ログインMADISON:
My lips parted of what he said. Napangisi naman ito na matiim na nakatitig sa akin. Saka ko lang napansin na ang init na pala ng mukha ko. Paniguradong ang pula ko na! Gosh! Naitulak ko ito na hindi manlang gumalaw. Para lang akong nagtulak ng pader sa lakas niya. Iba rin. Macho na, malakas pa. "Stop saying weird things. Parang timang naman ‘to," ingos ko na pilit pina-normal ang lahat. A smirk tugged at the corner of his lips. Not a full smile. Just enough to make my heart skip a beat. Damn him. Ang lakas ng dating niya ha? Ang dami ko naman nang nakasalamuhang katulad niya pero–iba siya. Iba ang dating niya sa akin. At kahit ilang oras ko pa lang siyang nakikilala ay parang ang gaan na ng loob ko sa kanya. Komportable na ako sa kanya at parang. . . parang matagal na siyang may bahagi sa buhay ko. I quickly looked away. The room suddenly felt warmer. Or maybe it was because of him. Bigla tuloy akong pinagpawisan dahil sa tukmol na ‘to. Punlahan daw ba naman ako? My God, e ni hindi pa nga ako nakikipaghalikan e, ang magpabembang pa kaya? "Let's just sleep," I muttered. “Inaantok na ako,” wika ko. “Magtatabi tayo sa kama?” tanong niya na nakakunot ang noo. I rolled my eyes. Aba, parang lugi pa siya? "You're my bodyguard, right?" wika ko. "So stay beside me and protect me." Before he could answer, I climbed onto the bed and pulled the blanket over myself. A few seconds later, the lights went out. The room fell into darkness except for the faint glow coming from outside. Masikip ang silid, malamig, at kaming dalawa lang ang nandidito ni Caleb. Oh God. Ang bilis naman ng mga pangyayari. Sinusubukan mo ba ang pagiging mahinhin ko? Shit. Mahinhin ba ako? Parang hindi naman. Napapikit ako na napalunok. Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. This was the first time in my life that I'd be sleeping beside a man. Not just any man. Caleb freaking Cabrera. The most handsome man I had ever seen. I swallowed again. Teka–sinabi ko bang siya ang pinakagwapo kong nakita sa tanang buhay ko? The heck, Maddie!? Ang gwapo kaya ng mga tito at lalake sa pamilya namin. Even our family friends. “Matulog na, Maddie.” Paalala ko sa sarili. Huminga akong malalim. Several minutes passed. Wala pa ring nangyayari. Tahimik na ang silid at madilim. Tanging ang lampshade lang sa sulok ang nagsisilbing liwanag dito. “Tulog na ba siya?” usal ko sa isipan. Napalapat ako ng labi. Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata para makita si Caleb na tahimik sa tabi ko at– "What the hell?!" bulalas ko! Caleb was still awake! Parang lumukso ang puso ko na magsalubong ang mga mata namin dahil nakatitig lang naman ito sa akin! He's sitting upright against the headboard. Motionless. Like a bodyguard statue! "Bakit?” tanong niya pa. Napakurap-kurap ako na naupo at nahampas ito sa braso! "You scared me!" His expression didn't change. "What seems to be the problem?" aniya. "Why are you still awake?" balik tanong ko. Naipilig niya pa ang ulo. "You told me to guard you." Napakurap-kurap ako na hindi makapaniwala sa sinabi niya. Napatampal ako sa ulo na humingang malalim. "My God, Caleb." "What?" "Seryoso ka ba?" "Yes." "You've been sitting there this entire time?" wika ko ditong napapilig ng ulo na tila napaisip. "Sabi mo bantayan kita, boss." I groaned dramatically. "That doesn't mean stare at me all night. Are you a human? A robot? Or alien? Ano ‘to, kung ano'ng sasabihin ko. . . gagawin mo?” panenermon ko dito. "If necessary." I blinked. "What?" "You are my boss." His voice remained calm. "My job is to protect you. If we're both asleep and danger comes, who will respond?" I opened my mouth. Then closed it. Then opened it again. No words came out. Because annoyingly enough. . . his logic made