(Seven year's old)
"Close your fist tighter, Shan!" Sigaw ni daddy sa labas ng training grounds na mariing nakatingin sa aking pakikipaglaban sa isa sa mga binatang bodyguards niya. Agad ko namang kinuyom ang aking mga kamao at inayos ang pagkakatindig sa harap ng aking kalaban.Inambahan niya ako ng suntok na agad ko namang naiwasan at hinawakan ang kanyang kanang kamay sabay na pinaikot siya patalikod at binigyan ng isang malakas na sipa sa uluhan dahilan para mawalan siya ng balanse. Dali-dali akong pumunta sa harapan niya upang sipain siya sa kanyang tiyan na siyang nakapagpaluhod sa kanya, hindi na ako nagsayang pa ng oras dahil nang nakaluhod ang isang tuhod niya sa lupa, ay agad-agad kong pinatigas ang aking dalawang kamao tsaka nagpakawala ng ilang suntok sa kanyang mukha bago tinira ang kanyang batok dahilan para mawalan ito ng malay.
Habol-hininga at naliligo sa pawis akong napaupo sa lupa dala ng pagod. Kaagad na pumasok sa training grounds ang ibang bodyguards ni daddy para kunin ang huling nakalaban ko sa araw na ito. Tatlo ang nakalaban ko at lahat sila ay nawalan ng malay hindi ko alam kung paano ko iyon nagawa dahil sinusunod ko lang naman ang utos ni daddy.
"Your strength wasn't still enough. Tomorrow morning you're still going to train here at exactly 4:00 AM." Pinal na sinabi niya bago ako talikuran at iwan sa training grounds. Tumayo naman ako para mag umpisa ulit sa pag-eensayo.
Simula nong tumuntong ako sa edad na pito, ay agad akong tinuruan ni daddy kung paano makipaglaban, walong buwan narin akong nag-eensayo pero parang hindi parin sapat sa kanya ang lakas at kakayahan ko kaya hanggang ngayon ay ang Ynera training grounds pa rin ang aking naging pansamantalang tahanan.
(Nine year's old)
Kasalukuyan kong pinagpa-praktisan ang kutsilyong hawak-hawak ko habang hinihintay na dumating ang aking mga magiging kalaban sa loob ng training grounds na ito. Dalawang binata ang makaka-kalaban ko sa isang round kaya naman ay matinding pokus at ensayo ang aking ginawa. Narinig ko ang pagbukas ng pinto dahilan para mapalingon ako doon at nakita si daddy na may kasamang apat na lalaki. Iyong dalawa ay ang aking magiging kalaban at iyong dalawa naman ay taganood na rin sa aming laban."I hope you're stronger now," malamig at walang emosyon na sinabi ni daddy bago lumabas sa training grounds at doon nanood sa pagitan ng salamin na nakaharang.
Hindi ko na pinansin si daddy at ipinosisyon na lang ang aking sarili. Pinalibutan naman ako ng dalawa kong kalaban, ang isa ay nasa aking harapan at ang isa ay nasa aking likuran. Pinapakiramdaman ko silang dalawa habang mahigpit na hinahawakan ang aking kutsilyo. Akmang susugurin ako nung nasa aking likuran nang bigla akong tumalon patalikod upang mapantayan ang kanyang mukha bago pinakawalan ang isang malakas na sipa. Kaagad ko itong napatumba bago bumaling sa isa pang kalaban na susugod rin sana sa akin, nang sa di-inaasahan ay bigla kong tinapakan ang ulo ng natumbang kalaban at doon kumuha ng lakas para tumalon at sipain rin ng malakas sa kanyang ulo. Napatumba ko silang dalawa ngunit agad ring nakatayo at sinubukang kunin ang hawak kong matalim na kutsilyo. Hindi ko sila binigyan ng pagkakataong lumapit sa akin. Bigla kong inihagis ang hawak kong kutsilyo sa ere at pumunta sa likod ng isa kong kalaban bago ito sinalo at isinaksak sa kanyang balikat hudyat na iisa nalang ang aking kalaban. Naramdaman kong papalapit na ang aking isa pang kalaban kaya walang anoma'y hinugot ko ang kutsilyo sa kanyang balikat at saktong paghagis ko ng kutsilyo sa kanya ay tumama rin ito sa kanyang balikat na naging sanhi ng pagkapanalo ko.
