Share

199.

Author: Batino
last update Last Updated: 2025-07-18 16:40:34

"Buhay ka pa rin pala hanggang ngayon, Elijah Ferman?!" sigaw ni Mrs. Mendez habang mariing nakatitig, punung-puno ng hinanakit at galit ang bawat salita. "Dapat nakuntento ka na lang na wala ang anak mo sa tabi mo—may anak ka na ngang pangalawa! Bakit kailangan mo pang kunin si Alexander sa akin?!"dagdag pa ni Mrs.Mendez."

Tumigil si Elijah sa paghinga nang marinig ang pangalan ng anak. Para bang isang matalim na kutsilyong sumaksak sa puso niya ang mga salitang iyon. Ngunit hindi siya umiwas, hindi siya umatras.

"Dahil anak ko siya…anak ko siya Mrs.Mendez" bulong niya, paos ang boses, ngunit punô ng kirot. "At ikaw… ikaw ang dahilan kung bakit ako nabuhay sa dilim ng maraming taon."

Lumapit siya, bakas ang panginginig ng katawan — hindi dahil sa takot, kundi dahil sa damdaming halos sumabog mula sa dibdib niyang ilang taon nang nagpipigil.

"Hindi mo lang ako pinagkaitan ng anak… pinagkaitan mo ako ng pagkatao." Pumatak ang luha mula sa kanyang mata, mabilis, mainit, at walang pa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Batino
susulat palang po ako...
goodnovel comment avatar
Batino
wala pa po... wait lang po.. Susulat palang po ako.
goodnovel comment avatar
Bea Mananghala
next update po please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   199.

    "Buhay ka pa rin pala hanggang ngayon, Elijah Ferman?!" sigaw ni Mrs. Mendez habang mariing nakatitig, punung-puno ng hinanakit at galit ang bawat salita. "Dapat nakuntento ka na lang na wala ang anak mo sa tabi mo—may anak ka na ngang pangalawa! Bakit kailangan mo pang kunin si Alexander sa akin?!"dagdag pa ni Mrs.Mendez." Tumigil si Elijah sa paghinga nang marinig ang pangalan ng anak. Para bang isang matalim na kutsilyong sumaksak sa puso niya ang mga salitang iyon. Ngunit hindi siya umiwas, hindi siya umatras. "Dahil anak ko siya…anak ko siya Mrs.Mendez" bulong niya, paos ang boses, ngunit punô ng kirot. "At ikaw… ikaw ang dahilan kung bakit ako nabuhay sa dilim ng maraming taon." Lumapit siya, bakas ang panginginig ng katawan — hindi dahil sa takot, kundi dahil sa damdaming halos sumabog mula sa dibdib niyang ilang taon nang nagpipigil. "Hindi mo lang ako pinagkaitan ng anak… pinagkaitan mo ako ng pagkatao." Pumatak ang luha mula sa kanyang mata, mabilis, mainit, at walang pa

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   198

    "Sandali lang naman! Sino ba kayo, at parang gusto niyo nang gibain ang pinto ng aking tahanan?" kalmadong tanong ni Alexander, pilit pinananatili ang kumpiyansa sa boses kahit ramdam niya ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib. Ayaw niyang mahalata ng mga nasa labas na halos mamilipit na siya sa kaba. Sa kabila ng mahinahong tono, matalim ang kanyang tingin sa pinto—handa sa kung anumang kaguluhan ang sumunod. Sa sinabi niyang iyon, bigla ring tumigil ang kaguluhang kanina’y halos umalingawngaw sa buong paligid. Napalitan iyon ng katahimikang mas nakakabingi pa kaysa sa kaninang ingay. Huminga siya nang malalim at dahan-dahang ini-unlock ang pinto. Marahan niya itong binuksan, at sa pagbukas nito, bumulaga sa kanya ang mga pamilyar na mukha—mga tauhan ng babaeng tinuring niyang ina, ang nagligtas at kumupkop sa kanya sa panahong siya'y walang-wala. Napasinghap siya sa gulat. "Mama?" halos bulong na sambit niya, hindi makapaniwala sa nakikita. "Bakit... bakit kayo narito?"

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   197.

