LOGINC-19: Secret Plan 2___Ang labis na sama nang loob na kanina lang ay bumabalot sa akin ngayon tila napalitan ng pagkabagot. Atribida talaga ang babaing ito tukoy ko sa secretary ni Sir Rigo. Kahit kailan naman talaga pakialamera at hindi na ako magtataka kung mag-iisip na naman ito ng masama tungkol sa akin. Sigurado sasabunin na naman ako nito kapag hindi na kaharap si Sir Rigo."Sige na Cindy hindi pa kami tapos mag-usap kaya iwanan mo muna kami.""Pero Sir Rigo..""I said, leave as alone!""O-okay Sir.."Hmm, buti nga sa'yo sa loob loob ko oras ko kaya ngayon..Ngunit nakatikim pa rin ako ng masamang tingin mula dito bago pa ito tuluyang lumabas.Pero ikiniling ko lang ang aking mukha hindi ito ang tamang oras para dumagdag pa ito."Mabuti siguro kung sa labas na lang tayo mag-usap tutal lunch break naman na mas magkakaintindihan tayo kung walang istorbo."Pagkasabi niyon tumayo na agad ito at dere-deretsong lumabas ng opisina. S'yempre kailangan ko na namang itong habulin kaya
C-18: True Colors___Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng pagkakataon..Dahil muli na naman akong isinalba ni Ivo. Bakit ba sa tuwing problemado ako siya ang nariyan para sumalo sa akin. Hindi naman kami ganu'n kalapit sa isa't-isa ni hindi ko nga siya matawag na kaibigan. Pero ano nga ba ang mayroon sa aming dalawa?At that moment, I couldn't explain my feelings but it was unusual. Alam ko namang mali ito at hindi dapat.."Klap, klap, klap!""Huh?" Nagulat ako sa palakpak na iyon ngunit mas nagulat ako sa taong gumawa nito. Paglingon ko kay Ivo nakatingin na rin ito habang nakakunot ang noo. Ngunit hindi ito kababakasan ng pagkabahala. Habang ako parang gusto ko nang mataranta.."Ow! What a beautiful scene, so kayo na ba ngayon?""Anong pinagsasabi mo?""Hahaha.. Ivo, Ivo! You have been caught in the act of flirting with a girl.. Don't deny it, unless you think Aleyha is not a woman. Ano kaya ang sasabihin ni Althea kung malalaman niya itong ginagawa mo ngayon?""Sir, nag
C-17: What a beautiful scene ___Halos mag-iisang buwan na mula nang araw ng mag-usap kami ng Papa pero hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinakausap.May pakiramdam ako na ayaw rin niyang magpakita sa akin. Ilang beses ko na ring tinangkang humingi ng tulong kay Sir Rigo pero lagi na lang busy ito.Hindi ko alam kung talagang umiiwas lang ba ito? Mula kasi nang huling mag-usap kami ng tungkol kay Sir Ivo. Hindi na ito ulit nakikipag-usap ng matagal sa akin. Ayoko namang isipin na seryoso ito sa gusto nitong ipagawa sa akin. Agad rin naman kasi nitong binawi at tumawa pa ito ng malakas ng makita ang pagkabigla sa aking mukha.Ang sabi pa nito kalimutan ko na lang ang sinabi niya. Kayà naman inisip ko na lang na nagbibiro lang ito nang araw na iyon.Para naman kasi itong baliw, paano ba nito naisip na sabihin sa akin na akitin at paibigin ko si Sir Ivo? Alam naman niya na may girlfriend na yung tao.Saka ako pa talaga e hindi nga nu'n napapansin ang beauty ko kaya paano ko naman
C-16: Only Request___Kaming dalawa na lang ng Papa kaya alam ko higit niya akong kailangan ngayon. Hindi ko siya iiwanan kahit pa ipagtabuyan niya ako hindi ako aalis sa tabi niya.Kahit ilang beses pa niyang sabihing matigas ang ulo ko. Alam ko naman na ginagawa lang niya iyon para maprotektahan ako.Gagawin ko ang lahat para matulungan ko ang Papa kung kailangan makiusap ako kay Sir Rigo para tulungan niya kami gagawin ko. Alam ko tutulungan kami ni Rigo..Tama, kaya kailangan kong makarating agad ng opisina. Baka hindi ko na abutan pa ang Papa..__"Papa..""Huh, Aleyha anong ginagawa mo dito? Hindi ba sinabi kong huwag mo na akong pupuntahan." Mariing salita nito sa akin."Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin Papa at kahit ilang libong beses mo pa akong ipagtabuyan. Hindi pa rin ako aalis sa tabi mo! Tayong dalawa na lang kaya hindi kita iiwan naiintindihan mo ba?!" Pilit ko itong ipinauunawa sa kanya, subalit matigas pa rin ang kanyang loob.Nasa loob kami ng private off
