Share

KABANATA 4

Author: J.K
last update Last Updated: 2025-12-16 19:39:33

“Hoy, hindi mo ako puwedeng tawaging *Luna*. Ang pangit pakinggan.” Kumikilos-kilos ang dalaga sa yakap ng lalaki, pilit na kumakawala.

Mahigpit ang bisig ng lalaki sa baywang niya, at nakapatong ang baba nito sa kaniyang leeg, isinasayaw  siya ng marahan. “Maganda ang tunog. Malambot. Gusto ko yun kasi bagay sayo.”

Mababa, paos, at malalim ang boses na umalingawngaw sa tainga niya. Kasabay nito ang mainit na hiningang humaplos sa kaniyang leeg at nagpakislot siya sa kilabot at kilig na sabay na dumaloy.

Hinaplos ng lalaki ang malambot niyang baywang, minasahe iyon gamit ang malalaki at mainit na palad hanggang sa para siyang natutunaw, naging parang tubig na nakasandal sa dibdib nito, humihingal nang mahina, hinahayaang anyuhin siya ng lalaki ayon sa kagustuhan nito. Nang halos sumabog na sa kilig ang lalaki, saka lamang ito huminto.

Si Therese, na yakap-yakap at hinahaplos ng lalaki, ay kakalipas pa lamang ng kaniyang ika-labing siyam na taon. Nasa gawing dulo na siya ng pagdadalaga. Malambot at bilog ang katawan niya noon dahil sa biglaang paglusog, at iyon ay madalas niyang ikainis.

Pero gustong-gusto iyon ni Emilio. Lalo siyang nababaliw sa lambot ng katawan nito kaya nga palagi niyang iniisip na baka mahilig talaga si Emilio sa matatabang babae.

Pero hindi iyon ang totoo.

Nang mahalin ni Emilio si Therese, payat pa siya—manipis, halos walang laman ang katawan. Ang naramdaman ni Emilio ay hindi tungkol sa taba o payat. Isa itong malakas, halos nanunuyong pagnanasa. Mula sa unang sandaling makita niya ito, gusto na niya ito… gusto niya itong angkinin, ilayo sa iba, at panatilihin sa tabi niya.

At ginawa niya iyon, ginamit niya ang lahat ng paraan para agawin ito mula sa ibang lalaki at dalhin sa kaniyang bisig.

Ilang ulit nang pinagsisihan ni Therese ang pagsang-ayon niya sa kahilingan ni Gian.

Kung hindi niya tinanggap ang pangliligaw nito…

Hindi sana siya nakilala ni Emilio.

At hindi sana sila nauwi sa ganoong kapalaran.

Pero wala nang *what ifs*.

Sa edad na labing-walo, hindi niya naisip kahit minsan na magkakaugnay ang mundo nila ni Emilio.

Noon, isa lang siyang simpleng estudyante na namumuhay sa loob ng isang dorm, mapangarapin, puno ng pag-asa sa hinaharap. Ang tanging iniisip niyang problema noon ay kung anong gagawin niya pagkatapos grumaduate.

“Hay, ilan kaya sa atin ang mananatili sa Makati pagkatapos ng graduation?” buntong-hiningang tanong ni Diane habang nakatingala sa bughaw na langit.

Sumagot si Celestine, “Malay mo naman. First year pa lang tayo. May tatlong taon pa bago grumaduate. Huwag ka munang mag-isip nang ganyan.”

“Oh? Malapit nang matapos ang first year ko,” reklamo ni Diane. “Pagdating ng fourth year, puro internship na. Ibig sabihin, dalawang taon lang talaga ang tunay kong panahon sa school. Kaya dapat sulitin.”

Masayang tugon ni Therese, “Sulitin natin! Bago tayo grumaduate, puntahan natin lahat ng landmark sa Manila at tikman lahat ng sikat na pagkain sa Binondo!”

Tinapik ni Diane ang ang noo niya. “Kain ka nang kain, ha. Baka maging tabachingching ka balang araw.”

Umismid si Therese. “Eh ano ngayon kung tumaba ako? Basta masaya ang tiyan ko, okay lang maging mataba.”