sense. Tangina. Bakit parang hindi naman talaga boss ang turing niya sa akin? Pabagsak akong nahiga ng kama. "You're unbelievable." Hindi siya sumagot. Napanguso ako na nakamata sa ceiling. Ilang minuto pa ang lumipas, nanatili din itong nakaupo sa pwesto at tahimik lang. Muli, bumuhos na naman ang malakas na ulan. "Caleb?” "Yes, boss?" "Matulog na tayo. Makakaramdam ka naman siguro kung may panganib na parating. You don't have to stay awake the whole fvcking night.” Wika ko. I grabbed the two pillows and placed them between us. A clear boundary. A warning line. Napasulyap naman siya doon. I pointed at it. "Don't cross that. Ayoko ng malikot sa kama ha?” pagbabanta ko. "I won't dare, boss." "You better not." I narrowed my eyes. "If I wake up tomorrow and you're hugging me or holding me, I'll kick you out of the bed. Gugulpihin talaga kita oras na tsansingan mo ako." "I understand." Only then, I turn around and close my eyes. Napangiti ako na pinapakiramdaman ito. Napahinga pa siya ng malalim. Haist. Parang luging-lugi talaga siyang makatabi ako sa kama, mare. Tangina. A moment later, I felt the mattress sink slightly. Maingat siyang humiga. Then the bedside lamp clicked off. Darkness swallowed the room. Napangiti ako na binalot ang sarili sa makapal na kumot. Bahala siya kung hindi siya magkukumot. Ang sabi ko lang naman. . . hwag niya akong tsansingan habang natutulog ako. KINABUKASAN, naramdaman kong ang init at tigas ng kinasisiksikan ko. Pero kahit matigas, ang komportable sa pakiramdam. Na parang safe na safe ako at walang makakagalaw sa akin sa kinatataguan ko. Still half-asleep, I smiled and snuggled closer. The warmth remained. In fact. . . it felt really nice. Napangiti ako na nanatiling nakapikit. Maya pa'y. . . may mahinang ungol akong narinig. Napalis ang ngiti ko at natigilan ako. Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata. Then I froze. Dahil unang bumungad lang naman sa akin. . . ang malapad na dibdib ng lalake na tanging roba lang ang suot. My brain stopped functioning. My soul left my body. Because somehow. . . I was wrapped around Caleb! My one arm draped across his chest. My one leg practically hooked over his. Nakayakap ako sa kanya habang nakasiksik na ito sa sulok nitong kama! The pillows I'd carefully placed between us last night had completely disappeared. Mga traydor! Iniwan ba nila ako? Saka paanong. . . heto at ako ang tila nangsasamantala kay Caleb?! "Oh my God!" bulalas ko na napaupo ng kama! My face burned. How did this happen?! Napasabunot ako sa ulo na naiisip ang nangyari kagabi. Pero malinaw naman sa isipan ko na tumalikod ako sa kanya. Impit akong napairit na maalala ang pagbabanta ko sa kanya kagabi na hwag na hwag akong hahawakan o yayakapin. Pero heto at. . . ako ang gumawa no'n. Gosh! This is embarrassing! Dahan-dahan akong napalingon dito at napalunok na mapatitig sa maamo niyang mukha. Nahihimbing pa rin siya. Nakahinga ako ng maluwag na natutulog pa siya. Hindi ko namalayan. . . heto at nakahiga na pala ulit ako at matamang itong pinagmamasdang tulog! Oh God. How could someone look that handsome while sleeping? His skin was ridiculously smooth. His eyelashes were long. His eyebrows were thick and dark. His nose was sharp and perfectly shaped. And his lips. . . my gaze landed on them. Napalunok ako na bumilis ang tibok ng puso na mapatitig sa mga labi niyang ang kissable. Shit. Parang nang-aakit pa ang mga iyon! Kahit ang jawline niya ay perpekto ang hugis na parang pinaretoke. Napakagwapo niya! He honestly looked like Zhang Linghe. A tiny smile spread across my face. Para akong sayad dito na pinagmamasdan siya. Kinakabisado ang hulma ng mukha niya. Kahit ang maliit niyang nunal sa tongki ng ilong niya ay napansin ko. "Kabisado mo na