C-15: Don't worry about me, but protect my daughter instead.____"So, mayroon ka pala talagang itinatago, Alejandro?"Huh! Narinig ba niya kami, kanina pa kaya siya nakikinig?"Rigo! Anong ginagawa mo dito?""Hindi ba dapat ako ang magtanong n'yan sa'yo, anong ginagawa mo dito sa oras ng trabaho? Dahil sa pagkakaalam ko hindi naman dito ang opisina mo.""At sa pagkakaalam ko rin hindi ikaw ang Boss ko para magsabi ng tama at dapat kong gawin.""Oh, ikaw nga pala ang Boss! Nakapagtataka lang kasi kay aga mo namang nakikipagtsismisan. Bakit pinag-uusapan n'yo na ba kung paano n'yo paghahatian ang kumpanya?""Tumigil ka Rigo, huwag mong simulan!""Ivo.. Bakit ba masyado ka namang apektado hindi naman ikaw ang magnanakaw. Hindi ba Alejandro?""Sumosobra ka na Rigo!""Tama na, Ivo.. Ano ba talaga ang kailangan mo Rigo?""Wala lang naman.. Gusto ko lang namang i-remind sa'yo na lumiliit na ang panahon mo para ayusin ang problema ng kumpanya. Pauwi na kasi si Lolo with in two months ayokon
C-14: I'm in love with a woman who loves someone else..___Ayoko na sanang alalahanin pa ang mga sandaling iyon. Ngunit hindi ko kayang pigilan ang pagdaloy ng mga alaala sa aking isipan. Kung nakinig lang sana si Martin, kung hindi lang siya nagmatigas at hindi niya tinakasan ang lahat.Posible kaya na, naging iba ang aming kapalaran?Ngunit hinding-hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko lalo na nang panagutan ko at pakasalan si Cassandra. Dahil iyon ang pinakamasayang sandali ng buhay ko.Ang pagiging ama kay Aleyha ang pumuno ng kakulangan ko. Silang dalawa ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng kahulugan ang buong buhay ko at kaya patuloy pa rin akong nabubuhay hanggang ngayon.Alam ko kailangan pa ako ng anak ko, kailangan pa ako ni Aleyha. Ngayon pa ba ako susuko? Iyon ang pilit na inilalagay ko sa isip ko paggising ko pa lang kaninang umaga. Hanggang ngayon na narito na ulit ako sa opisina. Habang nirerebisa ko ulit ang mga papeles na nasa ibabaw ng aking mesa. Sinusubukan
CHAPTER SEVEN:___"Anong itinawag mo sa akin?" Bakit ba sa dami naman ng p'wede kong makasabay sa elevator ang lalaking ito pa? "Hi Sir ikaw pala 'yan, dito ka rin ba nagtatrabaho Sir?" Sinubukan kong ibahin na lang ang usapan."Bago ka ba dito?" Hindi naman na niya inulit ang tanong kanina. Ha
CHAPTER THREE___"Papa..." This time, alam kong nasaktan ko ang kalooban ni Papa. "Pa, sorry na po! Kahit kailan naman hindi ko inisip na hindi ikaw ang Papa ko para sa'kin ikaw lang ang nag-iisang Papa ko at hinding-hindi kita ipagpapalit sa kahit anong yaman sa mundo. Dahil mahal kita, mahal n
CHAPTER TWO_Gumising ka na, Aleyhandra Soriano malapit na kayo sa Airport, ilang sandali na lang mawawala na siya sa paningin mo. Kaya tapusin mo na ang kahibangan mo ngayon pa lang... Gising na, Aleyhandra! Bulong ko sa aking sarili. Dahil hindi totoo ang lahat ng ito, isa lang itong pangarap
CHAPTER ONE_ CAGAYAN DE ORO CITY - ISLA DEL CASTRO, HOTEL AND RESORT "We are gathered here today in the sight of God and these witnesses to join together with Marco and Trixie in holy matrimony; which is an honorable estate, instituted of God, since the first man and the first woman walked on







