홈 / Romance / THE BILLIONAIRE'S REVENGE BRIDE / ANG PANGALAN NG TUNAY NA AMA

공유

ANG PANGALAN NG TUNAY NA AMA

작가: Aevren Veylor
last update 게시일: 2026-11-10 22:37:50

Hindi nakatulog nang maayos si Isabella nang gabing iyon.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip nya ang mga salitang nabasa sa liham.

Kung sakaling malaman ni Isabella na hindi siya tunay na anak ni Elena Valdez, kailangan niyang malaman kung sino ang tunay niyang ama.

Sino ang lalaking tinutukoy ni Mama? Bakit niya itinago sa akin ang katotohanan? At bakit tila napakaraming taong handang gumawa ng lahat para manatiling sikreto ang pagkatao ng aking tunay na ama?

Kinabukasan, maagang bumaba si Isabella sa sala. Naroon na si Alexander, abala sa pagbabasa ng ilang dokumento.

“Handa ka na?” tanong niya nang mapansin ako.

“Saan tayo pupunta?”nagtatakang tanong nito,

“Sa hospital. Kailangan nating hanapin ang nurse na sinabi ko sa iyo.”

Tumango ako. Wala na akong ibang gustong gawin kundi malaman ang totoo. Pagod na akong mabuhay sa gitna ng mga lihim na matagal nang itinago sa akin.

Halos isang oras ang biyahe bago kami makarating sa lumang ospital kung saan namatay si Victoria.

Hindi na ito kasing-abala ng dati. May ilang bahagi ng gusali na nangangailangan na ng pagkukumpuni, at kakaunti na lamang ang mga taong naglalakad sa pasilyo.

Lumapit kami sa information desk.

“Magandang umaga. Hinahanap namin si Nurse Beatrice,” sabi ni Alexander.

Tiningnan ng babaeng nasa counter ang kanyang computer.

“May appointment po ba kayo?”

“Wala. Kailangan lang naming makausap siya tungkol sa isang dating pasyente.”

Ilang sandali siyang naghanap sa records bago nagsalita.

“Matagal na po siyang hindi nagtatrabaho rito. Pero may natitira pa kaming address niya.”

Iniabot niya ang isang papel kay Alexander.

Bago kami tuluyang makaalis, muli siyang nagsalita.

“May dalawang lalaki rin pong naghanap sa kanya kahapon.”sambit nya

Napahinto si Alexander.

“May sinabi ba silang pangalan?”pagtatakang tanong nya

“Wala po. Pero mukhang seryoso ang pakay nila.”

Nagkatinginan kami. Hindi lang pala kami ang naghahanap kay Beatrice. At kung may ibang taong nauuna sa amin, posibleng mas malaki ang panganib kaysa sa inaakala ko.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating kami sa isang maliit na bahay sa isang tahimik na barangay.

Tatlong beses kumatok, si Alexander bago bumukas ang p***o.

Isang matandang babae ang sumilip mula sa loob. Nang makita niya si Isabella, bigla siyang napahawak sa dibdib nang may pagkagulat.

“Elena!?”

Napakunot ang noo ko.

“Pasensya na po. Ako si Isabella. Anak po ako ni Elena Valdez.”

Matagal siyang nakatitig sa akin. Para bang may hinahanap siyang pagkakahawig sa mukha ko.

“Isabella…” mahinang sambit niya.

“Kayo po ba si Nurse Beatrice?”

Tumango siya at binuksan nang mas maluwang ang p***o.

“Pumasok kayo. May mga bagay kang dapat malaman at matagal ko nang gustong sabihin ito.”

Pagkasara ng p***o, inalok niya kami ng mauupuan. Ngunit hindi ako mapakali.

“Kilala niyo po baang nanay ko?” tanong ko.

Napabuntong-hininga ang matanda.

“Hindi ko malilimutan ang araw na dumating siya sa hospital. May karga siyang sanggol. Ikaw iyon, Isabella.”

“Ako?”

“Oo. 24 years ago.. Halatang takot na takot ang nanay mo. Paulit-ulit niyang sinasabi na kailangan niyang iligtas ang anak niya.”

Napahawak ako sa gilid ng upuan.

“Bakit niya kailangang iligtas ako?”nagtatakang tanong nya.

Hindi agad sumagot ang matanda.inaalala ang mga nangyari noon.

“May mga taong gustong itago ang pagkatao mo. May isang lalaking dumating sa hospital at nag-utos na huwag ilagay sa records ang tunay mong impormasyon.”