Biro ni Celestine, nakangiti, “Maganda si Therese. Kahit tumaba pa siya, magugustuhan pa rin siya ni School Heartthrob Gian Madrigal.”

Habang nakatingin sa lumang eskinita, sagot ni Therese, “Wala akong pakialam kung gusto niya ko o hindi.”

Sinamantala ni Diane ang pagkakataon. “Therese mahirap maging empleyado dito sa Maynila. Kung hindi natin kayang baguhin ang sitwasyon, ikaw kayang-kaya mo. Ang ganda mo! Karapatan mong makatakas sa hirap ng pagiging mababang employee.”

Nagtaas ng kilay si Therese. “At paano ako makakatakas?”

Ngiting may ibig sabihin ang sagot ni Diane. “Ano sa tingin mo ang paraan para lumaya tayo?”

“Hmm… hindi ko alam.”

Napairap si Diane. “Si Gian nga, nanliligaw na sa’yo mula day two ng pasukan hanggang ngayon na patapos na ang first year! Hindi mo ba naiintindihan?”

Syempre naiintindihan ni Therese.

Kaya nga hindi niya kailanman tinanggap ang panliligaw nito.

Alam ng marami sa eskwela ang pagkatao ni Gian, isa itong apo ng pamilya Madrigal, isang sikat na mayamang pamilya sa buong Makati City.

Bukod sa yaman, napakagaling din nito. Sa campus at sa labas, ang mga babaeng humahanga sa kaniya ay parang pila sa MRT station sa haba.

Si Therese naman ay mula sa isang maliit na lalawigan sa Laguna. Lumuwas lang siya ng Maynila para sa entrance exam. Cute at maganda siya, pero sa mga art school na puno ng magaganda at mayayaman, ordinaryo lang ang itsura niya. Kung maging artista man siya, marahil pang-katulong o extra ang role niya.

Ito ang tingin niya sa sarili.

Pero hindi ito ang tingin ng iba.

Sa paningin ng lahat, para siyang classic “first love” beauty —malinis, inosente, pero may nakakasilaw na lambing at pang-akit na hindi sinasadya. Kaya madaling mahulog ang sinuman.

Pagkatapos nilang maglakad-lakad sa alley, sumakay silang tatlo pauwi sa school. Pagkababa, naglakad sila pabalik sa dorm nang dahan-dahan.

Mainit ang buwan ng Mayo. Hindi ka basta makakapaglakad nang komportable. Pagdating sa dorm, gusto na lang humiga ni Therese.

Kauupo pa lang niya sa kama, handang humiga, nang may kumatok na babae sa pinto at nagtanong, “Sino rito si Therese?”

Napilitan siyang tumayo. “Bakit po?”

“Ay, may naghahanap sa’yo sa labas.”

“Sino po?”

Umirap ang babae. “Makikita mo pag lumabas ka!”

Pagkasabi noon, tinalikuran siya at umalis.

May kutob na si Therese. At tama nga siya, paglabas niya, nandoon si Gian.

Pagkakita sa mayabang at kampanteng mukha nito, gusto sana niyang bumalik sa dorm. Pero pinilit niyang ngumiti kahit pilit. “Ano pong kailangan ninyo, senior?”

Matangkad si Gian.  Maganda ang mukha, matalim ang features, at nakaka-intimidate. Kapag hindi nakangiti, cold ang dating; kapag nakangiti naman, may pagka masungit na masama ang dating. Isang tipikal na guwapong mayabang ang dating ang tipo ng lalaki na sisikat kahit saan siya mag-aral.

Mula pagkabata, hindi mahilig si Therese magpakitang-gilas. Ayaw niyang nagtataas ng kamay sa klase, ayaw sa mataong lugar, at ayaw makipag-agawan. Kapag may tatlong gustong kumuha ng isang bagay, siya mismo ang kusang umaatras.

Samakatwid, kapag kaharap niya si Gian, ang nais lang talaga ni Therese ay umiwas. Ayaw niyang makabuo ng kahit anong gulo mula sa ibang tagahanga nito.

Ngumisi si Gian, halatang kampante sa sarili.

“Pwede mo na ba akong sagutin ngayon?”

Napakunot-noo si Therese.

“Anong sagot?”

Lumapit si Gian, bahagyang yumuko, at ngumisi nang may kapilyuhan.

