Share

Taming the  Sunshine
Taming the Sunshine
Author: Death Wish

Prologue

Author: Death Wish
last update Last Updated: 2024-05-03 17:03:20

Musika nang kuliglig ang maririnig sa napakagandang gabi.

Napakakalmado ng paligid.

Nagniningning ang mga butuin sa kalangitan.

At ang paghigop ng tsaa ang siyang magsisilbing patunay na kahit sa paghihintay ay maari kumalma kahit nga nasa kalagitnaan ng tension. Kung ito bang hinihintay nila ay magtatagumpay sila sa kanilang pinaplano o mapupunta lang ang lahat sa wala.

Ngunit napakapositibo ng paligid.

Lalo na ang pananaw ng isang tanyag na abogadong si August Oxford. Kasama nito sa pagtsa-tsaa ang batikan sa larangan ng mangagamot, si Seneca Tan.

Naghihintay lang naman silang dalawa sa tawag ng kanilang mga kanya-kanyang tauhan habang nasa balkonahe ng Aquinas Manor.

Naubos na ang kanilang maaaring pag-usapan, kaya naman walang sino man ang may nais magsalita. Kapag nagkakasalubungan ang kanilang paningin napapangisi na lamang sila sa isat’isa. Siyang musika nga ng kuliglig ang tanging umaaliw sa kanilang mga tenga.

Nang ipinatong ni August ang kanyang tasa ay siya naman biglang tumunog ang kanyang phone at umangat ang paningin nito kay Seneca. Bago niya sinagot ang tawag, napangisi siya sa kanyang kaibigan.

“We got the package, Sir. It is hundred percent confirm. The package will arrived in the manor within ten minutes.”

At sa narinig ni Oxford sa kanyang tauhan, napangiti siya.

“Mabuti. Ngunit hindi natin masasabing tagumpay ang mission ninyo kung hindi makakarating ng ligtas dito ang bagahe. Napakahalagang bagahe. Kaya siguraduhin niyo na maayos kayong makakarating dito. Asahan namin kayo sa loob ng sampung minuto.”

Saka ni Oxford ibinaba ang tawag, at muling sinalubong ang paningin ni Seneca. May ngiti sa labi nito na tila ba tinutuya ang kaibigan.

“Paano yan, nakuha na nila si Serena.” Sabay kuha niya ng kanyang tasa at hinigop ang laman.

“Sampung minuto narito na ang bagahe. Parang nakakasabik na ang susunod na mangyayari. Ayon na din sa plano.”   

“Mabuti.” simpleng sagot ni Seneca at tinangap ang pagkabigo ng mga kanyang tauhan. “Dahil yun naman talaga ang mahalaga sa gabing ito. Ang mahanap ang bagahe, at madala dito ng ligtas. Saka umayon nga ang lahat sa pinaplano nating dalawa.”

Ngunit muling ngumisi si Oxford. Parang hindi niya papalampasin ang pamimintas niya sa mga tauhan ni Seneca.

“Paano yan naunahan ng tauhan ko ang mga tauhan mo.”

“Wag kang magyabang.” Mahinahon na sinabi ni Seneca. “Alam mong madadaya ang mga  tauhan mo. Alam mo yan. Wala silang ikinalayo sa isang kagaya mong tuso, Oxford.”

Saka nga nagtawanan ang dalawa dahil hindi maitatangi ni Oxford ang sinabi ng kanyang kaibigan. Bihasa sa pandaraya ang mga tauhan niya. Dahil gagawin nila ang lahat, isa na doon ang pandaraya para lang maisagawa ng maayos ang mission.

“Do or die, kailangan gamitin ang lahat ng paraan basta lang mangyari ang pinaplano ngayong gabi. Maayos at sana nga may magandang resulta. Kung hindi malalagot tayo nito sa kaibigan nating si William.”

“Yun?” May ngisi sa labi ni Seneca. “Kung nabubuhay pa ang kaibigan natin, tiyak ito din ang paraan niya para lang mabuhayan itong anak niya at magising sa ginagawa niyang pagtakbo sa katotohanan. Si William…” Napatango si Seneca. “Siguradong matutuwa siya ngayong gabi.”

“Matutuwa siya dahil kumilos tayo at hindi natin pinakingan ang anak niya bago pa man maging huli ang lahat. Napakatigas ng ulo ni Gabriel. Mag-aampon?” Nadidismayang bangit ng salita ng doktor.

