بيت / Romance / THE BILLIONAIRE UNLUCKY CHARM / CHAPTER 3 CLUMSY BUT INTELLIGENT

مشاركة

CHAPTER 3 CLUMSY BUT INTELLIGENT

مؤلف: Chewywriter
last update تاريخ النشر: 2026-06-21 21:32:35

LUCKY POV

Nanigas ako sa harap ng office ni Mr. Devon habang paulit-ulit na iniisip kung ano na naman ang ginawa kong mali. First day ko pa lang pero parang naka-sampung offense na agad ako. Huminga ako nang malalim bago kumatok sa pinto. Nang marinig ko ang malamig niyang "Come in," agad akong pumasok. Pakiramdam ko tuloy papasok ako sa principal's office.

Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakaupo sa likod ng malaking mesa habang may binabasang documents. Hindi man lang siya tumingin agad sa akin. Tahimik ang buong office at tanging tunog lang ng pag-flip niya ng pages ang naririnig ko. Lalo tuloy akong kinabahan habang nakatayo sa harap niya. Parang kahit maling paghinga ay may violation.

"Sit."

Agad akong umupo at inayos ang likod ko. Tahimik lang siya habang nakatingin sa hawak niyang file. Ilang segundo ang lumipas bago niya ito isinara at saka ako tinignan. Diretso sa mata. Walang emosyon.

"Do you always create this much trouble?"

Napakurap ako.

"Hindi ko naman po sinasadya."

Hindi siya nagsalita.

"Kasi po simula bata pa lang ako—"

"Did I ask?"

Agad akong natigilan.

Napatikom ako ng bibig at napayuko. Grabe. Isang tanong lang pero parang gusto kong magtago sa ilalim ng mesa. Hindi ko tuloy alam kung sasagot pa ba ako o hindi. Ang hirap basahin ng ugali niya.

Tumayo siya mula sa upuan at lumapit sa mesa kung saan may makapal na folder. Kinuha niya iyon at inilapag sa harap ko. Nanlaki agad ang mata ko sa kapal ng documents. Mukhang hindi ito basta-bastang task. Parang pang-veteran employee na agad.

"Review this."

Napalunok ako.

"Sir?"

"Investor proposal."

Binuksan ko ang unang page at agad akong nahilo sa dami ng figures at reports. Financial projections. Business plans. Event details. Para akong bumalik sa thesis days ko noong college.

"I need a complete summary before five."

Napatingin ako sa wall clock.

Three o'clock.

Dalawang oras.

"Sir, ako po?"

Bahagyang nagsalubong ang kilay niya.

"Do you see anyone else in this room?"

Agad akong umiling.

"No, sir."

"Then finish it."

Wala na akong nagawa kundi tumango. Kinuha ko ang folder at tumayo mula sa upuan. Habang papalabas ako ng office niya ay pakiramdam ko may dalawang daang kilo ang bigat ng hawak ko. Hindi ko alam kung challenge ba ito o paraan para kusang mag-resign ako.

Pagdating ko sa desk ko ay agad kong binuksan ang proposal. Pinilit kong mag-focus kahit ang dami kong iniisip. Unti-unti kong binabasa ang bawat page habang nagsusulat ng notes sa isang notebook. Sa unang pagkakataon buong araw, wala akong nababasag, natatapunan, o nadadapa. Medyo proud pa nga ako sa sarili ko.

Lumipas ang halos isang oras at malapit ko nang matapos ang summary. Medyo gumagaan na ang loob ko dahil mukhang kaya ko naman pala. Hindi lahat ng bagay sa buhay ko ay malas. May utak din naman ako kahit papaano. At gusto kong patunayan iyon kay Tianzon.

Habang inaabot ko ang isang document sa gilid ng desk ay aksidente kong natamaan ang isang stack ng folders. Isa-isa itong nahulog sa sahig. Napapikit agad ako.

"Of course."

Ako nga pala ito.

Mabilis akong yumuko para pulutin ang mga papers. Ngunit habang inaayos ko ang mga ito ay may isang dokumentong nalaglag mula sa loob ng folder. Napakunot-noo ako nang makita ang figures na nakasulat doon. Pamilyar ang numbers.

Masyadong pamilyar.

Mabilis kong ikinumpara iyon sa proposal na hawak ko. Ilang beses kong tiningnan ang dalawang documents para siguradong hindi ako nagkakamali. Ngunit habang tumatagal ay mas lalo akong nanlalamig.

