Share

CHAPTER 9

last update Tanggal publikasi: 2026-06-19 19:10:51

Buong akala ni Seraphina ay katapusan na niya matapos sagut-sagutin si Mr. Black.

Masyado kasi itong mapanghusga dahil lamang sa siya'y nakatira sa pamamahay na ito.

Wala sana siyang balak na magsalita ng kung anu-ano, ngunit sobra na. Parati na lang nitong ipinapaalala sa kanya na pangit siya at hindi sila bagay. Hindi naman problema sa kanya kung sabihin nitong palamunin siya dahil totoo naman, ang sa kanya lang, kaunting preno ng bibig. Hindi naman siya bato para hindi masaktan, lalo't magig
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 18

    Kinabukasan, nagising si Seraphina na may matinding pananakit ng katawan. Mabigat din ang pakiramdam niya, na para bang nakipag-boxing siya kay Damian nang ilang oras.Kung alam lamang niya na ganoon ang kahihinatnan, hindi na sana siya pumayag sa kagustuhan ng lalaking iyon.Speaking of Damian, marahan niyang sinulyapan ang kanyang asawa sa tabi na mahimbing pa rin ang tulog. Nakayakap ito sa kanya at bahagyang nakasiksik ang mukha sa kanyang leeg.Mukhang napagod ito ng husto sa kanilang ginawa, pero kitang-kita sa mukha nito ang saya na kabaligtaran kapag gising ito.Para tuloy mas gusto niyang palaging tulog ito upang hindi sila mag-away."Ang guwapo mo sana, kaya lang sama ng iyong ugali." Bulong niya, saka maingat na inalis ang braso nito sa kanyang baywang.Nang magtagumpay, marahan siyang bumangon at bumaba ng kama kahit na masakit ang kanyang katawan. Kung anu-ano kasi ang ginawa ni Damian sa kanya kaya para siyang lantang gulay.Pero aminin man niya o hindi, may munting lig

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 17

    Wala pa ring tigil sa pag-iyak si Seraphina habang nakaupo sa sahig sa tabi ng kama.Hindi niya alam kung gaano na siya katagal umiiyak. Ang alam lang niya ay sobra siyang nasaktan sa ginawa ni Damian. Hindi lang iyon—galit na galit din siya sa asawa dahil sa ginawa nito.Ginagawa naman niya ang lahat ng gusto nito, pero bakit nagawa pa nitong palayuin ang kanyang mga magulang at kapatid?Oo, hindi siya mahal ng mga ito, pero sa isiping magiging maayos din sila balang araw, doon lamang siya kumukuha ng lakas para magpatuloy sa buhay. Kaya niyang tiisin na hindi magpakita sa pamilya basta alam niyang nasa malapit lang ang mga ito.Pero ngayon? Saan niya hahanapin ang mga ito? Saan siya magsisimula?“Napakasama mo!” sigaw niya sa kabila ng pag-iyak.Hinablot niya ang kobre-kama at galit na galit na itinapon sa hindi kalayuan. Wala siyang pakialam kung magalit sa kanya si Damian, dahil kung tutuusin, wala naman itong karapatang putulin ang ugnayan niya sa pamilya.Naging masama man ang m

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 16

    Hindi maiwasan ni Damian na makaramdam ng inis nang pagpasok niya sa silid—mahimbing nang natutulog si Seraphina.Balot na balot ito sa kumot kaya halos ulo at mukha lang ang kanyang nakikita.Napaismid siya at naiiling habang lumalapit sa kinahihigaan ng asawa. Naupo siya sa gilid nito at matamang pinagmasdan ang namamaga nitong mga mata. Malinaw na ilang oras itong umiyak dahil may bakas pa ng luha sa kanyang mga pisngi.“Hinintay mo lang talagang umalis sina Mommy bago ka nagkulong dito,” mahina niyang sambit para hindi ito magising.Pero ang lalong nagpapainit ng ulo niya ay ang mainit na pagtanggap ng kanyang pamilya sa asawa—kabaligtaran ng plano at gusto niyang mangyari.Idagdag pa na nasermonan siya ng kanyang ama at ina kaya naman hindi niya napigilan ang sarili at nasaktan tuloy niya si Seraphina."D*mnit! Hindi dapat ako naaawa sa babaeng ito. Pare-pareho lang naman silang manggagamit at materialistic," aniya at padabog na tumayo. Wala na siyang pakialam kung magising ang a