ba ang mukha ko, boss?" “Ayt–butiki!” gulat kong bulalas na magsalita ito! Namimilog ang mga mata ko at parang lumukso ang kaluluwa at puso ko na dahan-dahan itong nagdilat ng mga mata! “Mukhang. . . pinagpapantasyahan mo yata ako, boss?” aniya pa na gumalaw ang sulok ng labi sa pagngisi. Napakurap-kurap ako. Ang sarap sa tainga ng baritonong boses niya na namamaos pa. A morning voice. A very attractive morning voice. Kikiligin pa sana ako pero– "H-hoy!" singhal ko dito at mabilis na napaupo! “May laway ka, gigisingin nga dapat kita e!” One of his eyebrows rose. Halatang hindi siya naniniwala sa alibi ko! Naman oh! Nakakahiya! "Hindi ako naglalaway habang tulog, boss." "Meron." "Wala." "Meron nga kasi! Just admit it! Bakit ka ba nakikipagdebate sa akin?" ingos ko dito. His lips twitched. “Pinapahiya mo naman kasi ako, boss.” "Tayong dalawa lang ang nandito. As if namang ipagkakalat kong nakita kitang may laway habang tulog,” ingos ko na bumaba na ng kama at sinamaan ito ng tingin. Paano ba naman? Nakangisi siya sa akin! “Tsk, kalalakeng tao, naglalaway habang tulog. Ano ka, bata?” The amusement in his eyes deepened. Bago pa ako mabisto, nagmamadali na akong nagtungo ng restroom! Pagpasok ko, narinig ko itong mahinang natawa. A low chuckle. A real one. Napapadyak ako ng mga paa na nanghihinang napasandal ng pintuan. Haist. Nakakainis. Sayang. Ito ang unang beses na narinig ko siyang natawa. Siguradong napakagwapo niyang tumawa, pero heto at hindi ko nakita dahil nag-walkout ako sa kanya. “Naman oh!”MADISON: We spent several peaceful minutes sipping coffee before I excitedly pulled him toward the arcade. Naiiling naman ito na sinusunod ako dahil alam niyang wala siyang panama sa akin. Nagniningning ang mga mata ko na namili ng gagamitin namin. Minsan lang kasi kami gumala sa mga mall dahil na rin sa sitwasyon namin. Hindi kami pwedeng basta-basta pagala-gala sa publiko. “So, what do you want to play?” Caleb asked me. Itinuro ko ang gusto ko. “Let's do racing first, Caleb. Kapag matalo mo ako, iyong sunod nating gagawin ay ikaw ang masusunod.” Sagot ko ditong tumango. “Game.” I practically ran while Caleb calmly followed behind me. Napapalingon din ang mga tao sa amin at hindi ko maiwasang mairapan ang mga babaeng lantarang nagpapa-cute kay Caleb. "Easy, para kang bata, pinagtitinginan tayo. Don't you know how normal people walk?” bulong nito na ikinahagikhik ko. "Well, I'm not normal like them, Caleb." "Sabagay, it's obvious." Pagsang-ayon nito. I gasped dramatically
MADISON: AFTER we ate breakfast, Caleb and I went out according to my plan. Hindi naman na nagtanong pa ang daddy nang magpaalam ako sa kanila kanina na lalabas ako kasama si Caleb. Bukod sa may tiwala siya kay Caleb, alam ng daddy na kaya kong protektahan ang sarili ko kung sakaling magkaaberya. I couldn't stop smiling as Caleb drove us toward Madrigal Mall. Tahimik ito habang nagmamaneho na naka-focus ang paningin sa daan. Hindi ko alam pero–dati ko pa napapansin na may kakaiba kay Caleb at sa aura niya. Madalas siyang tahimik, malalim ang iniisip pero alerto pa rin sa paligid niya–na hindi normal, right? Normal people are not like that. Kapag malalim ang iniisip, madalas ay hindi nito napapansin ang paligid niya. Pero si Caleb? No. Kahit malalim ang iniisip nito at malayo ang tanaw ng mga mata, kahit konting kaluskos lang ay maririnig at maririnig niya. Ramdam ko na may kakaiba sa kanya, para siyang may tinatago sa personalidad niya. I don't know. O baka masyado ko lang b
