko ang mga biro at pagpapapansin niya, bigla na lamang akong natanggal.

Hanggang ngayon hindi ko alam kung may kinalaman ba ang may-ari ng kumpanya o sadyang malas lang talaga ako.

Pagkatapos noon, sunod-sunod na ang kamalasan.

Iyong pangalawang trabaho ko naman, pinagbintangan akong may gusto raw sa supervisor.

Natawa ako nang una ko iyong marinig.

Pero kalaunan, naging dahilan iyon para pag-initan ako ng mga manager at katrabaho ko.

Pakiramdam ko noon, kahit anong gawin ko ay mali.

Humugot ako ng malalim na buntong-hininga bago muling tumingin sa bar.

Sa labas pa lamang ay puno na ng mamahaling sasakyan ang parking area. May mga lalaking nakasuot ng mamahaling suit at mga babaeng nakabihis ng maiikli at mamahaling damit. Ang iba ay tila mayayaman at makapangyarihan, mga taong hindi kailanman nakaranas mamroblema kung saan kukuha ng pagkain kinabukasan.

Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa lugar na iyon.

Para akong isang naliligaw na ibon na aksidenteng napadpad sa mundo ng mga taong may pera at kapangyarihan.

Napalunok ako nang may ilang lalaki ang dumaan sa harap namin. Nakatingin sila sa akin na para bang sinusuri ang bawat galaw ko. Agad kong iniwas ang tingin.

Napalunok ako nang may ilang lalaki ang dumaan sa harap namin. Nakatingin sila sa akin na para bang sinusuri ang bawat galaw ko. Agad kong iniwas ang tingin.

Nakakailang.

Nakakatakot.

At higit sa lahat, hindi ko maintindihan kung bakit parang may masamang pakiramdam na unti-unting gumagapang sa dibdib ko.

Kapag tahimik ako, suplada.

Kapag ngumiti ako, malandi.

Kapag nagsumikap ako, bida-bida.

Nakakapagod.

Minsan naiisip ko kung may mali ba talaga sa akin.

O baka sadyang hindi lang patas ang mundo para sa mga katulad kong mahirap.

Napabuntong-hininga ako. ang gulo na nang iniisip ko dahil sa ganito parang walang direksyon.

Twenty years old pa lamang ako pero pakiramdam ko apatnapung taon na akong lumalaban sa buhay.

Mula nang mamatay ang mga magulang ko, si Lola na lang ang natitira kong pamilya.

Matanda na siya.

Madalas sumasakit ang katawan niya.

Minsan hindi niya alam na umiiyak ako sa gabi habang iniisip kung saan ako kukuha ng pera para sa gamot niya.

Hindi ko kayang makita siyang nahihirapan. Ngunit wala na akong pagpipilian. Kapag umatras ako ngayon, paano si Lola?Paano ang mga gamot niya?Paano ang mga pangakong binitiwan ko sa kaniya na gagawin ko ang lahat para mapabuti ang buhay namin?Napapikit ako sandali.

Hindi ko maaaring isipin ang takot.Hindi ko maaaring hayaang manaig ang pag-aalinlangan.Dahil sa mundong ginagalawan ko, ang mga taong walang pera ay walang karapatang maging mapili.

Kaya kahit ayaw ko...

Tumalikod ako muli at tumingin sa malaking pintuan ng bar. Sa likod ng mga ilaw, musika, at mga ngiti ng mga taong naroon, pakiramdam ko ay may kung anong naghihintay sa akin.Isang bagay na maaaring magbago ng buong buhay ko.

Kahit natatakot ako...

Narito ako ngayon.

Sa harap ng isang bar.

"Hoy!"

Napapitlag ako nang kalabitin ulit ni Nimuel ang balikat ko.

"Ano? Okay ka lang? Sabi ko sa'yo, walang atrasan dito."

Napayuko ako.

"Parang may mali kasi..."

