ANMELDENNadineNanatiling nakatingin sa akin ang dalawang lalaki. Marahil ay nagtataka ang mga ito kung bakit hindi man lang ako kabakasan ng takot.“Excuse me,” sabi ng boses ng isang babae.Sabay-sabay kaming tumingin at nakita namin ang nasa mid thirties na magandang babae. Disente at professional ang dating niya at kababakasan ng authority.“Miss Missy,” sabi ni Jen. “Please make this woman leave.”Miss Missy?Siya ang designer at may-ari ng boutique na ito?“I’m sorry, Miss Jen. But she’s also a client,” magalang na tugon ng designer. May magiliw na ngiti sa kanyang mga labi, halatang hindi din niya gusto na mapasama ang loob ng kaharap.“But she infuriates me!” maarteng sabi ni Jen.Nanulis ang nguso ko dahil sa sinabi niya bago ako bahagyang natawa.“See that? She’s mocking me!”Ang lakas pa rin ng kanyang boses.Tumingin sa akin si Miss Missy.“And you are?” tanong niya.“I’m Nadine. Miss Elise Suarez made an appointment for me.”Tumayo ako at iniumang ang aking kamay para makipag-sha
NadineMaayos na ang mga gamit ko sa third floor, kahit sino ay walang nagtatangkang umakyat doon sa takot sa tatlong alaga kong aso na sina Sheep, Noodle at Collie.Matatalino ang tatlo kaya walang kaso sa akin ang paglilinis. Alam nila kung saan dudumi o iihi kaya hindi nangangamoy ang third floor.They helped me when necessary at higit sa lahat, magaling silang bantay na kahit walang CCTV ay sigurado akong walang mawawala sa mga gamit ko.Kapag bumaba sila ay hindi sila basta-basta mangangagat, pero kapag may nakialam sa gamit ko ay alam na nila ang gagawin.“Nadine, I don’t like dogs,” sabi ni Lois Lane ng bumaba ako at madatnan ko siya kasama si Mommy sa living room.“So?”“Nadine, hindi pwedeng may aso dito sa bahay. If you want, we can give them space sa backyard.”Tinignan kong mabuti ang aking ina.“May naaamoy ba kayong mabahong amoy ng aso?” tanong ko.Nagtinginan silang dalawa bago umiling.“May naririnig ba kayong maingay na kahol ng aso?” tanong ko pa at muli silang umil
Aldrich“Dad, kailan mo ba ako tatantanan? Hindi na ako bata para hanapan mo ng mapapangasawa,” sabi ko sa aking ama habang magkaharap kami sa aking opisina.Pagbalik ko galing sa business trip ay sa hotel na ako tumuloy. Ngunit heto at pinuntahan naman niya ako sa kumpanya.“I already told you, dumating na ang anak ng mga Madrigal. Meet her.”Tinignan ko siyang mabuti matapos kong ilapag ang ballpen sa mesa.“Ilang taon ka na, Aldrich. Hindi na ako bumabata, gusto ko ng makita ang mga apo ko sayo at masiguro na magkakaroon ka ng maayos na pamilya.”“I’ll try to make time, Dad.”Siya naman ang tumitig sa akin na para bang napakaimposible ng sinabi ko.Sabagay, nagsawa na yata siya na marinig mula sa akin ang mga salitang iyon. Mas malamang na wala akong oras para sa kahit na anong bagay kaysa ang meron.Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya nagsalita pa. Ngunit bago ito tuluyang umalis ay binigay niya sa akin ang isang imbitasyon.“Homecoming?” tanong ko habang nakatitig sa imbita
Nadine“Imbecile!”Halos umalingawngaw sa buong living room ang galit na sigaw ni Mr. Recto. Namumula ang mukha niya habang nakatitig sa akin, tila hindi makapaniwalang may isang babaeng naglakas-loob na insultuhin ang anak niya sa harap mismo nila.Pero honestly, hindi man lang ako natinag.Nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko, kalmado ang ekspresyon habang salit-salitang tinitingnan ang mag-asawang Recto at ang anak nilang si Evan. Kung iniisip nilang kaya nila akong sindakin sa pamamagitan ng malalakas na boses at nagngangalit na mga mukha, malaking pagkakamali sila.I've faced different kinds of people in my life. Doctors, generals, billionaires, politicians, and other important VIPs. Nakaharap na ako sa mga taong mas may kapangyarihan at impluwensiya kaysa sa kanila. Isa lamang silang Recto. So, what exactly could they do to me?“Mr. Recto, I'm really sorry about my daughter's behavior,” agad na singit ni Dad, pilit na pinapakalma ang sitwasyon. Halatang hindi niya nagustuh
Nadine“Dad, huwag na tayong mag-aksaya ng oras, pagod at pera kay Nadine. Alam naman natin kung ano ang mangyayari kapag pinilit natin siyang ipasok sa St. Gabriel,” sabi ni Ryan habang nakasandal sa kanyang upuan. Halatang gusto na niyang tapusin ang usapan tungkol sa pag-aaral ko."She'll be a disgrace to our family kapag nalaman ng lahat na ginawa natin ang lahat upang makapasok siya sa St. Gabriel."Napatingin naman sa akin si Minerva at pilit na ngumiti.“Nadine, anak. Makinig ka sa amin ng Daddy mo. Tanging ang kapakanan mo lang ang iniisip namin.”Oh, really?Kung ganon, bakit parang mas interesado silang ipaalala sa akin kung ano ang hindi ko kayang gawin kaysa tulungan akong makamit ang gusto ko?“If that's the case,” singit ni Christopher, “I'll try to find another university na pwede sa kanya.”Hindi ko na napigilang mapa-eye roll, lalo na nang mapansin ko ang bahagyang pagngiti ni Lois Lane. Para bang siya ang nanalo sa isang malaking debate at napatunayan niyang hindi ako
Nadine“Hindi naman namin sinabing mahihirapan kami. Ikaw lang talaga ang inaalala namin, anak,” mahinahong paliwanag ni Mommy, na para bang gusto niyang iparamdam sa akin na concern lang ang lahat ng sinasabi nila.Concern? Really?“May entrance examination ang bawat university, Nadine. Sigurado ka bang maipapasa mo ang mga iyon?” singit ni Lois Lane, sabay tingin sa akin na para bang isa akong estudyanteng kailangang turuan kung paano magbilang.Dahan-dahan akong napalingon sa kanya at bahagyang tinaasan siya ng kilay. Wow! Ang aga naman ng pangmamaliit niya sa kakayahan ko. Hindi pa nga ako nakakakuha ng exam, bagsak na agad ang tingin niya sa akin. Napaka-optimistic naman ng babaeng ito!“Nadine, I heard from Alfon na hindi ganon kataas ang mga grades mo noong high school. Paano ka makakapasa sa entrance examination?” dagdag naman ni Ryan, na tila ba may hawak siyang personal copy ng report card ko at isa-isa niyang pinag-aralan ang mga pagkukulang ko.Napangiti ako nang bahagya.







