Accueil / Romance / The Billionaire And The Island Girl / Chapter 3 : A Name in the Silence

Share

Chapter 3 : A Name in the Silence

Auteur: Moon
last update Dernière mise à jour: 2026-03-09 07:19:57

Chapter 3 : A Name in the Silence

May kung anong mabigat sa kanyang ulo.

Parang may malakas na puwersang patuloy na tumitibok sa kanyang sentido. Ang bawat paghinga ay may kasamang kirot na dumadaloy mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang katawan.

Unti-unting gumalaw ang kanyang mga daliri.

Mabagal.

Mahina.

Parang matagal na hindi nagamit. Naririnig niya ang kung anong tunog sa paligid.

Mahinang ihip ng hangin.

Kaluskos ng mga dahon.

At ang malayong tunog ng mga alon. Dahan-dahang gumalaw ang kanyang mga talukap ng mata.

Mabigat ang pakiramdam ng kanyang mga mata habang pilit niyang binubuksan ang mga ito.

Unti-unting luminaw ang kanyang paningin.

Ang unang bagay na nakita niya ay ang kisame ng isang maliit na kubo na gawa sa kahoy at kawayan.

Bahagyang kumunot ang kanyang noo.

‘Nasaan ako?’

Sinubukan niyang gumalaw, ngunit agad siyang napangiwi sa sakit.

“Ah…”

Mahina ang lumabas na tunog mula sa kanyang labi. Kasabay niyon ay ang biglang pagbukas ng isang pinto.

May pumasok sa loob ng kubo.

Isang babae.

Huminto ito nang makita niyang gising na ang lalaki.

“Ah… you’re awake.”

Malambot ang kanyang boses.

Bahagyang ibinaling ng lalaki ang kanyang tingin sa direksyon ng boses. At doon niya nakita ang babae.

Sandali siyang napahinto. Para bang nakalimutan niyang huminga.

Ang babae ay nakasuot ng isang mahabang saya na may floral design. Ang tela nito ay marahang sumasabay sa ihip ng hangin mula sa bukas na bintana.

Ang kanyang balikat ay bahagyang nakalitaw dahil sa off-shoulder na disenyo ng damit.

Ang kanyang buhok ay mahaba at kulot na malayang bumabagsak sa kanyang likod at balikat.

Ang liwanag ng araw na pumapasok sa kubo ay tumatama sa kanyang buhok, na tila nagbibigay dito ng malambot na kinang.

Sa sandaling iyon, para siyang isang nilalang na hindi kabilang sa mundong ito.

Isang dyosa ng kalikasan. Tahimik na nakatingin sa kanya.

Lumapit ang babae habang may hawak na isang maliit na mangkok.

“You shouldn’t move too much,” sabi niya habang inilalapag ang mangkok sa maliit na mesa sa tabi ng kama.

“Your head injury is still serious.”

Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki.

‘Head injury?’

Sinubukan niyang alalahanin kung ano ang nangyari. Ngunit wala siyang maalala. Walang kahit isang malinaw na alaala. Tanging kadiliman lamang ang sumasagot sa kanyang isip.

“Saan… ako?” mahina niyang tanong.

Saglit siyang tinitigan ng babae.

“Nasa isla ka namin,” sagot niya. “You were washed ashore yesterday.”

Bahagyang naguluhan ang lalaki.

‘Island?’

‘Washed ashore?’

Sinubukan niyang umupo. Ngunit agad siyang napangiwi sa sakit.

“Hey—” mabilis na lumapit ang babae upang suportahan siya.

“Slow down.”

Maingat niyang hinawakan ang kanyang balikat at dahan-dahan siyang tinulungan na umupo.

Nagtagpo ang kanilang mga mata sa malapitan. Sandaling natahimik ang paligid.

Parang may kung anong kakaibang pakiramdam na dumaan sa kanilang dalawa.

Ngunit mabilis ding inalis ng babae ang kanyang kamay.

“You need to drink this,” sabi niya habang inaabot ang mangkok.

Tinanggap iyon ng lalaki. May mainit na likido sa loob.

“Herbal medicine,” paliwanag ng babae. “It will help with the pain.”

Sandali siyang nag-alinlangan, ngunit pagkatapos ay dahan-dahan niyang ininom ang laman nito.

Mapait.

Ngunit kakaibang nakakapagpagaan ng pakiramdam. Pagkatapos niyang maubos iyon, muli siyang tumingin sa babae.

“Who are you?” tanong niya.

Ngumiti ito nang bahagya.

“My name is Aelira.”

Saglit siyang tumigil.

“And you?”

Nanahimik ang lalaki. Sinubukan niyang alalahanin. Ang kanyang pangalan. Ang kanyang pagkatao. Kung sino siya. Ngunit wala.

Wala siyang maalala.

Unti-unting kumunot ang kanyang noo.

“I… don’t know.”

Bahagyang nanlaki ang mata ni Aelira.

