LOGINFIONA ANGELYN PEREZ POV
Parang urong-sulong ang mga paa ko habang nakatayo sa tapat ng naglalakihang magkasintahan—o kung ano man ang tawag sa relasyon nina Miles at Loreen. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kung kanina ay parang yelo ang lamig ng presensya ni Miles, ngayon naman ay para siyang bulkang nagbabadyang sumabog dahil sa matinding kalasingan at galit na rumierehistro sa kanyang mukha. "I-Ipapaliwanag ko lang po, Sir..." pautal-utal kong panimula habang mas hinigpitan ko ang yakap sa folder na hawak ko. "Kakatapos ko lang po kasing maglinis sa dining area. At nakita ko po itong folder niyo na naiwan sa mesa, kaya l-liligpitin ko lang sana bago ako umuwi—" "Liligpitin? O baka naman ninanakaw mo na?" Hindi si Miles ang nagsalita, kundi ang babaeng kasama niya. Humakbang si Loreen Mundala palapit sa akin. Ang bawat tunog ng kanyang high heels sa marmol na sahig ay parang tunog ng paparating na hatol. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa nang may matinding pandidiri, mas masahol pa sa tingin na ibinigay sa akin ni Miles kahapon. "Babe, sino ba 'tong hampaslupang 'to? At bakit hawak niya ang mga importanteng papeles ng kumpanya mo?" maarteng tanong ni Loreen habang nakabitin pa rin ang isang kamay sa braso ni Miles. "Sabi ko naman sa'yo, hindi ka dapat nagpapasok ng kung sino-sinong squatter dito sa mansyon mo. Look at her, she clearly doesn't belong here." "I... I know her," medyo gumaralgal ang boses ni Miles dahil sa alkohol, pero hindi nawala ang bagsik sa kanyang mga mata. "She’s the new cleaning lady. The one... the one who thinks she can fool me." Lalong lumaki ang ngisi sa mga labi ni Loreen nang marinig ang sinabi ni Miles. Lumapit pa siya sa akin at marahas na hinablot ang folder mula sa aking mga kamay. Sa sobrang lakas ng pagkakahila niya, bahagya akong napa-forward at muntik nang mawalan ng balanse. "Cleaning lady? Kung maglinis ka, bakit pati confidential files pinakikialaman mo?" pagtataray ni Loreen, sabay tulak sa balikat ko gamit ang kanyang mahabang kuko. "You gold diggers are so predictable. Akala mo ba mapapansin ka ni Miles dahil lang sa ganyang mukha mo? standard maid na gustong umakyat sa kama ng amo para yumaman!" Sumasakit na ang tenga ko. Sumasakit na rin ang puso ko. Buong araw ko nang tinitiis ang mga masasakit na salita ni Miles, at ngayon, may isa na namang taong walang alam sa buhay ko ang dudurog sa pagkatao ko? Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumagot. "Ma'am, pakiusap naman po, huwag niyo akong pagbintangan ng ganyan," may panginginig pero may paninindigan kong sabi. "Nandito ako para magtrabaho nang marangal. Hindi ko alam ang sinasabi ninyong gold digger dahil ang tanging habol ko lang dito ay ang sweldo para sa panggamot ng kapatid kong may sakit sa puso. Wala akong balak magnakaw, at lalong wala akong balak mang-akit ng kahit sino!" Nang mabanggit ko ang tungkol sa panggamot at sakit ng kapatid ko, nakita kong bahagyang natigilan si Miles. Kumurap-kurap ang kanyang mga mata na parang may kung anong pumasok sa isip niya, pero bago pa siya makapagsalita ay muling sumabat si Loreen. "Oh, please! Ang gasgas na ng linyang 'yan! May maysakit na kapatid, may namatay na magulang... ano susunod? Iiyak ka sa harap namin para bigyan ka ng pera?" Tumawa nang mapakla si Loreen at hinarap si Miles. "Babe, asikasuhin mo 'to. I hate seeing people like her. Nakakasira ng gabi natin." Huminga nang malalim si Miles at marahas na hinila ang kanyang necktie hanggang sa tuluyan itong matanggal. Humakbang siya palapit sa akin. Dahil sa taas niya at sa lakas ng presensya niya, napaatras ako hanggang sa sumadsad ang likod ko sa pader ng sala. Cornered. Wala akong matakbuhan. "Perez," tawag niya sa apelyido ko. Mababa ang tono, pero ramdam ang panganib. "I told you this morning... I hate liars. And I especially hate people who use pity to