Hingal na hingal at hapong-hapo sa pagod akong nakatingin sa dalawang kalaban kong duguan na inaalalayan ng dalawang kasama ni daddy kanina.
"Still not enough. You need to impress me, Shan." Komento ni daddy na dali-dali ko namang tinanguan. Hindi na nagsalita ulit si daddy at agad na lumabas ng training grounds kasama ang dalawang kalaban ko na duguan.
Sinadya ko talagang sa balikat lang ipatama ang kutsilyo dahil ayaw kong pumatay ng tao sa ganito kamurang edad. Alam ko na kaya totoong kutsilyo ang ipinagamit ni daddy sa akin para patayin ko ang dalawa kong kalaban, pero hindi iyon ang ginawa ko kaya hindi nanaman siya humanga.
Tumingin ako sa aking dalawang kamay na nababalot ng dugo ng aking mga naging kalaban at tsaka ako binalot ng kung ano mang konsensya dahil sa aking maling ginawa. Alam kong mali pero pinili ko paring gawin para mapahanga ko ang aking ama.
(15 year's old)
"You should shoot that three bullets in the bulls eye." Utos ni daddy habang nakatayo sa tabi ko, agad naman akong tumango at kinuha ang headphone at inilagay sa aking tainga bago sinuot ang black gloves at agad na kinuha ang baril na nasa aking harapan. Sunod ko naman itong nilagyan ng tatlong bala bago ipinosisyon ang aking katawan at dalawang kamay.Tinignan ko ng maayos ang bulls eye bago inasinta ito at pinakawalan ng sunod-sunod ang tatlong bala. Pagkatapos no'n ay agad ko namang tinanggal ang headphone at gloves bago tinignan ang aking tira. Tatlong bala ang ipinutok ko pero iisang butas lang ang makikita, malamang ay naasinta ko ito ng maayos kaya ganon ang resulta.
Binalingan ko si daddy at tumango-tango naman siya.
"Next, shoot the head." Sabi ni daddy na bahagyang nakaturo sa target.
Tumango naman ako kaagad at bumalik sa aking pwesto bago ko ipinosisyon ang aking sarili at itinutok ito sa ulo ng pigyura. Tatlong bala ang aking pinakawalan at nung tinignan ko ito ay ganon ulit ang resulta, isang butas lang ang makikita sa may bandang ulo dahilan para tanguan ulit ako ni daddy.
"This time, pull the trigger on the pelvis." Nanghahamong utos niya na agad ko namang sinunod.
Ipinosisyon ko ulit ang aking sarili at pinakawalan ang tatlong bala bago tinignan kung tumama ba ito sa tamang direksyon. Nakita kong sapul na sapul ulit ang aking pagkaka-asinta dahilan para mapangiti ako.
"Good. Continue your practice until 10:00 PM." Komento niya at wala man lang pasabi na tinalikuran ako bago dire-diretsong lumabas ng training grounds.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga habang blangkong nakatingin sa pintuang nilabasan niya.
Wala akong nakikitang paghanga sa bawat reaksyon niya kanina, pinanghihinaan na ako ng loob pero hindi pwede.
Hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong gawin para mapahanga ko si dad, pero hinding-hindi ako susuko dahil ipinangako ko sa aking sarili na susundin ko lahat ng utos niya, madali man ito o mahirap.
Zach's Pov: I suddenly remember what my Ate said before she left us, "You shouldn't hurt your woman, Zach. Women are the most precious thing in the world. They may be complicated, but trust me they can change your life in the most unexpected way." she said while holding the chopsticks, eating some ramyeon directly on our pot. I smiled before nodding at what she have said. I'm so glad that I have a sister like her. She guides me in many ways. She helps me when I'm down. She teaches me how to love and treat a girl nicely, that's why when I met Shaneylhey, I did my very best just for me to deserve her. Shaneylhey is the most adorable woman that I met even though she's scary at some times. I couldn't deny how she changed my doomed life after my Ate died. She helped me stand on my own and to be strong, facing all my fears and weaknesses. She changed me, and I want to do something for her in return. She deserves the world more than anything.
