Share

THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]
THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]
Author: AKHIRAH MIAMOR

Chapter 1 First kiss

MARCUS

"Bye, Mommy! Muwaah!" paalam ko kay Mommy dahil papasok na ako ng school. 

Napakatamis ng ngiti nitong muling humalik sa labi ko bago ako pakawalan.

"Bye, sweetie. I'll fetch you later, huh?" pahabol pa nitong ikinangiti at tango ko na kumaway sa kanya bago pumasok ng room ko.

She's one of the best mother and wife in this world. And we're so happy and blessed that... she's our Mom. Maganda, mabait, malambing, maasikaso at laging hands-on sa pag-aalaga sa amin ng mga ate at kuya ko lalo na syempre sa daddy naming pabebe din kahit matanda na. Oopps. Medyo lang pala dahil nasa 40's pa lang naman si Daddy Akhiro. Ang gwapong Daddy ko.

"Good morning, Marcus!" halos panabay na bati ng mga classmates kong napakalapad ng ngiti sa aking ikinangiti at tango ko lang.

"Good morning, ladies!" balik bati kong kumindat sa mga itong ikinairit ng mga ito na napapapadyak pa ng kanilang paa.

Napapailing na lamang akong nagtungo ng desk ko.

"Good morning, chubs!" lambing bati ko sa bestfriend ko.

Napangalumbaba sa desk nito katabi ko at nagkakandahaba na naman ang ngusong iniirapan ang mga classmates naming babae na pinagtitinginan ako.

" 'Wag mo akong kausapin," ismid nitong ikinahagikhik kong napasandal dito.

Hindi naman ito umangal pero kitang bad mood pa rin. Malamang ay naiinis na naman siya sa mga classmates naming lantarang nagpapa-cute sa akin haist. Napakaselosa ng bestfriend ko. Akala mo naman may makakapalit sa kanya sa puso ko.

Siya si Jessie Abigail Gonzalez. Anak ng personal driver ni Daddy na si tatay Darwin, isang solo parent. Iniwan ng asawa dahil sa hirap sa buhay at ipinagpalit sa may kaya. 'Yon ang narinig kong kwento ng buhay niya kaya nga walang pag-aalinlangan si daddy na tinanggap ito para may panggastos sa anak. Naging malapit kami ni Jessie dahil palagi siyang dinadala dati ni Tatay Darwin sa mansion. Noong hindi pa kami nag-aaral dahil magka-edaran lang naman kami.

"Uy ano ka ba, ngumiti ka naman. Lalo kang pumapangit, chubs," tudyo ko dahil nakabusangot pa rin ito.

Pinaningkitan ako nitong tila nagbabanta na ikinangiti ko lang ng malapad dito. Namula pa itong nag-iwas tingin na ikinabungisngis kong inakbayan ito.

"Ano bang problema, hmm? Bakit bad mood ang chubs ko?" bulong ko dahil pumasok na ang adviser namin.

Napahinga ito ng malalim at naglabas na ng notebook sa bag nito.

"Wala," ismid nito na sa harap na ang attention.

"Meron."

"Wala nga sabi."

"Meron nga," nilingon ako nito na naniningkit na ang mga mata at kitang nagtitimpi lang dahil nasa harapan na ang adviser namin.

Ngumiti akong napa-piece-sign ditong ikinaikot lang ng mga mata nito bago muling bumaling sa adviser naming kasalukuyang nagsusulat sa blackboard.

HINDI NAMAN mahirap maunawaan ang mga pinag-aaralan namin lalo na sa akin dahil naka-advance review ako sa mga inaaral namin. Tanda ko nga tatlong taon pa lang ako ay tinuturuan na ako ni mommy magsulat at magbasa. Kaya noong four na ako ay marunong na ako sa pagbasa, pagsulat at pagbibilang. Matalino din naman si Jessie. Syempre bestfriend ko 'to kaya tinuturuan ko kapag may hindi siya maintindihan sa mga inaaral namin. Mabuti na lang matyaga ito na madaling turuan kaya hindi masakit sa ulo ipaliwanag sa kanya ang mga lessons namin.

"Anong ulam mo yatch? Pahingi," natatawa na lamang akong binuksan ang lunch box ko.

Pinapadagdagan ko talaga kay Mommy ang baon ko dahil hinahatian ko si Jessie. Si Tatay Darwin kasi ay hindi na nagagawang magluto ng baon nito dahil maaga itong sinusundo si Daddy sa mansion. Kaya mga prito lang ang kadalasang baon ng bestfriend ko. Pritong itlog, o kaya nilagang itlog. Minsan pritong gulay.

"Ang takaw mo, alam mo ba 'yon? Tignan mo nga 'yang pisngi mo....parang siopao na sa tambok oh," tukso ko habang kumakain kami.

Napairap naman ito dahil punong-puno ang bibig at 'di makapagsalita. Napakasigla niyang kumain at parang hindi babae kung kumilos. Napapailing na lamang ako dahil mas mahinhin pa akong kumilos dito lalo na kung usapang pagkain. Kaya nga chubs ang tawag ko dito dahil may pagka-chubby siyang babae. Ang liit pa naman niya. Kaya ang cute niyang tignan lalo na kung naka-payong ito. Para siyang isang mushroom na naglalakad hihihi!