get what they want. Aling Marites told me about your background. car accident? Sick sister? do you think I would fall for that? Marami nang gumamit ng ganyang script sa akin, Perez. At lahat sila, napatunayan kong pera lang ang habol." "Pero totoo po ang sinasabi ko, Sir Miles!" Sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan ang pag-agos ng aking mga luha. Ang bigat-bigat na ng dibdib ko. Ang sakit-sakit na. "Hindi ko po kasalanan kung niloko kayo ng ibang tao noon! Pero pakiusap, huwag niyo naman pong itulad ang lahat sa kanila. Hindi niyo alam kung gaano kahirap ang mawalan ng magulang sa isang iglap! Hindi niyo alam ang pakiramdam na makita ang kapatid mong tatlong taong gulang na nahihirapang huminga gabi-gabi habang wala kang pera pambili ng gamot!" Nagsisigaw na ako dahil sa halo-halong emosyon—galit, pagod, at matinding hapis. "Fiona..." bulong ni Miles. Sandaling nawala ang bagsik sa kanyang mukha, pinalitan ito ng pagkalito. Titig na titig siya sa mga luha ko na tila ba sinusuri kung totoo ba ang emosyong ipinapakita ko. Ngunit bago pa man magbago ang ihip ng hangin, hinawakan siya ni Loreen sa pisngi at pilit na iniharap sa kanya. "Babe, don't listen to her. Manipulative ang mga ganyang klase ng babae. Let’s go upstairs. I’ll make you coffee para mahimasmasan ka." Tila natauhan si Miles sa sinabi ni Loreen. Muli siyang humarap sa akin, at ang paglambot ng kanyang ekspresyon kanina ay mabilis na napalitan ng dati nitong malamig at pusong-batong anyo. "Umuwi ka na, Perez," malamig niyang utos. "At siguraduhin mong bukas, bago ako magising, malinis na ang buong mansyon. Kung ayaw mong matanggal sa trabaho, matuto kang tumahimik at gawin lang ang ipinagagawa sa'yo. out of my sight." Hindi na ako nag-aksaya ng kahit isang segundo. Mabilis kong kinuha ang luma kong bag sa dirty kitchen, binalot ang ulam na ibinigay sa akin ni Aling Marites, at halos tumakbo ako palabas ng mansyon. Habang naglalakad ako sa madilim na kalsada ng Forbes Park patungo sa sakayan, doon na bumuhos ang lahat ng iyak ko. Humahagulgol ako habang naglalakad. Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Bakit ba napakalupit ng mundo? Ano bang kasalanan ko para tratuhin ako ng ganoon? Ako na nga itong nagtatrabaho nang marangal, ako pa itong tinatawag na marumi at mapagmanipula. Kung hindi lang dahil sa inyo, Piolo, Ferlyn... hindi ko titiisin 'to, bulong ko sa hangin habang pinapahid ang mga luha ko. Nakarating ako sa bahay bandang alas-nuwebe na ng gabi. Pilit kong inayos ang aking mukha at ngumiti bago pumasok sa pinto. Nakita ko si Piolo na nag-aaral sa ilalim ng maliit na bumbilya habang si Ferlyn naman ay mahimbing nang natutulog sa tabi ng electric fan. "Ate! Nandyan ka na pala," masayang salubong sa akin ni Piolo. Agad niyang kinuha ang bag ko at ang supot ng pagkain. "Wow, may ulam na naman tayong masarap! Salamat, Ate." "Oo, ibinigay ulit yan ni Aling Marites. Kumain ka na ba?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok ng aking kapatid. "Opo, kumain na po kami ni Ferlyn ng kanin at itlog kanina. Pero kakain po ako ulit nito, mukhang masarap eh," nakangiting sabi ni Piolo. Bigla siyang natigilan at tumitig sa mukha ko. "Ate... bakit mapula ang mga mata mo? Umiyak ka ba?" Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nagkunwaring may kinukuha sa bulsa ko. "Ah, hindi... napuling lang si Ate habang naglalakad sa kalsada. Ang usok kasi sa labas, alam mo naman." "Sigurado ka po, Ate? Kung nahihirapan ka po sa trabaho mo... pwede naman po akong tumigil muna sa pag-school. Maghahanap po ako ng mapapasukan, kahit mag-car wash o magbenta ng kalakal—" "Hindi!" medyo napalakas ang boses ko kaya agad kong hininaan ang kasunod. "Hindi, Piolo. Makinig ka kay Ate. Ang tanging trabaho mo lang ngayon ay ang mag-aral nang mabuti. Huwag mong iisipin ang pera. Kaya ni Ate, okay? Malakas si Ate. Isang taon na lang at