“Anong pangalan niya?”

“Hindi ko alam kung sino siya noon. Pero malinaw sa akin ang sinabi niya. Walang sinuman ang dapat makaalam kung sino ang tunay mong ama.”

Napatingin ako kay Alexander. Tahimik siya, pero halatang nakatuon ang buong atensyon niya sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Beatrice.

“Kung ganoon… sino po ang tunay kong ama?”tanong ni Isabella

Dahan-dahang tumayo ang matanda at nagtungo sa isang lumang aparador. Kumuha siya ng maliit na sobre at iniabot iyon sa akin.

“Ang pangalan niya ay Adrian Reyes.”

Parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid.

“Adrian… Reyes?” ulit ko.

Tumango siya.

“Nakasulat ang pangalan niya sa orihinal mong birth record. Hindi iyon ang dokumentong ginamit sa hospital dahil may nag-utos na baguhin ang impormasyon.”

Nanginginig ang mga daliri kong binuksan ang sobre. Sa loob nito ay may kopya ng lumang birth record at isang liham na sulat-kamay ng aking ina.

Dahan-dahan kong binasa ang unang mga linya.

Anak, kung binabasa mo ang liham na ito, nangangahulugang hindi ko na nagawang sabihin sa iyo ang buong katotohanan. Hindi ko itinago ang iyong ama dahil ayaw kong makilala mo siya. Ginawa ko iyon dahil natakot akong may mangyari sa iyo.

Hindi ko na napigilang mapaluha.

“Bakit hindi niya sinabi sa akin?” bulong ko.

Lumapit si Alexander at marahang hinawakan ang balikat ko.

“May dahilan siya, Isabella. Kailangan lang nating malaman kung ano iyon.”

May isa pang bagay na ibinunyag si Beatrice bago pa namin matapos basahin ang liham.

“Hindi lang ang pagkatao mo ang itinago ng mga taong iyon. May nangyari rin noong gabing namatay si Victoria.”

Agad na napatingin si Alexander.

“Ano ang alam ninyo tungkol sa pagkamatay niya?”

Napabuntong-hininga ang matanda.

“Hindi iyon simpleng aksidente. May lalaking nakipag-usap sa doktor bago namatay si Victoria. Pagkatapos noon, may ilang detalye sa medical records na binago.”

“Bakit ngayon lang kayo nagsalita?” mariing tanong ni Alexander.

“Dahil natakot ako. May pamilya akong kailangang protektahan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila kapag nalaman nilang nagsalita ako.”

Sandali siyang natahimik bago nagpatuloy.

“May isang bagay akong natatandaan tungkol sa lalaking iyon. Nakasuot siya ng singsing na may marka ng agila.”

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Alexander.

“Agila?”

“Oo. Bakit? May nakita ka na bang ganoon?”

Hindi siya sumagot. Sa halip, tumingin siya sa dokumentong hawak ko.

Naalala ko ang simbolong nakita namin sa isang lumang papel na may kaugnayan kay Adrian Reyes.

Hindi kaya magkaugnay ang mga iyon?

Bago pa kami makapagtanong muli, may malakas na kumatok sa p***o.

“Buksan ninyo ang p***o!”

Napaatras si Beatrice.

“Hindi sila dapat narito…”

Tumayo agad si Alexander at humarang sa amin.

“Isabella, manatili ka sa likod ko.”

May narinig kaming kalabog mula sa likurang bahagi ng bahay.

“May tao rin sa likod!” sigaw ko.

Mabilis na kinuha ni Beatrice ang ilang dokumento at itinago ang mga iyon sa ilalim ng isang lumang kabinet.

“Hindi nila dapat makuha ang mga iyan!”

Sumilip si Alexander sa bintana.

“Dalawa ang nasa harap. Kailangan nating makalabas ngayon.”

Hinawakan niya ang kamay ko at inakay ako palayo sa pintuan. Bago kami tuluyang umalis, humarap sa akin si Beatrice.

“Isabella, huwag mong kalilimutan ang sinabi ko. Adrian Reyes ang pangalan ng tunay mong ama. At hindi aksidente ang pagkamatay ni Victoria.”

Hindi na ako nakapagtanong pa. Mabilis kaming umalis habang naririnig ang mga lalaking pilit na pumapasok sa bahay.

Nang makapasok kami sa sasakyan, saka ko napansing nanginginig ang mga kamay ko.

“Alexander…”

Tumingin siya sa akin habang pinaandar ang sasakyan.

“Ano iyon?”

