Se connecterFIONA ANGELYN PEREZ POV
Matagal akong naupo sa damuhan ng garden matapos akong iwan ni Miles. Ang init ng sikat ng araw sa aking balat ay hindi pumapantay sa tindi ng nanginginig kong kalamnan dahil sa takot at galit. Tinitigan ko ang braso ko kung saan muling bumaon ang kanyang mga daliri kanina namumula ito, at maya-maya lang ay alam kong magiging pasa na naman ito. Bakit ba napakarumi ng tingin niya sa akin? Pinilit kong tumayo kahit nangangatog ang aking mga tuhod. Pinagpagan ko ang aking uniporme. Tumingala ako sa langit at huminga nang malalim. "Kaya mo 'to, Fiona. Huwag kang bibigay. Isipin mo si Ferlyn. Isipin mo ang panggamot niya." Pilit kong pinatatag ang sarili ko bago dahan-dahang naglakad pabalik sa loob ng mansyon. Ayaw kong makita ako ni Aling Marites na ganito ang itsura, baka mag-alala lang ang matanda at lalo pang sumakit ang kanyang rayuma. Pagpasok ko sa dirty kitchen, laking pasalamat ko dahil wala pa roon si Aling Marites. Siguro ay nasa quarters pa niya at nagpapahinga. Agad akong pumunta sa lababo upang maghilamos. Pagtingin ko sa salamin, ang mga mata ko ay namumula at may bakas pa rin ng nagdaang luha. Kumuha ako ng kaunting yelo sa freezer, binalot ko ito sa malinis na bimpo, at dahan-dahan kong ipinatong sa aking mga mata at sa namumulang bahagi ng aking braso. Habang ginagawa ko iyon, hindi ko mapigilang isipin ang alok ni Brix Sanchez kanina. Tri-triplehin ang sweldo. Bayad ang paunang deposito para sa operasyon sa puso ni Ferlyn. Napakalaking tulong niyon kung tutuusin. Isang pirasong pirma ko lang sa kontratang hawak niya, matatapos na ang kalbaryo ko rito sa kamay ng mapang-aping si Miles Martinez. Pero bakit ganoon? May kung ano sa mga ngiti at titig ni Brix kanina na nagpapatindig ng balahibo ko. Masyado siyang mapagmalasakit para sa isang estranghero. At nung sabihin ni Miles na baka kasabwat ko si Brix upang kumpetensyahin ang kumpanya niya, doon ako lalong natakot. Ayokong madamay sa giyera ng mga mayayaman. Ang tanging gusto ko lang ay ang mabuhay ang mga kapatid ko nang tahimik at marangal. "Fiona, anak? Nandyan ka na pala," gising sa akin ng boses ni Aling Marites mula sa pinto ng kusina. Medyo ika-ika pa rin siyang maglakad, pero bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Ay, ano 'yang nasa braso mo? Bakit namumula?" Mabilis kong ibinaba ang aking kamay at itinago ang braso sa likod ko. Pilit akong ngumiti nang malawak sa kanya. "Ah, wala po ito, Aling Marites. Nasagi ko lang po kasi yung gilid ng bakal na gate kanina habang tinitignan ko yung halaman sa labas. Medyo may kalawang kaya nairita lang po ang balat ko." Tinitigan ako ni Aling Marites nang matagal, na tila ba hindi naniniwala sa aking palusot. "Sigurado ka ba, anak? Alam mo, kung pinahihirapan ka ni Sir Miles, sabihin mo lang sa akin. Kahit bata pa lang si Sir Miles ay kilala ko na 'yan, alam kong napakalamig at napakahirap niyang pakisamahan ngayon, lalo na sa mga babaeng pumapasok dito sa mansyon." Napakunot ang noo ko sa huling sinabi ng matanda. "Bakit po ba ganoon na lang ang galit niya sa mga babae, Aling Marites? Bakit ang daling pumasok sa isip niya na lahat ng babaeng mahihirap ay mukhang pera at gold digger?" Bumuntong-hininga si Aling Marites at umupo sa isang silya sa kusina. Sumunod naman ako at naupo sa katapat niyang upuan upang makinig. "May malalim na hugot ang bata na 'yan, Fiona," panimula ng matanda, habang nakatitig sa kawalan. "Bata pa lang si Sir Miles, nasaksihan niya kung paano nag-away ang kanyang mga magulang dahil sa pera at karangyaan. Ang kanyang sariling ina, si Madam Eleanor, ay iniwan sila ng kanyang ama para sumama sa isang mas mayamang foreign investor noon. Ang masakit pa, kinuha ng kanyang ina ang malaking bahagi ng shares ng kumpanya bago umalis, na muntik nang magpabagsak sa Martinez Global noon. Nakita ni Miles kung paano umiyak at nagpakasubsob sa trabaho ang papa niya