“Eh, mayroon naman siyang minamahal na babae, bakit mag-aampon kung kaya pa naman niyang mabutis yung babaeng iyon? Saka hindi siya magagalit sa atin, dahil gusto naman niya yung bagahe na tinutukoy mo, Oxford. Kung magalit man siya, siguro kunti lang. Dahil hindi natin nirespeto ang pagrespeto niya sa bagaheng iyon.”

Hindi maalis ang ngisi ni Oxford sa kanyang kaibigan. Ang mga sinabi nito ang mga bagay na inisip nila at ang ilan ay binaliwala lalo na tungkol nga sa sitwasyon ng bagaheng tinutukoy nila.

“Ngunit hindi ito maganda, alam mo yan Seneca.” Paalala niya. 

Ibinalik naman ni Seneca ang ngisi sa kaibigan. “Katulad ng sinabi mo wala tayong ibang paraan. Kundi ito lang. Madaming sinarhan na oppurtunidad itong si Gabriel. Ito na lamang ang huling baraha upang hindi siya mawala sa larong ito.”

Sinalinan ng doktor ang laman ng kanyang tasa. “Saka ang tanong sa sitwasyon na ito, kung kakagat ba si Gabriel sa plano natin?”

Pagkatapos masalaninan ng doktor ng kanyang tasa, kinuha naman ni Oxford ang sisidlan ng tsaa, at sinalinan din ang kanyang tasa.

“Wala ka bang tiwala sa ibinigay mong gamot sa akin? Kung nabigo ka man ng mga tauhan mo, ang gamot na inirecommenda mo para sa planong ito ay hindi ka bibiguin. Nasisigurado ko. Gising na gising ang pagkalalaki ni Gabriel sa mga oras na ito.”

Napangiti si Oxford sa kanyang sinabi. “Gamot na hindi makakatakas ang kung sino man sa nais na mangyari ng kanyang katawan. Mauuhaw ito ng husto. Uhaw na uhaw sa bagay na maramdaman iyon, Seneca. Hindi ito maitatangi ng katawan ni Gabriel. Hindi. Lalo na kung katabi na niya ang bagaheng iyon. Tao lang naman siya, kaya hindi niya mapipigilan ng basta-basta ang kanyang sarili, except kung siya ay isang diyos ng mga maginoo at di maputol na sanga ng pagrespeto. Hindi ba Seneca? Nakikita kong magiging halimaw sa gabing ito si Gabriel pagdating sa bagay na iyon. Mauuhaw siya ng husto. Gugustuhin niyang mangyari yun kahit nga mamatay pa siya.”

Lalong lumaki ang ngiti ng doktor sa kanyang labi. Nasisigurado nilang magtatagumpay nga sila sa gabing iyon.

“Inerecommenda kong gamot? Akala ko ikaw ang gagamit  noon.” Pagbibiro ni Seneca. “Ngunit kung ipinainom mo nga sa kanya ang gamot na iyon. Naku, napakalakas ng tama noon, lalo na sa binatang kailan man hindi pa nakakatikim ng luto nang diyos.”

Saka tuluyan na ngang nagtawanan ang magkaibigan.

“Kaya naman ang laro nating dalawa ngayon ay masasabi natin na, patas lang.”

“Patas lang kung may maganda ngang resulta. Ngunit positibo naman hindi ba? Dahil kung hindi, alam natin pareho na malaking gulo itong pinapasok natin para kay Gabriel.”

Pagpapaalala ni Oxford sa kaibigan. “At patas-patas natin itong haharapin.”

Napatango na lamang ang doktor.

“Eh sa disidido tayong dalawa at kung sino man na nagpapahalaga sa binatang iyon, na magkaroon siya ng anak. Tagapagmana man lamang ng lahat ng ari-arian na pinaghirapan pa ng mga ninuno ng pamilya nila.”

“Yun nga. Ang inaalala natin dito ang tungkol sa bagay na yan. Tipong ito ang papel natin sa buhay ni Gabriel.”

“Mas mabuti na ito na sinubukan natin, kesa nga sundin natin ang kagustuhan niya na maghanap ng batang aampunin. Hindi ka ba natatakot na baka sunduin ka ng pamilyang Aquinas kapag hindi natin ito nagawa ng maayos? Natatandaan mo pa ba kung gaano kasungit ng Chairman noon? Yun bang mukhang yun ang nais na sumalubong sayo?”

Ngumiti na lamang si Oxford at napailing sa kaibigan.

