Home / Romance / Stripping for Mr. CEO / Chapter 1: Nowhere to go

Share

Stripping for Mr. CEO
Stripping for Mr. CEO
Author: Crymson

Chapter 1: Nowhere to go

Author: Crymson
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-21 09:39:24

Mikaela’s POV

“Letche, Mikaela! Ilang beses ko bang uulitin na huwang mong gagalawing yung mga gamit ko?!”

Napapikit na lang ako sa sakit dahil naramdaman kong tumama sa mukha ko ang isang mamahaling sapatos. Paghawak ko sa aking pisngi ay nakaramdam ako ng hapdi dahil nagkasugat na pala ako.

Si Leslie, pinsan ko, twenty-three years old na walang trabaho, pero kung umasta, akala mo siya ang nagpapalamon sakin.

“Les, sabi ng mama mo linisin ko raw yung kwarto mo. Sinusunod ko lang nama-”

“Did I ask you to explain?”

Hindi na ako sumagot at baka batuhin naman ako ng hawak niyang bag.

“Ano? Ngayon ka sumagot! Sagot!” Ika niya habang tinutulak tulak ako.

Palagi naman niya akong pinag diskitahan, maski sa university ay ginagawa niya akong alipin.

Hinahayaan niya akong pagtawanan at kawawain ng lahat.

“My gosh, you’re so annoying. Kaya ka pinabayaan ng magulang mo, eh”

Napayuko na lang ako. That one hurt. Hindi dahil ngayon lang niya yan sinabi, pero halos araw araw niya pinapamukha sa akin na iniwan ako ng magulang ko.

“Tignan mo dinumihan mo pa ang sapatos ko!” dagdag pa niya habang dinuduro sa akin ang sapatos na binato niya.

“Leslie!”

Sumigaw si Tita at akala ko sasawayin na niya ang anak niya.

Si Tita Evelyn ay kapatid ni Mama. Noong 20 years old ako, nawalan na akong ng magulang dahil sa isang aksidente, kaya sila Tita na ang kumupkop sa’kin.

“Yes, ma?” Sagot ni Leslie

“Anong kaguluhan to?”

“Ma, ‘yan kasing katulong mo, sinira ‘tong mamahalin kong sapatos.”

Sobrang sinungaling. Tinawag pa akong katulong. Mas mabuti pa nga ang ibang kasambahay, bayad ang trabaho nila. Samantalang ako, free labor na nga, wala pang matinong pagkain.

Mas mabuti pa ang mga alagang aso at pusa sa bahay na ‘to, nakakakain tatlong beses sa isang araw.

Ako? Swertihan pa kung may matitirang ulam, kahit na ako mismo ang nagluluto.

“Oh ano? Bakit hindi ka pa nagluluto ng hapunan, Mikaela? Alas-sais na!”

Of course. Ako pa rin ang mali.

“Tita, kakatapos ko lang po kasi maglaba at-”

“Puro ka dahilan! Palamunin ka na nga dito, pinag-aaral ka pa namin, at may gana ka pang sumagot sagot?

Napatingin na lang ako sa sahig kasabay ang malalim na pag-buntong hininga.

Pinag-aaral?

Twenty-two na ako, 3rd year college student, and I had been paying my own tuition for 2 years.

The only thing they provided ay isang maliit na storage room katabi ng kitchen, na mas malaki pa ang kulungan ng aso kesa sa kwarto ko.

At ang simpleng mabuhay sa pamamahay na ‘to ay binabayaran ko araw-araw gamit ang dignidad ko.

“Sorry po” wala naman akong ibang magagawa kundi magpakumbaba, kundi, wala akong kakainin.

“Sorry nang sorry! Wala ka bang ibang alam sabihin?”

Gusto siyang sagutin, gusto kong sabihin na pagod na ako at hindi ako katulong.

Gusto kong sabihin na hindi porke’t namatay ang mga magulang ko, may karapatan na silang tratuhin akong parang basura.