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 15

    Hindi maiwasang makaramdam ng kakaibang kaba si Seraphina nang mapansin ang bigat ng tingin ni Damian sa kanya.Wala naman siyang ginagawang masama kaya hindi niya malaman kung bakit parang galit na naman ito sa kanya.“Bakit ka biglang tumahimik?” tanong ni Dara nang mapansin siguro ang pagbabago sa kanyang mukha.“Wala lang…” mahinang sagot niya, hindi na muling naglakas-loob na tumingin sa kinaroroonan ni Damian."Si Kuya ba? Huwag mo na lang pansinin ang ampalayang 'yan. Ang mabuti pa'y samahan mo na lang ako sa dining, nagugutom na kasi ako," wika ng hipag sa kanya at nauna nang tumayo."Ahm, puwede bang mauna ka na sa dining? Magbabanyo lang ako," aniya rito."Sige, pero bilisan mo ha? Hihintayin na lamang kita doon," wika nito na mabilis niyang tinanguan, saka nagmamadaling tinahak ang kinaroroonan ng hagdan patungo sa kanyang silid.Kanina pa niya gustong magbanyo pero ayaw siyang pakawalan ni Dara. Ang kanyang mga biyanan naman ay abala sa panenermon sa kanyang asawa kaya sig

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 14

    Hindi pa man tuluyang nakakababa si Seraphina sa salas, pero rinig na rinig na niya ang malakas na tawanan ng mga bisita mula sa kanyang kinaroroonan. Para tuloy ayaw na niyang tumuloy, kaya lang siguradong magagalit sa kanya ang asawa kung hindi siya magpapakita sa pamilya nito.“Ma’am, tara na, kanina pa silang naghihintay sa iyo. Kung hindi ka magpapakita sa kanila, siguradong magagalit si Mr. Black at baka kung ano pa ang gawin sa iyo,” ani Ate Kathleen sa kanya, pero kahit anong gawin niya ay ayaw namang kumilos ng kanyang mga paa.Para tuloy siyang ipinako sa kinatatayuan.“Natatakot ako, baka kung ano ang sabihin nila sa akin. Paano kung husgahan nila ako, saktan, at palayasin dito sa mansiyon?” puno ng pag-aalalang wika niya.“Ma’am, hindi mo pa nga nasusubukan, suko ka na agad. Saka huwag kang matakot, asawa ka na ni Mr. Black, walang sinuman ang puwedeng magpalayas sa iyo maliban sa kanya. Saka huwag mo munang husgahan ang pamilya niya, malay mo naman magkasundo kayo. Kaya t

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 13

    Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Seraphina habang nakatitig sa suot na singsing. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala na mag-asawa na silang dalawa ni Damian.Parang kahapon lang ay kasama pa niya ang kanyang mga magulang at kapatid—kahit na puno ng problema ang buhay nila noon, iba pa rin ang pakiramdam na nasa sariling tahanan.Ilang beses niyang pinisil ang magkabilang pisngi, ngunit nasaktan lang siya. Ibig sabihin ay hindi siya nananaginip; totoo na kasal na talaga siya sa lalaking hindi pa niya lubusang kilala."Ma'am, parang ang lalim ng iniisip mo?" bulong ni Ate Kathleen sa kanya, marahil ay para hindi marinig ng mga kasama nila ang sinasabi nito.Nasa salas lang sila, at nasa dining naman ang kanyang asawa kasama ang mga kaibigan. Mula sa kinauupuan niya, kitang-kita ang matikas na pangangatawan ng asawa na nakikipagkuwentuhan. Malakas ang tawa nito paminsan-minsan—ibang-iba sa malamig na tingin at seryosong mukha na laging ipin

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 10

    "Bro, saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba nagpunta?"Napalingon si Damian kay Miko nang marinig ang tanong ng kaibigan."Sa hardin, nagpahangin. Lagi ko namang ginagawa 'yon kapag narito tayo, kaya bakit parang hindi pa kayo sanay? Pero, nakilala ko na ang magiging asawa

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 8

    Salubong ang mga kilay at hindi maipinta ang mukha ni Damian nang pumasok siya sa mansiyon.Sa likuran niya ay nakasunod ang mga kaibigan na panay ang tuksuhan habang nagtatawanan.Wala talaga siyang balak pumayag na mag-party ang mga ito sa mansiyon. Subalit mapilit ang mga ito at binantaan pa siy

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 7

    Hindi maiwasan ni Seraphina na makaramdam ng kaba habang nakasilip sa labas ng kanyang silid. Baka kasi nasa labas lang si Mr. Black at magalit kapag lumabas siya.“Wala siguro siya,” bulong niya sa sarili saka dahan‑dahang humakbang palabas. Sinigurado niyang hindi siya makakagawa ng anumang inga

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 6

    Hindi maipinta ang mukha ni Seraphina habang nakatitig sa kanyang repleksiyon sa harap ng malaking salamin."Ano ba itong ipinasuot mo sa akin, Ate Kathleen? Ang sikip-sikip at ang ikli, tapos itong... itong ano ko, kulang na lang ay lumuwa," reklamo niya habang tinuturo ang kanyang dibdib.Hindi n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status