Magkaiba ang figures.

At hindi maliit na discrepancy iyon.

Millions ang difference.

Nanlaki ang mga mata ko habang muling tinitingnan ang reports. Kung tama ang iniisip ko, mali ang data na gagamitin sa investor presentation bukas. At kapag nangyari iyon, malaking problema ang haharapin ng Devon Group.

Agad akong tumayo mula sa upuan. Hindi ko alam kung tama ba ako. Pero kailangan kong sabihin kay Mr. Devon. Kahit na baka isipin niyang disaster na naman ako.

Mahigpit kong hinawakan ang mga documents habang nakatitig sa mga figures. Paulit-ulit kong kinompara ang dalawang reports para siguraduhing hindi lang ako nag-o-overthink. Ngunit kahit ilang beses ko pa itong tingnan ay pareho pa rin ang resulta. May mali talaga. At kung tama ang hinala ko, napakalaking problema nito para sa investor presentation bukas.

Napakagat ako sa labi habang nagdadalawang-isip. First day ko pa lang sa trabaho at halos lahat ng ginawa ko ay puro kapalpakan. Paano kung mali ang hinala ko? Baka isipin ni Mr. Devon na naghahanap lang ako ng panibagong gulo. Pero paano kung tama ako at pinili kong manahimik? Mas malaking problema ang mangyayari.

Huminga ako nang malalim bago tumayo mula sa upuan ko. Pakiramdam ko ay sobrang bigat ng mga paa ko habang naglalakad papunta sa office ng CEO. Bawat empleyadong nadadaanan ko ay tila nakatingin sa akin. O baka naman paranoid lang talaga ako. Sa dami ng kahihiyang pinagdaanan ko ngayong araw, normal na sigurong isipin iyon.

Pagdating ko sa harap ng office niya ay ilang segundo muna akong natigilan. Nakatingin lang ako sa malaking pinto habang kinakausap ang sarili ko. "Lucky, kaya mo 'to." bulong ko. "Mas mabuti nang mapahiya kaysa magsisi." At sa wakas ay kumatok ako.

"Come in."

Agad kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Nakatutok si Tianzon sa laptop niya ngunit agad din niyang itinaas ang tingin nang makita ako. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. Mukhang hindi niya inaasahang makikita niya na naman ako.

"Miss Diego."

"S-Sir."

"What is it?"

Napayakap ako sa documents na para bang shield ko iyon laban sa malamig niyang titig. Bigla tuloy akong kinabahan ulit. Parang lahat ng confidence na naipon ko kanina ay biglang nawala. Ngunit nandito na ako kaya wala nang atrasan.

"I think... may mali po rito."

Bahagyang umangat ang isa niyang kilay.

"I think?"

Napayuko ako.

"Sorry po. I mean... may napansin po akong discrepancy sa figures."

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang expression niya kaya lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko ay sinusukat niya kung nagsasayang lang ba ako ng oras niya o hindi. At alam kong ayaw na ayaw niya sa mga taong nagsasayang ng oras.

"Sir, baka mali po ako pero—"

"Did I ask if you're confident?"

Agad akong natahimik.

"N-No, sir."

"Then explain."

Napalunok ako bago inilapag ang mga documents sa mesa niya. Tinuro ko ang dalawang magkaibang reports at saka ipinakita ang figures na nakita ko. Mabuti na lang at kabisado ko pa ang notes na ginawa ko kanina. Kung hindi, baka tuluyan na akong mawalan ng lakas ng loob.

"These numbers don't match, sir."

Tahimik siyang nakatingin sa papel.

"Here po sa proposal, ito yung projected cost."

Lumipat ako sa kabilang document.

"Pero dito sa attached report, iba po yung amount."

Bahagya siyang yumuko para tingnan nang mabuti ang figures. Habang ginagawa niya iyon ay pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa dibdib. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot. Ang possibility na mali ako o ang possibility na tama ako.

Ilang segundo ang lumipas.

Pagkatapos ay ilang minuto.

Tahimik pa rin siya.

At habang tumatagal ang katahimikan ay mas lalo akong kinakabahan.

Bigla niyang kinuha ang telepono sa mesa.

"Call the finance department."

Nanlaki ang mga mata ko.

Hala.

Tama ba ako?

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mas lalo pang kabahan. Ngunit nang marinig ko ang malamig niyang boses ay agad kong naisip na hindi pa tapos ang lahat.