"Ano'ng mali?"

"Hindi ko alam."

Natawa siya.

"Carlota, trabaho lang ito."

"Pero hindi ako sanay sa ganito."

"Tingnan mo nga ako."

Napatingin ako sa kanya.

"May pera rito. Isang gabi lang. Makakauwi ka rin agad."

Huminga ako nang malalim.

Pera.

Iyon ang dahilan kung bakit nandito ako.

Pera para sa gamot ni Lola.

Pera para sa renta.

Pera para mabuhay.

"Papasok na ba tayo?" tanong niya.

Tumango ako kahit nanginginig ang mga kamay ko.

Pagpasok namin sa loob ay agad akong sinalubong ng malakas na musika.

Makukulay na ilaw.

Usok.

Halakhakan.

Mga taong nagsasayawan.

Mga lalaking nakatingin sa mga babaeng nakasuot ng maiikling damit.

Pakiramdam ko ay hindi ako bagay rito.

Para akong isang ibong naligaw sa maling kagubatan.

Hindi ko alam kung saan ako titingin.

Parang biglang nawala ang lahat ng kumpiyansa ko sa sarili. Hindi ko maitaas nang maayos ang aking paningin dahil sa kaba na unti-unting bumabalot sa buong katawan ko. Mabilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay naririnig iyon ng lahat ng taong nasa paligid. Hindi ko alam kung dapat ba akong tumingin sa kanya, sa sahig, o sa kung anumang bagay na makakatulong para maitago ang namumula kong mukha.

Nanginginig ang mga daliri ko habang pilit kong pinapakalma ang sarili. Sa bawat segundo na lumilipas ay lalo akong nagiging mailap sa kanyang mga mata. Kapag sinusubukan kong silipin siya, agad ko ring iniiwas ang tingin ko na para bang may apoy na kayang sumunog sa akin kapag nagtagal pa ako roon.

Humugot ako ng mababaw na hininga at mahigpit na napakuyom ang aking mga kamay. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang epekto niya sa akin. Para akong isang batang nahuling gumagawa ng kalokohan at ngayon ay hindi alam kung paano haharap sa taong nasa harapan niya.

Sa dami ng bagay na gusto kong sabihin, wala ni isang salita ang gustong lumabas sa aking bibig. Ang tanging alam ko lang ay hindi ko alam kung saan ako titingin habang patuloy niyang inaagaw ang buong atensyon ko.

Lalo akong kinabahan.

Ngunit wala na akong magagawa.

Narito na ako.

Biglang bumukas ang pinto ng VIP area.

At doon ko naramdaman ang kakaibang pagbabago sa paligid.

Tumahimik ang ilang tao.

Ang iba naman ay yumuko.

May mga guwardiyang mabilis na pumuwesto.

Parang may dumating na importante.

Napakunot-noo ako.

"Sino iyon?" tanong ko.

Agad na namutla si Nimuel.

"Huwag kang titingin."

"Ha?"

"Huwag kang titingin sabi."

Mas lalo tuloy akong nagtaka.

Ngunit huli na.

Nalingon ko na ang direksyon ng VIP entrance.

At doon ko siya nakita.

Matangkad.

Naka-itim na suit.

Malapad ang balikat.

Malamig ang ekspresyon.

Ang mga mata niya ay tila kayang basahin ang lahat ng lihim ng isang tao.

Nakakatakot.

Ngunit imposibleng hindi mapatingin.

Para siyang isang hari sa gitna ng kaguluhan.

"Siya ba iyon?" mahina kong tanong.

Tumango si Nimuel.

"Severino, Leandro,Valeriano at Crisanto Olivio Justo" Pagpapakilala nito.

Natawa ang lalaki dahil binuo niya 'yong kanya.

Napalunok ako.marami pala siyang kasama dito.

Hindi ko alam kung bakit pamilyar ang pangalan.

