LOGINTahimik pero puno ng pagtataka ang mukha ni Seraphina habang nakatitig sa dinaraanan ng sasakyang kinalululanan nilang mag-asawa.Sa kabilang sasakyan naman nakasakay ang kanyang mga magulang at kapatid na parang may itinatago sa kanya. Pero anuman 'yon, malalaman at malalaman din niya pagdating sa kanilang destinasyon."Hubby, hindi ito ang daan patungo sa mansiyon nina Mommy, saan ba talaga tayo pupunta?" tanong niya nang mapansing lumagpas ito sa subdivision kung saan nakatira ang kanyang mga biyenan."Malalaman mo rin mamaya, basta relax ka lang diyan at huwag masyadong mag-isip ng kung anu-ano. Hindi naman kita ipapahamak, pati na rin si baby saka ang pamilya mo," tugon nito habang nakatutok sa daan ang paningin.Alam naman niyang hindi siya ipapahamak nito dahil ramdam naman niya kung gaano siya kamahal ng asawa. Ang sa kanya lang ay ayaw niyang naglilihim ito sa kanya."May tiwala naman ako sa iyo, Hubby, curious lang talaga ako. Kasi naman, tingnan mo ang suot ko, ang ganda-ga
Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagtungo na sa ospital sina Seraphina para sa kanyang unang check-up.Wala pa siyang OB-Gyne, ngunit ayon kay Damian ay may kilala itong doktor para sa mga buntis, at doon daw sila pupunta. Dahil mas marami naman itong alam kaysa sa kanya, hindi na lang siya nagkomento pa."Congratulations sa inyong mag-asawa. Malusog ang inyong baby at maayos ang kapit nito. Normal rin ang heartbeat nito, pero dahil nasa umpisa pa lamang ang pagbubuntis, kailangan ninyong maging maingat at mapagmatyag," panimula ng doktora habang tinitingnan ang mga resulta."At base sa nakikita ko sa monitor at sukat ng baby niyo, eksaktong apat na linggo na ang iyong dinadala, Mrs. Black. Darating ang mga araw na maaari kang makaramdam ng pagkahilo, pagsusuka, o mabilis mapagod—lahat iyan ay normal, basta't huwag mag-atubiling bumalik dito o tumawag kung may maramdaman kang kakaiba o masakit na hindi nawawala," dagdag pa ng doktora nang lumingon ito sa kanila habang nakangiti."Iwasa
Mahigit isang linggo nang nanatili sina Damian sa Boracay bago nagpasyang umuwi kasama ang pamilya nila at mga kaibigan. Mabuti na lang at malaki ang capacity ng private plane na gamit nila kaya hindi sila nagkaroon ng problema.Dalawa lang silang nagpunta sa Boracay, pero pag-uwi ay labing-isa na sila. Wala namang problema sa kanya 'yon maging sa kanyang asawa dahil naging masaya at maayos naman ang kanilang biyahe."Napagod ako nang husto sa layo ng biyahe natin ah," sambit ni Seraphina habang papasok sila sa mansiyon.Tahimik namang nakasunod sa kanila ang pamilya nito at tila naninibago sa laki ng bahay na tinitirhan nila. Bakas din sa mukha ng tatlo ang matinding pagkamangha dahil mala-palasyo sa laki ang tinitirhan ng kanyang asawa. Gayunpaman, hindi niya nakitaan ang mga ito ng insecurity at inggit. Maayos din naman ang bahay na tinirhan ng mga ito pero walang kasambahay. May allowance buwan-buwan pero sakto lang para sa mga pangangailangan, tulad ng groceries, pambayad ng mga
CHAPTER 58Tahimik lang si Seraphina habang nakaupo sa buhanginan at pinagmamasdan ang mga turistang masayang lumalangoy sa hindi kalayuan.Gusto din sana niyang maglangoy pero hindi siya payagan ni Damian."Nakakainis!" sambit niya sabay dampot ng maliit na bato at inihagis iyon sa tubig. Pagkatapos ay tumayo na siya at dinampot ang tuwalyang nakalatag sa buhangin.Babalik na lamang siya sa resthouse na nirerentahan nila at matutulog—mas mabuti na 'yon kaysa masayang ang kanyang oras sa panonood sa mga turista. Lalo lang kasi siyang naiinggit sa mga ito; baka mamaya ay bigla na lang siyang lumusong sa tubig para maglangoy kung hindi pa siya babalik sa nirerentahan nilang resthouse."Hey… yow! Sera!!" tawag ng kung sino sa kanya.Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at hinanap ang may-ari noon pero hindi kaagad niya nakita kung sino ang tumawag sa kanya."Dito! Narito kami!" muling sigaw ng pamilyar na boses.May kumaway na lalaki sa kanya pero hindi niya agad ito nakilala dahil
