Share

Chapter 8 — First Kiss

KAYSA hintayin ang tagalinis na sinasabi ni Jhonel, kusang kumilos si Laceyleigh para siya na mismo ang maglinis sa silid. Isa pa’y hapon na para kumuha pa ito ng maglilinis. Sana pala’y kinontra niya na lang ito kanina dahil kaya niya naman ang trabaho. Hindi rin naman gaanong marumi ang kwartong ito. Binuksan niya ang closet at naghanap doon ng pamalit sa bed sheets at kurtina. Swerte at may nakita siyang naka-intack doon maliban sa ilang naka-hang na t-shirt. Set iyon ng punda, kobre kama at kurtina. Kulay berde, kulay panlalaki.

Saglit siyang lumabas at naghanap ng mga gamit panlinis sa kusina. Nang makuha ang mga kailangan bumalik siya sa silid at nagsimula nang linisin ang kwarto. Tiyempo na wala si Jhonel habang nagtatrabaho siya. Hindi niya rin ito inabutan sa labas. Mabuti na rin iyon para walang sagabal at istorbo sa galaw niya.

Nang matapos si Laceyleigh sa ginagawa ay ibinalik niya ang mga gamit sa pinagkuhanan. Ngayon niya naramdaman ang literal na pagod, pagod ng kataw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status