“Adrian Reyes ang tunay kong ama. Pero bakit parang galit na galit ang pamilya mo sa kanya?”

Hindi siya agad sumagot. Ilang sandali kaming nagbiyahe bago niya ako hinarap.

“Dahil para sa pamilya Rodriguez, si Adrian Reyes ang pinakamatinding kaaway namin.”

Napatingin ako sa kanya.

“Pero bakit? Ano ba ang ginawa niya sa pamilya ninyo?”

Mahigpit niyang hinawakan ang manibela.

“Iyan ang kailangan nating malaman.”

Napayuko ako at muling tiningnan ang liham ng aking ina.

Kung totoo ang lahat ng sinabi ni Beatrice, ang lalaking matagal kong hindi nakilala ay maaaring siya ring dahilan kung bakit napakaraming lihim ang bumabalot sa buhay ko.

At kung siya ang kaaway ng pamilya ng lalaking pinakasalan ko, ano na ang mangyayari sa amin ni Alexander?

Samantala, sa isang pribadong opisina, isang lalaki ang nakatanggap ng tawag.

“Sir, nalaman na ni Isabella ang pangalan ng kanyang tunay na ama.”

Napatigil siya sa pagsusulat.

“Sigurado ka ba?”

“Opo. Nakuha nila ang birth record mula kay Beatrice.”

Ibinaba ng lalaki ang kanyang panulat at tumingin sa lumang dokumentong nasa ibabaw ng mesa.

“Kung ganoon, nagsisimula na ang lahat.”

“May gagawin po ba tayo kay Beatrice?”

“Hindi na mahalaga ang matanda. Ang mahalaga ay hindi dapat malaman ni Isabella ang buong laman ng liham.”

“Paano naman si Alexander?”

Bahagyang ngumiti ang lalaki.

“Hayaan mo silang maghanap. Kapag nalaman ni Alexander ang tunay na nangyari kay Victoria, maaaring siya mismo ang magwasak sa pamilyang Rodriguez.”

Pagkatapos ay binuksan niya ang isang lumang kahon. Naroon ang litrato nina Adrian Reyes, Marcus Rodriguez, at Victoria Montes.

Sa likod ng larawan ay may nakasulat na pangungusap:

Tatlong tao ang may alam sa katotohanan. Dalawa ang nanahimik. Ang isa ay kailangang patahimikin.

Dahan-dahang isinara ng lalaki ang kahon.

“Hindi pa tapos ang laban.”

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • THE BILLIONAIRE'S REVENGE BRIDE   ANG PANGALAN NG TUNAY NA AMA

    Hindi nakatulog nang maayos si Isabella nang gabing iyon.Paulit-ulit na bumabalik sa isip nya ang mga salitang nabasa sa liham.Kung sakaling malaman ni Isabella na hindi siya tunay na anak ni Elena Valdez, kailangan niyang malaman kung sino ang tunay niyang ama.Sino ang lalaking tinutukoy ni Mama? Bakit niya itinago sa akin ang katotohanan? At bakit tila napakaraming taong handang gumawa ng lahat para manatiling sikreto ang pagkatao ng aking tunay na ama?Kinabukasan, maagang bumaba si Isabella sa sala. Naroon na si Alexander, abala sa pagbabasa ng ilang dokumento.“Handa ka na?” tanong niya nang mapansin ako.“Saan tayo pupunta?”nagtatakang tanong nito,“Sa hospital. Kailangan nating hanapin ang nurse na sinabi ko sa iyo.”Tumango ako. Wala na akong ibang gustong gawin kundi malaman ang totoo. Pagod na akong mabuhay sa gitna ng mga lihim na matagal nang itinago sa akin.Halos isang oras ang biyahe bago kami makarating sa lumang ospital kung saan namatay si Victoria.Hindi na ito

  • THE BILLIONAIRE'S REVENGE BRIDE   ANG LALAKING NASA LOOB NG LIHIM

    “May kailangan kang malaman tungkol sa ama mo.”Napahinto ako sa pag-inom ng tubig.Nakatayo si Alexander sa may pintuan, hawak ang isang makapal na folder. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal doon, pero halatang may mabigat siyang sasabihin.“Anong ibig mong sabihin?”Pumasok siya at inilapag ang folder sa mesa.“May natuklasan ang private investigator ko.”Tiningnan ko ang folder bago muling tumingin sa kanya.“Akala ko ba ayaw mong makialam ako sa pamilya mo?”“Hindi na mahalaga ang sinabi ko noon.”Napataas ang kilay ko.“Bakit? Dahil kailangan mo na ngayon ang tulong ko?”Hindi siya sumagot. Sa halip, binuksan niya ang folder at inilabas ang ilang lumang litrato.Sa unang larawan, naroon ang ama ni Alexander na si Marcus Rodriguez. Katabi niya ang isang lalaking hindi ko kilala.Sa pangalawang larawan, nakita ko ang mukha ng aking ina.“Bakit magkasama sila?” tanong ko.“Dahil matagal na silang magkakakilala.”Binaligtad ko ang litrato at tiningnan ang petsang nakasulat sa l