para lang maibangon ang kumpanya." Sandali akong natigilan. Kaya naman pala ganoon katindi ang pader na itinayo niya sa kanyang puso. "Kaya simula noon, itinanim na ni Sir Miles sa isip niya na ang lahat ng babaeng lalapit sa kanya ay may kinalaman sa pera," pagpapatuloy ni Aling Marites. "Akala niya, bawat ngiti o luha ng isang babae ay may kapalit na interes. Lalo na nung naging CEO siya, marami talagang socialites at mga katulong ang sumubok na mang-akit sa kanya para lang sa karangyaan. Kaya huwag mo na lang masyadong dibdibin ang mga sinasabi niya, anak. Nasaktan lang ang batang 'yan noon kaya naging ganyan katigas ngayon." Nakahinga ako nang malalim habang pinakikinggan ang kwento ni Aling Marites. Kahit papaano, naintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit ni Miles. Pero sa kabilang banda, sumasakit pa rin ang loob ko. Naiintindihan ko na may trauma siya, pero hindi ba unfair na ituon niya ang traumang iyon sa isang inosenteng taong katulad ko? Hindi ko naman kasalanan ang ginawa ng ina niya sa kanila. Bakit kailangang ako ang magbayad sa mga kasalanang hindi ko naman ginawa? "Sige na, Fiona. Mag-umpisa ka na sa paglilinis sa ikalawang palapag habang inihahanda ko ang tanghalian ni Sir Miles. Baka mamaya ay umuwi na 'yun mula sa opisina," sabi ni Aling Marites sabay tayo. "Opo, Aling Marites," sagot ko. Kinuha ko muli ang aking mga gamit sa paglilinis at tinungo ang ikalawang palapag. Habang naglalakad ako sa malaking hallway, pilit kong iwasang tingnan ang pinto ng library niya kung saan ako pinagbuhatan ng kamay at salita kanina. Dumiretso ako sa dulo ng hallway kung saan matatagpuan ang mga guest rooms. Nagsimula akong magpunas ng mga bintana at magpalit ng mga kurtina. Pilit kong ibinuhos ang aking konsentrasyon sa trabaho upang mawala ang isip ko sa mga problema. Pagkatapos ng dalawang oras, lumabas ako ng kwarto bitbit ang basket ng mga maruruming labahin. Ngunit paghakbang ko sa hallway, laking gulat ko nang makita si Miles na nakatayo sa tapat ng pinto ng kanyang kwarto. Kakauwi niya lang pala. Nakatanggal na ang kanyang suit jacket, at tanging ang puting polo na lang ang suot niya habang nakahawak sa kanyang noo na tila ba may matinding sakit ng ulo. Aatras sana ako, pero huli na ang lahat. Lumingon siya sa direksyon ko at nagtagpo ang aming mga mata. Agad kong ibinaba ang aking tingin at sumandal sa pader upang bigyan siya ng espasyo para makadaan. "Magandang hapon po, Sir Miles," pilit kong pormal na bati, kahit na ang puso ko ay mabilis na naman ang tibok dahil sa kaba. Hindi siya sumagot. Naglakad siya palapit sa akin, at sa bawat hakbang niya ay parang gusto kong maglaho na lang na parang bula. Huminto siya sa mismong tapat ko. Inasahan ko na naman ang kanyang matatalim at mapang-insultong salita. Inihanda ko na ang sarili ko na tawagin na naman niyang gold digger o kasabwat ni Brix Sanchez. Ngunit lumipas ang ilang segundo, walang salitang lumabas sa kanyang mga labi. Dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin. Nagulat ako nang makita ang ekspresyon sa kanyang mukha. Wala ang galit na nakita ko kanina sa garden. Sa halip, may bakas ng matinding pagod at kung anong emosyon na hindi ko mawari. Nakatitig siya sa aking braso ang braso kung saan may bakas pa rin ng pamumula mula sa pagkakahawak niya kanina. Nang mapansin kong doon siya nakatingin, mabilis kong inayos ang basket ng labahin upang matakpan ang aking braso. "K-Kung wala na po kayong kailangan, Sir Miles... bababa na po ako sa laundry area para labhan itong mga kurtina," paalam ko nang mabilis. Hahakbang na sana ako paalis nang marinig ko ang kanyang mahinang boses. "Perez." Huminto ako pero hindi ko siya nilingon. "Did... did Brix Sanchez give you anything?" tanong niya. Mababa ang tono ng boses niya, wala ang dating bagsik, pero naroon pa rin ang lamig. "Wala po, Sir Miles. Hindi ko po tinanggap ang kontratang inaalok