Share

GAMBLE

HUWEBES NG HAPON, abala si Riko sa pag-aayos ng gagamitin niya para sa gagawin niyang fruit cake. Tumawag sa kanya si Crista, isa pa niyang kaibigan bukod kay Reeze. Darating daw ito sa susunod na araw at kabilin-bilinan ng babae na kailangan daw ay may madatnan itong fruit cake sa bahay niya.

Napatigil sa ginagawa si Riko nang makarinig siya ng tatlong sunod-sunod na doorbell. Nangunot ang noo niya at kaagad na nalukot ang ilong. Hindi niya alam kung ano ang trip ng kung sino mang nasa labas. Maririnig naman niya kahit isang pindot lang sa doorbell ang gawin nito.

Ibinaba niya ang hawak na pang-sukat sa harina. Ipinunas din niya ang magkabilang kamay sa suot na apron at walang pakialam sa itsura na naglakad patungo sa front door.

Ilang hakbang na lang ang layo niya mula sa pinto nang muling tumunog ang doorbell. Tatlong sunod-sunod ulit kaya tuluyan nang nainis si Riko.

“Sandali!” gigil na turan niya sa malakas na tinig habang pinipihit ang doorknob. “Wala bang doorbell sa inyo at—”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status