Pero hindi ko ginawa. Pumunta na lang akong kusina at nagsimulang magluto.

I couldn’t even defend myself.

Everytime na susubukan ko, isa lang parati ang pinapaalala ni tita.

“Kung hindi dahil sa amin, baka matagal ka nang namatay sa gutom”

Kaya mas pipiliin ko na lang manahimik, kesa sa walang makain

__________________________________________________________________________________________________________________

Pagkatapos nilang mag-hapunan ay ako naman ang susunod na kakain.

Ganito lagi ang senaryo tuwing kainan, kung ano lang ang natira nila, yun lang ang kakainin ko. Pero sa gabing ‘to, ni mugmog ng ulam ay walang itinira sa’kin.

Kinain ko na lamang ang natirang kanin na halos limang subo lang at saka ako nag-ulam ng toyo.

Pangako ko sa sarili ko, magkakaron din ako ng magandang buhay.

“Hoy Mikaela!” Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay narinig ko ang sigaw ni Tito Roberto.

Pagbaba ko, nakita kong nakaupo siya sa sofa, may hawak na beer, at galit na nakatingin sa akin.

“Halika nga rito.”

Lumapit ako.

“Ano po ‘yon, Tito?”

“May nawawalang pera sa kwarto namin. Thirty thousand.”

Kumunot ang noo ko habang iniisip kung paano nawala iyon.

“Talaga?” Tumayo siya at lumapit sa akin.

“Eh bakit sabi ni Leslie nakita ka raw niyang pumasok sa kwarto namin?

“Nililinis ko lang po kasi–”

SLAP!

Napahawak ako sa pisngi ko.

For a second, I couldn’t even breathe. Sobrang sakit dahil sinampal niya ako sa parteng sinugatan ni Leslie.

“Wag kang magsisinungaling sa akin!”

Hinila niya ang buhok ko at kinaladkad mula sala hanggang sa may pintuan ng bahay.

“Tito, hindi po ako kumuha! Hindi ko po magagawa yon-” Sigaw ko habang pinipigilan ang masakit na pag hila niya sa buhok ko.

“Lumayas ka.” Madiin niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.

Nanghina ako.

“Po? Bakit po?” Naiiyak na ako. Hindi ko na alam ang gagawin.

“Sabi ko LUMAYAS KA! Kung ayaw mong ipakulong kita!”

Napatingin ako kay Tita Evelyn, akala ko tutulungan niya ako, akala ko maiisip niya lahat ng itinulong sa kaniya ni mama, pero wala siyang puso.

Ang kapal nilang palayasin ako sa sarili kong pamamahay.

Lumingon ako kay Leslie. She was smiling.

And that was when something inside me finally snapped.

“Sige” tumayo ako at humarap sa kanila.

Natigilan silang lahat

“Aalis ako.” malamig kong sabi.

Tumakbo ako sa kwarto at kinuha ang mga gamit ko..

Napagtanto ko rin na ang tanging meron lang ako ay isang lumang backpack, tatlong damit, dalawang pantalon, isang pares ng sapatos, school ID, ilang dokumento, at ang natitira kong pera.

₱1,840.

Palabas na sana ako ng bahay pero napahinto ako sa malakas na tawa ni Leslie.

“Sawakas mawawalan na rin ng sampid”

Tinitigan ko siya nang malalim.

“Talaga ba? Sa pagkakaalam ko, kayo ng pamilya mo ang sampid dito sa pamamahay ko.”

“At talagang sasagot ka pa-” Sasampalin niya sana ako ulit pero napigilan ko siya.

“Tatandaan mo ‘to Leslie, babalikan ko kayo at kukunin ko ang lahat ng sa’kin”

Sinabi ko ‘yan nang may diin at agad nang lumabas ng bahay.

Paglabas ko ng p***o, sumalubong ang malakas na ulan.

Tumulo ang luha ko hindi sa dahilan na wala akong payong, pero sa dahilan na wala akong pupuntahan.