“Tungkol naman sa bagahe, sa tingin mo aayon siya sa mangyayari ngayong gabi?” Kasunod na itinanong ni Seneca.

“Kung si Gabriel ay nakainom, ang karayom ay hindi magsasanhi ng labis ng sakit sa isang babae, hindi ba Seneca?”

Napatango ng doktor sa kaibigan.

“Ikaw na ang siyang bahala sa bagahe. Alam mo ang gagawin para mangyari ang dapat na mangyari sa gabing ito.”

Ang turukan ng gamot na hindi nagkakalayo sa gamot na ipinainom nila kay Gabriel.

“At kapag ginawa mo iyon, ilang porsyento na lang ba ang sa tingin mo na mabibigo tayo, Seneca? Hindi ba, magiging impossible nang mabigo tayo?”

Napatango ang Doktor.

“Nakita mo naman. Halatang di natin ito pinaghandaan masyado.” Pamimilosopong tugon ni Seneca.

“Walang paghahanda.” Saad ni Oxford. Nais niyang itama ang kanyang kaibigan. Hinuli ang paningin ni Seneca. “Dahil kung meron man na nangyaring paghahanda, alam natin ang susunod na gagawin pagkatapos nito. Hindi ba wala pa tayong plano?”

Tumango naman ang doktor. Ngunit walang lakas si Seneca para nga mag-isip at mag-alala pa sa susunod na maaring mangyari. Ang mahalaga maisakatuparan nila ang mahalagang gabing ito para kay Gabriel.

“Oxford, sa tingin ko saka na lang natin yan isipin. Ang mahalaga ngayon ay ang may mangyari sa kanilang dalawa at magkabunga ang gabing ito. Hindi lang para kay Gabriel, para din ito sa kinabukasan ng pamilyang Aquinas. Saka na lang natin isipin kung ano ang mga susunod na suliranin. Alam natin sa bawat problema na humamon man sa atin, magagawan natin ng paraan. At malay mo umayon ang bagahe sa mangyari sa kanya. Isang Aquinas si Gabriel, sinong babae ang tatangi sa kanya?”

“Ang bagaheng yun.” Kaagad at walang alintana na sagot ni Oxford. “Ngunit wag kang mag-alala, alam kong may gagawin si Gabriel pagkatapos nito. Sapat na itong tinulong natin sa kanya. Eh sa pamagitan nito parang tuluyan na natin siyang itinulak sa bagay na hindi niya maaring tangihan at talikuran.”

“Sabagay. At tiyak magpapasalamat pa siya sa atin. Dahil napaka-special ng gabing ito para sa kanya. Akalain mo iyon? Kailangan pa natin kumilos para sa kanya.”

“Ikaw talaga napakatuso mo Seneca.”

“Natuto lamang ako sayo, Oxford.” Balik nito sa kanya.

“Bakit si William hindi?”

“Natuto siya ngunit ginamit niya iyon sa pagpapatakbo ng kompanya, hindi sa pagmamahal niya sa kanyang asawa. O sadyang totoo ang sinasabi ng mga matatanda noon na ang mga Aquinas daw ay tapat na nagmamahal.”

“Stick to one parati.”

“Kahit arrange marriage ang nangyari sa pagitan ni Bianca at William, mahal ng kaibigan natin ang asawa niya.”

“Dahil siya ang itinuro natin sa Chairman noon kung sinong pangalan ng babae ang minsan na ngang binangit ng kaibigan natin.”

Saka nagtawanan muli ang magkaibigan na hindi nila namalayan ang pagdating ni Agatha. Ang Headmistress ng Aquinas Manor.

“Hindi na ako magtataka mga ginoo kung kayo ang nasa likuran ng lahat ng ito. Dumating na ang hinihintay ninyo.” Na ang titig ni Agatha sa magkaibigan ay hindi maganda.

Nagkaroon ng saglit ng katahimikan, ngunit ng magtama ang paningin ng magkaibigan, muli silang nagkangitian. Saka nga umangat ang paningin ni Seneca kay Agatha.

“Alam mong kailangan natin itong gawin sa nag-iisang at natitirang myembro ng pamilyang Aquinas. At sa tingin namin Agatha nauunawaan mo naman siguro.”

Napabuntong-hininga and Headmistress. Gaya ng mga sinabi nito sa kanya kanina, wala nang ibang paraan para nga hindi matigil kay Gabriel ang lahi ng mga Aquinas.

At sa pagtayo ni Seneca sa kinakaupuan nito.