Hanggang sa bigla kong maalala.

Ang kilalang negosyante.

Ang lalaking may ari ng iba't ibang kumpanya.

Ang taong sinasabing kayang pabagsakin ang isang negosyo sa isang utos lamang.

At ayon sa mga tsismis...

Isa rin siyang Mafia Lord.

Ngunit walang makapagpatunay.

Dahil lahat ng nagtatangkang mang-usisa ay bigla na lamang nawawala.

Napayuko ako.

Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot.

Ang mga tsismis tungkol sa kanya.

O ang katotohanang kahit nakakatakot siya...

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

Hindi siya ngumiti.

Hindi rin siya nagsalita.

Pero sapat na ang presensya niya upang matakot ang lahat.

At sa unang pagkakataon...

May kakaibang pakiramdam na bumalot sa dibdib ko.

Parang may nagsasabing mag-ingat.

Parang may bumubulong na ang lalaking iyon ang magiging dahilan kung bakit magbabago ang buhay ko.

Hindi ko pa alam noon na ang simpleng pagpasok sa bar na iyon ang magiging simula ng pinakamapanganib na kabanata ng aking buhay—ang gabing magdadala sa akin sa landas nang isang lalaking hindi ko kailanman dapat nakilala ngunit siya ring tuluyang babago sa aking kapalaran.

At sa oras na mangyari iyon...

Wala nang paraan para umatras pa.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Sold to the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 1)   Chapter 5: Sweet words

    Wala talaga akong gusto sa ganito. Iyong tipong kasama mo siya sa iisang lugar, tapos parang inaasahan nilang okay ka lang—parang normal lang lahat. Napatingin ako kay Crisanto nang mabilis lang. Sandali lang. Parang gusto ko lang siguraduhin na hindi ako nag-iimagine. Pero sa isip ko, ang dami nang pumapasok. Mabilis akong mag-overthink. Kapag tahimik siya, iniisip ko may problema. Kapag nagsasalita siya, iniisip ko baka hindi naman para sa akin. Kapag tumitingin siya, iniisip ko baka may ibang tinitingnan siya. At ngayon… may kausap siyang ibang lalaki tungkol sa kung ano-ano. Mga “sweet words” daw. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ko. "Ayoko nito." ani ko, mahina pero halatang naiirita. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Yung parang ikaw lang yung hindi sigurado sa lahat. Yung parang ikaw lang yung hindi kabilang. Napatingin ako ulit sa kanya. Si Crisanto Olivio Justo. Malamig ang aura niya gaya ng dati. Parang walang pakialam sa mundo. Parang lahat ng si

  • Sold to the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 1)   Chapter 4: Sold

    Bigla siyang sumeryoso. Doon ako natigilan. Parang biglang bumigat ang hangin sa paligid. Kanina lang ay malamig siya, nakakainis, at mayabang—pero ngayon, iba na. Ibang-iba. Hindi na siya mukhang naglalaro. Hindi na siya mukhang nang-aasar. Ngayon, para siyang taong sanay magdesisyon kung buhay o kamatayan ang nakasalalay. Dahan-dahan siyang umayos ng upo. At sa bawat galaw niya, mas lalo akong kinakabahan. Napansin kong huminto ang mga usapan sa paligid. Parang pati sila ramdam ang pagbabago ng atmospera. Tahimik. Nakakatakot na tahimik. Pagkatapos ay tumayo siya. Dahan-dahan. At lumapit sa akin. Mas lalo akong napaatras. Hanggang sa tumama ang likod ko sa sandalan ng upuan. Wala na akong takas. Nakita ko ang mata niya. Malalim. Malamig. Walang emosyon. Parang may binabasang desisyon sa isip niya. "Ilapit mo," malamig niyang utos. Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit ako sumusunod. Pero dahan-dahan kong inilapit ang tenga ko sa ka

  • Sold to the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 1)   Chapter 3: Walang-kwenta