“Gusto kitang maging girlfriend. Sabi mo kasi hindi ka pa puwedeng mag-boyfriend kasi hindi ka pa eighteen, at tama naman ’yon, bawal ang illegal.”

Bahagya siyang tumawa.

“Pero after three days, legal age ka na. Kaya pwede mo na akong sagutin ngayon.”

Napatingin si Therese sa mga taong nagdaraan sa harap ng dorm ng mga babae. Para walang masyadong makakita, hinila niya ng bahagya ang manggas ni Gian.

“Doon tayo sa likod mag-usap.”

Sumunod naman si Gian, isang kamay nakasuksok sa bulsa, tila wala lang sa kanya ang sitwasyon.

Pagdating nila sa ilalim ng puno sa likod ng dormitoryo, mas tahimik, mas kaunti ang tao, tsaka huminto si Therese.

Pagharap niya, kinailangan niyang tumingala dahil sa tangkad ni Gian.

Bahagyang yumuko si Gian, parang sinadyang lumapit pa lalo.

“Therese, seryoso akong makipag-date sa’yo.”

Kumunot ang noo ni Therese.

“Pero ako—”

Hindi na siya pinatapos ni Gian.

“Alam kong hindi mo ako gusto. Pero hindi mo rin naman gusto ang ibang lalaki, ’di ba?”

Hindi sumagot si Therese. Hindi niya kayang magsinungaling at sabihing may gusto siyang iba. Alam niyang walang saysay magsinungaling kay Gian. At kahit totoo pa, siguradong hahanapin ni Gian ang lalaking iyon at pipilitin itong lumayo.

Marahang tinapik ni Gian ang ulo niya.

“Pangako, pwede mo muna akong sagutin. Liligawan kita hanggang magustuhan mo ako ng tuluyan.”

Yumuko si Therese.

“Pwede ba akong tumanggi?”

Umangat ang sulok ng labi ni Gian, ang tipikal niyang mayabang at makulit na ngiti.

“Hindi.”

“Kung ipipilit kong tumanggi, may mangyayari bang masama?” tanong ni Therese nang mariin.

Nag-angat ng kilay si Gian.

“Wala namang magiging kapalit. Batas naman ang umiiral ngayon. Ano ba’ng kaya kong gawin sa’yo?”

Nakagaan ng dibdib si Therese. Kahit papaano, wala siyang mararamdamang direktang kapahamakan.

Ngunit bago pa siya tuluyang makahinga nang maluwag, nagdagdag pa si Gian:

“Pero hindi ko masisiguro kung makakapag-focus ka pa sa pag-aaral mo sa susunod na taon.”

Nakunot ang noo ni Therese at marahang itinulak si Gian. Paalis na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. 

Kinuha niya ang cellphone. Tumatawag ang lola niya.

“Baba muna ako para sagutin ’to.”

At bago pa makasunod si Gian, mabilis niyang dinugtungan:

“Hindi mo na kailangan sumunod.”

Pagkalayo niya, saka lamang siya nakahinga nang maluwag. Hindi talaga niya gusto ang ganitong mga okasyon. Ang tanging dasal na lang niya ay sana matapos agad ang buwan na iyon nang walang aberya.

Natigil na ang tawag, pero hindi siya agad bumalik. Bumaba muna siya at lumabas patungo sa hardin sa likod ng dorm.

Maagang tag-araw noon, at punong-puno ng namumulaklak na rosas ang hardin.

Tumayo siya sa ilalim ng mga punong rosas at tinawagan muli ang kanyang lola. Nang sumagot ito, agad siyang ngumiti. Sa ilalim ng mga bulaklak, ang maputi at sariwa niyang mukha ay parang lotus na sumisibol sa tubig—isang simpleng ganda na kayang lagpasan ang mismong mga rosas sa paligid.

Samantala, sa marangyang hall sa ikalawang palapag ng dorm, nag-uusap at nagtatawanan ang grupo ng mga binatang mula sa mga pamilyang makapangyarihan.

Sa gawing timog ng bintana, nakaupo ang isang lalaki, kalahati ng mukha'y nasa anino. Ang matalim niyang panga at ilong ay tinatamaan ng liwanag at dilim, kaya mas lalo siyang nagmumukhang mabagsik. Si Emilio.