    “Sumama na lang po kayo sa amin sa presinto. Pwede kayong kumuha ng abogado para makapag-apela kayo,” malamig ngunit may awtoridad na sabi ng isang pulis kay Furtiza. “Bitawan n’yo ako! Wala akong alam sa mga pinagsasabi ng Erick na ’yan!” galit na sigaw ni Furtiza habang nagpupumiglas. Halos mabali ang braso niya sa pagkakahawak ng pulis, pero hindi siya natinag. Biglang bumukas ang pinto ng silid ni Tiffani. Nataranta siya, nanginginig ang boses habang lumapit sa ina. “Ano pong nangyayari?! Bakit niyo po hinuhuli ang Mama ko?! Anong kasalanan niya?!” Halos paluhod na ang dalaga sa harap ng mga pulis, pero ni hindi siya pinansin. “BOBA KA TALAGA!” sigaw ni Furtiza, halos mawalan ng boses sa sobrang galit at kaba. “Wala akong kasalanan! Tumawag ka ng abogado, Tiffani! NGAYON NA! BAGO PA ’KO TULUYANG LAMUNIN NG SISTEMANG BULOK NA ’TO!” Nanginginig na rin si Tiffani, hindi na alam ang uunahin—ang luha, ang takot, o ang galit sa hindi niya maintindihang pangyayari. Walang nag

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   196.

    Marahang bumukas ang pinto ng secret base ni Alexander. Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga ibon sa labas at mahihinang yabag ng binata ang maririnig. Ngunit sa loob ng base, isang simpleng kilos ang nagbago ng lahat. CLANG! Biglang nabitawan ni Raquel ang hawak-hawak niyang walis. Tumama ito sa sahig, kasabay ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi siya makagalaw. Nakatitig lang siya sa binatang kakapasok pa lang — hawak nito ang isang lumang bag, suot ang simpleng damit. "Hindi maaaring magkamali," sambit ni Raquel. Napakunot-noo si Alexander sa ingay, sabay ngiti. “Ma’am Raquel... gising na po pala kayo?” aniya, may bahid ng pagkagulat. Napansin niyang nakatayo na ito, tila hindi makahinga, at malinis na ang paligid. “Ang sipag niyo po, ah. Naunahan n’yo pa ako maglinis—” “A-anak...” Boses ni Raquel, nanginginig. Napaatras siya ng bahagya, nangingilid ang luha sa mga mata. “I-ikaw ba ang nawawala kong anak?!” Tahimik. Nagtagpo ang kanilang mga

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   195.

    “Subukan lang niya akong idamay… hinding-hindi na niya makikita pa ang anak namin!” mariing bulong ni Furtiza, habang mariing nakapikit at nakasandal sa matipunong bisig ng lalaking naging kapiling niya buong magdamag. Ramdam pa rin ng kanyang katawan ang init ng gabi, ngunit mas matindi ang apoy ng galit sa kanyang dibdib. Masuyong humalik sa kanyang balikat ang lalaki, tila ayaw siyang paalisin. Ngunit mabilis na bumangon si Furtiza at nagsuot ng kanyang damit. “Aalis na muna ako… may aasikasuhin akong mahalaga,” malamig ngunit matatag na paalam ni Furtiza, na para bang may bigat ang bawat salitang binitiwan niya. “Okay…” maikling tugon ng lalaki habang walang lingon-lingong bumuga ng makapal na usok palabas sa bintanang bahagyang nakabukas. Sa likod ng kanyang mapanatag na anyo, tila ba may itinatagong pag-aalinlangan. Tahimik ngunit mabigat ang bawat hakbang ni Furtiza palabas ng silid. Samantala, sa himpilan ng pulisya, mariing nakaupo si Erick, hawak ang sariling noo haban

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   194.

    “Magaling. Mangyaring umalis ka na riyan sa lalong madaling panahon. Papunta na ang mga pulis sa inyong kinaroroonan.”Ang boses sa kabilang linya ay puno ng pag-aalala ngunit may kasamang determinasyon.“Nasigurado mo bang na-lock mo ang pintuan ng restawran bago ka umalis? At hindi ba napansin ni Erick ang anumang kakaiba?”“Huwag po kayong mag-alala,” mahinahong tugon ng kausap, ngunit ramdam ang katiyakan sa kanyang panig. “Hindi po niya napansin ang aming plano.”“Mabuti kung ganoon. Ipapaabot ko na sa iyo ang bayad, kaya pakibigay lamang ang iyong bank account para maipadala ko agad.”May bahid ng seryosong pakikitungo sa kanyang mga salita, na nagpapahiwatig na ang transaksyon ay mahalaga at hindi biro.Naiwang nag-iisa si Erick sa isang maliit na restawran na inookupa ni Drewf. Tahimik at tila abandonado ang lugar—wala ni isang customer, at ang mga ilaw ay bahagyang dim, na nagdadagdag ng anino sa bawat sulok. Ginawa iyon ni Drewf upang masigurong hindi matuklasan ang kanilang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status