Home / Romance / TIE OF LOVE / I WILL BE HERE FOR YOU

Share

I WILL BE HERE FOR YOU

last update publish date: 2026-06-19 20:47:02

C-16: Only Request

___

Kaming dalawa na lang ng Papa kaya alam ko higit niya akong kailangan ngayon. Hindi ko siya iiwanan kahit pa ipagtabuyan niya ako hindi ako aalis sa tabi niya.

Kahit ilang beses pa niyang sabihing matigas ang ulo ko. Alam ko naman na ginagawa lang niya iyon para maprotektahan ako.

Gagawin ko ang lahat para matulungan ko ang Papa kung kailangan makiusap ako kay Sir Rigo para tulungan niya kami gagawin ko. Alam ko tutulungan kami ni Rigo..

Tama, kaya kailangan kong makarati
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • TIE OF LOVE    I WILL BE HERE FOR YOU

    C-16: Only Request___Kaming dalawa na lang ng Papa kaya alam ko higit niya akong kailangan ngayon. Hindi ko siya iiwanan kahit pa ipagtabuyan niya ako hindi ako aalis sa tabi niya.Kahit ilang beses pa niyang sabihing matigas ang ulo ko. Alam ko naman na ginagawa lang niya iyon para maprotektahan ako.Gagawin ko ang lahat para matulungan ko ang Papa kung kailangan makiusap ako kay Sir Rigo para tulungan niya kami gagawin ko. Alam ko tutulungan kami ni Rigo..Tama, kaya kailangan kong makarating agad ng opisina. Baka hindi ko na abutan pa ang Papa..__"Papa..""Huh, Aleyha anong ginagawa mo dito? Hindi ba sinabi kong huwag mo na akong pupuntahan." Mariing salita nito sa akin."Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin Papa at kahit ilang libong beses mo pa akong ipagtabuyan. Hindi pa rin ako aalis sa tabi mo! Tayong dalawa na lang kaya hindi kita iiwan naiintindihan mo ba?!" Pilit ko itong ipinauunawa sa kanya, subalit matigas pa rin ang kanyang loob.Nasa loob kami ng private off

  • TIE OF LOVE    THREATENING

    C-15: Don't worry about me, but protect my daughter instead.____"So, mayroon ka pala talagang itinatago, Alejandro?"Huh! Narinig ba niya kami, kanina pa kaya siya nakikinig?"Rigo! Anong ginagawa mo dito?""Hindi ba dapat ako ang magtanong n'yan sa'yo, anong ginagawa mo dito sa oras ng trabaho? Dahil sa pagkakaalam ko hindi naman dito ang opisina mo.""At sa pagkakaalam ko rin hindi ikaw ang Boss ko para magsabi ng tama at dapat kong gawin.""Oh, ikaw nga pala ang Boss! Nakapagtataka lang kasi kay aga mo namang nakikipagtsismisan. Bakit pinag-uusapan n'yo na ba kung paano n'yo paghahatian ang kumpanya?""Tumigil ka Rigo, huwag mong simulan!""Ivo.. Bakit ba masyado ka namang apektado hindi naman ikaw ang magnanakaw. Hindi ba Alejandro?""Sumosobra ka na Rigo!""Tama na, Ivo.. Ano ba talaga ang kailangan mo Rigo?""Wala lang naman.. Gusto ko lang namang i-remind sa'yo na lumiliit na ang panahon mo para ayusin ang problema ng kumpanya. Pauwi na kasi si Lolo with in two months ayokon

  • TIE OF LOVE    MISCONCEPTION

    C-14: I'm in love with a woman who loves someone else..___Ayoko na sanang alalahanin pa ang mga sandaling iyon. Ngunit hindi ko kayang pigilan ang pagdaloy ng mga alaala sa aking isipan. Kung nakinig lang sana si Martin, kung hindi lang siya nagmatigas at hindi niya tinakasan ang lahat.Posible kaya na, naging iba ang aming kapalaran?Ngunit hinding-hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko lalo na nang panagutan ko at pakasalan si Cassandra. Dahil iyon ang pinakamasayang sandali ng buhay ko.Ang pagiging ama kay Aleyha ang pumuno ng kakulangan ko. Silang dalawa ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng kahulugan ang buong buhay ko at kaya patuloy pa rin akong nabubuhay hanggang ngayon.Alam ko kailangan pa ako ng anak ko, kailangan pa ako ni Aleyha. Ngayon pa ba ako susuko? Iyon ang pilit na inilalagay ko sa isip ko paggising ko pa lang kaninang umaga. Hanggang ngayon na narito na ulit ako sa opisina. Habang nirerebisa ko ulit ang mga papeles na nasa ibabaw ng aking mesa. Sinusubukan