“Umaasa ako na gagawin ng mga tauhan mo ngayon ng maayos Seneca ang kanilang trabaho.” Si Oxford na nanatiling nakaupo.

“Simpleng bagay lang iyon sa mga tauhan ko, Oxford.”

Saka tumalikod si Seneca at bago sumunod si Agatha sa Doctor, nilingon niya si Oxford.

“Malalim na rin ang gabi para manatili ka dito sa labas, Oxford.”

Ngumisi lamang ang abogado, at walang salitang lumabas sa bibig nito.

Nang makasunod si Agatha kay Seneca, kaagad siyang tinanong nito.

“Kamusta si Gabriel?”

“Ayon sa sinabi mo nasa loob siya ng silid ngayon, natutulog.” At tumigil si Miss Agatha sa harapan ng isang pintuan. Sa likuran ni Seneca ay nakasunod na dito ang mga babaing doktor na siyang magtuturok nga ng gamot sa bagahe.

Muli napabuntong hininga si Agatha.

“Sigurado ba kayong gagawin niyo ito?” Muling tanong niya. “Hindi ito makatarungan para sa dalaga. Alam ko rin kung gaano nirespeto ni Master Gabriel ang tungkol sa relasyon nilang dalawa ng dalaga.”

“Magkaibigan? Impossibleng kaibigan lang ang nais ni Gabriel para sa kanilang dalawa, Agatha.”

“…”

“Hindi namin alam kung ano ang kahihinatnan nito, kinabukasan? Ngunit ang importante ginawa namin ni Oxford ang lahat para kay Gabriel. Ayaw namin mabigo ang angkan ng Aquinas. Ito ang responsibilidad namin sa kanya. Pinakamahalagang responsibilidad.”

Muli napabuntong-hininga ang headmistress at binuksan na nga sa kanila ang pinto.

“Mahimbing ang tulog niya. Tila ba may nauna nang gamot na itinurok sa kanya.” Sinabi na lamang ni Agatha. “Hindi man lang siya nagising ng pinunasan namin siya.”

Napatitig si Seneca kay Agatha. Napatango ito.

“Bukas maghanda ka ng masustansyang almusal para sa kanila. Dahil special ang gabing ito para kay Gabriel, siguradong kailangan nilang kumain ng maayos, bukas.”

@DeathWish

[HER RETURN 2024]

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Taming the Sunshine   Chapter 241 The Happiness

    Chapter 241 The Happiness Dahil sa tanong ni Gabriel naging matamis at magian ang ngiting inabot ni Seneca. Napatango ito…“Nagdadalang-tao siya.”“Ibig sabihin…”“Yeah boy. Malapit ka nang maging ama. Congratulation. Better to prepare yourself for this.” Sabay abot ni Seneca ng alak sa kanya. “Cheers for this.”Hindi makapagsalita si Gabriel… Ngunit ng matauhan siya… Parang kung anong enerhiya ang pumasok sa katawan niya… Oo may galak… ngunit hindi niya alam kung para saan ang matinding kaba. Hindi niya magawang makapagsalita… Masaya naman siya…Ngunit…Ano itong nararamdaman niyang kakaiba? O sadyang labis lamang ang kagalakan niya.Kinuha niya ang alak… At diretso iyon na ininom…Ngunit di maitatago ang biglang pagkaputla ng mukha niya sa doktor na nakamasid nga s

  • Taming the Sunshine   Chapter 240 The Old Wine

    Chapter 240 The Old Wine Pagkatapos kumain ni Serena…“Matutulog muna ako.”Tahimik na tumango si Gabriel. Ngunit ang ikinakatuwa talaga niya ng lihim… Ang di pagsusuka ni Serena ng pagkain. Lihim din na napatango sa kanya si Agatha dahil ito rin ay nakahinga na kumain nga ang dalaga.Mas pinili ni Gabriel na maupo sa sofa habang hinihintay ngang makatulog si Serena. Oo, mabilis ngang makatulog ito… Yun ang napansin niya… At tulog mantika sa tuwina.Nang makumpirma niyang tulog na ito… Sinarhan niya ang folder saka tinignan ang oras…Si Doctor Seneca…Hinahamon talaga siya nito.Talagang sinasadya na hindi nito sundin ang utos niya na puntahan siya mismo sa silid na iyon. Ngunit parang mayroong dahilan ang ama-amahan niyang doktor… Siguro para hindi na rin marinig ni Serena kung ano man ang natuklasan nito sa result