  • THE BILLIONAIRE'S REVENGE BRIDE   ANG LIHIM SA LIKOD NG PANGALAN

    “Hindi maaari…”Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang lumang dokumentong iniabot ng aking ama.Sa unang pahina, malinaw ang pirma ng aking ina, si Elena Valdez, kasama ang isa pang pangalan, si Catherine Rodriguez. Pareho silang naroon sa iisang ospital dalawampu't apat na taon na ang nakalilipas.“Pa, ano ito?” basag ko sa katahimikan.Hindi agad nakasagot si Papa. Sa halip, sa tabi ko ay mariing nakatitig si Alexander, ang kanyang mga mata ay tila nagbabaga sa matinding galit at pagtataka.“Sabihin mo na,” malamig at nanginginig ang panga na utos ni Alexander. “Wala nang saysay ang pagtatago.”“Hindi mo naiintindihan ang buong kuwento noon, Alexander,” basag ni Papa sa tensyon.“Dalawampung taon akong naniwalang ang nanay ni Isabella ang sumira at pumatay sa pamilya ko! Ngayon, sasabihin mong wala siyang kasalanan?”Mahigpit kong hinawakan ang papel, halos mapunit ito sa higpit ng aking hawak. “Alexander, sino ba si Catherine Rodriguez?”Kinuha niya ang dokumento mula sa nan

  • THE BILLIONAIRE'S REVENGE BRIDE   ANG PRESYO NG ISANG PANGAKO

    “Hindi mo kailangang mag-alala, Alexander. Hindi ako interesado sa nakaraan mo.”Iyon ang huling salitang binitiwan ko bago siya tuluyang lumabas ng silid.Ngunit sa paglapat ng pinto, saka dumaan ang mabigat na paninikip sa aking dibdib. Bakit kailangang idamay ang aking ina sa galit na matagal na niyang kinikimkim?Muli kong kinuha ang lumang litrato sa ibabaw ng kama. Nakangiti roon si Mama, katabi ang isang batang lalaking hindi ko kilala. Bata pa siya noon, sariwa ang saya sa kanyang mukha.Bakit nasa bahay ni Alexander ang larawang ito? At sino ang babaeng sinasabi niyang namatay dahil sa aking ina?Gusto kong tawagan si Papa, pero nananaig ang pag-aalala ko sa kanyang kalusugan. Ayokong dagdagan ang pasanin niya. Marahil ay may malalim siyang dahilan kung bakit kailanman ay hindi niya nabanggit ang tungkol sa mga Rodriguez.Ngunit hanggang kailan ako mananatiling mangangapa sa dilim?Kasal na ako kay Alexander. Kung may madilim na lihim na nagbubuklod sa aming mga pamilya, kara

  • THE BILLIONAIRE'S REVENGE BRIDE   ANG KASAL NA NAGSIMULA SA ISANG BANTA

    KABANATA 1“Pakakasalan mo ako, Isabella… o mamamatay ang ama mo.”Iyon ang unang sinabi sa akin ng lalaking magiging asawa ko.Walang pagbati. Walang mahabang paliwanag. Hindi man lang niya ako tinanong kung gusto kong umupo.Isang banta agad ang isinampal niya sa mukha ko.Nakatayo ako sa harap ng malaking mesa sa loob ng isang marangyang opisina. Sa likod nito ay nakaupo ang isang lalaking tila sanay na sinusunod ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.Alexander Rodriguez.Nakasuot siya ng mamahaling itim na suit. Maayos ang buhok, matalim ang panga, at malamig ang mga matang nakatutok sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot ang paraan ng pagtitig niya o ang kalmadong tono ng pananalita niya habang binabago niya ang buhay ko.“Ulitin mo nga ang sinabi mo,” nanginginig kong sabi.Hindi man lang siya kumurap.“Pakakasalan mo ako.”Napatawa ako nang mapait. Hindi dahil nakakatawa ang sitwasyon, kundi dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang isang lalaking kayang ma

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status