May sigarilyong nakasabit sa mapupulang labi ni Emilio. Ang mahahaba niyang daliri ay nakapatong sa bintana, at ang malamlam niyang mga mata ay animo’y malalim na lawa.

“Bakit ba ang layo ng upo mo, Emilio?” biro ni Adrian.

“Since nandito ka na rin, laro ka muna ng ilang round.”

Hindi sumagot si Emilio. Sa halip, tinapunan niya ng tingin ang labas at doon niya nakita ang isang batang babae sa ilalim ng mga rosas. Ang malinis at sariwa nitong mukha ay mas malinaw pa sa kulay-rosas na mga bulaklak. May hawak itong cellphone habang hinahaplos ang isang bulaklak sa ulo niya. Pagkuwa’y kumagat-labi ito at ngumiti.

Natigilan si Emilio.

May kung anong biglang kumalabog sa dibdib niya, isang kakaibang sensasyon na parang may humimig na kuryente sa puso niya.

Bahagya niyang ipinikit ang mga mata, humigop nang malalim mula sa sigarilyo, at pilit pinakalma ang kakaibang kirot at kiliting gumapang sa dibdib niya.

Paglapit ni Romanuel, may biro itong ngiti sa labi.

“Uy, Emilio. ’Yung pinsan mong si Gian, ang saya-saya sa kabila, birthday ng girlfriend niya. Bakit hindi mo puntahan? Pinsan ka niya, ’di ba?”

Tahimik lang si Emilio. Bahagya lang gumalaw ang manipis niyang labi habang nagpapakawala ng kalahating bilog ng usok patungo sa bintana.

At mula sa likod ng usok, parang isang mabangis na hayop ang titig niyang nakatutok sa batang babae sa ilalim ng mga rosas—mariin, matalim, at puno ng hindi maipaliwanag na pag-angkin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Tamed by the Obsessive Billionare   KABANATA 5

    Pabalik na sana si Therese sa kanyang silid matapos ang tawag nang tawagin siya ni Gian mula sa malayo.“Therese.”Lumingon si Therese, “Pasensya na, lola ko ang tumawag. Hindi niya ako nakita ng mahigit kalahating taon, at madami siyang kwento, kaya medyo nagtagal ako sa tawag.”Tiningnan siya ni Gian, ang mapupulang pisngi, bahagyang nalantad sa araw, maputi at maselan, mas malambot pa kaysa sa mga rosas sa hardin, at ang kanyang malalaking mata ay nakakahumaling.Biglang kumitil sa tiyan niya ang kakaibang higpit. May instant physiological reaction siya. Agad niyang naisip dalhin si Therese sa hotel room na nakareserba na.Ngunit hindi niya ito ipinahalata. Pinipigilan ang matinding pagnanasa, natatakot na takutin siya.Pinatama niya ang kamay sa ulo ni Therese at ngumiti nang pilyo:“Anong sorry? Okay lang no.”Ang pagiging magalang ni Therese sa kanya ay may distansya, at ayaw niya ng distansya, gusto niya ang init niya.Tumango si Therese, hindi na nagsalita.Nangyari lang na in

  • Tamed by the Obsessive Billionare   KABANATA 4

    “Hoy, hindi mo ako puwedeng tawaging *Luna*. Ang pangit pakinggan.” Kumikilos-kilos ang dalaga sa yakap ng lalaki, pilit na kumakawala.Mahigpit ang bisig ng lalaki sa baywang niya, at nakapatong ang baba nito sa kaniyang leeg, isinasayaw siya ng marahan. “Maganda ang tunog. Malambot. Gusto ko yun kasi bagay sayo.”Mababa, paos, at malalim ang boses na umalingawngaw sa tainga niya. Kasabay nito ang mainit na hiningang humaplos sa kaniyang leeg at nagpakislot siya sa kilabot at kilig na sabay na dumaloy.Hinaplos ng lalaki ang malambot niyang baywang, minasahe iyon gamit ang malalaki at mainit na palad hanggang sa para siyang natutunaw, naging parang tubig na nakasandal sa dibdib nito, humihingal nang mahina, hinahayaang anyuhin siya ng lalaki ayon sa kagustuhan nito. Nang halos sumabog na sa kilig ang lalaki, saka lamang ito huminto.Si Therese, na yakap-yakap at hinahaplos ng lalaki, ay kakalipas pa lamang ng kaniyang ika-labing siyam na taon. Nasa gawing dulo na siya ng pagdadalaga