high school ka na. Gusto kong makatapos kayo ni Ferlyn." Yumakap sa akin si Piolo nang mahigpit. "Salamat, Ate. Pangako, mag-aaral ako nang mabuti para paglaki ko, ako naman ang magtatrabaho para sa atin. Hindi ko na hahayaang mapagod ka." Ang mga salitang iyon ng aking kapatid ang nagsilbing pinakamabisang gamot sa lahat ng sugat na natamo ko ngayong gabi. Ang lahat ng pang-iinsulto nina Miles at Loreen ay biglang nawalan ng halaga. Tama si Aling Marites, mahirap ang trabahong ito, pero hangga't ligtas at may kinakain ang mga kapatid ko, handa kong harapin ang kahit anong bagyo. Kinabukasan, maaga na naman akong pumasok. Nang marating ko ang mansyon, tahimik ang buong paligid. Mukhang tulog pa si Miles dahil wala pa ang sasakyan niya sa labas—ibig sabihin ay hindi pa siya umaalis para sa opisina. Nagsimula akong maglinis sa sala nang biglang tumunog ang intercom mula sa kusina. Pumunta ako doon at sinagot ito. "Fiona, nandyan ka na ba?" boses iyon ng isa sa mga guwardiya sa gate. "Opo, Kuya guard. Bakit po?" "May naghahanap sa'yo dito sa gate. Ang pangalan daw niya ay Brix Homer Sanchez. Kaibigan daw siya ni Sir Miles pero ikaw daw ang sadya niya. Papasukin ko ba?" Napakunot ang noo ko. Brix Homer Sanchez? Sino 'yun? At bakit ako ang sadya niya? Wala akong matandaang kakilala na may ganoong pangalan, lalo na ang isang taong may koneksyon sa mayamang tulad ni Miles. "Sige po, Kuya. Lalabas na lang ako sa may garden para tignan kung sino siya," sagot ko bago ibinaba ang intercom. Habang naglalakad ako patungo sa malawak na garden ng mansyon, hindi ko alam na ang pagdating ng lalaking ito ang magiging mitsa ng mas matindi pang gulo sa buhay ko—isang gulo na maglalagay sa akin sa mas malalim na impiyerno sa kamay ng aking heartless na amo.Miles Lawrence Martinez’s POVNakatayo ako sa harap ng malaking floor-to-ceiling mirror sa loob ng aking dressing room, maingat na inaayos ang lapel ng aking dark navy suit. Sa loob ng napakaraming taon ng aking buhay, ang pagsusuot ng ganitong uri ng mamahaling damit ay parang pag-aarmas para sa isang walang katapusang giyera sa mundo ng negosyo. Ang pananamit na ito ang aking baluti laban sa mga taong gustong magsamantala sa kumpanya ang simbolo ng aking lamig, kapangyarihan, at kawalan ng awa.Ngunit ngayong umaga, habang tinititigan ko ang aking repleksyon sa salamin, alam kong hindi ako naghahanda para sa isang seryosong board meeting o para sakupin ang panibagong korporasyon."Daddy! Look, I fixed my coat like yours!"Lumingon ako at agad na napawi ang anumang seryosong porma sa aking mukha. Nakatayo sa pintuan si James Lawrence, ang aming anim na taong gulang na anak. Nakasuot siya ng munting miniature version ng aking dark suit. Pilit niyang inaayos ang kanyang maliit na red b
Fiona Angelyn Perez POV Isang taon ang mabilis na lumipas matapos ang pagsilang sa aming munting prinsesa na si Sophia. Ngayong umaga, pinalitan namin ang maingay at abalang buhay sa lungsod ng payapang simoy ng hangin sa aming rest house sa Tagaytay. Ang bahay na ito ay hindi kasing-laki o kasing-lamig ng mansyon sa Forbes Park. Ginawa ito ni Miles na may malalaking bintanang salamin, may malawak na veranda na nakaharap sa bulubundukin, at may malaking patag na damuhan kung saan malayang nakakatakbo ang mga bata. Nakatayo ako sa gilid ng veranda habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsokolate. Nakasuot ako ng simpleng white floral sundress, nakalugay ang aking buhok habang hinahayaan ang malamig na hangin ng Tagaytay na humalik sa aking pisngi. Sa malawak na damuhan sa aming harapan, nakikita ko ang pinakamagandang tanawin sa buong mundo. Si Miles, na nakasuot lamang ng simpleng grey t-shirt at maong shorts malayo sa kanyang pormal na ayos bilang Chairman ng Martinez Global ay