niya," sagot ko nang diretso, habang nakatitig lang sa sahig. "Gaya ng sinabi ko sa inyo kanina, hindi ko siya kakilala. At wala akong balak makisawsaw sa kung ano mang gulo mayroon kayo. Pumasok ako rito para maglinis, at iyon lang ang gagawin ko." Narinig ko ang kanyang malalim na pagbuntong-hininga. "Fine. make sure it stays that way. Dahil kung malaman kong lumapit ka ulit sa kanya, I will not hesitate to kick you out of this house." "Huwag kayong mag-alala, Sir. Hinding-hindi ko na hahayaang mangyari 'yun," sabi ko, bago mabilis na naglakad palayo sa kanya. Nang makarating ako sa laundry area, doon ko lang pinakawalan ang hangin na kanina ko pa pinipigil sa aking dibdib. Napasandal ako sa washing machine at napahawak sa aking puso. Ang gulo-gulo ng utak ko. Sa isang banda, galit na galit ako sa kanya. Pero sa kabilang banda, matapos marinig ang kwento ni Aling Marites, may kaunting bahagi ng puso ko ang nakaramdam ng lungkot para sa kanya. Pero hindi, Fiona. Huwag kang maawa sa kanya. Siya ang mayaman, ikaw ang mahirap. Siya ang nambubugbog ng dignidad mo, ikaw ang biktima rito, paalala ko sa sarili ko. Ipinagpatuloy ko ang aking trabaho hanggang sa sumapit ang gabi. Nang matapos ko ang lahat, nagpaalam na ako kay Aling Marites para umuwi. Paglabas ko ng gate ng mansyon, sinalubong ako ng malamig na hangin ng gabi. Habang naglalakad ako patungo sa sakayan, alam ko na ang mga susunod na araw ay magiging mas mahirap pa. Dahil bukod sa matinding ugali ni Miles, alam kong hindi pa tapos si Brix Sanchez, at siguradong gagawa at gagawa pa ito ng paraan para guluhin ang buhay ko. At ang tanging magagawa ko lang ay ang maging matatag—isang matatag na ate para sa aking mga kapatid na naghihintay sa akin sa aming munting tahanan.FIONA ANGELYN PEREZ POV Binitawan agad ako ni Sir Brix nang makalapit nang tuluyan si Miles ramdam ko ang lamig ng pader sa aking likod habang mabilis na lumipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ang distansya sa pagitan nina Miles at Brix ay kulang sa isang dipa, at ang hangin sa makitid na hallway na iyon ay tila nawalan ng oksiheno sa sobrang bigat. "What is yours, Miles?" nakapaskil pa rin ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Brix, pero ramdam ang hamon sa kanyang boses. "Ang alam ko, cleaning lady mo lang siya. You don't own her. At sa nakita ko sa sala kanina, mukhang wala ka namang pakialam kung bastusin at tratuhin siya na parang basahan ng girlfriend mo." "She is my employee, Sanchez. Under my roof, under my rules," mariin ang bawat bigkas ni Miles. Ang kanyang mga mata ay hindi umaalis sa mukha ni Brix, ngunit ang kanyang kamao ay mas lalong humigpit ang pagkakasara. "At ang mga bisitang tulad mo ay walang karapatang gumala sa mga pribadong bahagi ng mansyon ko para l
FIONA ANGELYN PEREZ POV Isang linggo na ang lumipas simula nung huling beses kaming magkausap ni Miles sa hallway ng ikalawang palapag at sa loob ng isang linggong iyon, parang bumalik siya sa pagiging masungit, malamig, at mapang-abuso mas malala pa kaysa noong mga unang araw ko rito. Parang pinatunayan niya lang ang sinabi niya sa sarili niya na kailangan niya akong itaboy kung mag-utos siya ngayon, akala mo ay wala akong kapaguran. Kung may makita siyang kahit katiting na mantsa sa salamin, pinapaulit niya sa akin ang buong kwarto habang nagsasalita ng mga salitang sadyang pumuputol sa natitira kong dignidad. Pero tinitiis ko tuwing nararamdaman ko ang pananakit ng aking likod at ang pangangatal ng aking mga kamay sa pagod, iniisip ko na lang ang reseta ng gamot ni Ferlyn. Kahapon ay dinala siya ni Piolo sa klinika at salamat sa Diyos, kahit papaano ay naging stable ang kanyang kondisyon dahil sa mga bagong gamot na nabili ko mula sa unang lingguhang sweldo ko. Iyon lang ang ma