Masayang nagkukuwentuhan habang kumakain ang lahat nang tumikhim si Seraphina. Agad naman niyang nakuha ang atensyon ng lahat at tumingin sa gawi nila ni Damian."May announcement lang po kaming mag-asawa para kina Mommy at Daddy, saka kay Dara. Tutal naman alam na ng pamilya ko ang tungkol sa balitang 'yon, kaya oras na rin para malaman ng pamilya ng asawa ko ang tungkol sa magandang balita," aniya saka sinulyapan ang asawa.Agad naman itong tumayo, hinawakan ang kanyang kamay, at malawak ang ngiting hinaplos ang kanyang tiyan.Mukha namang nakuha agad ni Dara ang nais iparating ni Damian dahil napatakip ito sa bibig habang namimilog ang mga mata."OMG! Totoo ba?" Mabilis itong tumayo at lumapit sa kanya, saka marahang yumuko at inilapit ang tainga sa kanyang tiyan."Oo, mukha ba kaming nagbibiro? Kanina lang din namin nalaman noong nagpa-test ako. Kaya lang hindi pa namin alam kung ilang linggo na, hindi pa kasi kami nakakapunta sa health center o kahit sa ospital para magpa-check-u
CHAPTER 56"Wifey, anong ginagawa mo? Bakit may hawak kang sandok at kutsilyo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Damian sa asawa nang maabutan niya ito sa kusina na kaharap ang mga gulay at panggisa. Mayroon ding karne, isda, at kung anu-ano pa na lalo pang nagpakunot sa kanyang noo."Magluluto ako, 'di ba darating sina Mommy ngayong araw? Dapat ay maghanda tayo ng masarap na pagkain para sa kanila, para pagdating nila ay kakain na lamang tayong lahat.""Wifey… nakalimutan mo na bang buntis ka? At hindi mo na kailangang magluto dahil umorder na lang ako ng maraming pagkain. Sige na, ibalik mo na 'yan sa lalagyan at magpahinga ka. Bawal magpagod—baka kung mapaano pa kayo ni baby sa ginagawa mong 'yan," wika niya at maingat na kinuha ang hawak nitong kutsilyo at ibinalik sa lalagyan. Pagkatapos ay isa-isa niyang ibinalik sa basket ang mga gulay, gayundin ang bawang, sibuyas, at iba pa. Nang matapos ay nilapitan niya ang asawang hindi maipinta ang mukha."Pangit na ba ang lasa ng luto ko
“Grabe, nabusog ako do’n ah. Ang sarap ng mga pagkain, saludo ako sa nagluto. Dahil nakain ko na ang pinakamasarap na pagkain, hindi na ako tututol kung sakaling kukunin na ako ni Lord,” wika ni Seraphina habang hinahaplos ang kan'yang tiyan. Dati ay pangarap lamang n'yang makakain nang tatlong be
Matapos magluto ng agahan ay sinimulan na ni Seraphina ang paghahanda ng labahin. Hindi pa naman siguro darating ang Damian na 'yon para sunduin s'ya. Kailangan lang n'yang bilisan ang bawat kilos upang mabilis s'yang matapos. "Hoy babae, labhan mo ang kumot at mga punda ng unan ko tutal maglalaba
Gabi na, madilim ang paligid ngunit patuloy pa ring bumubuhos ang malakas na ulan na para bang nakikidalamhati sa magiging kapalaran ni Seraphina. Matagal s'yang nagtiis sa mga masasakit na salita, pananakit at pang-aabuso ng kan'yang pamilya sa pag-aakalang darating ang araw na magbabago pa ang m
Malakas ang ulan at bawat dampi ng malamig na hangin ay nagpapanginig sa bawat kalamnan ni Seraphina. Gusto n'yang huminto sa ginagawa ngunit hindi maaari. Dahil kapag ginawa n'ya 'yon, tiyak na sakit ng katawan ang kan'yang aabutin. Para sa kan'yang pamilya, wala s'yang karap