Author's Pov:"Maganda gabi sayo, Drex." Kaswal na pagbati ni Nick kay Drex habang patuloy na naglalakad. Lumabas siya sa kanyang pinagtataguan upang harapin silang lahat.Nakita ni Nick nang sabay-sabay siyang nilingon ng lahat na ngayo'y gulat na gulat at hindi makapaniwala. Nakaawang ang kanilang mga labi at nanlalaki ang mga mata, nagtataka kung papaano nakarating rito si Nick, maliban na lamang kay Shan na mukha hindi man lang nagulat nang makita siya."Nick," wala sa sariling bulong ni Margou na hindi pa rin mawala ang pagkagitla matapos makita si Nick. Nakaawang ang mga labi ni Margou tila hindi makapaniwala ngunit labis na namangha sa hindi malaman na dahilan bago napailing-iling na lamang sa sarili. Nakalimutan niyang nasa likod lang pala nila ang control room, kung nasaan si Nick."Kamusta ka na?" Pagsasalita pa ni Nick at huminto ng ilang dipa ang layo mula sa kanila. "Patay na ba yan?" Nguso niya sa duguang tauhan ni Drex na
Author's PovKalangitang walang bituin at buwan, kalangitang nababalutan ng kadiliman ay siyang kalangitang masasaksihan ang kasamaan. Mag-aala una na ng madaling araw ngunit gising na gising pa rin ang diwa ni Shan. Kanina ay sapilitan silang hinila ng mga tauhan ni Mr. Drex patungong rooftop habang si Shan ay nakatulala lamang sa kawalan at hindi pa rin tuluyang naproproseso sa utak na kasama niya ngayon si Zach.Gulat na gulat siya nang makita ang binata kanina, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung sakaling mapahamak ito. Hindi niya alam kung anong gagawin kung sakaling madamay ito sa gulo niya. Unti-unting namumuo ang malamig na pawis ni Shan sa kanyang noo dulot ng matinding kaba kasabay ng panlalamig ng buong katawan dahil sa takot at pangamba. Nangangamba siya na baka mapahamak si Zach, natatakot siya na baka madamay ito sa gulo niya, kinakabahan siya sa mga posibleng mangyari lalo pa't dinala sila ni Drex sa rooftop. Hindi niya mawari kung anong
Margou's Pov: Kasalukuyan akong nakaupo sa back seat ng kotse ni Drex habang nakikipagplastikan sa kanya. Kanina pa ito nagsasalita at mukhang hindi pa gustong tumigil kakachika sa akin. "You need to kill Shan as soon as possible," biglang utos ni Drex sa akin. Agad na tumaas ang isa kong kilay. Sino siya para utos-utosan ako? Hibang ba siya? "Copy boss," irap kong tugon bago sumandal sa upuan tsaka luminga-linga sa labas ng bintana. Kanina ko pa kino-kontak 'yong bwiset na Yhurlo na iyon pero ni hindi man lang napag-isipang sagutin ang mga tawag ko. Alam ba niyang maaaring pumalpak ang plano namin pag nagkataong hindi ito nagtugma sa planong ginawa ni Shan? Naku! Ako talaga ang naiirita sa lalaking yan. Habang pa
Author's PovMaagang naglakbay sina Shan at Yhurlo sa isang madilim at masukal na daanan patungong hideout ni Mr. Drex. Naglalakihang mga puno at nakakatakot na mga mababangis na hayop ang kanilang nadaanan. Mga tunog ng kuliglig na siyang umaalingawngaw sa buong paligid at mga alitaptap na malayang nakakapaglipad sa ere na siyang nagbibigay ng konting liwanag sa kanilang tinatahak na destinasyon. Malalakas ang paghampas ng malalim na tubig na nanggagaling mula sa ilog na iilang kilometro lamang ang layo sa kinaroroonan ng teritoryo ni Mr. Drex. Kanina pa naglalakad sina Shan at Yhurlo na patuloy lamang na sinusunod ang ingay na nagmumula sa malawak na ilog, wala silang eksaktong destinasyon at naglalakad ng walang kasiguraduhan. Maya-maya pa ay natanaw na ng dalaga ang napakalaki at napakataas na gusaling nakikita niya mula sa kanilang nilalakaran. Mabilis niyang hinila si Yhurlo para pilitin itong maglakad dahil kanina pa ito hapong-hapo at pagod na pagod sa paglalakad. Wal