  • TIE OF LOVE    LOOKING BACK AT THE PAST

    C-13: ALEJANDRO SORIANO (POV) ___ Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok. Kung ilang stick na nga ng sigarilyo ang nasindihan at pinatay ko. Para kahit paano makaramdam ako ng kapanatagan at kapayapaan ng isip, ngunit bigo ako na ito ay makamit.. Hindi naman talaga ako change smoker actually I hate cigarettes. Pero this time sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko gamit ang wala pa lang kwentang sigarilyong ito. Kasabay ng isang bote ng whisky na malapit ko na ring masaid. Subalit hindi man lang nakabawas sa tensyon na nararamdaman ko ngayon. Iniisip ko, kung nagkamali ba talaga ako ng pagpapalaki sa aking anak o naging sobrang higpit lang ba ako sa kanya? Kaya ginagawa niya ang mga bagay na iyon upang magrebelde sa akin. Cassandra kung narito ka lang sana, alam kong mas maiintindihan ako ng iyong anak. Kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito sa kanya. Alam mong hindi ko siya gustong itago sa mahabang panahon pero kailangan ko itong gaw

  • TIE OF LOVE    DENY ME AS YOUR FATHER

    C-12: Be Brave My Princess Especially When Papa is No Longer by Your Side ___"Bakit Aleyha, bakit ka nagsinungaling sa akin?!" Kasalukuyan kami ngayong nasa parking area kasama ko ang Papa. Dito niya ako dinala matapos niya akong igiya papasok ng elevator. Habang sa isip ko maaaring nagtataka na ngayon si Sir Ivo. Dahil naiwan ito sa itaas dala ang mga gamit ko. Ano na kaya ang iniisip nito ngayon?Ano kaya ang gagawin nito sa mga gamit ko na dala nito kanina? I sighed..Ahhh! Bahala na, si Papa kasi eh.___"Bakit sinuway mo ako Aleyha?!" Muling nanumbalik ang isip ko sa kasalukuyan ng muli kong marinig ang boses ng Papa na puno ng prustrasyon ang tinig.Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso ang tinig na halos magngalit na ang mga ngipin kasabay ng pagpipigil ng galit. Hindi ko na tuloy magawang idepensa ang sarili ko. Narito na ako sa sitwasyong ito hindi ko na mababago pa ang nangyari na. Alam kong darating ako sa puntong ito pero itinuloy ko pa rin, kaya siguro kai

  • TIE OF LOVE    STRANGE FEELINGS

    C-11: Why Didn't You Just Become My Boss, Sir?____Maaga akong pumasok ngayong araw kailangan ko kasing maghanda para sa meeting mamaya.Parang kailan lang halos magtatatlong buwan na pala ako dito sa SDC kaya hindi na rin ako naliligaw. Kabisado ko na yata ang buong building dahil sa kauutos ni Sir Rigo at Miss Cindy. Kahit pa TNT ang peg ko para lang hindi ako makita ni Papa.Minsan napapagod na rin ako at higit sa lahat nagiguilty, pakiramdam ko kasi ang sama kong anak. Kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako handang harapin siya at kung kailan man ako magiging handa? Hindi ko pa alam, bahala na.._Halos kakaupo ko lang pagkatapos kong sundin ang iniutos ni Miss Cindy kanina pagdating ko. Nang dumating naman si Sir Rigo, as usual kailangan ko na namang sumunod sa kanya. Minabuti ko na lang na sumunod sa kanila palagi, iyon yata talaga ang way para tumagal ako dito.Pinili kong pakisamahan na lang silang mabuti at maging bulag, pipi at bingi. Kahit pa may pakiramdam ako na may gin

  • TIE OF LOVE    MY FATHER AND I

    CHAPTER THREE___"Papa..." This time, alam kong nasaktan ko ang kalooban ni Papa. "Pa, sorry na po! Kahit kailan naman hindi ko inisip na hindi ikaw ang Papa ko para sa'kin ikaw lang ang nag-iisang Papa ko at hinding-hindi kita ipagpapalit sa kahit anong yaman sa mundo. Dahil mahal kita, mahal n

  • TIE OF LOVE    MEET MR. IVO SEBASTIAN

    CHAPTER SEVEN:___"Anong itinawag mo sa akin?" Bakit ba sa dami naman ng p'wede kong makasabay sa elevator ang lalaking ito pa? "Hi Sir ikaw pala 'yan, dito ka rin ba nagtatrabaho Sir?" Sinubukan kong ibahin na lang ang usapan."Bago ka ba dito?" Hindi naman na niya inulit ang tanong kanina. Ha

  • TIE OF LOVE    THE ONLY ONE THAT I HAVE

    CHAPTER TWO_Gumising ka na, Aleyhandra Soriano malapit na kayo sa Airport, ilang sandali na lang mawawala na siya sa paningin mo. Kaya tapusin mo na ang kahibangan mo ngayon pa lang... Gising na, Aleyhandra! Bulong ko sa aking sarili. Dahil hindi totoo ang lahat ng ito, isa lang itong pangarap

  • TIE OF LOVE    THE WEDDING CRASHER

    CHAPTER ONE_ CAGAYAN DE ORO CITY - ISLA DEL CASTRO, HOTEL AND RESORT "We are gathered here today in the sight of God and these witnesses to join together with Marco and Trixie in holy matrimony; which is an honorable estate, instituted of God, since the first man and the first woman walked on

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status