“You don’t remember?”

Umiling siya.

“Nothing.”

Napahawak siya sa kanyang ulo habang pilit na hinahalungkat ang kanyang alaala. Ngunit tanging sakit lamang ang kanyang naramdaman.

Biglang may isang salita na pumasok sa kanyang isip.

Isang pangalan.

Mahina siyang nagsalita.

“…Kael.”

Napatingin si Aelira sa kanya.

“Kael?”

Tumango siya nang bahagya.

“I think… that’s my name.”

Hindi niya alam kung bakit iyon lamang ang kanyang naalala. Ngunit iyon lamang ang natitirang piraso ng kanyang pagkatao.

“Kael…” ulit ni Aelira.

Pagkatapos ay bahagyang ngumiti.

“Okay then.”

“Kael it is.”

Unti-unting bumaba ang tingin ni Kael sa paligid. Ngayon lamang niya napansin ang lugar kung nasaan siya.

Ang loob ng kubo ay simple lamang. May kahoy na mesa. Isang maliit na kama.

At mga istante na puno ng mga halaman.

Maraming halaman.

May mga nakasabit sa kisame.May mga nakapatong sa mesa. May mga nakatanim sa maliliit na paso sa tabi ng bintana.

Iba’t ibang uri ng dahon at bulaklak ang naroon. Ang buong lugar ay amoy lupa at sariwang halaman.

Bahagyang kumunot ang noo ni Kael.

“All these plants…”

Napangiti si Aelira.

“They’re mine.”

Lumapit siya sa isang maliit na paso at marahang hinaplos ang dahon nito.

“I grow them.”

“Most of them are herbs.”

Napatingin si Kael sa kanya.

“You live here… alone?”

Tumango siya.

“Yes.”

Pagkatapos ay tumingin siya sa kanya nang maigi.

“You were badly injured when I found you.”

“I couldn’t just leave you there.”

Saglit na natahimik si Kael.

Hindi niya alam kung bakit, ngunit may kung anong kakaibang pakiramdam sa kanyang dibdib.

Isang pakiramdam ng pasasalamat.

“Thank you,” mahina niyang sabi.

Bahagyang nagulat si Aelira. Ngunit pagkatapos ay ngumiti siya.

“You should rest,” sabi niya. “You’re still weak.”

Tumayo siya at naglakad papunta sa pinto. Bago siya tuluyang lumabas, muli siyang lumingon kay Kael.

“Don’t worry,” sabi niya. “You’re safe here.”

At pagkatapos ay lumabas siya ng kubo. Naiwan si Kael na mag-isa. Tahimik ang paligid.

Muli niyang tiningnan ang mga halamang nakapaligid sa kanya.

Ang liwanag ng araw ay pumapasok sa bintana at tumatama sa mga dahon ng mga ito.

Parang buhay na buhay ang mga ito. Dahan-dahan siyang humiga muli sa kama. Ang kanyang isip ay puno ng mga tanong.

Sino siya?

Bakit siya nasa isla?

Ano ang nangyari sa kanyang nakaraan?

Ngunit sa ngayon isa lamang ang alam niya. Ang kanyang pangalan ay Kael. At ang babaeng nagligtas sa kanya… ay ang misteryosong babae ng isla. Dahil marunong itong mag-english kahit na nasa isla lang naman ito nakatira.

“Aelira.”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • The Billionaire And The Island Girl   Chapter 5 : A Life He Never Knew

    Chapter 5 : A Life He Never Knew Lumipas ang ilang araw sa isla. Unti-unting bumabalik ang lakas ni Kael. Hindi na gaanong masakit ang kanyang ulo, at mas nakakagalaw na siya nang maayos kumpara noong unang araw na nagising siya sa kubo ni Aelira. Sa mga araw na iyon, nasanay na siya sa tahimik na routine ng isla. Ang paggising sa umaga dahil sa huni ng mga ibon. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat. At ang tanawin ng malawak na taniman ng mga halaman sa harap ng kubo ni Aelira. Sa una, nahihiya siyang manatili lamang sa kubo habang si Aelira ang gumagawa ng lahat ng trabaho. Kaya isang umaga, habang nagdidilig ng halaman si Aelira, lumapit siya rito. “Let me help.” Bahagyang napatingin si Aelira sa kanya. “You’re still recovering,” sabi niya. “I’m fine,” sagot ni Kael habang bahagyang ngumiti. “Besides… I can’t just sit around all day.” Sandali siyang pinagmasdan ni Aelira. Pagkatapos ay inabot sa kanya ang isang maliit na pala. “If you really want to help… you ca