  • Taming the Sunshine   Chapter 239 Spoon Feeding

    Chapter 239 Spoon Feeding Nang marinig ni Serena ang tanong ni Gabriel sa presensya ng mga doktor kahit siya naghihintay din sa sagot ng mga ito. Malay diba mayroon siyang malalang sakit… Edi matatapos na ang kabaliwan na ginagawa ni Gabriel sa kanya.“Master Gabriel, si Doctor Seneca ang kailangan niyong kausapin tungkol sa bagay na ito.” Isa sa mga doktor ang naglakas na loob na sabihin iyon dahil iyon naman talaga ang utos ng nakakataas na doktor sa kanila.“Hindi ba pinapatawag ko siya?”Hindi nakasagot ang mga ito.“Tsk.”“Gusto ko din malaman ang sakit ko.” Kuha ng pansin ni Serena kaya nilingon siya ni Gabriel. Titig ni Gabriel sa kanya hindi natutuwa sa narinig nito.“Eh, baka diba may malala akong sakit?”“…f*ck.” Napamura ng mahina ang binata.“Ikaw din… Kasalanan mo kapag namatay ako kaagad na h

  • Taming the Sunshine   Chapter 238 To Eat to Spoiled

    Chapter 238 To Eat to Spoiled Maingat na inihanda sa harapan ni Serena ang isang bowl ng mainit na sopas.“Mabuti ito para sayo Miss Serena.” Si Agatha.“… Salamat po. Si Gabriel?” hindi niya kaagad nahuli ang sarili ngunit… huli na para din ang Mayordoma bumakas sa mukha ang gulat dahil kakalabas lang ng binata kanina at hinahanap niya kaagad.“Magpapalit daw muna siya ng damit. Sa ginagawa niya iha… magkakasakit siya.” Inabot sa kanya ang kutsara… Tinangap naman niya ito.“Magkakasakit siya? Bakit ano po ba ang ginawa niya?”Tinikman niya ang sopas… Bahagyang napatango. Oo, gutom na gutom siya…“Agad siyang umuwi ng dis-oras galing sa ibang bansa. Umuwi siya kaagad dahil alam mo na… Sino ba naman ang hindi makaka-uwi ng dis-oras ng malaman nga ang nangyari sayo? Lubos kasi siyang nag-alala ng husto sayo Miss Seren

  • Taming the Sunshine   Chapter 237 Cheerfully

    Chapter 237 Cheerfully Hindi maitatangi ni Serena na ang mga matang nakatitig sa kanya ngayon ay puno ng pag-alala. Napabuntong-hininga siya dahil halata naman na pagod na pagod ang binatang nasa harapan niya at kahit ang kagandahang pagkalalaki nito ay hindi naikubli iyon.“They are fine. Tell me, may masakit ba sa'yo?”“…”“Serena…”“Uhm-ano.” sinubukan niyang bumangon nang alalayan siya ni Gabriel. Haplos nito may dalang kakaibang init na tila ba nangaling iyon sa labis na pag-aalala sa kanya.Hindi nila namalayan na iniwan sila mag-isa ng mga taong kanina nasa loob ng silid.Nang makaupo si Serena… Sinalubong na niya ang titig ni Gabriel ng walang alinlangan… Binigyan ito ng simpleng ngiti at lihim naman napabuntong-hininga ang binata.“Medyo masakit lang ang ulo ko pero hindi naman kailangan ipag-alala…

  • Taming the Sunshine   Chapter 236 His Silent Kiss

    Chapter 236 His Silent Kiss “Mia ang pangalan mo. At pareho ang pamilyang pinangalingan ninyo ng Driver ni Master Gabriel.”“… Driver ni Master Gabriel… Sino po?”Muli isang Nakakadismayang buntong-hininga ang pinakawalan ng Mayordoma. Lumingon sa kasamahan at napatango dito. Nagulat na lamang si Mia ng lumapit ito sa kanya at sinabing…“Kailangan mong sumama sa akin, kailangan namin ito imbestigahan.”“Pero…” Angal ni Mia.“Sasama ka iha kung yun ay wala kang ginawang masama, sasama ka ng kusa. Ito lang ang paraan para malinaw na wala kang kinalaman sa nangyari. Ngunit hiling ko na wala nga… At isa lamang itong aksidente.” Saka tumayo si Agatha, at lumabas nga ng silid.Dinig pa niya ang paki-usap ni Mia ngunit napailing na lamang siya. Hindi matutuwa si Gabriel kapag may nagbalak ngang masama kay Serena.Lumapit si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status