"Now."

Pagkababa niya ng telepono ay muli siyang tumingin sa documents. Hindi pa rin nagbabago ang expression niya. Kaya hindi ko alam kung ano talaga ang iniisip niya. Pero ramdam kong seryoso ang sitwasyon.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang head ng finance department. Mukhang nagmamadali pa ito dahil hingal na hingal pagpasok sa office. Agad itong napatingin sa akin bago bumaling kay Tianzon. Halatang naguguluhan kung bakit naroon ako.

"You prepared this report?"

Malamig ang tanong ni Tianzon.

"Yes, sir."

"Then explain this discrepancy."

Tahimik ang buong office habang ipinapakita niya ang documents. Napansin kong unti-unting namumutla ang finance head habang binabasa ang figures. Para bang ngayon lang niya nakita ang pagkakamali. At doon ko tuluyang napatunayang hindi ako nagkamali.

"I'm sorry, sir."

Mabigat ang katahimikan pagkatapos noon.

"Sorry doesn't fix incompetence."

Napayuko agad ang finance head.

Samantalang ako naman ay halos hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko inasahang magiging ganito kalaki ang sitwasyon. Akala ko simpleng typo lang ang nakita ko. Hindi ko inakalang milyon pala ang mawawala kung hindi ito napansin.

Pagkalabas ng finance head ay muli kaming naiwan ni Tianzon sa office. Bigla tuloy akong naging conscious sa presensya niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita o tumahimik. Baka kasi mas lalo lang akong makasagabal.

"Miss Diego."

Napatuwid agad ako.

"Yes, sir?"

Sandali siyang tumingin sa akin.

At sa unang pagkakataon simula nang makilala ko siya, hindi ko nakita ang iritasyon sa mga mata niya.

"Good catch."

Nanlaki ang mga mata ko.

"H-Ha?"

Bahagyang nagsalubong ang kilay niya.

"Do I need to repeat myself?"

Agad akong umiling.

"N-No, sir."

Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong tumalon sa saya. Hindi naman iyon compliment para sa ibang tao. Dalawang salita lang iyon. Ngunit galing kay Tianzon Devon? Pakiramdam ko ay para na akong nanalo ng award.

Mabilis kong pinigilan ang ngiti ko.

Ayokong makita niyang masyado akong masaya.

Pero sa loob-loob ko...

Ito ang unang beses na hindi niya ako tinawag na careless.

At sa unang pagkakataon mula nang pumasok ako sa Devon Group...

Pakiramdam ko ay may chance pala akong manatili rito.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • THE BILLIONAIRE UNLUCKY CHARM   CHAPTER 5 GOOD NIGHT OR BAD NIGHT?

    LUCKY POV Hindi ko mapigilang kabahan habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa hotel room na inihanda para sa mga guests ng event. Ilang beses ko nang inayos ang buhok ko at siniguradong maayos ang suot kong dress. Ito ang unang pagkakataon na sasama ako kay Tianzon sa isang napakalaking business gathering. Ayokong mapahiya siya dahil lang sa pagiging clumsy ko. Kahit isang gabi lang, gusto kong maging normal. Pagdating namin sa grand ballroom ay agad akong namangha sa ganda ng lugar. Kumikinang ang mga crystal chandeliers sa kisame habang nag-uusap ang iba't ibang CEOs at investors. Halatang puro influential people ang naroon. Pakiramdam ko tuloy ay ako lang ang taong hindi belong sa lugar na iyon. Mabuti na lang at busy si Tianzon sa pakikipag-usap sa mga business partners kaya hindi niya napapansin ang kaba ko. "Stay close." Napatingin agad ako sa kanya matapos marinig ang mahinahon niyang utos. Hindi siya nakatingin sa akin dahil abala siya sa pakikipagkamay sa isang in