Fiona Angelyn Perez POV Apat na buwan ang mabilis na lumipas matapos ang pagsasalo-salo ng aming pamilya sa bakuran. Ngayon, ang buong siyam na buwan ng aking ikalawang pagdadalang-tao ay dumating na sa pinakamagandang hantungan. Nakatayo ako sa gitna ng pamilyar na suite room ng St. Luke's Medical Center. Ang sikat ng araw sa maagang umaga ay banayad na sumisilip sa malaking bintana, nagbibigay ng gintong liwanag sa buong silid. Sa aking mga braso, nakabalot sa isang malambot at kulay-rosas na kumot, ay si Baby Sophia Lawrence Perez-Martinez ang aming ikalawang biyaya. Napakatahimik ng aming munting prinsesa. May manipis at maitim siyang buhok, mahabang mga pusa ng mata, at tulad ng kanyang kuya na si James, ang hugis ng kanyang mga labi ay nakuha rin niya mula sa kanyang ama. "Napakaganda mo, anak," pabulong kong sabi habang marahang hinahalikan ang kanyang munting noo. Ang amoy ng isang bagong silang na sanggol ay muling nagpuno sa aking puso ng isang matinding kagaanan at ligay
FIONA ANGELYN PEREZ POV Ilang linggo na rin ang nakalipas mula noong ikalimang anibersaryo ng aming foundation, ngunit hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang init at ligaya sa aming tahanan. Ngayong umaga, maagang gumising ang buong mansyon. Kahit medyo mabigat na ang aking pakiramdam dahil sa limang buwang pagdadalang-tao kay Baby Sophia, masigla pa rin akong bumaba sa kusina upang tulungan si Aling Marites sa paghahanda ng almusal. Ito ang isa sa mga bagay na hindi ko kailanman pinalitan o kinalimutan. Kahit ako na ang donya at misis ng pinakamayamang bilyonaryo sa bansa, ang pagpasok sa kusina, ang pag-aayos ng hapag-kainan, at ang paghalo ng kape para kay Miles ang mga simpleng gawaing nagpapaalala sa akin kung saan ako nagmula. "Ate Fiona, ako na po riyan," maingat na pigil sa akin ni Aling Marites habang kukunin ko sana ang tray ng mga tasang pampalit. "Baka mapagod ka. Baka pagalitan pa ako ni Sir Miles kapag nakita niyang nagbubuhat ka ng mabigat!" Natawa ako nang mah
FIONA ANGELYN PEREZ POV Limang taon ang mabilis na lumipas matapos ang madilim na gabing iyon sa lumang depot sa Bulacan. Ngayong gabi, ang buong bakuran ng aming mansyon sa Forbes Park ay nakabalot sa napakaraming maliliit na kulay-gintong ilaw. Ang simoy ng hangin sa buwan ng Disyembre ay malamig at sariwa, nagdadala ng amoy ng mga sariwang rosas at pine trees na nakapalibot sa buong estate. Sa gitna ng malawak na hardin, nakatayo ang isang malaking glass pavilion kung saan nagtitipon-tipon ang aming pamilya, mga matatalik na kaibigan, at mga opisyal ng Martinez Perez Foundation. Ngayong gabi ang ikalimang taong anibersaryo ng aming foundation—ang pondo na itinayo namin ni Miles para magbigay ng libreng edukasyon, legal assistance, at tulong sa pamilya ng mga manggagawang nabiktima ng kawalan ng katarungan sa buong bansa. Nakatayo ako sa gilid ng ikalawang gawa na balkonahe ng mansyon, nakatanaw sa masayang tipon sa ibaba. Nakasuot ako ng isang simpleng emerald green gown na
FIONA ANGELYN PEREZ POVTahimik ang buong paligid habang dahan-dahang gumagapang ang unang sikat ng araw sa bintana ng aming master bedroom. Ang ulan na kagabi ay tila walang kapatawarang bumabagsak sa Bulacan ay tuluyan nang humupa, pinalitan ng isang maaliwalas at bughaw na kalangitan.Nakatayo ako sa gilid ng malaking bintana, nakasuot ng malambot na silk robe habang hawak-hawak si Baby James Lawrence sa aking mga braso. Mahimbing na natutulog ang aming anak, walang kahit kaunting bakas ng takot o trauma mula sa mga pangyayari kagabi. Ang kanyang maliit na kamay ay nakalingkis pa rin sa aking maliit na daliri, na tila ba sinisiguro niyang hindi ako mawawala sa kanyang tabi.Huminga ako nang malalim. Ang amoy ng pine trees mula sa labas at ang init ng sikat ng araw ay nagbibigay sa akin ng isang kakaibang pakiramdam ng kapayapaan isang pakiramdam na matagal kong inakala na hindi ko na muling mararanasan.Naramdaman ko ang dahan-dahang pagbukas ng pinto ng banyo. Lumabas si Miles, na