Author's PovAbalang-abala si Yhurlo sa paghahanda ng kanyang mga kagamitang maaari nilang gamitin laban kay Mr. Drex. Lahat ng sa tingin niya ay importante ay inilalagay niya na lang sa loob ng bag kahit pa hindi iyon ang sinabi sa kanya ng dalaga.Habang nag-iimpake ay biglang napaisip si Yhurlo. Hindi pa rin siya makapaniwala nang malaman na kung hindi niya sasamahan si Shan ay mag-isa lamang itong haharap kay Mr. Drex upang patayin at tapusin raw ang kaguluhan na dinulot nito. Kaguluhang matagal ng gustong takasan ni Shan, kaguluhang ayaw niyang patagalin at panatilihin sa kanyang buhay.Alam ni Yhurlo kung gaano kadelikado at kapanganib na makaharap ang taong iyon dahil minsan na niyang nasaksihan ang barilan sa pagitan ni Shan at Mr. Drex nung panahong nagdidiwang ang dalaga ng kanyang selebrasyon, kaya nang hingan siya ni Shan ng tulong ay agad niya itong tinanggap nang walang pag-alinlangan. Ayaw
Kasalukuyan akong nakatayo sa malaking salamin na nasa harapan ko. Masinsinan kong pinagmamasdan ang bawat detalye ng aking pagkatao hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa matang nagsisilbing repleksyon ko. Tinitigan ko ang sarili kong mga mata sa pamamagitan ng salamin animo'y ito lamang ang paraan para mas lalo kong kilalanin ang sarili. Pakiramdam ko'y hindi ko ata tunay na kilala ang pagkatao ko dahil bukod sa hindi ko magawang sundin ang mga ninanais ang aking puso ay hindi ko rin magawang ipakita sa iba kung sino talaga ako. Ilang segundo pa akong nakipagtitigan sa aking repleksyon hanggang sa magpakawala ako ng isang malalim na hininga bago pinasadahan ng paningin ang damit na suot ko. Isang flanelle bishop sleeve at skinny fit jeans na bumabalandra sa mahaba at maliit kong mga binti ang naisipan kong isuot ngayon. Hindi na ako ganoong nag-ayos dahil wala rin naman talaga akong intensyon na pumunta sa aming tahanan. Pagkatapos kong magsuklay a
Gulong-gulo na ang aking isipan. Hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa sunod-sunod na nangyayari lalo na nitong mga nakaraang araw. Parang kailan lang noong magkakilala kami ni Zach, hanggang sa ngayo'y napalapit na ang kalooban ko sa kanya nang hindi ko man lang namamalayan. Parang kailan lang nang halos gawin ni Mr. Drex ang lahat para lamang patayin ako at heto siya't nag-utos muli ng mga taong sa tingin niyang magpapadali sa buhay ko. Parang kailan lang nang dumating sina Margou sa aming samahan para traydurin at lokohin kami. Para saktan ang puso ko at patayin ang ama ko. Pero kahit na gano'n sila, hindi ko naman magawang magalit at kwestiyonin ang mga naging desisyon nila dahil kung ako ang nasa posisyon nila'y tiyak na gagawin ko rin ang ginagawa nila ngayon. Nagkakabuhol-buhol na ang mga pangyayari sa aking isipan lalo na nang maalala ko na naman ang kasamaan na ginawa ng aking ama. Hindi ko alam kung kanino ba dapat ako magagalit at kung k
Nanghihina at wala sa sariling isinandal ko ang aking katawan sa back seat at napahinga ng malalim na hininga matapos makitang tuluyan nang nakapasok si Zach sa loob ng Police Station. Humugot ako ang ng malalim na hininga tsaka ito inipon sa loob ng aking bibig at pinalobo ang pisnge. Iiling-iling kong pinakawalan ang hiningang naipon sa aking bibig tsaka hinayaan ang sarili na tumulala sa kawalan. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang gawin ko. Kung dapat ko bang patuloy na sundin lahat ng iniuutos ni Dad, o panahon na para itama ko ang lahat ng pagkakamaling nagawa namin para matapos na ang lahat ng ito? May parte sa akin na gusto ng isuko ang sarili sa mga pulis nang sa gayon ay hindi na madamay pa ang iba ngunit may malaking parte rin sa'king kaloob-looban na kapag ginawa ko iyon ay tiyak na mas magiging magulo lamang ang lahat. Inis na sinabunutan ko ang aking sarili tsaka mahinang iniuntog-untog ang likod ng u