  • Tamed by the Obsessive Billionare   KABANATA 3

    Nang tumayo si Therese, sabay-sabay na tumayo ang lahat ng tao sa silid. Maging si Gabriel ay mas mabilis pa at sabay tumakbo palabas, sinundan ng lahat maliban kay Therese.Naiwan siyang nakatayo roon, parang napako sa kinatatayuan, tila nagyelo sa lugar.Sa totoo lang, noong nagpasya siyang pumunta sa Maynila, handa na siyang harapin si Emilio. May nakareserba na rin siyang mga paraan kung sakaling magkita sila. Pero hindi niya inasahan na mangyayari ito nang ganito kabilis, sobrang bilis na hindi man lang siya naka-react agad. Para siyang nahuli nang walang kalaban-laban.Mukhang hindi ito nagkataon, kundi isang planadong pagkakataon katulad noong nagkamali siyang pumasok sa maliit na gusali noon.Walong taon na ang nakaraan nang pumasok siya sa maliit na gusaling iyon kung saan nagpapagaling si Emilio. Akala niya noon ay tsamba lang. Ngunit kalaunan ay nalaman niyang ito’y isang maingat at sinadyang bitag, isang planong pinag-isipan ni Emilio.Maya-maya, pumasok na ang lahat.Si E

  • Tamed by the Obsessive Billionare   KABANATA 2

    Ang restaurant ay nasa 30th Street, kung saan matatagpuan ang kilalang Shangri-La at The Fort sa hilagang bahagi ng lungsod, isang five-star na hotel.Noong dekada 80 at 90, paboritong pinupuntahan ang Shangri-La ng mga anak ng matataas na opisyal sa lungsod. Siyempre, kaya nilang gumastos doon. Ang mga taong nakakakain doon ay karaniwang anak ng mga business owners at government officials. Sa madaling salita, puro mga taong may katayuan at koneksyo lamang.Habang tumatagal, sila ang nag-angat sa reputasyon ng hotel, at ang hotel naman ang nagpadagdag sa karangyaan nila. Ang simpleng kakayahang makapasok at lumabas sa Shangri-La ay naging sukatan kung gaano kalakas ang background at social status ng isang tao. Ang sinumang hindi makapasok sa dito ay hindi kinikilalang tunay na bahagi ng Manila elite society.Ngayon, wala na ang ganoong atmospera doon. Bukod sa mga anak ng mataas na opisyal sa Pilipinas, kahit sino basta may pera ay puwede nang pumasok at magpakasaya.Noon, kahit may p

  • Tamed by the Obsessive Billionare   KABANATA 1

    Ang itim na kamiseta ng lalaki ay kalahating nakabukas, inilalantad ang malapad at maskulado niyang dibdib, pati na ang bahagyang nakikitang seksing mga abs nito.Sa madilim at may halong malisyang liwanag, marahas na lumakad ang lalaki papalapit kay Therese gamit ang mahahaba niyang mga hakbang.Napaatras nang napaatras si Therese dahil sa takot.“‘Wag… ‘wag ka nang lumapit pa…”Lalong lumapit ang lalaki, hanggang sa naitulak niya si Therese sa sulok. Doon lang siya tumigil. Hinawakan niya ang baba ng babae gamit ang malaki niyang kamay at matalim itong tinitigan.“Susubukan mo pa bang tumakas?”Ibinaling ni Therese ang tingin at pilit na umiling, nanginginig sa takot.“Hindi… h-hindi na ako tatakas.”Pinisil ng lalaki ang maliit at mabilog na baba niya, pinilit siyang tumingala, at marahas na ipinahid ang hinlalaki sa kanyang mga labi.“Therese, huwag mong isipin na makakaalis ka sa’kin. Kahit mamatay ka pa, sisiguruhin kong sa kama ko lang ikaw mamamatay.”Namula ang pisngi ni Ther

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status