MILES LAWRENCE MARTINEZ POV "Damn it," bulong ko sa sarili ko habang marahas na itinatapon ang aking necktie sa ibabaw ng kama. Sumasakit ang ulo ko. Ang matinding hangover mula kagabi at ang walang katapusang bulyaw ng mga board members sa Martinez Global Tower kaninang umaga ay sapat na para mag-init ang ulo ko buong araw. Pero alam ko sa sarili ko na hindi lang ang trabaho ang dahilan kung bakit hindi ako mapakali it was that woman, Fiona Angelyn Perez. Lumapit ako sa bintana ng aking kwarto at tumingin sa ibaba, partikular sa malawak na garden kung saan ko siya nakitang nakikipag-usap kay Brix Sanchez kaninang umaga. Hanggang ngayon, parang nakatatak pa rin sa isip ko ang itsura niya habang nakaupo sa damuhan matapos ko siyang bitawan nang marahas. Ang kanyang mga mata puno ng luha, galit, at isang uri ng katatagan na ngayon ko lang nakita sa isang babae at ang braso niya namumula ito dahil sa higpit ng pagkakahawak ko. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Isang malalim n
FIONA ANGELYN PEREZ POV Matagal akong naupo sa damuhan ng garden matapos akong iwan ni Miles. Ang init ng sikat ng araw sa aking balat ay hindi pumapantay sa tindi ng nanginginig kong kalamnan dahil sa takot at galit. Tinitigan ko ang braso ko kung saan muling bumaon ang kanyang mga daliri kanina namumula ito, at maya-maya lang ay alam kong magiging pasa na naman ito. Bakit ba napakarumi ng tingin niya sa akin? Pinilit kong tumayo kahit nangangatog ang aking mga tuhod. Pinagpagan ko ang aking uniporme. Tumingala ako sa langit at huminga nang malalim. "Kaya mo 'to, Fiona. Huwag kang bibigay. Isipin mo si Ferlyn. Isipin mo ang panggamot niya." Pilit kong pinatatag ang sarili ko bago dahan-dahang naglakad pabalik sa loob ng mansyon. Ayaw kong makita ako ni Aling Marites na ganito ang itsura, baka mag-alala lang ang matanda at lalo pang sumakit ang kanyang rayuma. Pagpasok ko sa dirty kitchen, laking pasalamat ko dahil wala pa roon si Aling Marites. Siguro ay nasa quarters pa niya a
FIONA ANGELYN PEREZ POV Mabilis akong naglakad palabas ng back door patungo sa malawak na garden. Habang humahakbang ako sa sementadong daan sa gitna ng mga mamahaling halaman, pilit kong inaalala kung may kakilala ba akong Brix ang pangalan. Pero wala talaga. Simula nang mamatay sina Mama at Papa, ang mundo ko ay umikot na lang sa dalawa kong kapatid, sa ospital, at sa paghahanap ng mapagkakakitaan. Wala akong oras para makipagkaibigan, lalo na sa mga taong may mararangyang pangalan. Nang marating ko ang tapat ng malaking bakal na gate, nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa tabi ng isang kulay abong sports car. Kung titingnan siya, halatang galing din siya sa mataas na lipunan gaya ni Miles. Nakasuot siya ng isang mamahaling dark blue na suit, maayos ang gupit ng buhok, at may hawak siyang isang pirasong mamahaling leather folder. Pero kung si Miles ay parang yelo na nakakatakot lapitan, ang lalaking ito ay may nakapaskil na ngiti sa kanyang mga labi. Isang ngiti na sa unang t
FIONA ANGELYN PEREZ POV Parang urong-sulong ang mga paa ko habang nakatayo sa tapat ng naglalakihang magkasintahan—o kung ano man ang tawag sa relasyon nina Miles at Loreen. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kung kanina ay parang yelo ang lamig ng presensya ni Miles, ngayon naman ay para siyang bulkang nagbabadyang sumabog dahil sa matinding kalasingan at galit na rumierehistro sa kanyang mukha. "I-Ipapaliwanag ko lang po, Sir..." pautal-utal kong panimula habang mas hinigpitan ko ang yakap sa folder na hawak ko. "Kakatapos ko lang po kasing maglinis sa dining area. At nakita ko po itong folder niyo na naiwan sa mesa, kaya l-liligpitin ko lang sana bago ako umuwi—" "Liligpitin? O baka naman ninanakaw mo na?" Hindi si Miles ang nagsalita, kundi ang babaeng kasama niya. Humakbang si Loreen Mundala palapit sa akin. Ang bawat tunog ng kanyang high heels sa marmol na sahig ay parang tunog ng paparating na hatol. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa nang may matinding pandidir