"Anong nakakatawa, para kang may saltik, yatch," anito na ikinapalis ng ngiti ko sa naiisip sa kanya.

Napatikhim akong tumuwid ng upo at muling sumubo. Yatch ang tawag niya sa akin dahil payatot daw ako. Hindi naman ako payat. Sakto lang ang pangangatawan ko hindi katulad niya na bilugan ang katawang parang sa yakult lang. Maliit na bilugan. Kaya chubs din ang tawag ko sa kanya dahil chubby siyang bata.

Napaangat kami ng mukha nang maghiyawan ang mga classmates namin dito sa canteen ng school kung saan kami kumakain. Napangiti akong siniko bahagya si Jessie na ikinalingon nito sa tinitignan kong ikinaismid nito at muling kumain.

Si Bianca Lee, ang crush ko. Half chinese at pilipino. Anak siya ng kasosyo nila daddy sa kumpanya at schoolmates namin siya. Grade two na nga lang ito kumpara sa amin ni Jessie na grade one pa lang kaya sa tuwing break lang namin ko ito nakikita. Maganda si Bianca. Singkit din siya tulad ko na maputi. Brown nga lang ang kulay ng mga mata niya kumpara sa akin na dark gray. Mahaba din ang unat nitong buhok na laging nakalugay at napapalamutian ng magagandang hairclips o ribbon na bumagay sa kanya. Napakahinhin niyang kumilos at talaga namang inaayusan siya ng mommy niya. Siya ang muse ng school namin. Kaya kilala siya ng lahat ng schoolmates namin. Hindi rin maiwasang maraming nagkakagusto sa kanya. Kaya lang may pagkamaldita siya kaya hindi ko siya pinapansin kahit ako ang escort ng school kaya pares kami.

"Ang ganda niya," bulong kong ikinasamid ng katabi ko.

"Uy, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko na hinagod-hagod ang likod nito.

Napairap lang itong tinabig ang kamay ko. Tumayo na ito na nagdadabog isinilid sa bag ang lunch box kaya taranta naman akong napasunod ditong isinilid na tin sa bag ko ang baunan ko. Nakakainis naman ang babaeng 'to. Kung kailan nandito na ang crush ko saka mag-a-attitude at mang-iiwan. Gustong-gusto ko pa sanang matitigan si Bianca eh.

Asar.

"Bye, Marcus!" tumango lang ako sa mga classmates naming pinansin akong napadaan sa tabi nila.

Nasulyapan ko rin ang table nila Bianca at mga kaibigan nitong nakatingin sa akin. Kumaway pa silang nginitian at tango ko lang dahil nagmamadali na akong habulin si mushroom kong mukhang banas na naman!

"Uy chubs, hintay naman," pigil ko dito na malalaki ang hakbang.

Napairap lang itong nagtungo sa playground nitong school. Naupo ito sa duyan na tinabihan ko. Nakabusangot pa rin ito na bahagyang salubong ang kilay. Napatitig ako dito. Kung tutuusin ay maganda din naman ang mushroom bestfriend ko. Morena siya pero bagay naman. Short hair ito na parang kay Dora ang style. Mababa na may bangs at laging nakalugay lang dahil wala naman siyang Nanay para mang-ayus lagi ng buhok niya. Matangos din ang maliit niyang ilong at maninipis ang mga labing natural ang kulay na pula. Hindi ito nagpapahid ng kahit ano sa katawan, mas maarte pa nga ako dito dahil ako ay naka-lotion pa at perfume kumpara dito na basta nakaligo ay okay na. May pagkabilugan ang mga mata nito at makapal ang kilay at pilikmatang bumagay sa kanya lalo na't itim na itim ang mga 'yon at mahahaba ang malalantik niyang eyelashes.

Napaiwas ako ng tingin at biglang kumabog ang dibdib ko sa paglingon nito. Matamang na pala akong nakatitig dito habang sabay kaming nakaduyan.

"Tinitingin-tingin mo?" pagmamaldita nitong ikinahagikhik ko.

Napairap itong muli na ikinatigil ko na sa pagduyan at inakay ito.

"Tara may pupuntahan tayo, para lumamig ang bangs mo," natatawang saad kong hinila na ito sa kamay.

Nagpatianod lang naman ito. Alam ko namang isang bagay lang ang mabilis magpababa ng mataas na temper nito kapag napipikon ko. Chocolate ice cream. 'Yon kasi ang paborito niya.

Hindi nga ako nagkamali dahil napangiti na ito ng mahimigan na icecream ang bibilhin namin. Pinag-intertwined pa nito ang mga daliri namin na napakalapad na ng ngiti at nagniningning ang mga matang makita ang selecta logo sa store na pinasukan namin. Dito din kami madalas bumibili ng icecream kaya kabisa na nito kapag nagtutungo kami dito sa store.

"Happy?" nakangiting saad ko na inabot ang isang chocolate cone icecream dito.

Napangiti itong tinanggap 'yon na ikinailing ko na lamang.

"Yes, super duper happy yatch! Thank you!" masiglang saad nito na napa-smack-kiss sa mga labi kong ikinanigas at laki ng mga mata ko!

Napahawak ako sa labi ko na natutulala. Oh my gosh. Ang first kiss ko. Kinuha lang ng mushroom na 'to! Haist! Nakakainis!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status