  • The Billionaire And The Island Girl   Chapter 4 : A Place Like Paradise

    Chapter 4 : A Place Like ParadiseTahimik ang umaga sa isla.Ang hangin ay marahang gumagalaw sa pagitan ng mga puno habang ang sinag ng araw ay dumadaan sa mga dahon ng kagubatan. Sa labas ng maliit na kubo ni Aelira, maririnig ang mahinang huni ng mga ibon at ang malayong tunog ng alon na humahampas sa dalampasigan.Sa loob ng kubo, dahan-dahang nagising si Kael.Sandali siyang nanatiling nakahiga habang nakatingin sa kisame na gawa sa kahoy. May kakaibang pakiramdam sa kanyang dibdib—isang uri ng bigat na hindi niya maipaliwanag.Pakiramdam niya ay maraming bagay na nawawala.Maraming bahagi ng kanyang sarili na hindi niya mahanap.Sino ba talaga siya?Saan siya nanggaling?May pamilya ba siya?May naghahanap ba sa kanya?Sinubukan niyang alalahanin.Ngunit tulad ng dati, tanging sakit sa ulo lamang ang kanyang naramdaman.Napabuntong-hininga siya.“I guess… I really don’t remember anything,” mahina niyang bulong sa sarili.Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama.Mas magaan na an

  • The Billionaire And The Island Girl   Chapter 3 : A Name in the Silence

    Chapter 3 : A Name in the SilenceMay kung anong mabigat sa kanyang ulo.Parang may malakas na puwersang patuloy na tumitibok sa kanyang sentido. Ang bawat paghinga ay may kasamang kirot na dumadaloy mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang katawan.Unti-unting gumalaw ang kanyang mga daliri.Mabagal.Mahina.Parang matagal na hindi nagamit. Naririnig niya ang kung anong tunog sa paligid.Mahinang ihip ng hangin.Kaluskos ng mga dahon.At ang malayong tunog ng mga alon. Dahan-dahang gumalaw ang kanyang mga talukap ng mata.Mabigat ang pakiramdam ng kanyang mga mata habang pilit niyang binubuksan ang mga ito.Unti-unting luminaw ang kanyang paningin.Ang unang bagay na nakita niya ay ang kisame ng isang maliit na kubo na gawa sa kahoy at kawayan.Bahagyang kumunot ang kanyang noo.‘Nasaan ako?’Sinubukan niyang gumalaw, ngunit agad siyang napangiwi sa sakit.“Ah…”Mahina ang lumabas na tunog mula sa kanyang labi. Kasabay niyon ay ang biglang pagbukas ng isang pinto.May pumasok sa loob ng

  • The Billionaire And The Island Girl   Chapter 2 : The Girl of the Island

    Chapter 2 : The Girl of the IslandMaagang sumilip ang araw sa isla.Unti-unting tinabunan ng ginintuang liwanag ang makakapal na dahon ng mga puno habang marahang gumagalaw ang hangin sa pagitan ng kagubatan. Ang malamig na simoy ng umaga ay may dalang halimuyak ng lupa at sariwang halaman.Sa gitna ng isang malawak na taniman, may isang babaeng tahimik na nakaluhod sa lupa.Si Aelira Bloom.Ang kanyang mahaba at kulot na buhok ay bahagyang nakatali sa likod upang hindi makasagabal habang siya ay nagtatrabaho. Suot niya ang isang simpleng puting damit na bahagyang tinatamaan ng liwanag ng araw.Sa kanyang harapan ay mga hanay ng mga halamang maingat niyang itinanim.Mint.Lavender.Chamomile.At iba pang halamang ginagamit niya para sa mga herbal medicine.Marahan niyang hinaplos ang lupa bago niya itinanim ang isa pang maliit na halaman.“Grow well,” mahina niyang bulong. Kahit na sa isla siya naninirahan ay marami siyang alam sa mga bagay na tungkol sa teknolohiya.Pagkatapos ay bi

  • The Billionaire And The Island Girl   Chapter 1 : Betrayal Beneath the Waves

    Chapter 1 : Betrayal Beneath the WavesTahimik ang dagat sa gabing iyon.Ang malalambot na alon ay marahang humahampas sa gilid ng isang marangyang yacht na nakahimpil sa gitna ng karagatan. Sa ilalim ng madilim na langit na puno ng bituin, tila payapa ang paligid.Ngunit sa loob ng yacht na iyon, may nagaganap na isang pulong na hindi kailanman dapat mangyari.Nakatayo sa dulo ng mesa si Kaelen Vireaux, ang kilalang billionaire CEO ng Vireaux Global Holdings. Suot niya ang isang eleganteng itim na suit, at ang kanyang malamig na mga mata ay nakatuon sa mga taong nakaupo sa harap niya.Ang kanyang mga business partners. Mga taong matagal niyang pinagkatiwalaan.“Explain this.”Mabigat ang boses ni Kaelen habang ibinabagsak ang isang folder sa mesa. Nagkatinginan ang mga lalaki sa paligid. Halata ang tensyon sa kanilang mga mukha.“Fifty million missing from the account,” dagdag niya. “And all the transactions lead back to this partnership.”Tahimik ang lahat.Ngunit ang katahimikan na

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status