CALEB: NAPAPIKIT ako na hindi namalayang unti-unting tinutugon ang halik nito! I caught her by the waist before she could hit the floor. Napabitaw ako dito at parang nabuhusan ng tubig na ma-realized ang nagawa ko! Damn! I kissed her! No–we kissed! She looked up at me and grinned, completely unfazed. Bakas ang kalasingan sa mapupungay niyang mga mata na tumitig sa akin at napapapikit-pikit na. “You kissed me,” nakangisi at lasing niyang turan. Napatikhim ako na nag-init ang mukha sa sinaad niya! “Ahem! Pasensiya na. Ikaw kasi e, hindi nga kasi ako bakla,” mahinang sagot ko na napaiwas sa mga titig niyang may halong tudyo pa rin. "Kahit na. You still kissed me. Does this mean–tayo na? You kissed me na e.” Wika niya pa na nangingisi. "Stop it, Madie. You're drunk." Tugon ko at saka maingat itong kinarga. Kaagad naman siyang yumapos sa batok ko at nagsumiksik sa dibdib ko. Lihim akong napangiti nang singhutin pa talaga ako nito saka mahinang napahagikhik. “Hindi a. I'm not dru
CALEB:MAGHAPON akong nanatili sa hospital para samahan ang ama ko. Wala kasing ibang nakabantay sa kanya kaya ang hirap sa akin na iwanan itong mag-isa. The doctors said his condition was finally stable, but he still hadn't regained consciousness. Watching him lie motionless on that hospital bed made my chest tighten.He was all I had left. And I was all he had. Sa mga gan'tong pagkakataon, kaming dalawa lang ang magkasangga. Kami ang hindi mag-iiwanan hanggang huling hininga namin.I took a deep breath before standing. Pasado alas-otso na pala ng gabi. Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga oras. Before leaving, I adjusted his blanket and looked at him one last time."Daddy, aalis na po ako. Magpalakas ka ha? I'll be back tomorrow."Muli akong napabuntong hininga ng malalim bago tuluyang lumabas ng silid nito at inihabilin siya sa mga nurse sa nurse station. Paglabas ko ng elevator, tumuloy na ako sa kinaroroonan ng kotse na gamit ko. “Oh fvck! I'm dead!” Napatampal ako sa ulo na
MADISON: PANAY ang sulyap ko sa wristwatch ko at bawat minutong lumilipas, naiinis ako lalo. Damn. Bakit ko ba siya iniisip? Bakit hindi ako mapalagay na wala pa ito? Isang araw ko pa lang siyang nakakasama pero–heto at nagugulo na niya ang isipan ko. Napabuga ako ng hangin. For the tenth time in the last five minutes, I glanced at my watch again. Napanguso ako. It's already 7:08 PM. Wala pa ring Caleb ang bumabalik ng mansion. Bwisit ‘yon a. Malinaw naman ang sinabi niya kaninang umaga na ilang oras lang siya sa hospital. Kaya hindi na ako sumama sa kanya. I sighed and checked my phone. Still, no message, no missed calls, wala. As in wala manlang paramdam ang tukmol sa buong maghapon. Naiinis akong binuksan ang cellphone ko at akmang tatawagan ito nang may maalala ako. Damn. I didn't even have his number. Napapikit ako na mahinang napamura at ibinaba ulit sa mesa ang cellphone ko. Naiinis na ako na maghapong hindi nagpaparamdam si Caleb. He's my personal bodyguard pero heto at
CALEB: LIHIM akong napangiti na napaniwala ko si Madison. Damn. Muntik na akong mahuli kanina. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya na ako nga ang batang nagligtas sa kanya noon, pero alam naman ito ni Tito Delta. Paglabas namin ng silid, nakaalalay ako dito. Tahimik lang naman ito. Nakasuot ng headphone at nakatutok sa cellphone niya. The moment Madison and I stepped out of the hotel, I moved instinctively beside her. Hinawakan siya sa kamay at inalalayan. Madison didn't seem to notice. Or perhaps she simply trusted me enough not to question it. Pagbukas ng elevator, sabay na kaming lumabas. Pasimple kong pinapakiramdaman ang paligid. Sumulpot naman ang bagong sportcar sa harapan namin at bumaba ang driver no'n na yumuko sa amin ni Madison. Several Rolls-Royce SUVs also arrived moments later. The Madrigals' security convoy. Pinagbuksan ko ito ng pintuan at inalalayan makasakay, bago umikot sa driver side at sumakay na rin. The moment Madison entered the passenger seat, the convo