    Ilang oras na kaming nag-uusap ngunit pakiramdam ko ay wala namang nangyayari. Paulit-ulit lang ang mga tanong at sagot. Nakangiti ako paminsan-minsan para maging magalang, pero sa totoo lang ay pagod na pagod na ako. Napabuntong-hininga ako habang palihim na tumitingin sa paligid. Mas mukhang masaya pa ang mga nasa kabilang mesa kaysa sa amin. May mga nagtatawanan, may nagkukuwentuhan, at may mga mukhang komportable na sa kanilang mga kasama. Samantalang ako? Pakiramdam ko ay gusto ko nang umuwi. Unti-unti nang nauubos ang natitirang lakas at pasensya ko sa lugar na ito. Hindi ako komportable sa ingay, sa mga taong hindi ko kilala, at sa mga titig na parang sinusuri ang bawat galaw ko. Habang tumatagal, mas lalo kong nami-miss ang simpleng katahimikan ng bahay. Iyong lugar kung saan hindi ko kailangang magpanggap, ngumiti nang pilit, o makisama sa mga taong wala naman talagang pakialam sa akin. Sa bawat minutong lumilipas, iisa lang ang nasa isip ko—ang matapos na ang gabing

  • Sold to the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 1)   Chapter 2: Happiness

    "Oh! Siya, maiiwan ko na kayo. Akin lang, huwag kang kabahan. Malaki ang bayad sa'yo niyan." pabulong nitong sabi bago sumenyas sa akin at sa iba. Pagkatapos noon ay tuluyan na siyang lumabas ng silid. Isa-isang lumapit ang mga kasamahan ko sa iba't ibang lalaking naroon. Ako naman ay nanatiling nakatayo dahil hindi ko alam kung saan pupunta. Pakiramdam ko ay mali ang bawat galaw ko. Napatingin ako sa isang bakanteng upuan sa tabi ng isang lalaki kaya doon ako nagpunta. Hindi pa man ako nakakaayos ng upo ay naramdaman kong may mga matang nakatingin sa akin. Unti-unti akong napatingin sa paligid. Masyadong maingay at bago sa paningin ko 'yong nakikita ko.Para bang kahit saan ako puwesto may mali akong nagawa. Hanggang sa marinig ko ang isang malamig na boses. "Carlota." Napatingin ako sa pinanggalingan niyon. Ang lalaking nasa gitna ng mahabang mesa ang nagsalita. Nakaupo siya na tila hari sa sarili niyang kaharian. Malamig ang titig. Matigas ang panga. At muk

  • Sold to the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 1)   Chapter 1: Trabaho

    "Sigurado ka na?"Iyon ang unang tanong ni Nimuel nang huminto kami sa harap ng isang bar.Napatingin ako sa malaking neon sign na kumikislap sa madilim na gabi. Halos hindi ko mabasa ang pangalan dahil sa kaba na unti-unting sumisikip sa dibdib ko. Para bang may sariling buhay ang lugar. Ang mga ilaw ay naglalaro sa dilim ng gabi, nagbibigay ng kakaibang kulay sa paligid. Mula sa labas pa lamang ay rinig na ang malakas na tugtog ng musika, ang halakhakan ng mga tao, at ang tunog ng mga basong nagkakabanggaan.Hindi ko alam kung bakit tila biglang bumigat ang pakiramdam ko.Gabi na nang umalis ako sa bahay.Nagpaalam ako kay Lola na may night shift ako sa bagong trabaho.Napahigpit ang hawak ko sa strap ng lumang bag na nakasabit sa aking balikat. Hindi ako sanay sa mga ganitong lugar. Hindi ako lumaki sa mundong puno ng alak, sigarilyo, at magulong kasiyahan. Ang alam ko lamang ay ang maliit naming bahay, ang paulit-ulit na problema sa pera, at ang araw-araw na pakikipaglaban para m

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status