Habang naglalakad ako sa madilim na kalsada, may isang bagay akong ipinangako sa sarili ko.

Maghihiganti ako.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Stripping for Mr. CEO   Chapter 8: Justice

    Mikaela's POV“Uy Bes…”Lumapit si Stella sa akin habang nakatingin kay Adrian.“Ang pogi ng boss mo!” bulong ni Stella sa akin.Kahit kelan talaga.“Stella! Hindi ito ang tamang panahon!”Umiling na lang ako at nag focus sa mga nangyayari.“Miss Reyes.”Napalingon ako kay Adrian.“Yes, sir?”“Are you alright?”“Opo.”Bago pa ako makapagsalita, natigilan kaming lahat sa malakas na tawa ni Leslie.“Oh, please! Mr. Villanueva, don't waste your time on her.”Tumingin kaming lahat sa kaniya.“She's nothing but a pathetic orphan who steals from people!”“Anong sinabi mo?” Galit na tanong ko sa kaniya.“What? Totoo naman!”Ngumisi siya at dahan dahang lumapit pa sa akin.“Alam niyo ba? We took her in after her parents died. Pinakain namin, pinag-aral, binigyan ng bahay. And how did she repay us?”She smiled maliciously.“By stealing thirty thousand pesos from my parents!”Putangina.Hindi pa rin siya tumitigil.“That's a lie!” sigaw ni Stella.Umirap lang si Leslie at muling tumawa.“Shut u

  • Stripping for Mr. CEO   Chapter 7: Mr. Savior

    Mikaela's POVAdrian?Napakurap ako nang makita kong papasok sa clothing store si Adrian.Mukhang nag-palit na siya ng damit.He’s now wearing a black suit, his hair is perfectly styled, and you can smell his perfume from miles away.Tangina.Bakit ba kahit simpleng paglalakad lang, parang may background music ang lalaking to?“OH MY GOD! GIRLS! THAT’S ADRIAN VILLANUEVA!” Sigaw ng isang kaibigan ni Leslie.“THE YOUNGEST AND RICHEST CEO?!” Sagot naman ng isa.Napalingon si Leslie sa entrance at biglang inayos ang buhok niya.Ay, wow. Kanina gusto akong ipakulong, ngayon gusto nang magpa-cute.Napailing na lang ako. Pero hindi ko na siya napansin dahil mas nag-aalala ako sa mangyayari sa akin.“Ma'am, your bag, please.”Bumalik ang atensyon ko sa sales associate na kanina pa naghihintay.“Ate, wala po akong ninakaw.”“Ma'am, we just need to check.”“Then check the CCTV first,” sagot ni Stella.“Miss, kung wala naman siyang tinatago, bakit ayaw niyang ipakita ang bag niya?” Singit ni Les

  • Stripping for Mr. CEO   Chapter 6: Accused

    Mikaela’s POVAdrian VillanuevaAdrian freaking Villaneva!Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na ang lalaking nakahalikan ko sa club ay ang mismong may-ari ng kumpanyang gusto kong pag-applyan.At mas lalong hindi ako makapaniwala na tinanggap niya ako.WITHOUT EVEN LOOKING AT MY RESUME!“BESSS!!! ANO NA??”Napatalon ako nang biglang sumulpot si Stella sa harapan ko.“JUSKO KA1 GUSTO MO BA AKONG PATAYIN?”“Kanina pa talaga kita tinatawag! Ano nangyari? Bakit ang tagal mo? Natanggap ka ba?Hindi ko alam kung paano ko ikukwento sa kaniya yung nangyari kanina.“Bes…”“Ano?”“May trabaho na ako.”For three seconds, tinignan niya lang ako.“AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH” Sobrang lakas ng sigaw niya, halos pag-tinginan na kami ng lahat.“Hoy! Tumahimik ka nga! Ang ingay mo!!!”“Oh my gossshhh! Congrats, bitchhhh!”Niyakap niya ako nang mahigpit habang halos tumatalon kami sa gitna ng mall.“Wait! Paano ka natanggap? Akala ko mag-a-apply ka pa lang?”“Mahabang kwento.”“Eh ‘di ikwento