  • THE BILLIONAIRE UNLUCKY CHARM   CHAPTER 4 THE CEO UNEXPECTED FAVOR

    LUCKY POV Hindi ko pa rin mapigilang mapangiti habang nakaupo sa desk ko kinabukasan. Paulit-ulit kasing nagre-replay sa isip ko ang nangyari kahapon nang purihin ako ni Mr. Devon. Hindi man iyon tunog papuri para sa ibang tao, malaking bagay na iyon para sa isang lalaking parang hindi marunong ngumiti. Sa buong araw na nakilala ko siya, puro puna at malamig na salita lang ang natanggap ko. Kaya ang simpleng "Good catch" ay parang medalya na para sa akin. Habang inaayos ko ang schedule niya para sa araw na iyon ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Ayokong umasa na mababait na ang susunod naming interaction. Kilala ko naman na si Tianzon kahit dalawang araw pa lang kaming magkakilala. Kaya niyang purihin ka ngayon at sermonan ka makalipas ang limang minuto. At sa malas kong ito, mas malaki pa rin ang chance na mapagalitan ako. Biglang bumukas ang pinto ng office niya at lumabas siya habang hawak ang tablet niya. Agad na tumayo ang lahat ng employees sa paligid bilang pagbati.

  • THE BILLIONAIRE UNLUCKY CHARM   CHAPTER 3 CLUMSY BUT INTELLIGENT

    LUCKY POV Nanigas ako sa harap ng office ni Mr. Devon habang paulit-ulit na iniisip kung ano na naman ang ginawa kong mali. First day ko pa lang pero parang naka-sampung offense na agad ako. Huminga ako nang malalim bago kumatok sa pinto. Nang marinig ko ang malamig niyang "Come in," agad akong pumasok. Pakiramdam ko tuloy papasok ako sa principal's office. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakaupo sa likod ng malaking mesa habang may binabasang documents. Hindi man lang siya tumingin agad sa akin. Tahimik ang buong office at tanging tunog lang ng pag-flip niya ng pages ang naririnig ko. Lalo tuloy akong kinabahan habang nakatayo sa harap niya. Parang kahit maling paghinga ay may violation. "Sit." Agad akong umupo at inayos ang likod ko. Tahimik lang siya habang nakatingin sa hawak niyang file. Ilang segundo ang lumipas bago niya ito isinara at saka ako tinignan. Diretso sa mata. Walang emosyon. "Do you always create this much trouble?" Napakurap ako. "Hindi ko naman po si

  • THE BILLIONAIRE UNLUCKY CHARM   CHAPTER 2 FIRST DAY IN WORK

    LUCKY POV Pagkalabas ko sa CEO’s office ay parang gusto ko munang huminga nang malalim ng paulit-ulit. Nanginginig pa rin ang kamay ko habang hawak ang folder na binigay sa akin. Paulit-ulit sa isip ko yung sinabi niyang “don’t break anything else.” na parang warning na may death penalty. First day ko pa lang pero parang trial version na agad ako ng employee. Pero wala akong choice kundi ituloy dahil trabaho ito at kailangan ko ng pera. Umupo ako sa desk ko at sinubukang mag-focus sa laptop. Sabi ko sa sarili ko, “Lucky, behave ka lang, normal office work lang ‘to.” Pero kahit anong pilit ko magpaka-calm, parang lahat ng galaw ko may chance na maging disaster. In-open ko yung email system at sinimulang basahin yung instructions ni Sofia kanina. Kaso habang nagta-type ako, parang sumasakit na agad ulo ko sa dami ng rules. Biglang tumunog yung desk phone ko at napatalon ako sa gulat. Natamaan ko yung keyboard kaya nag-send ng unfinished email sa HR department. Nanlaki ang mata ko hab

  • THE BILLIONAIRE UNLUCKY CHARM   CHAPTER 1 THE UNEXPECTED ENCOUNTER

    LUCKY POV "Aray!" Napahawak ako sa noo ko matapos akong madapa sa sidewalk dahil sa mataas na takong na pinilit kong isuot ngayong araw. Hindi pa man nagsisimula ang interview ko ay parang sinusubok na agad ako ng malas. Huminga ako nang malalim habang pinupunasan ang natapong kape sa puti kong blouse. Kung may award para sa pinakamalas na tao sa buong Pilipinas, sigurado akong ako ang mananalo. Mabilis kong tiningnan ang oras sa cellphone ko at halos mapatalon ako sa gulat. Sampung minuto na lang at magsisimula na ang interview ko sa Devon Group. Ito na ang pinakamagandang opportunity na dumating sa buhay ko kaya hindi pwedeng masayang ito. Agad akong tumakbo papasok sa isang luxury hotel kung saan gaganapin ang meeting ng mga applicants. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang lalaking papalabas ng lobby. Diretso akong bumangga rito at tuluyang nabitawan ang hawak kong iced coffee. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong tumilapon ang laman ng baso papunta sa mamahal

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status