  • Stripping for Mr. CEO   Chapter 3: Mr. CEO's Kiss

    Mikaela’s POV“Then show me what you’ve got, Scarlet”Napalunok ako.Tangina. Bakit ba kasi ang gwapo niya?Kung hindi lang ako nangangailangan ng pera, baka ako pa mismo ang magbabayad makatitig lang sa mukha niya.“Are you nervous?” tanong niya habang pabalik sa mamahaling sofa.“Hindi ah.” Naiwan akong naka tayo sa may pader.He raised an eyebrow.“Talaga?”“O-oo”“Then why are your hand shaking?”Agad kong itinago ang kamay ko sa likod.“Aircon”Napailing lang siya habang nakangiti.“Come here” Ika nya habang tinapik ang sofa upang maupo ako.I hesitated. Pero sinunod ko pa rin.“Why?”“I want to ask you something.”Magkatabi na kami ngayon sa sofa.He looked at me.“Are you comfortable with me touching you?”Natigilan ako. Medyo lasing na siya pero maayos pa rin kausap. “Depends” Panloloko kong sabi“On what?’“Kung saan”“Fair answer” He gave a quiet laugh.Tinitigan niya ako. Onti onti kong nararamdaman na bumabagal ang paligid at bumibilis ang tibok ng puso ko. Lumapit siya

  • Stripping for Mr. CEO   Chapter 5: You're Hired

    Mikaela’s POV“SHIT! SIR, I’M SO SORRY!”Agad akong kumuha ng tissue sa bag ko at sinubukang punasan ang dibdib niya.“Sorry po talaga! Hindi ko kayo nakita!”Bigla niyang hinawakan ang pulso ko.“Stop.”Napatingala ako.And holy shit.Ang gwapo niya pa rin. Ang gwapo niya talaga. Ang gwapo niya-Pero mukhang gusto niya akong patayin.“Do you have any idea what you've just done?” malamig niyang tanong.“Opo! Natapunan ko po kayo ng kape!”He stared at me. Gusto kong magpakain sa lupa, kaso walang lupa dito, tiles lang. Gusto kong magpakain sa tiles.“I can see that.”“Sorry po talaga!”Sinubukan kong punasan ulit ang damit niya pero hindi niya ako pinayagan.“Will you stop touching me?”Agad kong binawi ang kamay ko.“Sorry!”He took a deep breath.“Do you always walk around without looking where you're going?”Napakurap ako.Ay wow.“Sir, nag-sorry na po ako.”“And does apologizing remove the stain?”“Hindi naman po, pero—”“Then what's the point?”Napatingin ako sa kaniya.Grabe nam

  • Stripping for Mr. CEO   Chapter 2: Call me Scarlet

    Mikaela’s POV“Salamat, Stella sa pagpapatira sa’kin. I promise to pay you back.”“Naku, ano ka ba? Simula highschool tinutulungan mo na ako, this is just my way of giving back sa bestie ko”Napangiti ako. Kahit papaano may nagmamahal pa sa akin.Si Stella ay matagal ko ng kaibigan. Simula nung highschool pa lamang kami ay magkaibigan na kami.Ulila na rin siya sa magulang, ang tanging kasama na lamang niya sa bahay ay ang Lola niya na may sakit na cancer.Noong high school kami, si Stella ay laging binubully dahil sa mahirap lang ang pamilya niya. Kaya lahat ng meron ako, hinahatian ko siya. Marangya naman ang pamilya namin at kaya kong magbigay ng sobra.Ngayong college na kami, hindi na kami gaanong nagkikita dahil ang course niya ay accountancy, ako naman ay marketing.“Di ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Baka kung ano na nangyari sa’kin sa daan”“Wala yun! Pero ano na ang plano mo niyan?”“Syempre, maghahanap agad ako ng trabaho bukas. Hindi ako mabubuhay nitong natitira kong

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status